Chereads / Supreme Asura / Chapter 611 - Chapter 611

Chapter 611 - Chapter 611

Maya-maya lamang ay natapos na rin ang hindi mabilang na atakeng tinik ng dambuhalang ahas.

Natuwa naman si Wong Ming dahil makikitang wala siyang natamong pinsala mula sa kalaban niya.

Mabilis niyang nawalan ng bisa ang pambihirang skill niya at naghalo na lamang ito sa hangin.

"Hindi... Hindi maaari ito. Dapat ay tinablan ka at hindi ka nakakagamit ng anumang martial arts skills!" Gulat ngunit may halong pagtatakang saad g dambuhalang ahas.

"Iyon ang malaki mong pagkakamali. Isang ilusyon lamang amg kaya mong ihabi ngunit ang kaanyuang taglay ko'y hindi mo malilinlang. Kumpara sa kakayahan at transpormasyon mo ay higit na nakakataas ang Demon Form ko!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita ang pagliwanag ng mga kamay nito.

Hindi naman nagdalawalang isip si Wong Ming at oras na para siya naman ang gumanti at umatake sa nagpapahirap sa kaniya na dambuhalang ahas.

Skill: Demon Ice Arrow!

Isang dambuhalang palaso na gawa sa yelo ang lumitaw sa himpapawid at mabilis na bumulusok patungo sa kinaroroonan ng kalaban niya. Makikitang parang hahatiin nito sa mga bahagi ang kalupaang tatamaan nito.

Walang nagawa ang dambuhalang ahas sa bilis ng pangyayari at sa bilis rin ng pagkakabulusok ng dambuhalang palasong gawa sa yelo.

Biglang nanlisik ang mga mata ng dambuhalang puting ahas at tandang nagkakaroon ng pagbabago sa katawan nito.

Skill: Demon Scale!

Humaba ang mga kaliskis nito habang tila naging parang salamin sa sobrang kintab nito.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na mga pagsabog ang narinig ni Wong Ming habang rinig na rinig nito ang nakakabinging ingay ng nagbabanggaang mga bagay sa ere na siyang inaasahan na rin ni Wong Ming. Tunay ngang nakakamangha ang ganitong klaseng bagay lalo na sa kakayahan ng dambuhalang ahas.

Sa huli ay tanging gasgas lamang ang natamo ng kalaban ni Wong Ming mula sa ginawa nitong atake sa naghahabaang mga kaliskis nito.

Muntik na sana ngunit hindi talaga umubra ang Martial arts skill ni Wong Ming.

"Kung akala mo ay matatalo mo ko binata *hiss ngunit hindi *hiss *hiss. Isa ka lamang ordinaryong nilalang na kayang-kaya kong durigin! *Hiss *hiss *hiss..." Wika ng dambuhalang ahas habang lumalabas ang dila nitong tumutunog.

"Sigurado akong may paraan upang makatakas sa pambihirang ilusyon mong ito. Hindi maaaring wala, hindi man kita matalo rito ngunit matatalo kita sa totoong anyo mo!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito nawawalan ng pag-asa bagkus ay nakikita niyang malapit na silang makalabas sa ilusyong ito.

"Hehehehe... Nakakatawa *hiss ka naman binata. Hindi mo ba alam ang kakayahan kong ito? Tanging ako lamang ang makakapagwalang-bisa ng ilusyong ito *hiss hiss *hiss." Sarkastikong turan ng dambuhalang ahas sa maliit na kaanyuan ni Wong Ming.

"Iyon ang malaking pagkakamali mo binibini. Sa lakas ng ilusyon mo ay siguradong mahihirapan ang pisikal na pangangatawan mo na indahin ang balik nito sa'yo." Malakas na wika ni Wong Ming habang kitang-kita na nireresolba nito ang shortcomings ng kalaban nitong nasa anyo ng isang dambuhalang puting ahas.

"Grrrr... Paano mo nahulaan iyon ngunit sigurado akong hindi mo magagawang makatakas rito na siyang ilusyong gawa ko mismo! *Hiss *hiss *hiss" malademonyong saad ng dambuhalang ahas sa nakakatakot nitong boses.

"Iyon ang malaking pagkakamali mo dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa pipitsuging ilusyon mo!" Buong wikang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita ang paglutang nito sa ere kasabay ng pagliwanag ng mata nito.

Skill: Extreme Demon Cold!

Isang nakapangingilabot na lamig ang biglang namuo sa hangin habang kitang-kita kung paanong namuo ang mga yelo sa buong kapaligiran.

