Chereads / Supreme Asura / Chapter 73 - Chapter 73

Chapter 73 - Chapter 73

Tila nagalak naman ang puso ng mag-asawang sina Li Qide at Li Wenren sa sinabi ng kanilang anak. Tila ba bilang isang magulang ay nakakataba ito ng puso. Kahit kailanman ay hindi nila inisip na mapapalaki nila ng mabuti at husto ang kanilang panganay na anak. Masasabing mura pa lamang ang edad ng kaniyang anak ngunit kakikitaan na ng potensyal na magiging mabuting indibiduwal ito sa hinaharap. Bihira lamang kasi ang mga anak na sobra ang pagpapahalaga sa kanilang mga magulang.

"Okay na kami anak na okay ka. Magkakasama nating harapin ang problema bilang pamilya." Sambit ng babaeng si Li Wenren habang hindi nito mapigilang mapaluha.

Tanging tango na lamang ang naging tugon nito sa batang si Li Xiaolong bago niya dinaluhan ang kaniyang sariling asawa na si Li Wenren na umiiyak naman ng kusa.

Maya-maya pa ay naging okay at bumalik na sa dati ang lagay ng kaniyang sariling inang si Li Wenren na siyang nagwika itong muli sa kaniyang anak na hanggang ngayon ay nakatayo sa kanang harapan.

"Ano nga pala ang sikretong sinasabi mo kanina anak? May tinatago ka pa bang lihim mula sa amin ng hindi namin nalalaman?!" Sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ng batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang tila hindi ito makapaniwala sa sinabi ng kaniyang sariling anak kanina sa mga huling salita nito.

"Oo inay, sana ay atin-atin lamang ito dahil baka dahil sa sikretong ito ay baka malayo ako sa inyo o kaya ay magkakaroon ng malaking kaguluhan." Sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang seryoso ito sa kaniyang sinabi at walang halong pagbabanta bagkus ay isa itong pagbabala sa  maaaring maging resulta ng kaniyang inililihim mula sa sinuman.

"Huh? May ganon ba? O siya, mangangako na lamang kami sa pamamagitan ng pagpapangako sa kalangitan nang sa ganon ay walang ligtas kung sakaling sabihin namin iyon sa kung sinumang nilalang." Seryosong sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ng batang si Li Xiaolong. Masyado siyang nababahala kung sakaling sabihin ito ng kaniyang sariling anak sa kanila ang lihim niya at maisabi nila ng hindi nila sinasadya sa ibang mga nilalang at magresulta pa ng ibayong kapahamakan ng kaniyang sariling anak.

Napatango lamang ang kaniyang sariling ama sa kaniyang ina.

Hindi naman mapigilang mapakamot na lamang sa kaniyang sariling batok ang batang si Li Xiaolong dahil sa tinuran ng kaniyang sariling ina at pagsang-ayon ng kaniyang sariling ama. Hindi nito alam kung ano ang maaaring sabihin niya sa mga ito kaya mabilis siyang nag-isip ng sasabihin niya.

"Huwag niyo nang problemahin iyon ina. Hindi naman na kailangang gawin iyon. Ang sa akin lang ay itago niyo lamang ito hangga't maaari sa ngayon dahil kung may lakas na kayo ay hindi na tayo maaapi-api at ituturing na mababang nilalang ng mga masasamang nilalang lalo na sa likod ng pamunuan ng Sky Flame Kingdom." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang makikitang ayaw niyang gawin iyon ng kaniyang sariling ina. Lalo pa at ang pag-bitaw ng oath sa kalangitan ay sinasabing totoo iyon lalo na't maraming nagsasabing maraming natamaan ng Heavenly thunder mula sa kalangitan papunta sa taong hindi tumupad sa pangakong binitiwan nito sa kalangitan. Sinong gustong mangyari ang bagay na ito lalo pa at sa mga magulang pa nito hindi ba? Gawain lamang iyon kung wala siyang tiwala sa mga taong nasa paligid niya pero sa magulang niya? Masyado naman iyong masaklap na paraan. Paano na lamang kung pagbantaan ang mga ito at walang pagpipilian kundi sabihin ang katotohanan patungkol sa lihim na tinatago niya.

