Chereads / Supreme Asura / Chapter 109 - Chapter 109

Chapter 109 - Chapter 109

"Ganon ba talaga kahirap na i-absorb ang Soul Fragment na ito? Bakit parang hindi naman? Pinaglololoko ba ako ng magandang babaeng walang pangalan na iyon?!" Tila nagtatakang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Hindi siya makapaniwala sa babalang ito ng magandang babaeng walang pangalan na nakilala niya lamang sa konting panahong nakikipag-usap siya rito. Pakiramdam niya kasi ay gino-good time lamang siya nito dahil napikon ito sa kaniya.

"Tama, tinatakot niya lamang siguro ako dahil pikon na pikon siya sa akin. Gusto lamang nito akong gawing praning para di makaganti, tama nga, yun nga ang rason." Tila makukumbinsing sambit ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniyang sarili sa kaniyang isipan lamang. Ano yun, walang hirap sa pag-acquire ng Soul Fragments niya. Hinawakan niya lang tapos walang nangyari? Ganon?! Kaya nakumbinsi niya ang kaniyang sariling gawa-gawa lamang ng magandang babaeng walang pangalan ang mga babalang naisip lamang na panakot nito.

Tila hindi makapaniwala ang batang lalaking si Li Xiaolong na naniwala siya sa magandang babaeng walang pangalan na iyon. Spirit Artifact pero pinagloloko siya at tinakot.

Dahil sa inis niya sa magandang babaeng walang pangalan na isang Spirit Artifact ay mabilis niyang hinawakan ang isang may kalakihan ng konti na Soul Fragment ( pabilog n kulay puting liwanag) mula sa naunang hinawakan at naabsorb niyang Soul Fragment.

POOOFFFFFFFF!!!!!!!

Sa isang iglap lang ay mabilis na nawala sa kawalan at pumasok naman ang rumaragasang impormasyon sa utak ng batang lalaking si Li Xiaolong.

Hindi pa rin nababawasan ang inis ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa magandang babaeng walang pangalan na isang Spirit Artifact. Papatunayan niyang mali ang magandang babaeng walang pangalan na iyon at tanging gusto lamang siyang takutin nito.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at mabilis niyang pinuntahan ang medyo may kalakihan ng konti na sa naunang Soul Fragment ( pabilog na kulay puting liwanag) at mabilis na hinawakan itong muli.

POOOFFFFFFFFFFFF!!!!

Gaya ng naunang dalawang Soul Fragment ( pabilog na kulay puting liwanag) ay tila wala pa ring nangyari. Tila ba ang bagay na ito ay mabilis na ma-absorb at napakaraming rumaragasang impormasyon ang bigla na lamaang lumitaw sa kaniyang sariling kaisipan. Tila ba ang kaunting impormasyon na nakaimbak sa kaniyang kaisipan ay tila apat na beses na ang rami nito magmula ng hinawakan niya ang una hnggang tatlong Soul Fragments ( pabilog na kulay puting liwanag). Hind pa rin makapaniwala ang batang lalaking si Li Xiaolong sa pangyayaring ito.

"Ito na talaga, kapag hindi pa talaga ako nakaramdam ng anumang kalseng paghihirap sa pag-absorb ng natitirang dalawang Soul Fragments ( pabilog n kulay puting liwanag) na nakalutang sa ere sa loob ng lugar na ito ay sinungaling na ang magandang babaeng walang pangalan na Spirit Artifact na iyon. Na Gusto lang ako nitong pagtripan.

Hindi na nga nag-aksaya ang batang lalaking si Li Xiaolong at ilang segundo lamang ay mabilis niyang hinawakan ang ikaapat na Soul Fragment ( pabilog na kulay puting liwanag) na nasa ere.

POOOOOOOOFFFFFFF!!!!!!

Tila wala pa rin siyang naramdamang kakaibang sakit o paghihirap man lang lalo na sa paghinga. Mas higit na napakaraming impormasyon naman ang biglang lumitaw at rumagasa sa kaniyang kaisipan na umusbong sa kung saan man ito nagmula.

Matapos niyang maabsorb ang ikaapat na Soul Fragment ( pabilog na kulay puting liwanag) ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis nitong hinawakan ang ikalima na siyang huling Soul Fragments ( pabilog na kulay puting liwanag) dito na siyang pinakamalaking pabilog na kulay puting liwanag na masasabing matingkad ng di hamak at malaki ng di hamak sa apat na so fragment kani-kanina lamang.

Ipinikit pa ng batang lalaking si Li Xiaolong ang kaniyang sariling pares na mata. Tila ba umaasa itong nakakaramdam siya ng kahit na anumang sakit sa katawan niya sa kasalukuyan yung tipong hinhiling niyang magkaroon ng sakit na nararamdaman sa pag-absorb niya ng nasabing huli at pinakamalaking Soul Fragment ( pabilog na kulay puting liwanag).

Agad niya rin itong hinawakan at...

POOOOFFFFFFFFFFF!!!!!!

Taliwas sa inaasahang matinding sakit na mararamdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong ay walang kahit anong klaseng pakiramdam siyang naramdaman.

Bigla na lamang naramdaman ng batang lalaking si Li Xiaolong ang rumaragasang memorya at impormasyon na tila doble sa pinagsamang nauna hanggang sa ikaapat na Soul Fragmenta ( pabilog na kulay puting liwanag) na na-absorb niya kani-kanina pa. Kasabay ng naramdaman niyang napakayamang impormasyon ay tila wala siyang excruciating pain na naramdaman.

Tila namangha naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa mga pinagsamang memorya at impormasyong pumasok sa kaniyang sariling kaisipan. Tila ang mga bagay na ito ay hindi niya inaasahan. Ang masasabi niya lamang ay...

"Pinagloloko lamang pala ako ng magandang babaeng walang pangalan na iyon na naturingang isang Spirit Artifact sa lugar na ito. Sabi niya ay makakaramdam ako ng ibayong sakit. Hindi kaya may problema sigurong naganap sa akin o talagang nasayang lamang ang aking ginawang paghahanda." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong kung saan ay kinikuwestiyon niya ang kaniyang sariling ginagawa. Hindi niya alam kung maiiyak siya o matatawa sa kaniyang sariling naiisip. Hindi niya inaasahang walang anumang nangyayari sa kaniya.

Hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo, ang kaniyang totoong karanasan rito o ang magandang babaeng walang pangalan na nagpapakilalang isang Spirit Artifact. Masasabi niyang tila mayroong unsolbed case at mystery sa kung bakit ganito ang resulta ng kaniyang pag-absorb ng Soul Fragment ( pabilog na kulay puting liwanag).

Sino nga ba ang nagsasabi ng totoo sa kanila?!

Kahit na marmI pa ring namumuuong katanungan at palaisipan sa batang lalaking si Li Xiaolong ay tila mayroon siyang naaalala.

"Hay naku, isadantabi ko na lamang ang bagay na ito. Kailangan ko na palang umalis sa lugar na ito dahil baka matrap pa ako sa lugar na to na hindi ko gustong mangyari." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang tila kinikilabutan sa naiisip niyang mga negatibong bagay o sitwasyon kung sakaling manatili siya sa ganitong klaseng lugar na ito.

Mabilis na siyang umalis sa lugar na ito at pumasok sa loob ng nasabing lagusan palabas sa pambihirang lugar na ito. Kahit ano'ng sabihin ng batang lalaking si Li Xiaolong, this kind place ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang vibes Kung saan ay hindi niya maipaliwanag.