Chereads / Supreme Asura / Chapter 533 - Chapter 534

Chapter 533 - Chapter 534

"Magandang hapon. Ako nga pala si Head Chief Bengwin, hindi ko aakalaing makikita kita ngayon Tribal Guard Asero." Wika ni Head Chief Bengwin sa nilalang na nasa harapan nila. Lumipas man ang panahon ay hindi niya aakalaing makikita niya pa rin dito si Tribal Guard Asero na isa sa magigiting na bantay ng Black Clover Tribe.

Sa totoo lamang ay hindi siya makapaniwala na sa tagal ng panahon ay walang nagbago rito. Ngunit sa pananamit nito ngayon ay alam niyang tumaas na ang posisyon nito at naging kagalang-galang na kung titingnan ito kumpara dati nang makita niya ito.

"Sandali... I-ikaw ba iyan Wong Bengwin este Head Chief Bengwin?! Nabalitaan kong isa ka ng ganap na lider ng Wong Family tama ba ko?!" Sunod-sunod na sambit ni Tribe Guard Asero na tila pamilyar ang boses at mukha nang nasabing nilalang na nasa harapan niya.

Kaibahan nga lang ay bagito pa lamang siya noong nakilala niya si Wong Bengwin ngunit ngayon ay iba na. Mataas na ang posisyon nito sa Wong Family and he didn't afford to offend those high officials sa loob ng Golden Crane City.

"Ahaha... hindi ka pa rin nagbabago Asero. Masyado ka pa ring magalang hehe. Siya nga pala ito si Wong Ming, anak ko." Direktang saad ni Head Chief Bengwin habang pinakilala nito si Wong Ming sa nasabing bantay ng Black Clover Tribe.

"Anak?! Sandali, nagkaanak ka na kaagad matapos mong makaupo sa iyong posisyon?!" Nagtatakang tanong ni Tribal Guard Asero kay Head Chief Bengwin habang pasalin-salin ang tingin nito kay Head Chief Bengwin at sa binatang ngayon lamang niya nakita habang hindi pamilyar ang mukha nito sa kaniya.

Nagkatinginan naman ang mag-amang si Wong Ming at Head Chief Bengwin dahil sa nagign reaksyon ni Tribal Guard Asero.

...

CRREEEAAKKKKK!!!

Malakas na tunog ang pinakawalan ng lumalangitngit na malaking pintuan habang makikita ang tatlong nilalang na papasok sa loob mismo ng Black Clover Tribe.

Sumalubong sa paningin ng mga ito ang maingay na kapaligiran lalo na at kitang-kita sa bawat espasyo ng pook na ito ang maraming mga nakalatag na paninda maging ng mga taong namimili ng mga binebentang produkto.

Nangunot naman ang noo ni Wong Ming sa nakikita niya lalo pa't kabaliktaran sa nakikita niya ang mga naiisip niya. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka kung ang mga tribong nakatira rito ay halos moderno na ang uri ng pamumuhay hindi kagaya ng naiisip niyang nakasuot lamang ng kakaunting tela at nakayapak lamang.

"Ama, bakit ganoon ang mga pananamit nila eh mukhang wala man lang pinagkaiba ang mga ito sa atin sa siyudad." Walang pag-aalinlangang tanong ni Wong Ming sa katabi nitong si Head Chief Bengwin habang hininaan nito ang kaniyang sariling boses.

Napalingon naman si Head Chief Bengwin sa anak-anakan nitong nagtatanong habang bakas ang pagtataka sa mukha nito.

"Hindi porket nasa loob sila ng sinaunang tribong ito ay hindi sila maaaring magsuot ng damit mula sa labas. Nagbabago ang mundong ginagalawan natin ngunit hindi ibig sabihin niyon ay nananatili pa rin sa ganon ang pamumuhay ng mga ito. Kagaya natin sa lungsod ay nagbabago din sila kasi tao din sila anak." Seryosong wika ni Head Chief Bengwin habang nakatingin sa gawi ni Wong Ming. Gusto niyang isipin nito na tila kasabay ng pag-unlad ang pagbabago.

"Ganon po ba ama? Pero napakalayo nila sa kabihasnan kung hindi ako nagkakamali ngunit hanggang dito ay naabot pa rin sila?!"Puno ng pagtatakang tanong ni Wong Ming habang nakatingin sa gawi ng ama niya.

"Sa tanong mong iyan anak ay nagkakamali ka ng iyong inaakala lalo pa't kahit hindi abot ng lungsod ang mga tribong naninirahan o namumuhay sa loob ng Ashfall Forest ay maaari pa rin itong masunod ng mga tribong minsa'y dumadayo din sa ating lungsod. Ganoon kalaki ang maaaring maidulot nito lalo pa't hindi lamang tayo ang umuunlad kundi maging ang iba pang nilalang o lahing nabubuhay sa kapaligiran natin" saad ni Head Chief Bengwin ng walang pag-aalinlangan.

