Chereads / The Missions of Pretending / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Nakarinig ako nang pag tawa nang katabi ko na pinagkunootan ko nang noo. Sigurado akong nagtataka ito kung bakit sa itaas ako tumingin. Pakielam ba nya? Pasalamat sya Gwapo sya at pwede ko syang kaini- De joke lang.

"How old are you?" Tanong nito sa akin na sinagot ko naman.

"23."

"Same."

Hindi ko naman tinatanong, pero hayaan na. Nakakatuwa lang sa edad kong ito ay may misyon pa ako. Marunong din naman akong mag panggap kaya siguro naka pasok ako dito. Tumingin ako sa katabi kong matangos ang ilong, singkit ang mata at nakaka adik ang labi. Kasing puti ko lang din sya.

"Gwapo mo naman. May lahi kaba?" Deretsong sambit ko na ikinagulat nya.

"Half American." Sabay kindat nito sa akin. Half American pero singkit ang mata?

Nagsi layasan na ang lahat kaya umalis na rin kami. Inakbayan ko ito dahil komportable ako sa presensya nya. Hindi na ako nakapag paalam sa kaibigan ko paniguradong bumaliktot na ang katawan non nang matupad ang pinapangarap nya.

"Ayos ah. Mabuti na lang at wala kang chicks." Maangas na sabi ko na ikinahalakhak na naman nito.

"Before." Maikling wika nito at hinakawan ako sa beywang papunta sa Resto Shakey's.

"Libre mo ako." Walang hiyang wika ko na ikinatango na naman nya. Sinunod nga nya na ikinagulat ko. Hindi ko aakalaing seseryosohin nya ang biro ko kaya naman itinuro ko nalang ang gusto ko tutal mayaman pa yata ito sa akin.

"Manok malaki, spaghetti, pizza, mojos" Tinuro ko ang mga pagkain doon at alam kong naka tingin siya na para bang namamangha kaya naman nilingon ko ito.

Pinitik ko ang noo nya at sinabi ulit ang order ko na kaagad naman sinabi kay Ate.

"Punta lang akong sa pwesto natin." Bulong ko at hindi ko na hinayaang matawa na naman siya. Siguro nasa isip non na baliktad ang utak ko at mas pinili siyang samahan bago pumunta sa pwesto.

Ayan tuloy ay nahirapan ako sa dami rin nang tao. Ma swerte din madalas dahil sa dulo kami naka serve at kitang kita ang ganda nang view nang dagat dito. Minsan nga ay makapag swimming at isasama ko si Kenj para naman hindi boring.

"Wait for five minutes." Nakita ko naman ang pagkain nya at napa simangot dahil maghihintay pa ako nang order ko.

"Bakit may pa five minutes?" Tanong ko. "Huwag kang tatawa." Dagdag ko pa nang makita kong patawa na naman siya.

"Chillax, dahil fresh at bago ang mga in order mo. Sinabi ko na ring special para sayo kasi nakakahiya naman." Napabuntong hininga sya. "First day natin pero ako na agad ang gumagastos." Ma drama pang dagdag nito.

Sinipa ko naman sya sa ilalim nang lamesa na ikinagulat nito. "Huwag ka ngang mag drama. Hindi bagay sa'yo." Umirap ako bago tumingin sa labas.

Limang minutong lumipas at dumating na rin ang order ko. Napa labas ang dila ko at natakam sa amoy. Saktong pag alis nang waiter ay ang pagkalam nang malakas na sikmura ko.

Muntik pang maibuga sa akin ni Kenj ang iniinom nya kung hindi ko sya binigyan nang masasamang tingin. Paglunok nya ay halos mapahawak na sya sa tyan nya kakatawa dahil doon.

Marami ang taong napapatingin sa pwesto namin kaya naman nahiya na ako. King ina nagugutom lang naman sikmura ko pero bakit kailangan akong ipahiya nang kasama ko?

Tinadyakan ko sa ilalim ang paa nya na ikinatigil nito. Humingi sya nang paumanhin bago kumain ulit. Matapos kong kainin ang Manok, Spaghetti at Pizza at tinira ko na ang Mojos.

"Damn." Nagulat ako nang magsalita ang nasa harap ko.

"Problema mo?"

"Ang takaw mo pala. Mauubos badget ko nyan sayo." Reklamo nya

"Para namang naghihirap ka." Irap ko at pinapak ang iisang natitirang Mojos nang agawin nito sa akin.

"Akin na yan! Mang aagaw kapa may sarili kana ngang pagkain." Asik ko

"Mambigay ka naman."

"Pagkain ko yan."

"Akin ang pera."

"Pero libre mo diba?!" Halos pasigaw ko nang sagot at pilit pa rin kinukuha ang Mojos ko mula sa kanya.

Nagulat ako nang isubo nito sa akin na muntikan ko pang mailuwa dahil sa pambibigla. Natatawa na naman nya akong tiningnan habang nginuguya ko ang pagkain.

Matapos ang pangyayari ay naka tambay pa rin kami at sandaliang pananahimik habang hinihintay ang presyo upang mag bayad.

"Buurrrpp!" Nagulat ako sa biglaang pag dighay nito.

"Mag excuse ka naman." Nag peace sign lamang ito na saktong pag dating nang presyo.

Kinuha naman nya agad ito at nanlaki ang mata dahil sa nakita nya. Chill ko lamang syang tinitingnan habang inuubos ko ang inumin ko dahil sayang naman.

Umabot nang tatlong libo ang order namin dahil nagpadagdag pa ako nang Mojos. Kinaadikan kong patatas sa balat nang lupa. Kinuha naman nito ang wallet at 4k ang nilabas.

Nang masuklian agad ay nag iwan sya nang dalawang daan bago lumingon sa akin. "Tara."

Tumango naman ako. "Tara." at sinundan sya