Chereads / Supreme Asura / Chapter 514 - Chapter 515

Chapter 514 - Chapter 515

"Hindi pa ba malinaw sa iyo Wong Ming na ikaw si Li Xiaolong. Hindi mo maaaring baguhin at takasan ang nakaraang buhay mo kasama ang mga taong naniniwala sa kakayahan mo maging sa magagawa mo. Bumalik ka na sa lugar na ginsgalawan mo noon at maaari mong makamit ang katotohanang gusto mong makamit." Seryosong wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang makikitang gusto nitong kumbinsihin ang binatang nasa harapan niya.

Hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisang magsabi o gumabay sa binatang si Wong Ming ngunit naniniwala siyang balang araw ay magiging maayos din ang lahat at babalik ang alaalang nawaglit sa diwa ng batang si Li Xiaolong noon na ngayon ay binata na kung maituturing.

Ramdam niyang may pag-asa pang maaaring mangyari lalo na at mukhang marami pa siyang dapat na ituro rito hindi lamang sa bagay na nangyari noon ngunit sa mga suliraning kinakaharap nito noon na nagdulot ng aksidenteng pagkapadpad nito sa malayong siyudad sa labas ng Dou City.

Kahit nga siya ay hindi rin alam ang nasabing lungsod na ginagalawan ngayon ni Li Xiaolong o Wong Ming na tinatawag na Golden Crane City. Naniniwala siyang malakas na ngayon ang nasabing binata.

Mula sa Pagiging Purple Blood Realm Expert nito ay masasabi niyang nasa Golden Blood Realm na ito na una sa anim na pinakamahirap na stages ng Golden Stage.

Mula sa Purple Blood Realm ay magco-condense ang enerhiya nito sa dugo upang dalisayin ang puso ng nasabing eksperto na tinatawag na Purple Heart Realm Expert. Pagkatapos ng nasabing proseso ng pagbreakthrough ay darating na sa punto na magbabago ang enerhiyang nagmumula o dumadaloy sa katawan ng isang martial artists upang tuluyan ng maging malakas na enerhiya ito upang mas lumakas pa ang katawan at abilidad ng isang nilalang to execute there skills and techniques into a better one.

Ang pagtapak sa Purple Blood Realm patungo sa Golden Blood Realm Expert ay maihahalintulad sa tubig at langis. No one could ever cross this boundary without enough perseverance and determination. Kaunti lamang ang mga nilalang na makakatuntong sa ganitong klaseng lebel ng cultivation.

Ang golden stage ay nahahati sa anim na boundary at ang pinakuna rito ay ang Golden Blood Realm Expert ngunit batid ng nasabing magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida na malakas kaysa sa mga ordinaryong martial artists si Wong Ming.

Sa apat na taon nito ay nakatungtong na ito sa Golden Blood Realm ay masasabing talentado nga ang binatang si Wong Ming. Mula sa Purple Blood Realm patungo sa Golden Blood Realm ay masasabing sapat na ito upang patunayan ang kaniyang sariling abilidad bilang isa sa mga batang martial artists na nakalagpas sa cultivation lebel ng mga ordinaryong mga nilalang.

"Mula sa iyong mga patunay ay masasabi kong hindi ka nagbibiro sa iyong sinasabi. Ang katotohanang inilahad mo sa akin ngayon ay maaari kong gamitin ito upang makapaglakbay sa lalong madaling panahon sa labas ng Golden Crane City. Sa kabilnsg banda naman ay nais kitang gantimpalaan, ano ang nais mong hilingin magandang binibini, materyal na bagay o mga salapi?!" Seryosong saad ng binatang si Wong Ming habang Kitang-kita sa mukha nito na hindi ito nagbibiro sa mga sinasabi nito.

Alam niya na lahat ng bagay sa mundong ito ay may kapalit, isa pa ay ayaw niyang magkautang na loob sa kahit na sinumang nilalang. Itinuro ng ama niyang si Wong Bengwin ang pagiging mabuti sa taogn mabuti rin sa kaniya

Napangisi na lamang ng mapakla ang nasabing magandang babae sa hindi kalayuan at mabilis din itong nagwika.

"Hahahaha... Hindi ko aakalain na ganito ang iyong ugali binata ngunit sa mundong ito ay tingin ko ay ang kayamanan ang pinakahindi importanteng bagay na maaari kong hinging kapalit. Bayaan mo ng bumalik na ang iyong sariling aalala ay malalaman mo ang lahat ng pinangako mo." Sambit ng magandang babaeng tila nakangisi pa ng maloko na halatang ayaw nitong tanggapin ang maaaring kapalit na gustong ibigay ng binata sa kaniya.

"Kung iyan ang nais mo binibini at hindi na ako mamimilit pa. Ngunit ang iyong mga sinasabi ay akin pang tutuklasin upang malaman kung nagsasabi ka ng totoo o pawang kasinungalingan lamang ba ito." Sambit ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita sa mata nito na gusto nitong protektahan ang kaniyang sarili laban sa mga posibleng epekto ng kaniyang sariling pagtiwala na ibinigay sa nasabing magandang babaeng kakakilala niya lamang.

"Sigurado ako sa aking sinasabi at hindi ako kailanman magsisinungaling sa iyo binata. Lumipas man ang panahon ngunit batid kong kilala pa rin ako ng iyong katauhan." Sambit ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang makikitang determinado ito sa katotohanang sinasabi nito sa binatang si Wong Ming.

"Ang tiwala ay madaling maibigay ngunit kapag ito'y nasira ay pagbabayaran mo ito binibini. Mahirap akong magalit at hindi ko gustong ginagawa lamang akong tanga." Seryosong turan ng binatang si Wong Ming habang kitang-kita sa mata nito ang babala sa bawat katagang sinasabi nito.

"Wag mo kong takutin binata. Malalaman natin iyan kung makakapaglakbay ka na

Hindi naman siguro magiging mahirap ang pagtahaka mo pabalik sa pinagmulan mong lugar na minsan na ring naging tahanan mo." Malumanay na wika ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida habang nakatanaw sa direksyon ni Lin Xiaolong. Hindi ito magpapatalo dahil lamang sa mga bagay na alam niyang may katotohanan na magtuturo sa hinahanap ni Wong Ming na impormasyon upang bumalik na ang mga alaalang nawaglit sa puso't isipan nito.

"Hindi pa ako nagtitiwala ng lubos sa sinabi mo binibini at hindi ako natatakot na lumabas sa lugar ba ito kung ito ang iyong gustong ipahiwatig. I am someone that could just be a burden nor a fool to be fooled." Prangkang saad ng binata habang kitang-kita ang determinasyon sa mukha nito.

"Malalaman lamang natin iyan kung andun ka na. Sa ngayon ay mukhang kailangan mo ng bumalik sa reyalidad at hindi ka maaaring tumtambay dito sa loob ng aking lugar." Simpleng sambit ng magandang babae sa hindi kalayuan halatang may gusto itong ipakahulugan.

Ngunit bago pa magsalita ang binatang si Evor ay mabilis niyang naramdaman ang tila kakaibang enerhiyang hinihigop siya paatras. Wala siyang ideya kung ani ito o kung anong klaseng mahika ang ginamit ng magandang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida.

Maya-maya lamang ay mabilis na nakita lamang ni Wong Ming ang sarili niyang umiikot-ikot ang paligid niya hanggang sa dumilim ang paningin niya at nilamon siya ng walang hanggang kadiliman.