Chereads / Supreme Asura / Chapter 67 - Chapter 67

Chapter 67 - Chapter 67

"Hmmmp! Ako pa ba, wala ka bang tiwala sa akin. Lahat ng kayamanang nakatago sa mga lupa ay kaya Kong hanapin hehehe... Paano yan talo ka bata?!" Malademonyong sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang nakangisi itong tiningnan ang batang si Li Xiaolong.

"Ah... Eh...?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong itinaas ang dalawa nitong kamay.

"Hahaha... O siya, ang kalahating Top Grade Blood Gem Crystals ay ibibigay mo sa magulang mo o itatabi mo lang muna. Saka mo na ibigay kapag makakaya na nilang i-absorb ang mga ito. Ang Low Grade Blood Gem Crystals tsaka yung Middle Grade Blood Gem Crystals muna ang ibigay mo sa mga ito baka mapagkamalan kang magnanakaw niyan hahaha...!" Paalalang sambit ni Fai at hindi nito mapigilang magbitaw ng pabirong salita sa huling pangungusap na sinabi nito.

"Yan din naman ang plano ko eh. Palalakasin ko muna ang aking ina at si ama para hindi naman sila maabuso ng kung sino lamang rito at hindi sila masaktan ng kung sinuman. Plano ko pang maglakbay sa mas malawak na lugar. Mas magiging kampante ako kung magiging matagumpay ang plano kong ito at hindi ako uwi ng uwi kung sakaling magkaroon man ng problema." Sambit ng batang si Li Xiaolong. Hindi kasi siya maaaring maging pabaya lamang at hindi isaalang-alang ang kanilang sitwasyon dito sa Li Clan na nalatirik sa Green Valley ang kanilang angkan.

"Tama ka bata. Dapat pag alis mo sa angkan ng Li palabas ng Sky Flame Kingdom ay hindi na kayo guguluhin pa ng mga opisyales ng Sky Flame Kingdom. Mahirap kasi kapag tuluyang nagkagitgitan tapos ay walang lakas o pwersa ang buong Green Valley. Nakakalungkot isipin kong hahayaan mo silang mamatay lamang lalo na ang mga inosenteng mga buhay na tahimik na naninirahan lamang dito." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang makikitang sumang-ayon ito sa batang si Li Xiaolong.

"Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maresolba ang masamang kalagayan at unos na paparating sa Li Clan at sa iba pang karatig-angkan sa Green Valley na ito pero di ko maipspsngako na walang mapapaslang na inosenteng nilalang kung sakaling mangyari ang kinatatakutan natin." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita na hindi ito palagay sa sitwasyong ito lalo pa't masyado ng nagiging mapangahas na ang mga hakbang ng kung sinumang indibidwal na opisyales ng Sky Flame Kingdom.

"Tama yan bata. Hindi mo naman hawak ang buhay ng mga ito. Binabalik mo lang ang mga pabor na nakuha mo sa mga ito. Tunay ngang kahanga-hanga ang iyong kakayahan sa pag-intindi ng mga bagay-bagay." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang mabilis nitong tiningnan ang batang si Li Xiaolong.

Agad namang inilagay sa malaking sisidlan ang mga nasa isang libong Top Grade Blood Gem Crystals. Hindi naman paghihinalaan ito sapagkat sisidlan naman ito ng mga prutas at gulay na isang closed na sisdlan at walang butas-butas pata paghinalaan ng sinuman. Palagi ngs niys itong bitbit-bitbit. Hindi kasi maipagkakailang mayroon itong kakaibang laman.

Inilabas muli ng batang si Li Xiaolong ang isa niyang malaking sisidlan para at agad rin itong napuno ng napakaraming Low Grade Blood Gem Crystals at Middle Grade Blood Gem Crystals kung saan ay masasabi niyang napakarami ng Cultivation Resources ito ang High Grade Blood Gem Crystals ay hindi niya muna ilalagay o inihalo sa sisidlan ng Low Grade Blood Gem Crystals at ng Middle Grade Blood Gem Crystals. Baka aksidente pa itong makuha ng kaniyang sariling mgs magulang at sumabog pa ang katawan ng mga ito kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari kagaya ng aksidente sa maling pagkaka-recognize ng mga kalidad o grado ng Blood Gem Crystals na ito.

"Hayst sa wakas ay natapos ka na batang Xiaolong. Tingin ko ay maggagabi na talaga ngayon. Delikado kung magtatagal pa tayo dito lalo na sa labas ng masukal na gabutan rito baka may masagupa pa tayong mga nilalang rito, mas mahihirapan tayo makalabas niyo." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang makikita na tapos na ang batang si Li Xiaolong sa paglagay ng mga Blood Gem Crystals sa dalawang malalaking sisidlan na dala niya.

"Oo na, ito na talaga. Alis na tayo Fai." Sambit ng batang si Li Xiaolong at tila walang hirap lamang nitong hinawakan ang dalawang naglalakihang mga sisidlan kung saan ay makikitang mabilis na itong naglakad kasunod sa likod ng naglalakad na nagsasalitang quoll na si Fai.

Tila ramdam ng batang si Li Xiaolong na mayroong kakaibang nangyayari sa nagsasalitang quoll na si Fai. Ramdam niyang may mangyayaring hindi maganda.

Papalabas na sila ngunit hindi nga nagkamali ang batang si Li Xiaolong nang mapansin niyang tila naging alerto ang nagsasalitang nilalang na si Fai kung saan ay huminto ito.

"Ba't ka huminto Fai?!" Sambit ng batang si Li Xiaolong nang tila ramdam niyang naging alerrto ito at lumilinga-linga sa paligid. Kahit kasi na Xiantian Realm Expert ang batang si Li Xiaolong ay mayroong restrictions na nakalagay sa kamay nito. Ang pagkahina ng kaniyang mga senses at pagdama ng panganib sa paligid ay humina rin. Hindi siya ganoon kalakas liban na lamang kung tatanggalin niya lamang ang batong nakalagay at nakabaon sa kamay nito ng sa ganon ay makakakaya niyang lumaban ngunit kapalit nito ay ang pagkalantad ng kaniyang kasalukuyang tunay na Cultivation Level.

"Shhh... Wag kang maingay Fai. Mayroong halimaw sa labas ng kagubatang ito. Napakarami nila at kanina pa sila naghihintay sa ating paglabas dito." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai kung saan ay nagkakaroon ng kakaibang pagtaas ng balahibo nito sa buong katawan nito na tila ba maihahalintulad sa mga hayop na pusa.

"Hmmm... Alam mo ba kung ano ang mga ito? Nakikita mo ba sila mula dito?!" Patanong na sambit ng batang si Li Xiaolong. Tila ba hindi nito alam kung ano'ng klaseng nilalang ang mga ito o kung anong klaseng grupo ng individual ito.

"Sa aking nakikita ay mga Wild Wolves ang mga ito. Nasa Peak Condensation Stage lamang ang kabuuang lakas nito ngunit nasa dalawampo ang bilang ng mga ito." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang makikita ang labis nitong inis sa pagsasalita nito.