Chereads / Supreme Asura / Chapter 107 - Chapter 107

Chapter 107 - Chapter 107

Tila bored naman siyang tiningnan ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang sariling kinaroroonan at mabilis na nagwika sa batang nagngangalang Li Xiaolong.

"Hay nakung bata ka. Kung pwede lang sana eh pero hindi pwede eh. Nasa separate na lugar ang bawat pambihirang soul Fragments at lalong-lalo na ang Remnant Souls. Hindi mo ba alam na napakaespesyal nila at bawat isa sa mga ito ay may espesyal na katangian at mga alaalang naroroon. Nasa outer part lamang tayo at sila ang masasabing nasa inner part ng pambihirang lugar na ito.

Kung sakaling ilabas mo ang mga ito rito ay mabilis silang mawawala na parnag bula dahil hindi mapi-preserve sa outer part ng pambihirang lugar dito ang mga Remnant Soul lalong-lalo na ang Remnant Soul na walang nagmamay-ari kundi purong alaala lamang at impormasyon lamang ang naririto. Isa pa ay hindi ako pwedeng makialam at hindi kita matutulungan sa pag-absorb ng Soul Fragments, tanging ang aking paggabay lamang ang aking magagawa at nakadepende sa kakayahan mo bilang Cultivator kung gaano kakakas ang will mo para ma-absorb ang mga ito." Sambit ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ng batang lalaking si Li Xiaolong. Tila ba halata sa boses nito ang helplessness.

"Hmmm... Bakit hindi ko alam ito? Nanggagantso ka ba?!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang tila makikita ang inis sa mukha.

"Hoy, tigil-tigilan mo kong bubwit ka. Di ka naman nagtanong ah. Alangan namang hulaan ko pa at alamin ang mga katanungang nasa isipan mo. Excuse me, hindi ako mind reader noh?" Tila naiinis ring sagot ng magandang babaeng walang pangalan na nagpapakilalang Spirit Artifact ng pambihirang lugar na ito. Masaabaing napikon siya sa sinabing ito ng batang lalaking si Li Xiaolong.

"Hmmp! Ang da------!" Sambit pa ng batang lalaking si Li Xiaolong habang mabilis itong napatigil ng magsalitang muli ang magandang babaeng walang pangalan.

"Dami mo pang sinasabi bata. Gusto mo bang magsara na ang lagusang ito. Maghintay ka nalang ulit ng limang araw bago ko mabuksang muli itong lagusan na ito." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang naniningkit ang pares ng mga mata nitong nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong.

Ikukumpas na sana nito ang kamay nito ng mabilis na nagsalitang muli ang batang lalaking si Li Xiaolong.

"Hep hep hep... Wag mo namang isara ang lagusang iyan

Oo na papasok na ko sa lagusang iyan. Di ka naman mabiro magandang Binibini." Magiliw na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong na tila ba makikitang kinakabahan ito sa naging kilos ng magandang babaeng nasa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinatatayuan.

Napangunot naman ang noo ng magandang babaeng nakatingin sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis na nagwika.

"Kailangan ko bang isara yang lagusan na yan? Ilang minuto lamang ang itatagal niyan ay kusa naman yang sasara. Bakit pa ako maghihirap na isara yan?!" Pasarkastikong sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang nakatingin sa direksyon ng batang lalaking si Li Xiaolong. Kung di ba naman tanga ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong, sinabi niya na ang bagay na ito.

Napakaignorante nito at masasabi niyang na-tense siguro bigla ang batang lalaking si Li Xiaolong dahil sa kung paano ito nataranta bigla sa kaniyang kinikilos.

"Oo na. Akala ko naman ay isasara. Makaalis na nga rito." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong at mabilis na itong lumipad ng mabilis patungo sa direksyon ng nasabing lagusan na visible sa paningin niya. Isa siyang Middle Xantian Realm Expert at walang restrictions sa katawan niya kaya ang kaniyang paglipad at paggamit ng kaniyang sariling enerhiya sa katawan ay tila hindi nito napigilan.

Bago pa makapasok ng tuluyan ang batang lalaking si Li Xiaolong ay narinig niya pa ang sinabi ng magandang babaeng walang pangalan.

"Aalis ka rin palang bata ka, kailangan mo pang takutin hehehe..." Sambit ng magandang babaeng walang pangalan habang nakatingin ito sa kaniyang direksyon.

Magsasalita pa sana ang batang lalaking si Li Xiaolong nang mabilis niyang naramdaman na tila umiikot-ikot ang kaniyang sariling katawan at isipan.

"Hmmp! Ano'ng klaseng lagusan naman ito bakit tila umiikot-ikot ang paningin ko. Niloloko ba ko ng magandang babaeng walang pangalan na iyon? Wahhhh!!!!" Malakas na sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang isipan lamang at mabilis siyang nilamon ng nasabing lagusan.

Napakabilis ng pangyayari kung saan ay nagpadala na lamang sa nakakahilong lagusang ito na pinasok ng batang lalaking si Li Xiaolong.

PAAAAAHHHHHHHH!!!!!!

"Aray ko po!!!!" Sambit bigla ng batang lalaking si Li Xiaolong nnag maramdaman niya lamang na mabilis siyang nalaglag sa lupa.

Aishhhhhhh, ano bang klaseng lagusan to. Napakababaw ng pinagbagsakan ko!" Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong nang mabilis niyang inayos ang kaniyang sarili mula sa pagkakabagsak. Nainis siya sa pangyayaring ito, kung sino man siguro ang nakakita sa kaniya ay malamang humagalpak kakatawa. Nakakahiya ang pagbagsak niya.

Agad niyang ikinalma ang kaniyang sarili. Naaalala niya ang main priority niya sa pagpunta niya rito, ang ma-absorb ang Soul Fragment ng nasabing yumaong nilalang na isang manlalakbay na Cultivator.

Nang iginiya niya ang kaniyang sariling pares ng kaniyang mga mata ay mabilis niyang napansin ang limang mga light dots sa hindi kalayuan.

Masasabing tila nag-eexpect ang batang lalaking si Li Xiaolong na isa lamang ang naririto sa lugar na ito na Soul Fragment ngunit lima ang nakikita niyang tila liwanag na bola.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon kung saan ay mabilis niyang pinuntahan ang nasabing limang bolang liwanag.

Habang papalapit siya ay tila nakikita niya na ang pare-parehas na mga sizes ng bolang liwanag ay magkakaiba pala talaga ang laki ng mga ito.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin siya sa harap nf limang mga bolang liwanag.

Nakakalat lamang ang mga bolang liwanag sa paligid na ito at nakalutang ito sa hangin. Ang pinakamaliit na bolang liwanag ay masasabing naglalabas ng faint glow at ang habang papalaki ng papalaki ang mga bolang liwanag sa paligid ay masasabing tila mas tumitingkad ang liwanag na tinataglay o nilalabas nito. Lahat ay kulay puting liwanag sa nasabing kakaibag hugis bolang liwanag.