Chereads / My Girlfriend Is A Witch / Chapter 11 - Chapter Eleven

Chapter 11 - Chapter Eleven

"Okay ka na ba diyan?" tanong ni Dolly kay Vergel habang nag susuklay ng buhok sa harapan ng salamin.

"Opo." sagot ni Vergel. Nakaupo lang siya sa lapag habang nanuod ng TV.

"Oh may mga project ka ba sa school ninyo ngayon?.."—Dolly.

"Wala pa naman po."—Vergel.

"Eto oh." lumabas si Dolly ng kwarto at may inaabot na 3k.

"Ano po yan?"—Vergel.

"Dumaan dito ang nanay mo. Nasa school ka kanina kaya hindi kana nya nahintay. Pinapaabot nya dahil baka daw ubos na ang allowance mo." sabi nito. Hindi niya kinuha ang perang inaabot ni Dolly.

"Ay naku Vergel wag mo ko aartehan ng ganyan ah. Wag kang mapagmalaki sa magulang. Ang nanay mo na nga ang nalapit sa iyo eh. Yung ibang bata dyan sa lansangan walang nanay tapos ikaw, tini-take for granted mo lang."—Dolly.9,

"Hindi naman po ako nagmamalaki. Nahihiya nga po ako sa nanay ko at kay itay." nakayukong sabi ni Vergel.

"Vergel, hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin kung anong pinagawayan ninyo pero sana wag mong tiisin ang nanay at tatay mo. Nakikita ko sa mga mata nya na miss na miss ka na nya."—Dolly.

"Opo." nakangiting sabi nya.

"Oh siya sige. Aalis na ako." bahagya nyang ginulo ang buhok ni Vergel.

"Ingat po kayo."Sumunod sya para ihatid ang babae sa pintuan.

"Mag-lock ka ng pinto ah."—Dolly.

"Opo."—Vergel.

Tumigil si Dolly sa paglakad at nilingon pa sya.

" Pag-isipan mo ang sinabi ko ah."—Dolly.

"Opo. salamat po ante. ingat po." Hinintay nya munang mawala sa paningin niya si Dolly. At nang masigurong nakaalis na ito ay saka lamang siya nagsara ng pinto.

"NONOY KOPOOH!..." muntikan na syang atakehin sa puso nang makita nakadapa si Autumn at nanunuod ng TV.

"P.pwede bang gumamit ka naman ng pinto?"—Vergel.

"Why should I?" tanong nito.

"Kasi malapit na akong madala sa mental sa ginagawa mo."—Vergel.

"Why? What am I doing to yah?" tanong nito na mayroon pang british accent.

"Ano bang ginagawa mo dito?"—Vergel.

"Nothing, it just because I can't forget what Auntie Dolly cooked. The dish mixed with tomatoes and white onion and soy sauce."—Autumn.

"Pinaganda mo pa. Hindi dish yon. Sawsawan lang yon. Saka bakit mo ba ako ini-english? Nagde-deliryo ka ba?"—Vergel. naupo si Vergel sa kaniyang study table.

"Nagugutom ako.".

Nag-umpisa na siya sa pag-gawa ng mga assigments. Hindi niya pinansinbang sinabi nito.

"Alam mo bang kaya kong magbitaw ng salita at kapag sinabi kong si Joko ang makakatuluyan ni Ginger mangyayari iyon." biglang tumayo si Vergel.

"Anong gusto mo kainin? Yung Dish na may halong tomatoes, onion and soy sauce?"—Vergel.

Inirapan lang siya ni Autumn.

About 30 minutes later Vergel was able to serve food.

"Tara kain na tayo. Yaya niya kay Autumn.

"Ano 'to?"—Autumn.

"Chichiria."—Vergel.

"Anong chichiria?"—Autumn.

" Isawsaw mo dyan sa dish àla Tomatoes mo."—Vergel.

He opened the chichiria and took a piece, he dipped that piece and ate it.

