Chereads / Supreme Asura / Chapter 518 - Chapter 519

Chapter 518 - Chapter 519

"Naiintindihan ko po ama. Masyado lamang mahirap ang batas na pinapanukala ng Wong Family. Hindi nila gugustuhing mahasukan ng sinuman ang ating pamilyang kinabibilangan. Ang magagawa lamang natin ngayon ay siguraduhin ang pananatili mo sa iyong pwesto at patumayang karapat-dapat ka sa posisyong meron ka. Matanong ko lang po ama, bakit hindi ka mag-asawa ng may humalili sa iyong posisyon sa huli?!" Seryosong saad ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita sa mukha nito ng walang panghihinayang o kung anuman.

Sa loob-loob ni Wong Ming ay wala siyang hinahangad sa kasalukuyang buhay niya kundi ang maging mabuti ang kalagayan ng amain niyang si Wong Bengwin. Malaki ang panghihinayang niya sa mga nagawang mga hakbang ng ama niya kung hindi nito mapapanatili ang kasalukuyang posisyon niya dahil alam niyang hindi niya ikakasiya ito.

Sa loob ng apat na taon ay puro kabutihan lamang ang binigay at ipinakita nito sa kaniya. Kung makikita niya itong nahihirapan o nasa lusak ay hindi niya gugustuhing mangyari ito dahil napakasakit isipin iyon para sa kaniya. Gusto niyang suklian ang mga taong kinupkop siya nito at ipakitang nagpapasalamat siya rito.

Alam niyang darating ang panahong aalis o lilisanin niya ang lugar na ito at mawawalay siya sa nakagisnan niyang ama rito. Darating ang araw na makakaalaala siya at hahanapin niya ang lugar na pinagmulan niya.

Kahit na sabihing nagugustuhan niya na ang lugar na ito ngunit hindi siya nababagay sa lugar na ito. Ramdam na ramdam niyang may ibang nakalaang buhay sa kaniya sa labas. Isa pa ay pag-iinitan lamang ang ama niyang si Wong Bengwin ng ibang mga kaaway at mga kumakaaway rito dahil sa kaniya. Isa siya sa matinding kahinaan nito kahit hindi nito sabihin sa kaniya ay alam niyang hindi magiging mabuti kung tatagal pa siya rito.

Gusto niyang mas lumakas pa and Golden Crane City is just only one of many cities out there. Alam niyang marami pa siyang dapat malaman at matuklasan sa mundong ito. He will be a stronger martial arts experts in the future, papatunayan niyang malakas siya at may lakas siyang maibubuga sa mga gustong umapi sa mga mahal niya sa buhay.

Mabilis na nawala ang mga iniisip ni Wong Ming nang magsalita ang butihin nitong ama-amahan na si Wong Bengwin.

"Yun din ang pinoproblema ko Wong Ming. Paano ko ba ito sasabihin sa iyo, meron akong dating kasintahan ngunit naging malabo ang lahat sa amin ng isa ako sa piniling magiging susunod na head chief noon. Masakit man isipin ngunit siya lamang ang aking mamahalin at hindi ako kailanman nakalimot sa aking ipinangako sa kaniya na napako dahilan sa mga naging desisyon ko sa buhay. Naduwag ako at iyon ang labis kong pinagsisisihan." Malungkot na wika ni Wong Bengwin habang nakatingin sa gawi ng anak-anakan nitong si Wong Ming na makikitang seryoso itong nakikinig sa mga katagang sinasabi nito.

"Naniniwala akong magagawa mo pang maayos ang problema mong iyan ama. Hindi pa huli ang lahat, malay mo ay hinihintay ka lamang ng babaeng gusto mong pakasalan. Wala namang mawawala kung hindi mo susubukan hindi ba?!" Sambit ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita ang malawak nitong ngiti na nakapaskil sa labi nito tandang sinusuportahan niya ng buo ang ama niyang alam niyang nanghihinayang sa mga nasayang na panahong hindi nito kontrolado ang sitwasyon.

Alam niyang magagalit ang mga opisyales ng Wong Family ngunit alam niyang hindi ito dahilan upang magrebelde ang mga ito sa kaniya. There are greater things na dapat mabago sa Wong Family at iyon ang gusto niyang mangyari.