Hindi na rin napigilan ni Tribal Guard Asero ang magsalita patungkol sa sinabi ng binatang nagngangalang Wong Ming na kasa-kasama ni Head Chief Bengwin.

"Tama ang ama mo Wong Ming. Hindi porket hindi kami nakatira sa loob ng mismong Golden Crane City ay iba na ang turing sa amin o ang istilo ng pamumuhay namin ay mababa kumpara sa inyo. Sadyang dito kami namuhay noon kasunod ng pagkakatatag ng aming tribo at dito rin kami nararapat na mamuhay upang mapreserba ang aming kultura't tradisyon na naaayon sa sinaunang ideolohiya ng aming mga ninuno."Sambit naman ni Tribal Guard Asero habang makikitang nakangiti sa direksyon ng binata.

Napatango na lamang si Wong Ming sa kadahilanang tama rin naman ang sinabi sa kaniya nang nasabing bantay at ng ama-amahan niya. There's no way na hindi magkaroon ng pagbabago sa alinanng lugar o komunidad unless kung hindi sila nakikipag-ugnayan sa labas.

Naglakad-lakad pa sila patungo sa direksyon kung saan naroroon ang naglalakihang mga mansyon at nagliliwanag na mga kabahayan ngunit tila ba napakalayo pa nito kung tatanawin.

Hindi aakalain ni Wong Ming na ganito kalayo ang distansya ng nasabing mansyon kung titingnan lamang ng pahapyaw mula sa malayo.

Talagang namangha siya sa eatado ng mga kabahayan na nakatayo sa unahan ng mansyon. Parang dinesenyo talaga ito ng maigi ng kung sinuman upang hindi agad-agad masasakop ang nasabing tribo mula sa mga mananakop ng mga lugar.

Maya-maya pa ay naglakad sila sa may kadilimang parte ng lugar habang isang sulo lamang ang tila nakasindi sa bawat nadaraanan nila. Hindi kagaya sa siyudad na merong suplay ng solar energy o enerhiyang galing sa araw habang iniimbak ito sa energy absorbing stone upang paganahin at magsilbing liwanag ito sa madilim na gabi ng nasabing lungsod.

Ngunit tila ba hindi tinatantanan ng panganib ang binatang si Wong Ming dahil mukhang hindi siya aware sa tila panganib na naghihintay sa kaniyang mangyari sa madilim na parteng ito ng Black Clover Tribe.

May mga matang nakasilip at tila nagmamasid sa malayo ngunit tagong parte ng lugar na ito sa kasalukuyan. Nakatutok ang mata nito sa binatang walang kaalam-alam sa maaaring mangyari sa kaniya.

Sadyang napakabilis nang buong pangyayari nang makita ni Wong Ming ang paparating na nilalang sa kaniya sa madilim na parteng ito ng Black Clover Tribe.

Huli na upang umatras at maalerto si Wong Ming nang maramdaman niya ang mainit na kamay ng isang nilalang na humawak sa balikat niya at itinakbo siya ng mabilis sa napakadilim na parte ng lugar na ito.

"Wong Ming?! O hindi, nasaan ka?!" Sambit ni Head Chief Bengwin nang mapansin niyang tila may kakaibang enerhiya siyang naramdaman na bigla na lamang lumitaw o umusbong sa kinaroroonan nila.

Alam niyang hindi iyon kaniya o alinman sa kanila ni Tribe Guard Asero kundi sa kung sinuman.

Ngunit taliwas sa inaasahan ni Head Chief Bengwin ay walang sinuman ang sumagot.

"Wong Ming?! Nasaaan ka?! Asero, tulungan mo ko pakiusap. Nawawala ang anak kong si Wong Ming." Malakas na sigaw muli ni Head Chief Bengwin habang nakatingin sa paligid nito. Litong-lito at animo'y nasisiraan ng ulo.

Alam niyang may kumuha sa anak niya. Hindi niya aakalaing sa loob man sila ng Black Clover Tribe ay may panganib pa rin palang naghihintay sa kanila.

"Kumalma ka Head Chief Bengwin, ipinapangako kong hahanapin ko ang anak mo. Malamang ay may ideya na ako kung saan naroroon ang anak mo ngunit hindi pa ako sigurado. Bayaan mo at ikaw ay aking tutulungan sa abot ng aking makakaya lalo pa't bisita ko kayo." Seryosong wika ni Tribal Guard Asero na ngayon ay makikitang tila nag-aalala rin ngunit nagtataka sa pagkawala ng anak ni Head Chief Bengwin sa lugar na ito.

Isa lamang ang maaaring sigurado siya. Merong nakakakilala rito at nais itong paglaruan. Ganoon ang sistema rito at bilang bisita niya ang mga ito ay buong lugod niyang tutulungan na hanapin ang nawawalang anak ni Head Chief Bengwin sa sinumang dumukot rito.