Chereads / This Girl? / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

May babaing lumabas sa gate ng bahay ni lola at dumaan sa harap ko, siya ay kamukha ng pinaginipan, ang atensyon ay agad nakuha at para bang huminto ang orasan sa pag ikot.

Ito ba ay panaginip? Pero bakit naamoy ko ang tamis ng kanyang pabango, strawberry? Hindi ito panaginip lahat ay katotohanan. Nakita ko na ang babaing para sa akin at alam kung siya to. Agad kung hinawakan ang kanyang kamay.

"Miss, sino ka?" Tumingin siya sa akin pero para bang may mali. Mata niya ay naluluha at sa tingin ay may hiya.

Hinila niya kamay niya para mabitawan ko at mabilis na lumakad palayo sa bahay ni lola.

"Ryan, pindutin mo yung doorbell at sabihin nandito na tayo sa labas pag may nakakita."

Sabi ng ina ko ngunit ang aking paningin ay tumitingin parin sa babae na lumakad papalayo.

Maraming beses akong tinawag ni mama pero hindi ko parin napansin. Hanggang siya na mismo lumapit sa gate at nag door bell.

"Hoy, ano bang pinag iisip mo." Panggulat niya sakin sabay hawak sa gilid ng aking kamay. Kaya akoy natauhan at ngumiti nalang kay ina.

Lumabas na sila lola sa bahay kasama ng mga kasambahay niya, tinulungan narin kami na mag ayos ng aming mga gamit.

Habang nag uusap sila lola at mama tinanong ko yung isa sa mga kasambahay sa babae na lumabas ng gate.

"Sino po yung babae kanina."

"Babae?" Patanong na sabi sa isa.

"Baka yung kasama ni Alec kagabi." Singit ng driver ni lola.

Alec? Ahh yung pinsan ko na dito tumira sa bahay ni lola.

"Girlfriend niya po ba yun?"

"Ahmm, cguro, hindi namin alam." Sabi ng kasambahay.

Hindi pa natapos ang aming usapan ay tinawag na ako ng mama at pinasyal kasama ni lola sa bahay. Medyo may kalakihan bahay ni lola at dahil sa byahe kaya pagod narin ako, kaya tinanong ko ang aking ina kung saan ang kwarto kahit hindi pa kami natapos.

Sa ilang beses na pagtulog ikaw ay napanaginipan, habang akoy humiga sa higaan ramdam ko na magkikita ulit tayo. Hindi ka pala pawang imahinasyon kundi ikaw ay isang totoong babae na lumalakad, umaamoy, at higit sa lahat buhay.

Ngunit sa isipan ay may bumabagabag, girlfriend ka ba ng pinsan ko?