Chereads / Supreme Asura / Chapter 121 - Chapter 121

Chapter 121 - Chapter 121

Agad naman sanang gagalaw ang kamay ng dalawang nilalang na nasa likuran ni Guild Master Chen Hui ngunit mabilis niya itong sinenyasan.

Mabilis namang tumango ang mga ito at mabilis na lumakad paabante na siyang dinaanan pa nila ang magandang babaeng si Lu Lan. Naintindihan nila ang nais iparating ng nasabing Guild Master na si Chen Hui.

Imbes na matakot ang magandang babaeng si Lu Lan ay napangiti pa ito ng nakakaloko.

"Galit ka pa ba Lan'er?! Hindi mo ba ko mapapatawad?!" Sambit ng lalaking nasa harapan nito na si Chen Hui.

"Tinatanong mo pa ba yan?! Alam mong walang kapatawaran ang ginawa mo, alam mo ba yun?!" Galit na sambit ng magandang babaeng si Lu Lan. Makikitang ibang-iba talaga ang ugali nito pagdating sa ama nito

Oo, mag-ama sila pero meron sa parte ng puso ni Lu Lan ang nakamarkang galit at poot na nararamdaman nito na hindi mawala-wala.

Tila gumuhit naman ang sakit sa pagmumukha ng lalaking si Chen Hui sa sinabing ito ng kaniyang sariling anak na si Lu Lan.

"Hmmm... Kung galit ka sakin Lan'er ay bakit ka naririto?! Mayroon ba kong nais na maitutulong sa iyo?! May gumigipit ba sayo?!" Aligagang sambit ng lalaking si Chen Hui. Mababakas ang sensiridad sa tono ng pananalita nito.

"Wala naman, may nais lang akong sabihin iyo. May mahalaga kang bisita na naghihintay sa Interrogation Area. Baka gusto mong puntahan siya. Napaka-ungrate mo naman kung hindi mo mapagbibigyan." Sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang makikita ang labis na pagpipigil nitong mainis pa lalo.

Tila nakaramdam naman ng konsensya ang magandang babaeng si Lu Lan sa naging padalos-dalos na plano niyang ito. Yung tipong hindi niya gustong mangyari ang bagay na ito ngunit ayaw niyang manatili pa sa lugar na ito. Pakiramdaman niya ay nagiging tau-tauhan siya ng kaniyang sariling ama na si Chen Hui which is hindi naman talaga.

"Pasensya na Batang Li Xiaolong, nadamay ka pa sa kalokohang naisip ko. Sana mapatawad mo ako. Ito lang ang huling araw na gagawa ako ng katarantaduhan para magdeal sa sarili kong ama." Malungkot na saad ng magandang babaeng si Lu Lan sa kanjyang isipan lamang patungkol sa kung paano niya ginamit ang sitwasyong ito para lamang sa sarili niyang kapakanan.

Alam niyang hindi talaga sincere ang ama niya sa kaniya at puro akto lamang ito. Mataas ang posisyon nito at kung dito siya mananatili kasama niya ay hindi siya makakagawa ng anumang bagay na ikasisira nito lalo na ang posisyong hinahawakan nito. Ang mga kasalanan nito ay nagkanda-tambak tambak na.

Ang naisip niyang plano ay gusto niyang pumalpak ang lahat ng naayon sa normal na gawi ng Feathers Guild. Siguradong ang araw na ito ay magmamarka sa kasaysayan ng Feathers Guild dito sa loob ng Sky Flame Kingdom.

Natigil na lamang sa kaniyang malalim na pag-iisip ang magandang babaeng si Lu Lan nang mabilis na nagsalitang muli ang ama nitong si Chen Hui.

"Hmmm... Total ay papalabas ako ng gusaling ito ay maaari naman akong dumaan sa sinasabi mong mahalagang bisitang iyan.

Kung gayon ay ano pa ang hinihintay natin, mas mabuting magmadali na tayo. Bawal ang pinahihintay ang bisita hindi ba?!" Nakangiting sambit ng magandang babaeng si Lu Lan habang nakatingin sa ama nitong si Chen Hui.

...

Nasa loob na sila ngayon ng Interrogation Area sa mismong maliit na silid. Naroroon ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong.

Hindi inaasahan ng magandang babaeng si Lu Lan na napakarami na talagang mga eksperto ang punupunta sa lugar ng Feathers Guild. Tila ba ang Feathers Guild ay naging lamab ng usapan at kalipunan ng lugar na ito. Masasabing tila ba ang mga bagay na naririto at kung paano ang mga bagay-bagay rito ay tila hindi makatotohanan.

Lalo na kung paanong sumipot ang mismong Guild Master na si Chen Hui ng Feathers Guild at pumunta ito ng diretso sa Interrogation Area kung saan ang batang lalaki ay naroroon pa rin.

Tila mas naging mainit ang pangyayaring ito na nasaksihan ng lahat. Tila ba ang balitang ito ay nag-spread na kagaya ng wildfire.

This kind of event ay mas nagsiklab ang puso't damdamin ng mga martial arts experts sa loob at labas ng feathers Guild.

"Hmmmp! Ano'ng espesyal sa batang iyon eh wala namang kakwenta-kwenta iyon!"

"Sinabi mo ba, nakakainis ang batang iyon. Mantakin ba namang sinipot ito ng Guild Master na si Chen Hui!"

"Oo nga, naaalala ko nga na isang espesyal na customer lamang ang binibisita nito at pinapaunlakan."

"Tama ka sa iyong sinabi. Talaganv mailap ang Guild Master ng Feathers Guild sa kahit na sinuman. Tanging ang mga mahahalagang nilalang lamang ang binibigyan nito ng pansin.

"So parang sinasabi niyo na espesyal ang batang lalaking nasa loob ng Interrogation Area? At naniwala naman kayo dun?!"

"Oo nga, nakakapagtaka, never in my entire life na makakasaksi ng ganitong klaseng pangyayari."

"Bumaba na ba ang Standards ng Feathers Guild?!"

Ilan lamang ito sa mga naging usap-usapan at pahayag ng mga nakikiusyusong mga martial artists na naririto.

Habang ang mga empleyado na siyang taga-assist ang trabaho ay masasabing nagpupuyos ang mga ito sa sobrang inis at galit dahil sa pangyayaring ito.

"Naku, ito na ba ang dahilan ng pagbagsak ng Feathers Guild?! Nakakainis ang babaeng si Lu Lan!"

"Sinabi mo pa. Talagang dinamay na niya ang lahat ng nilalang rito lalo na ang Guild Master."

"Wala na tayong magagawa pa, nababaliw na nga ata ang babaeng si Lu Lan."

"Grrrr... Nakakainis talaga ang Lu Lan na yan. Hindi talaga nito tinantanan ang mga bagay na dapat ay hindi na pakialaman pa!"

"Ewan ko Lang kung di pa ito magtanda ito! Ibayong parusa sana ang mapataw sa kaniya."

"Sigurado iyon. Ano sa tingin niya, ganon lang kasimple ang ginawa nito?!"

"Nasa atin pa rin ang huling halakhak hahahahaha!!!!"

"Buti nga sa kaniya. Nagmamarunong kasi eh, dapat kasi ay hindi na niya nilibang ang batang lalaking ito na sobrang bata pa!"

"Kaya nga eh, kung di ba naman may sire sa utak edi sana ay maaari pa itong makaligtas sa problemang ito."

"It is really to late, wala ng magagawa pa si Lu Lan kundi ay ang tanggapin na laang ang malupit nitong kapalaran na naghihintay sa kaniya."