Chereads / The Krystallos of Regan / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

ANDREIZON'S POV :

Natapos na yung game namin at masaya ako at nakita ko na yung taong hinahanap ko. Nakangiti akong bumalik sa bench namin at nagulat ako nung biglang nagsitayuan yung mga teammates ko at tinuro yung kabilang bench. Nakita ko si Avrail na nakaluhod at sumisigaw kaya binitawan ko na muna yung pana at mga palaso ko at agad na tumakbo sa bench nila. Sumisigaw siya sa sakit dahil nagagalaw yung namamaga niyang kamay.

"Avrail! Sit here!" saad nung kasama niya kanina sa canteen at agad namin siyang inalalayan na maka upo.

"Argh!!" daing niya ulit. 

"Drink this! It's a painkiller! Just hold on still , tinawag na ni Zoe yung medic!" tarantang saad nung kasama niya kanina.

"Avrail, " tinatawag ko yung pangalan niya habang mahinang tinatapik yung pisngi niya dahil mukhang mawawalan na siya ng malay...."Avrail , andito na yung medic."

Tuluyan na siyang nawalan ng malay. Hindi na namin sila nasundan nung isakay na sa strecher si Avrail. 

Hindi ako nanatili nalang dun at nagmamadaling kinuha yung mga gamit dun at pumunta ng hospital.

TREVONNE'S POV :

"Emergency in ER right now! Sorry but can you please clear the way?!" napalingon ako kay doc Atienza dahil nakita ko siyang nagmamadali kasama yung ibang mga nurse. 

Sinundan ko sila at nakarating kami sa Er ward 2.

"Mr. Vou're are you okay?" tanong ni doc Atienza sa lalaking matangkad na nakatalikod sakin.

"I am but the patient lying there is not!" saad ni Vou're at tinuro yung pasyenteng nakahiga. Hindi ko nakita yung pasyente kasi may kurtinang nakatakip dito. Nakita ko yung mukha nung lalaki nung humarap siya sakin.

"Andreizon Vou're Bliss?" naguguluhang tanong ko at dahan dahang lumapit sa posisyon niya.

"Trevonne?" tanong din niya.

"Ako 'to bro!" saad ko at tinapik yung balikat niya pero mukhang hindi siya masaya..."Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Nakita ko na yung babaeng hinahanap ko bro pero andun siya , nakahiga at walang malay. Nakalaban ko din siya kanina sa archery , lumaban pa nga siya ng namamaga yung kamay." naguluhan ako sa mga huling salita na sinabi niya. 

"Namamaga yung kamay?" nanlaki yung mata ko at sinilip kung sino ito. Tama nga ako , si Azeina nga. Tinignan ko yung kamay niya at nagsisimula na itong lumaki.

"Ack!" daing ni Az habang nakapikit pa rin yung mga mata niya.

"SH*T!" I cursed. 

"Doc. Del Luca , she's my patient. Kindly step out of my way so I could assist her immediately." doc Atienza said. I can't do anything but to follow her.

Lumabas muna kami at kasama ko ngayon si Andrei sa isang cafe.

"You're back from Turkey , how long have you been here?" I asked him. 

"About a year and a half, " he answered.

"What the heck bro? You didn't even contact me?" I asked him.

"I'm sorry I forgot okay?" natatawang saad niya.

"Nga pala saang school ka ngayon?" 

"Sa Royal High."

"Wow , an elite school. That's nice." saad ko.

"Yeah , my cousin also go to your school, " saad niya.

"Your cousin?" 

"Yeah , the one that I'm telling you when we were in Turkey." he said.

"Oh , the one that you're telling me that he's the inhibitor of your clan?"  

"Yup"

Nagkwentuhan pa kami at napagdesisyunan na niyang umuwi dahil may clan meeting daw sila. Bumalik naman ako sa ospital dahil maga-out na ako sa duty. Pinalipat ko sa VIP ward si Azeina bago umuwi dahil mag-aaral pa ako. 

AZEINA'S POV :

Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at nag adjust muna ako dahil sa liwanag. Nasa ospital ba ako? Bumangon ako at agad na napahiga nung naramdaman ko yung sakit sa kanang kamay ko. Tinignan ko ito at may bandage na ito.

