Chereads / The Missions of Pretending / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Kinahapunan ay inaya ko siyang mag swimming ngunit sinabi na lamang na susunod siya kaya naman umakyat na ako nang 7th floor nang naka two piece red at may pang taklob na white t shirt.

Nagulat naman ako nang makita ang kaibigan ko at ngumiti ito nang matanaw din ako kaya naman dali dali na akong lumapit sa kanila.

"Asan boyfriend mo?" Takang tanong nya kaya naman umupo na muna ako sa harap nila bago magsalita.

"Susunod." Nilingon ko ang katabi nito. "Nicko right?" Tumingin ito sa akin at tumango bago kami mag shake hands.

"Ang sweet nyo naman." Irap ko sa kanila na ikinatawa nila.

"Swimming lang kami." Kinindatan ako nang kaibigan ko bago sila mauna. Tumango lamang ako at tiningnan ang likuran nila. Sweet nga.

Tumayo ako at tumingin sa ibaba nang makitang tanaw dito ang pag sho-shooting nang iba. Kailan kaya kami magsisimula? Paniguradong kakalat na naman ang news at i shi-ship nila sa movie. Napairap ako don at bumalik na lang ulit.

Natanaw ko ang pag bukas nang elevator at taas ang kilay na lumapit sa gawi ko. In fairness at gwapo sya sa suot nya. Muntikan pa akong mapadila nang matanaw ang kalahating abs nito.

"Bakit ang tagal mo?" Nang nasa tapat ko na sya.

"Miss me?" Ngising sambit nito.

"Huwag kang feeling." Nilagpasan ko na sya para kumuha nang sunblock mula sa bag.

Narinig ko pa ang halakhak nito ngunit hindi ko na sya pinansin. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko naman kinuha ito at sinagot.

"Bakit beki?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Ghorl, bumaba kayo nang bebe mo dito at kailangan para sa project. Bili!" Tili nito kaya naman agad ko nang pinatay ang tawag.

"Let's go." Senyas nya sakin.

Pagbaba namin ay pumapalakpak na ang bakla na si Rist at agad agad kaming inayusan. Hindi na bago ito at agad agad akong nilagyan nang light make-up. Ang sabi ko ay gusto kong mag swimming, hindi ko aakalain mapapa aga ang sa amin dahil na rin siguro sa partner ko.

"Beauty kana ghorl. Ponta kana sa partner moah." Napangiwi ako at napa irap matapos akong ayusan.

Tinanggal ko ang naka patong sa akin at umupo sa kandungan nya. Isinabit ko ang aking mga kamay bago humarap sa camera na ikina thumbs up nang photographer.

Ilang post pa ang ginawa namin. Magka yakap at tinginan na para ba talagang mag couple bago kami namahinga.

"In fairness, bagay kayo ha." Nakapameywang ito sa harap ko.

"Well." Kibit balikat ko at nag flip nang buhok sa harap nya.

"Hot ghorl."

"Tigilan mo akong bakla ka at bumalik kana sa loob." Sambit ko sa kanya kaya naman umirap muna ito bago kumendeng papalayo.

"Hey." Pa cool na sabi nito. Kaya naman tumaas ang kilay ko sa kanya.

Inakbayan ko ulit ito at ang kamay naman nya ay nasa bewang ko. "Let's remove our make up first." Bulong ko sa tenga nya at kinuha ang white t-shirt bago pumasok sa loob.

Dumeretso ako sa rest room at naghilamos. Sa kasamaang palad ay hindi ko nadala ang wipes ko para madali. Pag labas ko ay nagulat ako nang nag aabang na pala ito sa gilid kaya agad nya akong inakbayan.

Mabuti na lamang at may katangkaran din ako kaya naman hindi ako titingala sa kanya at hanggang tenga nya ako. Pag akyat ng 7th floor ay inilagay ko muna ang white t shirt at inilabas ang roba at nilagay sa gilid para naman madali.

Nagpunta kaming 7 feet dahil kakaunti lang din ang tao sa malawak na pool bago ako nag dive pailalim at lumangoy hanggang sa marating ko ang dulo. Humawak ako sa hagdan nang pool at naupo doon saglit.

Hinarap ko ang boyf-partner ko na papalangoy papalapit dito at ngumiti naman pagka ahon sa tubig.

"Anong oras naba?" Tanong ko sa kanya.

"It's already 5pm." Napasimangot ako dahil nakalimutan ko pang mag miryenda kanina. Pero di bale na.

Tumingin ako sa kanya at tumaas ang kilay nito sa akin. Mukhang parehas kami nang iniisip nito kaya naman sabay kaming umakyat. At pumunta nang dulo bago mag handa.

"Let's race." Sabay naming sabi at sabay ding nag dive pa ibaba.

"Sure,"

Pumuwesto naman kami sa gilid at nagbilang nang tatlo bago mag dive. Hindi rin madali dahil masakit iyon sa ilong at parang naka singot pa ako ng tubig kaya naunahan nya ako. Lumangoy pa kami ulit kami pabalik bago namahinga sa gilid at hinihingal.

"Are you okay?"