Chereads / Supreme Asura / Chapter 602 - Chapter 602

Chapter 602 - Chapter 602

Natagpuan na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nakalabas sa teritoryo ng Mint City. Dahil sa paglalakbay niyang ito ay maraming mga may kabuluhang bagay siyang natutunan. Hindi lamang dahil sa pambihirang mga bagay na nalalaman niya kundi maging ang mga patungkol sa banta ng pambihirang bagay na hatid ng pag-exist ng Devil's Clock.

Ang pambihirang bagay na Devil's Clock na nakita niya sa loob ng nawasak na siyudad ng Mint City ay hindi tunay sapagkat isa lamang iyon akumulasyon ng pambihirang ilusyon na ginawa mismo ni City Lord Bao upang protektahan ang sikretong hatid ng pag-exist noon ng Mint City.

Hindi ordinaryong ilusyon lamang iyon dahil kayang-kayang magtamo ng sugat ang sinuman sa mismong ilusyon o di kaya ay kamatayan ang hatid sa sinuman na hindi magiging alerto sa pag-exist ng ilusyon.

Hindi na sinubukang sirain ni Wong Ming ang kakaibang uri ng ilusyong bumabalot sa Mint City dahil hindi naman niya hawak ang buhay ng sinumang mangahas na subuking tuklasin o galugarin ang nasabing siyudad ng Mint City upang maghatid ng babala sa lahat na hindi ito dapat na pasukin pa.

Palaisipan pa rin kay Wong Ming ang siyudad ng Red City at ng Dark Mist City. Ang pulang siyudad laban sa itim na siyudad maging sa patas na siyudad. Hindi niya alam kung sino sa tatlong siyudad na ito ang may pasimuno.

Ang Upper Mint City ay tanging ang Dark Mist City lamang ang may lakas na labanan ang Red City ngunit hindi naman ibig sabihin na tahimik lamang ang Dou City ay mananahimik lamang ito. Sa tatlong siyudad na ito ay siguradong unang magdurusa ang Dou City dahil pinapagitnaan sila ng dalawang malakas na siyudad.

Nakaramdam ng pangamba si Wong Ming na isiping nasa teritoryo ng Dou City ang pambihirang bagay na Devil's Clock. Kung noon pa ito nag-eexist ay sigurado siyang maraming mga malalakas na nilalang ang may alam rito at kung di siya nagkakamali ay ang iba rito ay may matataas na posisyon sa tatlong siyudad.

Hindi malayong tama siya dahil kung tama siya ng pagkakaanalisa ay nasa gitnang bahagi ang Dou City ngunit bakit ang mismong Dou City ay hindi nagdurusa at tanging ang mga kaharian ang mismong nagkakaalitan?!

Tanaw ni Wong Ming ang sarili niyang nasa gitna ng daanan. Sisimulan niya na ang pag-imbestiga sa mga bagay-bagay patungkol sa Red City at kung ano'ng panganib ang maaaring dala nila sa Dou City.

Bakit hindi man lang lumalaban ang Dou City sa banta ng Red City? Maraming katanungan si Wong Ming na hindi masasagot ng simpleng pag-iisip niya sa mga bagay-bagay.

Hindi ba't nangangahulugan na tahimik ay maaaring naghahanda rin ang Dou City sa pagtutuos laban sa dalawang siyudad? O dahil na rin sa pagiging neutral nito ay hindi pa rin ito inaatake ng Red City ng harapan?!

Naglakbay na si Wong Ming patungo mismo sa sentral na parte ng siyudad ng Red City. Ngayon pang may alam siya ay siguradong hindi siya mananahimik lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang alaalang nawaglit ng nakaraan. Gugustuhin ba niyang bumalik ang mga alaala niya?! Alam niyang hindi niya gugustuhin. Hindi na siya ang batang nagngangalang Li Xiaolong at iyon ang gusto niyang ibaon sa limot. Siya na si Wong Ming, ang binatang walang alaala sa kaniyang nakaraan. Ang ginagawa niya lamang ito ay upang iligtas ang angkan ng Li mula sa pagkawasak at alamin ang katotohanan lalo na sa pamilya niya.