"Aish! Kainis 'to ah!" saad ko nung maisuporta ko ulit iyon sa pagbabalak na bumangon.

"Wag mo kasing pinipilit , at talagang naglaro ka pa kanina." napahawak ako sa noo ko dahil bigla niya akong pinitik. 

"Ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Azeina , look. I'm trying to----"

"I don't want other explanations , why are you here?" I asked again.

"Trev asked me to." he said.

"You can go now, " saad ko at pilit na bumangon gamit lang ng kaliwa kong kamay.

"Are you gonna keep on going like that , Lioness?" he asked and sat in front of me.

"Don't call me in that name!" I said and looked away.

"Can you tell me why didn't you meet me that day?" he asked. I chuckled sarcastically and looked at him.

"You said you want to tell me something right?" I asked him.

"Yeah , then why didn't you come?"

"I came but I saw you with Gia, " I said and looked away.

"Look , it's not what you---"

"Can you please stop lying?"

"Az , it's----"

"It hurts me, "

"You misunderstood---"

"You still keep lying? You liar!" I pushed him but he just hugged me.

Pinaghahampas ko yung dibdib niya para makawala ako sa yakap niya pero mas lalo niyang hinihigpitan yung pagyakap sakin.

"Listen to me please?" he said when I calmed down and cupped my cheeks.

"You misunderstood the situation. I was there waiting for you but Gia suddenly came and she jumped over me so we accidentally kissed and that time you came." he said..."I told you already , you're the one I like. I also told you to trust me , right?"

"Yeah."

"Now can you please look at me straight in the eyes?" he asked.

I just nodded and looked at him. Ngumiti ako pero agad ding nawala yung ngiti ko dahil parang natatakot at nagulat na lumayo siya sakin. 

"Is there something wrong?" I asked him but he stood up fast and turned his back at me.

"I-I have to go somewhere , I promise I'll be back." saad niya at lumabas na.

Naguguluhan akong tumingin lang sa pintuan at kinuha yung salamin na nasa table ko. Nanlaki yung mga mata ko dahil di ko napansin na natatabunan pala nung buhok ko yung kaliwang mata ko at kamukha ito ng kaliwang mata ko kapag suot ko yung mask ko. I hope maisip niya na sigurong nagkakamali lang siya.

Huminga ako ng malalim at kinuha yung phone ko. Nakita ko yung messages at yung message ni Sam ang pinakauna kong natuonan ng atensyon.

~From Samantha~

-You should rest until your hand gets well. Be sure to come back before we face Pelthorax Academy.

Tinext ko si Drake na sunduin ako at idischarge ako sa ospital. Wala pang sampung minutos ay nakalabas na ako sa ospital at agad din kaming nakaalis dun.

"Lady , you didn't even bother to tell us that you have an injured hand." seryosong saad ni Drake.

"It's just a minor injury. How's the students going?" I asked him.

"As expected , they became stronger than the other days."

"Are you guys giving them a hassle sched??" I asked again.

"Uh , no. - 3 - '.... Actually they're having the nicest schedule than us."

"That's good."

Nakarating na kami sa HQ at sinuguro ni Drake na walang nakasunod samin. Well , if you want to ask....Nakatayo yung HQ namin sa isang pribadong gubat. Yung labas ng gubat ay napapalibutan ng transparent electric shocker wall. 

"Lady , your mask." saad ni Drake at binigay sakin yung mask na sinusuot ko.

Pumasok na ako at nakita ang nagkakalat na daan daang mga estudyante namin at kitang kita sa mukha nila na nag eenjoy talaga sila. Masarap sa matang tignan palagi yung ganito , araw araw kasi silang naka uniform at talagang decente yung mga galaw nila.

Nagulat yung iba na nakakita sakin at agad na umayos ng tayo at nag simulang pumorma ng dalawang linya sa magkabilang gilid ko.

"Good noon Lady." saad nila. Tinanguan ko lang sila.

"Who wants to train with me in the summit?" tanong ko sa kanila.

"Me Lady!!"

"Ako rin po!"

"Me too!!"

Nagpasya silang sumama lahat pati na rin yung gang members ko. Nagbihis na muna ako at bumaba na. Nakita kong nakabihis na din sila sa pang training na uniform nila.

Nauna akong lumabas at sinuot yung ear buds ko at nagplay ng music. Nagstreching muna ako at nagsimula ng tumakbo papunta sa itaas ng mataas na bundok na ito. Nasa likuran ko nman yung mga gang members at nasa likuran nila yung mga students. 

"Justin!" mabuti nalang at nahawakan ko siya pero kanang kamay ko yung nakahawak sa isang puno para hindi ako mawalan ng balanse. Tinulungan ako ni Aljun na makatayo at tinulungan naman ni Drake si Justin.

"Lady , are you okay?" tanong sakin ni Aljun at Mikael.

"I'm okay. Are you alright?" tanong ko kay Justin.

"I-I'm okay Lady , b-but your h-hand. I'm so sorry!" saad niya habang nakayuko.

"You're not okay Justin." saad ko at inangat yung jeggings niya at nakitang namumula na yung kaliwang paa niya. Sprain. 

"Rick , can you carry Justin until we get to the summit?" I asked him.

"I can , Lady." saad ni Rick at nakatalikod na lumuhod sa harap ni Justin para makasakay ito.

"Uh , no need teach Rick. I can walk. I just need Lay to support me." saad niya at agad naman siyang inalalayan ni Lay.

Nakarating na kami sa summit at halatang wala ni isa a kanila ang napagod. Alam ko naman na hindi sila mapapagod dahil isa ito a araw araw na ginagawa nila. Nagpahinga muna kami at inaya ko naman si Drake sa isang simple combat.

"Pero Lady yung kamay--"

"Okay lang ako Drake. Wag mong sabihin na natatakot ka." saad ko.

"Nag-aalala lang naman ako sayo eh , pero sa tingin ko hindi na kailangan." saad niya at ngumiti na nakakatakot.

Nagsimula na siyang sumugod ako iwas lang ako ng iwas na hindi man lang nag aaksaya ng enerhiya. 

"Cela affaiblit vos mouvements?" I asked him.

(M : Ba't humina ata yung mga galaw mo?)

"Parce que je sais que je ne vous gagnerai jamais Lady , je sais que j'ai un avantage maintenant parce que vous avez une blessure mais ce ne sera pas juste quand je profiterai de cet avantage."

(M : Dahil alam ko na hinding hindi ako mananalo sa'yo Lady , alam ko na may advantage ako ngayon dahil may injury ka pero hindi naman ata patas iyon kapag kinuha ko na yung advantage na 'to.)

"Etes-vous sur? Pourquoi semble-t-il que quelque chose ne va pas?" I asked him.

(M : Are you sure? Why does it seems like there's something is wrong?)

"Je suis sur qu'il n'y a rien de mal."

(M : I'm sure there's nothing wrong.)

"Stop." I stopped his fist from punching..."Let's talk." I said and let go of his hands.

"Lady..." wala na siyang nagawa at sumunod sakin.

Pumunta kami sa isang waterfalls at umupo ako sa isang malaking bato.

"What's the matter?" I asked him.

"Lady , I-I know you would b-be angry if I say this---"

"Just get to the point. What's the matter?"

"Justin's family...." 

"What happened??" takang tanong ko na may halong pag-aalala.

"T-They....Something happened that----"

"I said get to the point already!!!"

"They lost Justin's sister."

" *Gasp* W-What do you mean by lost??" I asked him.

"Justin's sister died after she accidentally got lost and went to Lexus' HQ." nakapikit na saad niya at parang hinihintay niya na suntukin o sampalin ko siya.

"Didn't I tell you to give them some DCO guards?"

"Yes but they didn't want it." 

"Then why didn't you gave them DCO guards in secret?!!"

"I-I'm sorry Lady , I didn't do my job properly!" hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok siya ng malakas.

"Alam ba ni Justin?" nanginginig yung kamay ko sa galit at inis.

"Hindi po Lady." napalingon kami sa likod ng isang balete nung may marinig kaming nabali na sanga ng puno.

"Come out." saad ko at nagulat ako nung biglang lumabas si Justin.

"Justin." saad ko at lumapit sa kanya..."Narinig ma ba lahat?" tanong ko sa kanya.

"O-Opo Lady , s-sorry k-kung nakinig a-ako sa usapan n-niyo pero.....Hindi t-totoo yung diba? Nagbibiro lang si teach Drake diba?" saad niya at unti unti ng tumulo yung luha ko nung marinig ko yung mahihinang hikbi niya.

"Justin , I'm so sorry. But it's true." saad ko at niyakap siya.

"Hindi!! Hindi pa patay yung ate ko!! Lady please , sabihin mong nagbibiro ka lang!!" napatakip nalang ako ng bibig ko at pinigilang humikbi.

"Justin."

"Wag niyo akong lapitan!! Lady , nangako ka diba? Sabi mo diba magiging ligtas sila?" 

"Justin , sorry. Hindi ko nagawa yung lahat." lalapit na sana ulit ako pero pinigilan niya ulit ako.

"C-Can I see my sister? Nangako kasi siya na sasamahan niya akong umakyat sa stage na sinusuotan ng medal. Nangako kasi siyang siya ang pinakaunang tao na magiging masaya kapag naging opisyal na DCO member na ako." saad niya sa pagitan ng mga hikbi.

Mararamdaman mo talaga sa boses niya and lungkot , galit , at pagsisisi. Nangingibabaw yung kalungkutan niya.

"Drake." napalingon ako at nakita si Drake na nakahawak sa panga niya dahil sa suntok ni Aljun. Pinipigilan ni Mikael at Rick si Aljun na maka lapit ulit kay Drake...."Ikaw diba yung dapat na maging responsable sa mga pamilya ng mga estudyante natin?!! Bat mo pinabayaang maging ganito?!" bulyaw ni Aljun kay Drake.

"Hindi ko sinasadyang maging ganito."

"Anong hindi mo sinasadya?! Hindi sana naging ganito kung hindi mo pinabayaang walang proteksyon yung pamilya ni Justin!"

"Pasensya na."

"Wlang magagawa yang pasensya mo!"

"Aljun tama na."

"Ano nalang yung sasabihin nung magulang ni Justin?! Pabaya tayo?!"

"Aljun please tama na."

"Bitawan niyo ako! Makakatikim 'tong gagong 'to"

"Aljun , kapatid natin yan!"

"Wala akong pakialam kung sino man siya kaya bitiwan niyo ako!"

"Aljun please?? Andito pa si Justin." - Mikael.

"Mamaya na kayo mag-away!" - Rick.

"MANAHIMIK KAYO!!" bulyaw ko at binaril yung gitna nila para tumigil na sila.

"L-Lady." lumuhod silang apat sa harap ko.

"Hindi niyo ba napansin na nandito pa si Justin?" inis na tanong ko sa kanila at pinagsusuntok yung puno sa tabi ko...."Kasalanan ko lahat nang ito kaya wag kayong mag-away away." saad ko at sinuntok sila isa-isa para naman gumising sila.

"Hindi niyo kailangang magsuntukan dahil lang sa pagkakamali na ginawa ng isa sa inyo. Napagdaanan niyo na rin ito kaya alam ko na alam niyo kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal. Pagaanin muna natin yung loob ni Justin bago natin pag-awayan ito." saad ko at lumapit kay Justin.

"Justin , I'm sorry. Pangako tatanggapin ko lahat ng ibintang at sabihin ng mga magulang mo sakin. Sabihin mo lang kung anong gusto mong gawin ko." saad ko at hinawakan yung pisngi niya.

"Lady , parang gusto ko pong patayin yung taong walang puso na pumatay sa kapatid ko." saad niya.

"Justin , isang taon ka nang student namin at isa sa pinaka pinagbabawal at striktong patakaran namin ay ang pumatay. Hindi tayo ganung tao Justin. Hindi tayo kagaya nila." saad ko.

