Chereads / Supreme Asura / Chapter 512 - Chapter 513

Chapter 512 - Chapter 513

Lumitaw sa harapan ng binatang si Wong Ming ang isang pigura ng napakagandang babaeng tila maihahalintulad niya sa deskripyon at eksplenasyon ng kaniyang ama-amahan na si Ginoong Wong Bingwen. Yun bang diyosamg bumaba sa lupa, parang ganon yun.

Ngunit sa kabila nito ay ramdam ni Wong Ming na parang nakita niya na ang nasabing babaeng ito na mala-diyosa ang anyo ngunit hindi niya mawari kung saan. Parang blangko ang utak niya ngunit pamilyar na pamilyar talaga sa kaniya ang presensya nito.

Ngunit nawala ang mga iniisip ni Wong Ming nang mabilis na nagsalita ang babaeng mala-diyosa ang anyo nito sa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinaroroonan.

"Sa wakas ay bumalik na rin ako sa aking totoong anyo. At ikaw? Teka, kilala kita--- kung hindi ako nagkakamali ay ikaw nga ang batang uhuging bubwit dati, Li Xiaolong!" Sambit ng napakagandang babaeng tila nakilala nito ang kasalukuyang anyo ng binatang ilang metro sa kaniya na titig na titig at parang ino-obserbahan ang kaniyang sariling anyo maging ang kilos niya.

"Li Xiaolong? Sino iyon magandang binibini? Mukhang nagkakamali ka ata sa iyong sinabi lalo pa't hindi ako isang bata at mas lalong hindi ako uhuging bubwit noh!" Puno ng pagtatakang sambit ni Wong Ming habang napasimangot siya sa huli lalo na't batid niyang hindi iyon ang deskripsyon na naiisip niyang itatawag ng mala-diyosang anyo ng Binibining ito sa hindi kalayuan.

"Hindi ako maaaring magkamali sa aking hula binata. Hindi ko aakalaing sa halos ilang mga taon akong mahimbing na natutulog ay alam na alam kong ikaw na ikaw yung batang si Li Xiaolong. Naalala ko pang napakahina mo pa at tipong determinadong manalo sa anumang bagay o sitwasyon. Tanda mo pa ba ang mga pinag-usapan natin noon?!" Mahabang wika ng magandang babaeng tila wala itong kapahingahan sa pagsasalita. Masasabing hindi nito mapigilang magtaka lalo na sa mga pangyayaring ito dahil magmula noong walang paramdam ang batang si Li Xiaolong noong nanganganib ang buhay nito ay nawala bigla ang koneksyon ng buong lugar sa loob ng artifact idagdag pang nagign estatwang bato lamang siya sa panahong iyom at ngayon lamang niya nagawang maibalik sa dati ang sarili niyang lakas at katawan niya dahil na rin sa paslit na batang si Li Xiaolong.

"Ano'ng pinag-usapan natin noon? Sa pagkakatanda ko ay hindi kita kilala at mas lalong di ko alam kung bakit ako nandito sa loob ng kakaibang lugar na ito kasama mo." Puno ng pagtatakang saad ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagkabahala lalo na at hindi niya alam kung saan ba talaga siya.

"Hindi ko alam kung bakit hindi mo kilala ang lugar na ito at kung paanong nawala ang iyong memorya ngunit isa lamang ang maaari kong sabihin sa iyo. Ikaw si Li Xiaolong and you have to accept it whether you like it or not!" Seryosong turan ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida na sumasayad pa sa lupa. Kitang-kita kung gaano ito kadeterminadong malaman ang totoong nangyari sa noo'y batang si Li Xiaolong ngunit ngayon ay tila iba na ang ugali maging ang katangian nang naging binata na ito.

Tunay ngang hindi niya inaasahang sa pangatlong pagkakataon ay lubos siyang nasurpresa sa pakikipagkita niya sa batang si Li Xiaolong este si Wong Ming na ayon rito ay hindi nakakaalala sa nakaraan nito.

"Li Xiaolong? Nagpapatawa ka ba? Sino ang nilalang na iyon? Tingin ko nga ay nagkakamali ka lamang dahil kahit sino man sa loob ng Golden Crane City ay walang pangalang ganoon!" Nakasimangot na sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na inis.

Hindi niya kilala ang babaeng nasa harapan niya at mas lalong nakakapanghilakbot na isiping isa ito sa nakikita niyang gawa sa batong estatwa ngunit hindi pala dahil isa pala itong buhay na nilalang. This kind of event that he saw right in front of him makes him think that it is beyond impossible.

Wala siyang kaalam-alam sa pangyayaring ito at patuloy siyang ini-inis ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida na animo'y kilalang-kilala siya nito at siya daw si Li Xiaolong? Ang bansot ng pangalan ng kung sinuman ito at hindi siya iyon. Iyon ang gusto niyang hindi mangyari. No one will ever believe this kind of trickery lalo na at marami ng nilalang na nagpanggap na kakilala siya o kilala siya ng mga ito but in the end, they just trick him in exchange of material things lalo na ang huthutan sila ng ama niya o ang pamilya Wong ng pera para lang dito.

Dahil nga sa pagiging sampid niya sa Wong Family na kinabibilangan niya ngayon ay nagkaroon ng malaking suliranin ang kaniyang ama-amahan na si Head Chief Bengwin dahil sa kaniya. He don't want to be a burden or a big failure para rito.

Masakit isipin para sa kaniya na gagawin ng mga masasamang tao ang pagiging ampon o sampid niya sa pamilya Wong para makuha lamang ang pansariling interes ng mga ito dahil sa kaniya. Isa din ito sa naging sandata ng mga kalaban ng ama niya sa loob ng Wong Family maging sa labas ng pamilya nila aa loob ng Golden Crane City upang pabagsakin at patalsikin ito sa kasalukuyan nitong pwesto maging sa uri ng pamumuno nito.

Alam niya ang pakiramdam na pagkaisahan, insultuhin ang pagkatao niya maging ang hindi pagrespeto ng iilang mga miyembro ng Wong Family dahil sa pagiging sampid niya sa pamilya. Ayaw niyang idamay ang ama niyang si Wong Bengwin dahil sa mga nakaraan niya.

Masakit. Sobrang sakit isiping merong taong kagaya ng ama niyang kayang isakripisyo ang lahat para lang protektahan siya. Hindi niya lubos aakalaing gagawa ng hakbang ang masasamang nilalang laban rito na hangad lamang nito ay ang makakabuti para sa lahat. Masakit bilang anak na makitang nahihirapan ang ama-amahan niya kahit pa sabihing hindi siya nito anak ngunit pinapakita nito ang pag-aaruga at pagkalingang meron siya.

Ewan ba niya, naiisip pa lang niya na pinagkakaisahan ang ama niya ng mga walang kwentang mga nilalang ay kumukulo ang dugo niya at gusto niyang pagpaoaslangin ang mga ito. Darating din ang araw na magagawa niya ang mga bagay na gusto niyang mangyari.

Related Books

Popular novel hashtag