Chereads / Supreme Asura / Chapter 117 - Chapter 117

Chapter 117 - Chapter 117

"Uhm, bata, maaari ko bang malaman kung bakit mo gustong makita at makipagkita sa aking Supperiors?! Hindi ko maaaaring gawin ang nais mo kung wala naman akong basehan para sumang-ayon sa iyong request." Magalang na pagkakasambit ng magandang babaeng nagngangalang Lu Lan habang seryosong nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong. Tila mababakas pa rin ang pagtataka at pag-aalinlangan sa boses nito.

"Uhm, kailangan ko lamang ang kaniyang kabuuang presensya ukol sa nakasensitibong impormasyon na hindi ko maaaring ipagsabi sa iyo o sa sinuman, sana maintindihan mo ito Binibini." Magalang an sagot ng batang lalaking si Li Xiaolong sa katanungan ng magandang babaeng nagngangalang Lu Lan.

"Sigurado ka ba batang Li Xiaolong?! Kung magkaroon kasi ng aberya at inistorbo ko ang Superior ko ay maaaring masisante ako at mawalan ng trabaho. Malaking problema kung pumalpak ako." Sambit ng magandang babaeng nagngangalang Lu Lan habang nakatingin sa batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang tila hindi pa rin ito kumbinsido sa naging sagot ng batang lalaking si Li Xiaolong. Sa edad nitong anim kasi ay masasabi niyang tila napakabata pa nito upang maging martial artists o magcultivate. Masasabi rin niyang wala siyang ideya sa tumatkabo sa isip ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong na nasa harapan niya.

Isa pa sa pinoproblema ng magandang babaeng si Lu Lan ay ang mga bagay na maaaring wala siyang kontrol o hindi niya kontrolado. Hindi naman sa nagiging judgmental siya ngunit ngayon lamang siya nakahandle ng sitwasyong sobrang bata pa o anim na taong gulang na bata ang kaniyang ina-assist at sobrang bago ito sa kaniya. Ang pinakabata kasi niyang nahandle ay landalawang taong gulang at masasabi niyang reliable ito at nagtanong lamang iyon sa gusto nitong malaman na impormasyon patungkol sa suitable martial art Technique na maaari niyang umpisahang matutunan pero ang tila lima hanggnag pitong taong gulang na batang lalaking ito na nasa harapan niya at hindi magtatanong o kakalap ng impormasyon sa kanila bagkus ay gusto nitong magbigay ng impormasyon.

Masasabi niyang napakatalino ng batang lalaking nasa harapan niya na nagngangalang Li Xiaolong dahil tila alam nito na dalawa ang functions ng kalakan sa loob ng Feathers Guild.

Una ay ang pinakakaraniwang functions na alam ng lahat, ang pag-acquire ng impormasyong gusto nila malaman sa Feathers Guild na siyang malaking bagay para sa mga ito.

Ang pangalawa naman ay ang pagbibigay ng impormasyon. Isa ito sa pinakamalimit na mangyari sapagkat marami na rin silang nakalap na impormasyon patungkol sa mga maaaring ipinunta nila rito. Kung wala man ay mabilis naman silang naghahanap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga miyembro ng Feathers Guild na siyang trabaho ay maghanap ng mga impormasyon. Isa din sa dahilan kung bakit mahal ang impormasyong ibinigay nila ay dahil marami din silang nasayang na salapi o kayamanan para ma-acquire ang nasabing mga impormasyong kinakailangan ng kanilang customers o tagabili ng mga impormasyon sa kanilang branch.

Sa sinasabi ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang ay tila ba napakalaki at napakaselan talaga ng impormasyong maaari nitong sabihin na siyang hindi niya alam kung sino ang maaari nitong pagsabihan.

"Naiintindihan ko ang iyong sinasabi bata. Maghintay ka lang dito batang Li Xiaolong. Pupuntahan ko lang ang aking Superior sa itaas. Susubukan ko kung ano ang magagawa ko." Simpleng sambit na lamang ng magandang babaeng nasa harapan ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong. Tila ba kahit may alinlangan sa tono ng pananalita niyo ay masasabing totoo naman ang sinasabi nito.

"Inaasahan ko ang iyong sinasabi magandang binibini. Gusto ko sanang makausap ang Guild Master ng mismong Feathers Guild. Mapagkakatiwalaan ba kita Binibini?!" Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakatingin pa ito sa magandang babaeng nasa harapan niya. Napatanong pa ito sa huling pangungusap na sinabi nito.

Tila nagulantang na talaga ang magandang babaeng nasa harapan niya. Tila ba hindi nito ma-contain ang sinasabi ng batang lalaking nasa harapan nito.

"Si-sigurado ka ba ba-batang L-Li X-Xiaolong?! Pero hindi ko magagawa iyon. Wala akong access sa pagtawag sa mismong Guild Master, alam mo bang isa lamang akong ordinaryong empleyado ng Feathers Guild." Nauutal na smbit ng magandang babaeng si Lu Lan haabng nakatingin pa ito sa batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong sa kaniyang harapan. Tila nanlalaki ang pares ng mga mata nito habang makikitang hindi ito makapaniwala sa sinasabi ng batang lalaking nasa harapan niya.

Guild Master ng Feathers Guild na pinagtatrabahuan niya? Kakausapin niya? Like Seriously?! Mukha ba siyang isang joke sa harapan ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong?! O talagang oinagtitripan lang siya nito? Hindi niya aakalaing mayroong magsasabi sa kaniya ng ganito lalo na at tila inuutusan pa nito siyang kausapin nito. Mabuti sana kung close sila nito o may mataas siyang posisyon para sabihin ito.

Hindi alam ng magandang babaeng si Lu Lan kung maiiyak ba siya o matatawa sa sinasabi ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong kung paniniwalaan niya ba ang sinasabi nito o hindi. Litong-lito talaga siya kung maniniwala siya rito. Masasabi niyang tila hindi siya makapagdesisyon kung ano ang gagawin niya.

Napatango na lamang ang batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong habang nakatingin sa magandang babaeng nasa harapan. Masasabi ng batang lalaking si Li Xiaolong na mayroong kakaiba sa magandang babaeng nasa harapan niya.

Sa naging tugon ng batang lalaking nagngangalang Li Xiaolong ay Biglang naalala ni Lu Lan ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ina noon. Dapat ay maging mabuti siya sa kaniyang kapwa o kung sinuman. Kahit na isang porsyento lamang ang posibilidad ay dapat niyang i-grab. Naalala niya rin kung paano siya alipustahin at i-back stab ng mga kapwa niya empleyado rito. Kinakaya niya lang at pinakikisamahan niya lamang ang mga ito sa totoo lang dahil sa turo ng kaniyang sariling ina na nawala sa tamang pag-iisip dahil sa mas malalim na dahilan.

"Kung matanggal man ako sa trabaho ay wala na akong magagawa. Siguro way na rin ito para makaalis na ako sa lugar na ito at humanap ng trabahong mas nababagay sa akin kung saan ay payapang kapaligiran. Nakakasawa na rin minsan sa totoo lang. Sign na ba ito na dapat na kong umalis sa trabaho ko?!" Sambit ng magandang babaeng si Lu Lan sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang kakaibang emosyon sa pares ng mga mata nito.

Related Books

Popular novel hashtag