"Oo anak. Makakaasa ka sa amin. Hangga't hindi nalalagay ang buhay namin o ng kahit na sino sa pamilyang ito ay hindi kami magsasalita o ipagsasabi ang mga bagay na sasabihin mo palang." Nakangiting sambit ng lalaking si Li Qide habang tila makikita ang kasiyahan sa puso nito.

PAAAHHHHHH!

Isang malakas na paghampas sa braso ang natanggap ng lalaking si Li Qide mula sa kaniyang sariling asawa na si Li Wenren matapos nitong sabihin ang nais nitong sabihin.

"Umayos ka nga Li Qide, masyado ka namang mababaw sa sinasabi mo. Ang pagtitiwalang ibinibigay ng ating sariling anak sa akin ay dapat nating tumbasan ng ganon din kalaki. Parang hindi ka nag-iisip ng maayos eh!" Pagsuway na sambit ng babaeng si Li Wenren kontra sa sinabi ng kaniyang sariling asawang si Li Qide. Para sa kaniya, ang dating lamang nito ay sobrang babaw ng pagpapahalaga ng kaniyang sariling asawa sa tiwalang ibinibigay ng kanilang anak. Bilang magulang ay dapat pakaingatan at pahalagahan ang kanilang anak kagaya ng pagpapahalaga sa kanila ng kanilang anak bilang magulang nila. Bilang ilaw ng tahanan ay hindi maaaring ganon lamang ang sabihin ng kaniyang sariling asawa na siyang haligi ng kanilang tahanan.

Matalim na tiningnan ng babaeng si Li Wenren ang kaniyang sariling asawa na si Li Qide matapos nitong sabihin ang di pagsang-ayon niya sa sinabi nito at hinarap ang kaniyang anak na malumanay ang mukha kaibahan sa ekspresyon ng mukha nito na binigay niya sa kaniyang asawang si Li Qide.

"Wag mong isipin ang sinasabi ng ama mo anak at mag-uusap kami ng masinsinan nito. Patungkol sa sinabi mo anak ay pinapangako kong hindi kami magsasalita o ipagsasabi ang mga bagay na ikakasama o ikakapahamak. Bilang ina mo ay porpotektahan kita hanggang sa kahuli-hulihan ng aking buhay o mawala man ako sa mundong ito ay gagabayan kita. Kahit sa ganitong paraan ay makabawi man lang kami o ako na iyong ina sa lahat ng pagkukulang namin sa'yo. Deserve mo ang mga mabubuting bagay sa mundong ito at makita kang masaya, malusog at malayo sa kapahamakan ay wala na kaming mahihiling pa ng iyong ama." Madamdaming sambit ng babaeng si Li Wenren na siyang ina ng batang lalaking si Li Xiaolong. Bilang ina ay sisiguraduhin niyang hangga't buhay siya at humihinga siya ay sisiguraduhin niyang susuportahan niya at paglalaanan niya ng pagmamahal ang kaniyang sariling anak upang hindi ito mawala sa tamang landas.

Tila kusang tumulo naman ang mga butil ng luha sa pares ng mata ng batang si Li Xiaolong dahil sa sinabing ito ng kaniyang sariling inang nagluwal sa kaniya sa mundong ito. Tunay na napakaswerte niya at mayroon siyang inang mapagkalinga at isang amang kahit na hindi ito aware sa kung paano ang tamang pagsabi o habi ng mga salita ay alam niyang sobra ang pagmamahal at pagpapahalaga rin sa kaniya.  Masasabi ng batang si Li Xiaolong na ito ang tunay na kayamanang hindi nabibili o masusukat ng anumang kayamanan o  halaga ng salapi. Masuwerte siya dahil kahit ganito ang estado nila sa buhay ay nahanap niya ang kayamanang walang katumbas na anumang bagay sa mundong ito, ang dalisay na pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak.