Chereads / This Girl? / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Ilang araw na ang lumipas ng kami ay lumipat sa bahay ng lola. Naging magka sundo kami ng pinsan kung si Alec kahit bago pa lang kami nag kita. Ang tungkol sa babae hindi ko na siya tinanong nakakahiya naman kasi.

Habang kami ay kumakain ng tanghalian may balita ang aking ina.

"Ryan, papasok kana ng paaralan ngayong lunes." Oo, hindi kayo nagkamali ng basa papasok na ako sa skwela.

"Saan ma?"

"Nakalimotan ko yung pangalan basta yun ang paaralan na pinapasukan ni Alec ngayon."~Ina

"Ahh, doon." Kung doon sa paaralan ni Alec baka doon rin nag aaral yung babae. May chansang makita ko siya, oh kung pagpapalain ay makausap.

"Speaking of Alec, saan ba siya ngayon?" Tanong ni mama kay lola.

"May gig daw siya." Sagot ni lola.

"Wow, magiging sikat talaga yan si Alec pag pinagpapatuloy niya yan." Sabi ni mama. May punto naman si mama kasi magaling si Alec kumanta, may itsur, matangkad, at maganda ang kutis kahit na lalaki.

Kung di niyo na tatanong kung bakit dito tumitira si Alec sa bahay ni lola dahil ayaw ng papa niya na e pursue ni Alec maging artist.

Lumipas na nga ang mga araw at ngayon ay Lunes na. Papasok na ako sa paaralan kaso may problema hindi ko makakasama si Alec at hindi pa ako nakapunta doo kaya hinatod nalang ako ni mama sa harap ng gate pero doon lang.

Habang akoy nag naghahanap sa room ko may nakita akong lawa sa loob ng paaralan. Bakit may lawa dito? Ngayon lang ako nakakita ng paaralan na may lake ah.

Pinuntahan ko yung lawa at ng makita ko nang malapitan ang ganda tignan. Sumasalamin ang ilaw ng araw dito pero parang nakita ko na to. Ito yung na sa panaginip ko habang nag byabyahe kami at ito rin yung lugar kung saan siya huling napanaginipan.

Ako namangha sa ganda ng lawa tignan ng may biglang sumingit na boses.

"Ganda no?"

"Excuse me?" Sabi ko sa babae.

"Sungit naman nito." Sabi niya sabay tawa pero tiningnan ko lang siya.

"Anastasia, (Inabot niya kamay niya) pangalan ko yan." Habang tinignan ko lang siya may na diskobrehan ako, ang ganda niya tol parang anghel. Ang puti ng kutis, mapula ang labi, at singkit ang mata.

"Hahaha grabe ang titig ha, maganda ba?" Wala parin akong nasabi.

"Sige na sorry time bye may pasok pa ako." Sabi niya sabay lakad papalayo.

"Wait!" Pinahinto ko siya, gusto ko pa tignan kita ng matagal miss hehehe.

"Bakit?" Tanong niya.

Ano ba ang sasabihin ko? Wala akong maisip ang gusto ko lang ay tignan siya.

"Hello?" Sabi niya sabay wave² sa kanyang kamay sa aking mga mata.

"Pasensya na, alam mo ba saan ang room A-3?" Wala talaga akong ma isip na sabihin pero mabuti nalang may natanong ako na makakatolong rin sa akin.

"Ahh ikaw yung tranferee?"

"Pano mo nalaman?"

"Sabi kasi ng adviser namin na may bagong papasok ngayong second semester."

"Ahh, kaklase pala tayo." Yes jackpot may maganda akong classmate. "Pwede bang makisabay sayo papunta sa room?"

"Sure, tara na baka ma late tayo."

Sumama na nga ako sa kanya patungo sa room namin. At sa isip naman ay may natanong bakit may lawa sa loob ng campus?