Chereads / My Girlfriend Is A Witch / Chapter 12 - Chapter Twelve

Chapter 12 - Chapter Twelve

Takbo, Lakad at takbo. Iyon ang ginagawa ni Vergel. Mabuti na lamang at kalagitnaan na ng gabi at hindi na masyadong matao sa labas. Hingal na hingal na siya. Pero kailangan niyang makapunta agad doon dahil hindi na maganda ang hitsura ni Autumn. Medyo malayo kasi ang tahanan ng mga Elizarde mula sa bahay na tinitirahan ni Dolly.

"Alehandro.." sa kanilang paglalakbay ay paulit-ulit naririnig ni Vergel ang pangalan na iyon na sinasambit ni Autumn.

"Kumapit ka lang. Malapit na tayo... natatanaw ko na yung mataas na gate ninyo. Wag kang matutulog agad, please..." Kahit na nahihirapan na sya magsalita dahil sa sobrang pagkahingal at pagod ay kinakausap parin sya ni Vergel para hindi sya makatulog.

"Eto na..Autumn.. malapit na tayo. mga sampung hakbang nalang..Wag kang matulog please..."—Vergel.

"Alehandro.."—Autumn.

"Autumn... Autumn.. eto na." daig niya pa ang madaming tama ng baril dahil sa pagod. Naghihikahos siyang kumapit sa gate.

"Tulong! Tulungan nyo kami! Nay! Tay! Saklolorrgh!" kinalampag niya ang gate Hanggang sa makita niyang unti-onti nagbubukas ang mga ilaw sa loob.

"Diego! ¿Qué está pasando afuera?" nagmamadaling lumabas ng kaniya-kaniyang silid ang mga Elizarde. Nagtataka naman nagsilabasan ang mga ito kasunod ang mga kasambahay.

"Nay.."—Vergel.

"Anak. Diyos ko po..Jose!"—Ester.

Nagmamadali silang lumapit kay Vergel at tinulungan ni Jose si Vergel sa pagbuhat kay Autumn.Ipinasa nila si Autumn kay Diego at nagmamadali nilang pinasok si Autumn sa loob ng bahay.

"Autumn.."

Vergel's face was full of concern. He almost followed the Elizardes to make sure Autumn was safe. But his father stopped him.

"Hintayin na lang muna natin silang magsabi."—Jose.

"Pumasok na muna tayo." yaya ni Eva sa kanila.

"Eto oh." naghanda si Ester ng kape at tinapay.

"Nay, itay.. patawarin nyo po ako. Wag niyo po sanang isipin na iniwanan ko po kayo."— nakayukong sabi ni Vergel.

"Wag ka na magalala tungkol doon anak. Sinabi na sa amin ni Autumn kung bakit mo nagawa iyon." nakangiting sabi ni Jose.

"P…po?"—Vergel.

"Hay naku Vergel, nagmumukha nang chismosa si Autumn dahil halus araw-araw niyang kinukwentuhan ang nanay at tatay mo sa mga ganap sayo." sabat ni Eva.

"Pero wala po syang sinasabi sa akin. Ang sungit nya nga po sakin palagi."—Vergel.

"Alam mo bang kahit nasa malayo ka, alam at naririnig ni Autumn ang sinasabi o nilalaman ng isipan mo."—Eva.

"H…ho?!" parang biglang nag-init ang mukha ni Vergel.

"L…lahat?.."

"Ganun na nga. Anak, alam kong maganda si Autumm, pero wala ka naman sigurong inisip na kapilyuhan sa kanya hindi ba?" nakangiting usisa ni Jose sa anak.

"Naku wala po, tay. Palagi po syang nakasimangot. Minsan nga iniisip ko kung anong nagawa ko sa kaniya kasi palagi po syang nakasimangot."—Vergel.

"Hindi sya ganyan. Masayahin ang taong iyan. Magiliw sa kahit sino at napakalambing."—Eva.

"Parang napakalayo naman po ng sinasabi ninyo sa nakikita ko sa kanya ngayon."—Vergel.

"Totoo iyon anak. Hindi biro ang mga pinagdaanan ni Autumn kaya siguro naging ganung katigas nalang siya."—Ester.