Hindi naman makakatulong sa kaniya kung magpapakita siya sa sariling angkan niya at sabihing buhay siya. Lalo na ngayon na hindi pa niya alam kung saan ang mga tunay na mga magulang niya.

Masakit isiping nawala ang mga magulang niya kasabay ng pagkawala niya. Iniisip niyang mga sakim ang mga nilalang sa loob ng Dou City ngunit hindi naman niya masisisi ang mga ito na mulat rin sa pait ng labanan at mga digmaan na nangyayari.

Hanggang kailan mananahimik ang magulong siyudad ng Dou City? Alam naman nitong papahina na ang nasasakupan nito. Nalusaw man ang nasabing siyudad ng Dou City ay sigurado siyang hindi pa ito tuluyang bumabagsak. Hindi pa umaaatake ang Red City at sa oras na iyon ay ang oras din ng paglitaw niya upang pigilang mangyari iyon. Ang Devil's Clock ay siguradong lilitaw ngunit kailangan niya rin ng malakas na sandatang kayang pigilan ang taglay na kapangyarihan ng oras ng Devil's clock.

Habang naglalakbay si Wong Ming pabalik sa sentral na lungsod ng Red City ay binabasa niya ang patungkol sa impormasyon ng Devil's Clock.

Ang Devil's Clock ay isa sa pinakadelikado at maituturing na forbidden objects. Pinaniniwalaang nagmula ang nasabing bagay na ito sa isang Ancient Ruins gamit na naiwan ng isang malakas na ekspertong hindi pa nakikilala. Ang bagay na ito ay tinatawag na Devil's Clock dahil sa taglay na kapangyarihan ng nasabing orasan na gawin ang imposibleng bagay kagaya ng pagsira ng natural na balanse ng panahon at oras. Kung gaano kalakas ang nasabing bagay na ito ay hindi pa tukoy kung gaano.

Pinaniniwalaan na naiwan ito ng isang traveler o di kaya ay naglaho ito matapos nitong gamitin ang Devil's Clock at nagkaroon ng aksidente.

Hindi alam ni Wong Ming na wala siyang masyadong nakuha patungkol sa nababasa niya. Ganito pala kamisteryoso ang bagay na ito. Sa tingin nga niya ay kinatatakutan ang bagay na ito. Sa tingin nga niya ay hindi niya kayang tapatan ang pambihirang bagay na ito lalo pa't oras ang kalaban niya.

Kung paanong napigilan at nakaligtas ang consciousness ni City Lord Bao ay malaking palaisipan pa rin iyon. Kung ganon ay napigilan nitong tuluyan na mabura ang buhay ng lahat ng nilalang sa lahat ng bahagi ng Mint City.

Naalala niya ang pananggalang sa nawasak ba siyudad ng Mint City. Kung tama siya ng pagkakaintindi ay tatlo ang anak ni City Lord Bao ngunit tanging isa lamang ang nakita niyang namatay sa ilusyon. Dalawang babae at isang lalaki ang anak nito. Ang panganay ang nakita niya at mayroon itong dalawang anak at sigurado siyang nakaligtas ang mga ito sa sinapit ng Mint City. Kung saan man ang mga ito ay sigurado siyang sila ang nagdala ng Devil's Clock palayo sa nawasak na siyudad. Hindi niya alam kung gaano kalakas ang mga ito ngunit sigurado siyang sila ang nagdala ng Devil's Clock at hindi ang mismong si City Lord Bao na napaslang ang mortal nitong pangangatawan matapos na ma-activate ang nasabing Devil's Clock.

Puno ng katanungan si Wong Ming at sigurado siyang ang dalawang magkapatid na iyon ang nagtago o nangalaga ng Devil's Clock at wala ng iba pa.

Hindi siya mauuto ni City Lord Bao at hindi siya tanga para hindi malaman iyon. Ni hindi ito kumwestiyon kung bakit napasok niya ang loob ng Mint City. Batid niyang ang sikreto noon ay mabubuksan na ngayon.