Mas yumukot naman ang mukha ng magandang dalagang si Yì Hua dahil sa sinabi ng kaniyang sariling tiyuhin at muling nagsalita.
"Ewan ko sa'yo Uncle Huizhong, hindi ako nagtitiwala at wala akong tiwala sa kutsero mo. Lapitin ba naman ng kamalasan yun! Tsaka ano'ng matapobre Uncle, alam nating halos mararangya ang nasa Dou City. Wag ako Uncle!" Sambit naman ng magandang dalagang si Yì Hua. Minsan talaga ay may pagkatanga din itong sariling tiyuhin niya. Pag-isipan ba siya ng masama.
Napatahimik na lamang si Elder Yì Huizhong habang makikitang tila nakangisi pa ito. Halatang gusto niya lang na hingan siya ng salapi ng kaniyang pamangkin. Nakikita niya palang sa kaniyang isipan kung paano umusok sa galit ang mga ilong ng mga magulang nina Yì Hua at Yì Liqiu ay baka hindi na siya makakatungtong sa Dou City.
Tila epektibo naman ito dahil hindi na nangulit pa ang magandang dalagang pamangkin niyang si Yì Hua.
...
120,000 gold coins! Biglang sambit ng nasa pangalawang pribadong silid na nasa pangalawang palapag. Ito ay walang iba kundi ang misteryosong nilalang na nasa loob ng nasabing kwarto.
Makikita ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa bibig nito. Ang kaniyang sariling mata at ilong ay hindi makikita sapagkat nakasuot ito ng maskara.
"Presumptuous! Dare to compete me?!" Sambit ng prinsipeng si Yuán Feng sa kaniyang isipan lamang habang mabilis itong nagwika.
"130,000 gold coins!" Malakas na sambit ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng na siyang umalingawngaw sa buong bulwagan na ito.
"140,000 gold coins!" Sambit muli ng malakas ng misteryosong nilalang sa loob ng silid na may numerong dalawa (2) habang makikita ang determinasyon sa tono ng pananalita nito.
"170,000 gold coins!" Malakas na sambit rin ng binatang lalaking si Prinsipe Yuán Feng habang makikitang hindi rin ito magpapatalo sa hamak na nilalang na nasa pribadong silid na mayroong numerong dalawa.
"Tsk! 190,000 gold coins!" Malakas na sambit ng misteryosong nilalang sa loob ng pangalawang pribadong silid. Halata sa tono ng boses nito na hindi ito magpapatalo.
Napasinghap naman ang lahat at tila hindi maipinta ang mga mukha ng mga ito.
"Napakawalanghiya naman ng misteryosong nilalang na iyan. Hindi niya ba alam kung sino ang kinakalaban nito?!"
"Oo nga, kung sino man ito ay malamang sa malamang ay hindi ito magpapatalo kahit sa mismong si Prinsipe Yuán Feng!"
"Exactly! kung sino man ito ay talagang gusto nitong subukan nag Prinsipe Feng ng Sky Flame Kingdom!"
"Tama, masyadong madman ang nasabing misteryosong nilalang na nasa loob ng pangalawang pribadong silid na iyan!"
"It's no good kung mag-iiwan ito ng inis sa prinsipe kahit na sabihing mababa lamang ang posisyon nito sa kasalukuyan sa loob ng Sky Flame Kingdom!"
"Hoy yang bibig mo, kahit na mahina man ang kapit ng prinsipe sa loob ng mismong kaharian ay hindi naman nangangahulugan na maaari siyang kalabanin ng sinuman."
Maging ang tanyag na tatlong elders na sina Elder Máo Chao, Elder Kāng Da at Elder Cuī Fu ay hindi na rin makapagpigil na sumali at mgbigay ng kanilang pahayag.
"Hindi ko aakalaing hindi takot ang misteryosong nilalang na iyan sa lakas ng pwersang nasa likod ni Prinsipe Yuán Feng. To think na ang presyo ng kanilang pinapasubasta ay nasa sky high price na!" Hindi mapigilang maisambit ito ng matandang lalaking si Elder Cuī Fu. Halatang kahit siya ay hindi mangingiming lumaban sa sinumang prinsipe kahit na sabihing anak ito ng hari sa kaniyang isa sa mga concubine. It doesn't na mahina ito lalo pa't ang hari ay sariling ama nito. Kahit sino ay matatakot talagang i-offend o gawan ng negatibong hakbang ang prinsipeng si Yuán Feng.
"Gusto siguro nitong malasap ang impyerno habang buhay pa ito. Kapag na-offend mo ang prinsipe ay katulad na rin ito sa pag-offend mo sa mismong hari!" Sambit naman ng matandang lalaking si Elder Máo Chao halatang sang-ayon ito sa sinabi ni Elder Cuī Fu kani-kanina lamang.
"Mangmang lamang ang mag-iisip ng ganitong kaisipan na labanan ang prinsipe sa gusto nitong makamit. It is really an honor to compete to Prince Yuán Feng but it's not worth it to offend him in any aspects!" Sang-ayon rin ng matandang lalaking si Elder Kāng Da. Halatang ayaw niyang makipagtunggali sa nasabing prinsipe. Pagdating sa yaman ay talaga namang aasahan na nilang matatalo sila by any means. Isang karangalan ang makipagkompetensiya sa mismong prinsipe pero hindi naman to the point na i-offend ang mismong prinsipe.
Sa loob ng pangalawang pribadong silid ay naroon ang hindi lamang isang nilalang kundi may isang nilalang pang nakatago sa dilim. Tanging ang suot nito ay isang itim na cloak ngunit kakikitaan ito ng pamilyar na awra at presensya kapag nakita siya ng nasabing prinsipeng si Yuán Feng na nasa kabilang silid lamang.
"Paano ito Prin---- este Ginoo, ano'ng gagawin ko? Mukhang hindi na matutuloy ang plano natin." Tila makikitang nangunot ang noo nang nasabing misteryosong nilalang na patuloy na magkokompetensiya sa pagbid sa nasabing prinsipe na si Prinsipe Yuán Feng. Halatang problemado ito sa maaaring mangyari lalo na at hindi pa nagle-let go ang prinsipe at mukhang desidido itong makuha ang nasabing Xiantian Realm item level na pinapasubasta ngayon. Nakaramdam man kasi siya ng kaba sa unang item pero alam niyang hindi sapat iyon para mangamba siya dahil mayroon din siyang alas sa laban rito pero hindi niya inaasahan na mayroon pang isang malakas na Xiantian Realm item level na talisman na tinatawag na Burning Sword Light Talisman na isang offense type. He will surely die kung susubukan niyang paslangin ang nasabing prinsipe Yuán Feng.
Paslangin? Oo, to be exact ay plano niyang paslangin ang nasabing prinsipeng si Yuán Feng maya-maya lamang ngunit lahat ng ito ay mukhang mabubulilyaso pa.
"Binayaran kita ng malaki sa pinapagawa ko sa'yo. It's now or never. Alam mong walang atrasan na ito. Ayaw mo naman sigurong ang buong pamilya mo ang paglamayan maya-maya lang hindi ba?!" Seryosong sambit ng nakasuot ng kulay itim na cloak na misteryosong nilalang na makikita sa tono ng pananalita nito ang labis na pagbabanta sa maaaaring maling hakbang ng mismong misteryosong nilalang na papaslang sa prinsipeng si Yuán Feng.