"Salamat. Maraming salamat anak. Hindi ko maipapangakong meron pa kong babalikan ngunit naniniwala akong may katiting pang pag-asa akong dapat panghawakan. Dahil sa'yo ay nabuhayan ako ng loob na magtiwala sa sarili ko at mangarap muli gaya ng dati." Masiglang sambit ni Head Chief Bengwin habang nakatingin ito sa anak niyang abot kamay lamang nito ang distansya nila. Maluha-luha ang mga mata nito at malawak itong nakangiti sa gawi niya. Puno ng saya at walang halong huwad na pakiramdam.

Tila humaplos naman ang mainit na pakiramdam sa puso ni Wong Ming lalo na at ngayon ay tila ba ibang-iba ang ama-amahan niyang si Wong Bengwin dahil sanay na siya sa seryoso lamang ito palagi pero ngayon ay hindi. Mayroon kung anong klaseng bagay o katangian itong itinatago kahit sa kaniya ngunit tila ba nabuhay muli ang pag-asa nitong makapiling ang babaeng pinakamamahal nito.

Hinihiling lang ni Wong Ming sa sarili niya na hindi ito masaktan ng labis ang ama niyang si Wong Bengwin dahil sa mga sinabi niya. He just hope for the best at sana ay maging maganda ang resulta nito taliwas sa naiisip niyang masasamang mga bagay na mangyayari sa hinaharap.

"Tama yan Ama. Mag-isip lang tayo ng positibo at naniniwala akong magiging maganda at tama ang desisyon mo. Ngunit wag lang tayong pakampante ama dahil hindi magandang mag-isip tayo ng sitwasyong maaaring taliwas sa inaasahan nating resulta." Seryosong turan ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita na may lungkot sa mga mata nito. Ayaw niyang masaktan lamang ang ama niya sa huli, di niya rin kayang ibaba ang kasiyahan ng ama niyang si Head Chief Bengwin.

"Naiintindihan ko anak. Kaya hindi ko palalampasin ang araw na ito anak na hindi ko magagawang makita ang babaeng pinakamamahal ko. Maaari mo ba kong samahang puntahan siya?!" Seryosong sambit ni Wong Bengwin habang nakatingin ng matiim sa direksyon ni Wong Ming.

Napakunot naman ang noo ni Wong Ming nang marinig niya ang sinasabi ng ama niyang si Wong Bengwin. Kaya hindi na siya nakapagpigil na magsalita ayon sa kaniyang sariling interpretasyon sa sinabi ng kaniyang sariling ama-amahan.

"Sandali ama, ang ibig mong sabihin ay pupuntahan natin ang babaeng pinangakuan mo? Saan ba natin siya mahahanap? Sa ibang royal family ba ito o nabibilang lamang sa middle class o ordinaryong pamilya o angkan?! Tara na ama!" Sambit ni Wong Ming habang makikitang nakangiti ito ng malawak habang mabilis na lumapit sa tabi ng ama niyang si Head Chief Bengwin.

Mabilis na nawala ang ngiti ni Wong Bengwin habang makikitang naging seryoso ang mukha nito. Malalim itong napabuntong hininga ngunit agad din itong nagwika.

"Sa mga sinabi mo anak ay wala talagang tumugma. Nabibilang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa isang sinaunang tribo sa loob ng Ashfall Forest." Seryosong saad ni Head Chief Bengwin habang makikitang tila positibo pa rin itong gawin ang lahat ng makakaya niya upang bumawi at balikan ang babaeng pinakamamahal niya.

"Ano?! Sinaunang tribo? At sa Ashfall Forest pa talaga ama?!" Gulat na gulat na wika ni Wong Ming habang ang mga mata nito ay halis lumuwa na dahil sa tila mabilis na pagtaas ng boses nito. Ang reaksyon ni Wong Ming ay tila ba hindi maipaliwanag dahil kitang-kita na nalilito ito sa narinig niya.

Tila unti-unting nag-sink in sa utak nito ang sariling sinabi ng ama-amahan niya sa kaniya. He can't deny the fact na siya pa ang naghikayat rito. Wong Ming didn't think na magiging madali ang lahat ng gagawin nila.

Sinasabi pa ng ama-amahan niya na pupuntahan pa nito ang nasabing sinaunang tribo ng iniirog nito. Gusto man niyang tumanggi ngunit tila maiipit na naman siya sa desisyong siya mismo ang naglagay sa sarili niya sa sitwasyong ito.