"Pero , akala ko---"

"Wag kang mag-alala hindi namin sila pinapatay. Pinapalabas lang naming patay na sila pero kinukulong namin sila at pinaparusahan ng matindi sa isang cell na kami lang ang nakakaalam."

"Gusto ko munang puntahan yung pamilya ko." saad niya.

"Sige , pwede kang magpahinga muna at bumalik ka lang kapag handa ka na ulit." saad ko at tinayo siya.

"Thank you Lady." 

[A week later]

Maayos na yung kanang kamay ko at hindi na ito namamaga. Mabuti nalang at nakaabot ako ng maaga , makakalaban namin ngayon yung palaging tumatalo sa team namin. Pelthorax Academy.

Isang linggo akong nawala at hindi man lang nagpapakita sa school. Isang linggo akong kasama ni Justin sa burol ng kapatid niya. Bilib ako sa kanya dahil matapos ilibing yung kapatid niya ay nagpasya siyang bumalik sa HQ at magpalakas dahil gusto niyang gantihan yung taong kumuha ng buhay ng ate niya. Alas singko palang at alam kong maaga pa.

Pumasok muna ako sa loob ng isang cafe at bumili ng bubble tea. Pagkatapos kong makabili ay dumeretso na ako ng school at agad na pumunta sa archer field para mag practice kahit sandali lang. Inaamin ko , nag practice ako sa HQ pero alam kong maninibago ako pagdating dito. Inasinta ko na yung pana ko sa target.

"You're here so early huh?" napatalon ako at nabitawan agad yung pana ko at hindi man lang ito tumama sa target.

"Miyu , wag mo akong ginugulat ng ganun."

"Haha , sorry. Kamusta na pala yung kamay mo?" tanong niya sakin.

"Okay na. Mabuti nalang hindi masyadong natagalan yung pag galing." saad ko.

"That's good to hear." 

"Yeah , ba't ka pala nandito eh ang aga-aga pa?" tanong ko sa kanya.

"Dito kami natulog ni Mizu , sobrang dami kasi yung gawain." saad niya napapakamot sa ulo.

"Eh? Bakit dito? Saan naman kayo natulog dito?" tanong ko sa kanila.

"Don't worry , pinatulog kami ni principal sa guest room." 

"Uh , okay." saad ko at naghanda ulit na tumira. Tumama ito sa 10 nung bitawan ko yung palaso.

"You know , you're good at everything. Championship niyo na ngayon at alam kong kaya mong talunin si Cliff." saad niya.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanya.

"Mag bestfriends kami , parang magkapatid na nga pero....Tinalukaran niya yung pagkakaibigan dahil lang sa isang babae."

"Eh , anong nangyari?" tanong ko.

"Isang araw kasi inanunsyo ng mga magulang namin na isa sa tatlo samin ay magkakaroon ng fiance kaya pinaghandaan namin yun ni Mizu pero si Cliff naman ay hindi. Sa araw na yun masaya pa kaming tatlo pero pagdating nung dinner dun na pumasok yung girlfriend ni Cliff. Natuwa si Cliff dahil inaakala niya na siya yung magiging fiance nung girlfriend niya pero hindi. Inanunsyo ni Mommy na hindi si Cliff ang pakakasalan nung babaeng iyon pero ako." napapikit siya ng mariin at napakuyom ng kamay niya.

"Anong nangyari sunod?" tanong ko ulit.

"Nagalit si Cliff at sinabing hindi niya na daw ako ituturing na kapatid at kaibigan dahil akala niya pinilit kong agawin yung babaeng mahal niya. Pagkaalis niya ay dun ko na sinabing ayaw kong magpakasal sa babaeng sumira ng pagkakapatid namin ni Cliff. Sinundan ko agad si Cliff at nakita kong pumunta siya sa bahay nila. Papasok na sana ako ng gate nila pero pinigilan ako ng mga guards dahil utos daw ito ni Cliff. Ayaw niya na daw akong makita." saad niya.

"I'm sorry , napasobra ata yung tanong ko."

"No , it's okay." 