Maging ang nasabing dambuhalang ahas ay naging mapagmatyag sa kaniyang paligid lalo na sa biglaang pagbagsak ng temperatura maging ng tila ang mundong ito ay hindi na kaniya kundi sa mismong binatang kaharap niya ngayon na siyang katunggali niya sa ikawalong laban niya.

Hindi nito lubos maisip na ang kaanyuan at katauhan ng binatang kaharap niya ay hindi basta-basta lamang at mas lalong hindi ito madaling kalabanin.

Nangangamba ang kalaban ni Wong Ming sa tinatagong mga lakas o kalakasan ng nasabing binata. Hindi niya lubos aakalaing mayroon pa itong mga barang nakatago sa bulsa nito.

"Hindi mo ko matatalo binata. Ang lamig na ito ns siyang dulot ng Martial arts skill mo ay hindi mapapantayan ang core skill na pagmamay-ari ko mismo!" Nanggalaiting sambit ng dambuhalang ahas kasabay nito ang pagsagawa rin nito ng pambihirang skill buto.

Skill: Burning Sun!

Biglang bumuka ang bibig ng dambuhalang ahas at namuo ang napakainit na apoy sa malaking bunganga nito at itinapon sa himpapawid.

Kasabay nito ang pagkaramdam ng napakainit na temperatura ng dambuhalang ahas na siyang ikinasiya naman nito.

Ngunit ang kasiyahang naramdaman ng dambuhalang ahas ay biglang naglaho nang unti,unting nawala ang init na nagmumula sa bulang apoy sa himpapawid at biglang nabalutan ng nagkakapalang mga tipak ng yelo ang paligid nito kasabay nito ang pamumuo ng mga bitak-bitak sa iba't-ibang bahagi ng dambuhalang bolang apoy kanina.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pagsabog ng dambuhalang bola sa ere dahil sa kakatwang pangyayaring naging isa na lamang ilusyong namuo sa utak ng dambuhalang ahas.

"Paano'ng nangyari ito? Isa lamang ordinaryong skill ang iyong ginamit. Hindi maaari ito!" Nanggalaiting sambit ng dambuhalang ahas habang mabilis na tumataas ang enerhiyang nagmumula sa katawan nito.

Ngunit kasabay nito ay ang pagbaba ng lebel ng temperatura sa mabilis na paraan kasabay nito ang pagbalit ng napakakapal na mga tipak ng yelo sa buong lugar na ito maging sa dambuhalang ahas na naging estatwa ilang segundo lamang ang nakalilipas.

Kitang-kita ni Wong Ming ang tila pagkawasak ng mundong ito habang makikita ang mga distorsyon ng buong lugar na animo'y gawa sa salamin. Kasunod nito ang malalakas na tunog sa buong kapaligiran.

BANG! BANG! BANG!

Unti-unting nakita ni Wong Ming ang reyalidad at ang pagbabago ng buong paligid sa dati.

Kitang-kita ng lahat ang mga nangyayaring ito mula sa malayo at nagulat ang lahat sa kanilang sariling nasaksihan.

Tunay ngang may nangyayaring kakaiba sa loob ng malawak na battle field. Hindi nila batid na salungat ang nagaganap.

Puahhh! Puahhhh!

Malakas na sumuka ng sariwang dugo ang nasabing babaeng kalaban ni Wong Ming na parang isang taong ahas.

Rinig na rinig sa tono ng pagsuka nito ang matinding sakit at bkaas rin iyon sa mukha nito.

Lalaban pa sana ito ngunit tuluyan ng nawalan ito ng malay dahil na rin sa naging resulta ng labanang ito kung saan ay nadehado ito ng malala.

Little Devil Wins!

Isang malakas na wika ng taga-anunsyo ng laban kasabay nito ang malalakas na ingay mula sa mga madla.

Halos lahat ay masaya sa naging resulta ng laban at lahat ay puro positibong mga pahayag maging ang komento na lumalabas sa mga bibig ng mga ito na parang mga dalubhasang makata.

Lihim namang napaismid si Wong Ming sa kaniyang sariling isipan. Alam niyang hindi naman talaga ito ang sasabihin ng karamihan at nakikipagplastikan lamang sa kapwa nito para sumabay sa agos ng usapan. Ibinalewala niya na lamang ito at mas nagbigay ito ng atensyon sa importanteng bagay at iyon ay ang pagkapanalo niya ng sunod-sunod hanggang sa ikawalong laban niya.

Panalo siya, iyon ang nasa isipan niya at mahalaga sa kasalukuyan.