"Hmmm. ang sarap iulam sa kanin. Subukan mo."—Vergel. Naiilang man ngunit ginaya naman ni Autumn ang ginawa ni Vergel. Nakangiti namang pinanuod ni Vergel si Autumn.

"Hmm..."—Autumn.

"Masarap?"—Vergel.

"Masarap."—Autumn.

"Mas masarap ka.." Tumingin si Autumn kay Vergel.

"Panoorin.." pahabol niyang sabi. Parang gusto niya tuloy sapukin ang sarili niya. Bigla kasi siyang kinapos ng pag-hinga kaya hindi na niya nagawang sundan agad ang nais sabihin.

"Uhm.. bakit pala hindi ka nalang mag-cellphone?" Fortunately, he immediately thought of another topic because he was about to be swallowed up by shame because of what he said. Autumn drank some water before answering

"Para saan?"—Autumn.

"Ano kasi.." hindi niya alam kung paano sasabihin na natatakot na sya sa ginagawa nitong pagtawag sa kaniya gamit lang ang isip at siya lang ang nakakarinig.

"Mukha ba kong cave girl?"—Autumn.

"Ha?..h..hindi ah.Masyado kang maganda para maging—"

"Ah nagagandahan ka sakin?—Autumn.

"Hehehe." He feels that A.utumn has hot seat him

"Mas mapapadali kasi ang communication natin at ng mga classmates natin kung gagamit ka ng cellphone." sa tingin niya'y naipaliwanag naman niya ng maayos.

"Ayoko." tumayo si Autumn at hindi man lang siya tinulungan na magligpit ng pinagkainan. Bumalik si Autumn sa dating pwesto at nanuod ng TV.

But as he did the cleaning in the kitchen he could not help but ask himself what Autumn really was before she was punished and turned to dust. Why does Autumn seem angry with the world? Ever since he met this girl he has not seen her smile. After all, that was just one of the things he wanted to know about Autumn's personality and past. After cleaning the kitchen, he returned to his studies and let Autumn watch TV.

"Anong ginagawa mo?"—Autumn.

"Nagre-review."—Vergel.

"Saan?"—Autumn.

"Sa history. May surprise quiz tayo minsan di ba? Kanina kasi naka-5 points lang ako."—Vergel.

"Hindi lang yung quiz yung nakaka-surprise. Pati yung score mo."—Autumn.

"Oo na. Bobo na po."—Vergel.

"Wala akong sinabing bobo ka."—Autumn.

"Sinabi mo na nga eh."—Vergel.

"Na-bobo ka?"—Autumn.

"Nice nasarapan. Inulit ulit pa."—Vergel.

"You know, you don't have to memorize that, the important thing is you understand."—Autumn.

"Nabobobo na nga ko dito ini-english mo pa ko."—Vergel.

"Edi inamin mo na ngang bobo ka."—Autumn.

"Oo—Huy!ano ka ba? Namimihasa ka ah. Para sabihin ko sayo, 87 pinakamataas kong grade last year."—Vergel.

"Anong subject naman?"—Autumn.

"Values. "—Vergel.

"OUCH.." after a moment of silence Vergel suddenly heard Aurtumn's weak moaning. He even touched the cup of coffee on his side and it fell to the floor. But he ignored that, he easily approached Autumn. And when he lay down the girl properly he saw a black light coming from her chest.

"...Autumn.. Anong nagyayari syo?" tinapik-tapi niya pa ang mukha nito dahil sa tila nawawalsn na ng kulay ang babae.

Tumakbo sya sa bintana para humingi ng tulong.

"Wag! Hindi nila ako pwedeng makita ng ganito." pigil ni Autumn at muli itong bumagsak.

"Autumn!.." natataranta na si Vergel. Hindi niya alsm kung ano ang dapat niyang gawin.

"Bahala na." kinuha niya ang kumot ni Dolly at ibinalot doon si Autumn Maingat niya itong pinasan palabas ng bahay.