" Kung sa bagay nay, ang laking katanungan sa isipan ko kung bakit ganun sya."—Vergel.

"At bakit sya namatay at nabuhay." dagdag niya. Tumingin si Jose kay Eva at Ester. Napansin naman iyon ni Vergel.

" Sabihin niyo na po. Nasaksihan ko na halos lahat. Siguro sapat na yung mga nakita ko para maunawaan."—Vergel.

"Oo nga. Wag na kayo maglihim kay Vergel para hindi nagtatampo."—Eva.

"Ang mga Elizarde ay mga mangkukulam. Pinakamataas na uri ng mangkukulam. Hindi kami katulad nila nagagamit lamang namin ang mga kapangyarihan namin para sa pagsisilbi sa mga amo natin. Pero kung para sa ibang bagay, hindi namin ito magagamit. Mga Sangre Reyal sila kung tawagin. Tuwing sasapit ang ikalimang taon ay pinapasali sa patimpalak na kung tawaging Mejor Mago ang mga anak ng Sangre Reyal. Pero mga lalaking anak lang ang pwedeng sumali."—Ester.

"Oo,at itong si Autumn dahil nga sa adventurous at mahilig sa challenges sumali sa Mejor Mago."—Eva.

"Pero ang sabi nyo puro lalaki lang ang pwede makasali di ba?—Vergel.

"Nagpanggap sya bilang isang lalaki."—Jose.

"Akala ni Autumn maloloko niya ang mga matatandang Mago. Inutusan ng mga ito ang isa sa pinaka-mahusay na manlalaro sa Mejor Mago na hanapin ang lapastangang manlalaro."—Ester.

"Sino po iyon".

Hindi nakasagot si Ester.

"Si Alehandro." si Jose na ang sumagot sa tanong ni Vergel.

"Ayyyyrrrgh... naalala ko pa nang mahuli ni Alehandro si Autumn. Naku... kinikilig akoo." pigil sa pag-tili na sabi ni Eva.

"Paano po sya nahuli?"—Vergel.

"Nahuli si Autumn sa batis. Naliligo. Walang saplot." natatawang sabi ni Ester.

"Ayyyrrgh nakakakilig.. grabee. Tapos alam mo ba kung anong sinabi ni Alehandro kay Autumn? (*Eva clear her throat*) 'Autumn Elizarde Ikaw ang aking misyon' ayyyyy...grabee ...nakakakilig." tuwang tuwang kwento ni Eva.

"Wait lang *coughing* nabilaukan tuloy ako."—Eva.

"Magdahan-dahan ka kasi." Hinimas ni Ester ang likod ni Eva.

"Inay. Si Alehandro po ba ang dahilan kaya namatay si Autumn?"—Vergel.

"Anak.. Hindi sya totally namatay. Walang ganun anak. Parang itinapon sya sa ibang panahon."—Ester.

"Ang hirap naman po iyon intindihin inay."—Vergel.

"Pinarusahan sya. Binuhay niya kasi si Alehandro na nasawi sa gitna ng isang laban at nangako sila na sa susunod nilang pagkikita ay dapat sabay silang mamamatay."—Jose.

"Ang dami parin pong tanong itay. Ibig-sabihin gusto na ni Autumn mamatay?"—Vergel.

"Ganun na nga. Syempre kahit na binuhay niya si Alehandro alam niyang babawiin parin ito ng Lumalang. At kapag nangyari iyon mawawalan na si Autumn ng dahilan para gustuhing mabuhay ng matagal. Kaya sa oras na tinakda na ang pagkikita ni Alehandro ay posibleng iyon na din ang araw na mamamatay si Autumn. At iyon ang pilit na pinipigilan nila Diego kaya sinumpa nila si Alehandro. Ang kaluluwa nito ay tinago nila sa ibang katawan upang kapag nagkita sila'y hindi nila makikilala ang isa't-isa." paliwanag ni Eva.

"Pero kilala ni Alehandro si Autumn... kaya siguradong hahanapin niya ang babaeng mahal niya. "—Verge

"Kinuha ni Peddie ang alaala ni Alehandro at litinago iyon sa collar de handro na hawak ni Sonia."—Jose.

From what he found out, he gradually understood why Autumn was so cold to people. Who would have thought that an Autumn Elizarde would also know how to love.