Galing pa nga ito sa napakataas at bumagsak ito sa kailaliman sa mismong lugar na ito kaya mako-conclude na isa itong uri ng magical beast. Normal animals will just die from this kind of injuries.
Hindi biro ang pagkakatalsik niya sa ere at kahit sinong makakakita sa kaniya kasama ang ibang mga bagay na ito nangagtalsikan ay talaga namang manghihilakbot.
Pasalamat rin siya at isa siyang Xiantian Realm Expert kung hindi ay siguradong nabagok ang ulo niya at nagkalasog-lasog na ang katawan niya.
Gamit ang Alchemy fire niya na kulay dilaw ay mabilis niyang niluto at pinagtutunaw ang mga iilang piraso ng mga cultivation herbs na masasabi niyang mayroong healing properties para mapabilis ang paggaling ng nilalang na ito.
Walang pag-aalinlangan namang pinunit ng batang si Li Xiaolong ang maliit na telang nasa laylayan ng roba niya. Gagamitin niya itong pantali sa sugat na natamo ng nasabing munting magical beast na ito.
Agad na binitbit ng batang si Li Xiaolong ang nasabing munting nilalang na ito papunta sa kinaroroonan niya. Tiwala naman siyang hindi siya kakagatin ng nilalang na ito. Labis pa rin itong nanghihina kaya imposibleng gagawa ito ng agresibong kilos laban sa kaniya.
Magkagayon pa man ay naging maingat pa rin ang batang si Li Xiaolong at mas piniling ikarga ito gamit ang dalawang bisig nito. He cannot afford to be bitten by this unknown beast at mas lalong ayaw niyang ilapit sa leeg niya ang bunganga ng halimaw na ito. Malay niya ba dahil mayroong vital points sa leeg niya. He could be easily killed if things gone wrong. Every magical beasts has it's own type of killing it's enemy kaya ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan niya.
Nang makarating ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang sariling kinaroroonan kanina ay napansin niyang nakatulog na ang munting halimaw na ito at pansin niyang tila nangalay ang kamay niya. Maingat niya itong nilapag upang hindi maistorbo ang tila mahimbing na pagkakatulog nito.
"Ang bigat pala ng munting nilalang na ito. Napasabak ang lakas ng bisig ko dun ah." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis din nitong inobserbahan ang nasabing nilalang na ito.
Agad na rin siyang dumistansya rito upang maghanap ng lugar na maaari niyang gamitin upang makapagcultivate na rin siya.
Nang makahanap na siya ay mabilis na pumwesto ang batang si Li Xiaolong sa pamamagitan ng lutos posisyon nitong pagkakaupo para maayos siyang makapagcultivate sa lugar na ito.
Agad na nagsimula ng magcultivate ang batang si Li Xiaolong ang at tuluyan ba ring na-immerse ang sarili nito sa pagcucultivate.
Hindi mapigilang makaramdam ng kakaiba ang batang si Li Xiaolong nang magsimula siyang magcultivate. Napakahina niyang sumagap ng natural na enerhiya sa kapaligiran niya rito. Ang bilis niya sa pagkokolekta ng mga essence qi sa paligid ay mukhang naging kalahati na lamang ang bilis niya kumpara sa dati niyang pagcucultivate.
Hindi mapigilang makaramdam ng kaba ang batang si Li Xiaolong dahil sa pangyayaring ito. Alam niyang ang lugar na ito ay napakahirap ang daloy ng hangin maging ang kapaligiran niya. Isa na rito ay ang kakaibang penomena sa paligid na siyang nagiging sanhi ng pagkaantala ng pagpasok ng mga natural na enerhiya sa bawat pores niya sa loob ng kaniyang sariling katawan.
Yung alam mo yun, noong nasa labas siya ng lugar na ito ay half the effort, twice the effect. Dito ay mukhang baliktad. Mukhang twice the effort half the effect. Halos dumuble ang normal na oras ng pagcucultivate niya rito. Hindi niya aakalaing ganon kahirap ang pagcucultivate niya rito.
Hindi alam ng batang si Li Xiaolong ngunit nakaramdam siya ng kakaiba sa kapaligiran niya rito. Agad siyang nagmulat ng kaniyang sariling mga mata matapos niyang makarekober ng mga enerhiyang nawala sa kaniyang sariling katawan.
"Hmmm... Mukhang papagabi na ngayon. Kailangan kong humanap ng ligtas na matutuluyan ngayong gabi. I don't feel that it will be safe here kung gagala ako sa lugar na ito." Seryosong sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pangamba. No matter what he says, nasa kadiliman ng gabi pa rin ang pinakadelikadong oras para sa mga katuald niyang nilalang. Ito kasi ang oras ng halos lahat ng mga martial artists lalo na yung mga tulog sa umaga at naninila ng bibiktimahin ang mga mababangis at malalakas na mga martial beasts.
Nagsimula na siyang naglakad papalayo nang maalala niya ang isang sugatang nilalang na ginamot niya at mabilis niyang binalikan ito.
"Pakokonsensyahin na naman ako ng utak ko kapag hahayaan kong matulog lamang ang nilalang na ito sa lugar na ito. Kung ano pang mangyayati rito ay cargo de consencia ko pa." Nakasimangot na sambit ng batang si Li Xiaolong habang mabilis nitong kinarga sa dalawang bisig niya ang nasabing halimaw at mabilis na nilisan ang lugar na ito.
Mabibilis ang naging bawat paghakbang na ginagawa ng batang si Li Xiaolong. Pansin niyang hindi niya maaaring baliwalain ang oras ngayon. Kung pagbabasehan kasi ang oras na nawalan siya ng malay sa sugat na natamo ng munting nilalang na tinulunga at ginamot niya ay masasabi niyang maya-maya lamang ay magtatakip-silim na kaya dapat na makahanap siya ng tutuluyan pansamantala sa papalapit na gabing ito.
Li Xiaolong found himself inside the huge tree. Kung hindi siya nagkakamali ay mukhang matanda na ang punong ito at sa loob ng punong ito ay may malaking espasyo. He found out that it is naturally not a magical beast den at masasabi niyang hindi din ito madaling matunton ng anumang magical beast. Tanging may malaking butas lamang ito sa isang parte ng punong ito habang wala itong labasan sa kabila. Kung hindi nagkakamali ang batang si Li Xiaolong ay naturally formed itong butas sa loob ng punong ito at mukhang ang malaking sanga ng puno ang naputol kaya masasabi niyang medyo bago pa lamang ang pagkakaporma ng hole sa loob ng puno.
Masaya naman ang batang si Li Xiaolong dahil nakahanap na siya ng lugar na pwede niyang panatilihan sa ngayon. Theres nothing he could really do but to hide for their safety in this darkest knight but there's no sun shines above nor a moon that could he make a guide out of it.