Chereads / QUAINTRELLE / Chapter 1 - Prologue

QUAINTRELLE

missblooming
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

A Love Untold Series #1

Disclaimer

This is a work of fiction.Names,characters,bussinessses,places,events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitous manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.

No part of this story may be used or reproduced in any manner without the permission of the author.

Read at your own risk.There are sensitive chapters and typographical errors.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa kaya ng mga paa ko.Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko para di ako matisod.Mukha na akong isang prinsesa na tumatakbo palayo sa palasyo mula sa prinsipe na gusto akong makita pero hindi iyon kundi gusto kung tumakas mula sa kanila,sa kanya.

Gustong gusto ng tumigil pero nagtuloy tuloy lang ako.Mas mahirap pa rin talaga yung nangyari kanina.Paulit ulit kong naiisip kung ano nga ba talaga yung kulang sakin.Nakakapagod na.

Mas lalo ko pang binilisan kahit blurred na yung nakikita ko sa magkabilang gilid ko.Pero di ko na namalayan na tumigil ako at naupo na lang sa sidewalk ng kalsada.Ayaw ko mang tignan kung saan ang inabot ko pero tinignan ko pa rin.Napatawa na lang ako na lumuluha dahil ang layo ng natakbo ko.Nagpahinga pa ko saglit tsaka ako tumayo.

Tumingin ako sa papuntang samin,mukhang malapit na kong makauwi pero malabo dahil sa sobrang bagal ko maglakad at matatagalan yon.Ngunit lalo pa kong ng hina hindi dahil sa pagod kundi sa tumama ilaw sa likod ko at ang boses nyang narinig ko na may bakas na nagaalala.

"Mary!"

Hinatak nya ko kaagad at niyakap ng mahigpit.Naging traydor nanaman ang mga luha ko.Gusto ko mang yakapin siya rin ng mahigpit pero pinigilan ko.

"Im here now mary,please stop crying"

Sabi niya sakin ngunit imbis na matuwa na nandito siya ay napaupo na lang akong muli sa kalsada.Humagulgol akong muli.Inilabas lahat ng iyak mula sa aking mga mata.Hanggang sa magkaroon ako ng lakas para tumayong muli.

"Tara na sumama ka na ihahatid nakita-----"

"H-hindi na kailangan kaya ko na ang s-sarili ko"

"But I will explai----"

Pinutol kung muli ang sinabi niya.Ngunit sa pagkakataong ito ay umiling ako,ngumiti at tumingin muling sa kanya habang nakatingin sa mata nya.

"Wag na,ayos lang naiintindihan ko.Hihingi sana akong pabor sayo na pwede ba sana na wag mo na kong kausapin pa.Hindi na rin kita kakausapin dahil magkaiba naman tayo ng nararamdaman.Maraming salamat sa lahat dahil nandyan ka palagi para sakin.Sana maging kayo ng nagugustuhan mo.M-masakit man pero alam ko naman na g-gusto kanya.W-wag mong sabihin na sinabi ko sayo haha kasi feeling ko lang naman y-yon"

Yumuko siya at sa tingin ko umiiyak siya dahil nakita niyang umiiyak na rin ako.

"Nasabi ko rin naman na lahat kanina kaya aalis na ako.Wag mo na kong ihatid pa gusto kong maglakad lakad kahit mukha akong ewan sa suot ko.A-and I-I love you even if y-you don't love m-me"

Pagkatapos na yon ay tumalikod na ko.At sa pagtalikod kong yon ay umiyak akong muli at tumakbo.Huminto ako sa isang park at naupo dun.Buti na lang natanggal ko kanina ang makeup ko kundi hulas na ang mukha ko.Habang nakaupo ako ay tumingin ako sa kalangitan,napakaganda ng mga bituin.Kahit buong gabi nandito ako ay ayos lang.

Tsaka ko lamang naalala na hindi ko pala nadala yung phone ko.Nilibot ko ang buong park kung may tao pero wala.Mabuti na lang may nakita akong malapit na calling booth.Pagpasok ko tsaka ko lamang naalala na wala pala akong pera pero napakaswerte ko at may nakita akong barya sa telephone stall.Kaya nilagay ko na at nagpasalamat sa nakaiwan nito.Hindi pa man nakakatatlong ring ay sinagot na din tita/mama ang telepono.

"Hello sino sila?"

"Hi m-ma!"

Pinasigla ko ang boses ko kahit sa tingin ko malapit nanaman akong umiyak.

"Ikaw pala yan,akala ko kung sino.teka bakit ang tahimik ata dyan.Dapat nasa party ka ahh?"

"Oo nga po pero sa tingin ko t-tama kayo kanina,t-tumakbo ang prinsesa palayo sa palasyo"

Pumiyok pa ko sa dulo dahil umiiyak nanaman ako.

"Pero okay lang ako ma,pauwi na rin ako nasa park kasi po ako.Intayin mo na lang po ako sa labas ng bahay.Hindi ko po dala yung phone ko.Bye po"

"Hayyy o sya sige magiingat iintayin na kita sa labas"

Tsaka binaba iyon.Umiiyak akong naglalakad.Mabuti na lang na pagabi na kaya walang makakapansin sakin.Nang malapit na ko sa bahay ay nakita ko si mama.Ng makita ko siya ay tsaka ko siya niyakap ng mahigpit at umiyak pa ako lalo.

"Tara na muna sa loob.Pumunta ka na muna sa veranda,kukuha lang ako ng tubig mo.Magbihis ka na rin"

Tumango na lamang ako sa kanya at umakyat ngunit imbis na magpalit ay kumuha ako ng tissue at pinunasan ang mukha.Pumunta ako ng veranda at tinignang muli ang mga bituin.Mga ilang minuto pa ay dumating si mama at tumabi sa akin.Napakatagal na walang nagsasalita.Naririnig ko rin ang mga kuliglig sa gabi kaya sa sobrang tahimik.

Ako na rin ang bumasag sa katahimikan at nagsalita.

"Sana ako na lang ma but I think hindi talaga sya para sakin.Dati gusto ko yung nararamdaman ko pero umiiral sakin yung utak ko ngayon na sana mawala na yung nararamdaman ko para sa kanya.Pagod na pagod na ko mama.Gusto kong itigil na pero gusto nang puso ko na kaya pa,laban na.I want this feelings to be out in my heart.When he's not here,my heart likes to see him.But when he's here,my mind wants to push him away.Then after that I fall,nahulog ng nahulog hanggang sa wala na kong mabagsakan pa.Gusto ko nang umalis ,lumayo pero magkaiba ang sinasabi ng puso ko at utak.There are many princess in that ball but you hope to be the only but its all your wish are all vanished because he have already a princess to dance with.It likes that the princess run away not because the magic will vanished but the prince doesn't love her.Thats not your story.Its their story."

Nagsalita si mama kaya tumingin ako sa kanya.

"I think the princess need to be in a very very far away.Not because shes broken hearted but she need to love her self more.And then she continue her love story again"

Napangiti ako kay mama at tumango sa sinabi niya.

"I think so too"

Tumayo sya at niyakap ako mula sa likod ko.Tumagal pa yon ng minuto at naupo si mama sa tabi ko.Inakbayan niya ako kaya nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya.

Tama nga si mama.The princess need to focus more on herself and then after that she will be okay.Shes just need to be wait for the right time or the right prince for her.That someday, the prince will find for her.

Titignan ko sana si mama pero narinig ko ang himbing nitong tulog.Napatawa na lang ako.Kaya hindi na muna ako kumilos at tumingin sa mga bituin.