"Uyy , Miyu! Bumili ka na nang pagkain natin-----Oh Az--Este Avrail! Mabuti naman nagpakita ka na. Nung isang araw kasi , dumating yung mga Del Luca tapos pinapahanap ka pero sabi ng lahat di daw nila alam kung saan ka nag punta." saad ni Mizu.

"Bakit , ano daw yung kailangan nila?" walang gana kong tanong at pumana.

"Sabi ni Chairman Del Luca pag nakabalik ka na daw , pumunta ka sa mansyon nila at kapag hindi ka daw nagpakita....."

"Ano?" tanong ko sa kanya.

"The kid who's with you , they said they'll return the kid to his family if you don't show up." saad ni Mizu na nagpalingon sakin.

"I have to go now." saad ko at kinuha yung mga gamit ko. Nagmamadali akong pumunta ng parking lot para maabutan ko si Eun.

Pinaharurut ko kaagad yung sasakyan ko papuntang mansyon. Madali akong nakarating at agad naman akong pinapasok nung guard namin. Bumaba na agad ako ng sasakyan kahit hindi ko pa ito na papark.

"Eun!!" sigaw ko ng pangalan niya nung makapasok ako.

Nakita ko siya sa tabi ni Zech at nanonood ng movie.

"Unnie? Unnie!!" saad ni Eun at tumakbo papunta sakin.

Nakita kong bumaba sina Trev , Luhan at mga magulang namin. Lahat sila ay seryosong nakatingin sakin.

"Wahhhh!! Azy ko! Mabuti naman at umuwi ka dito!" saad ni mom at patakbong lumapit sakin at niyakap ako. 

"So , why did you call me here?" I asked them.

"You're about to meet your fiance." dad said.

"Dad?!" galit na sigaw nila Trev at Luhan.

"Shut up , both of you!" bulyaw ni dad sa kanila kaya natahimik nalang sila.

"If that's what you want to talk about , I'm sorry. I won't accept it." saad ko at tatalikod na sana.

"Did you forget about that kid's family?" he asked. I just clenched my hand in anger.

"What do you want?" inis kong tanong sa kanya.

"You have to accept him , actually you're meeting him in your school today." he said.

"Why there?! Hindi ba pwedeng sa private lang?!" inis na inis na ako ngayon.

"No. He decided to meet you there." saad niya at umalis na.

"Fine. But don't publicize it." saad ko.

"Ate," napalingon ako sa kaliwa ko nung may malalim na boses na nagsalita.

"Zech?" why is he acting like I'm a stranger.

"Can we talk for a while?" he asked coldly.

"Sure," saad ko at iniwan muna si Eun kay Mom. Nauna si Zech at pumunta sa garden , sinundan ko naman agad siya.

"What is it Zech? Why are you acting like that in front of me?" I asked him.

"Are you really going to abandon me for that kid , Ate?" he asked teary-eyed.

"Who said that?"

"It doesn't matter who said that but....Is it true?" he asked. Nilapitan ko siya at mahinang hinaplos yung kamay ko sa mukha niya.

"It will never happen okay? You're my little bro and Eun is just like my bro too." 

"I'm sorry for being emotional and for overthinking Ate , I'm just afraid of losing you." saad niya.

"It's okay , just trust Ate , okay? I'll just help Eun grow until he can comeback to his own family." tumango lang siya at niyakap ako. 

Nag-usap pa kami at bumalik na dahil mag-aalas otso na at may game pa ako pag sapit ng 8 : 30. Nakarating kami ni Eun ng 8 : 27 dahil naabutan kami ng traffic.

CLIFFTON'S POV :

Andito na kami sa field at kaharap na namin yung Gazeldran University archer team. Halata sa mukha nila na hindi sila mapakali at parang hinahanap yung isa pa nilang member. Actually kanina pa sila hindi mapakali nung nag meet kami sa club room nila.

[Flash back]

Papunta kami ngayon sa club room nung mga opponent namin at talagang bored na bored 'tong mga kasama ko.

Nakarating na kami sa club room nila at kumatok naman si coach.

"Uhm , is there something you need sir?" tanong ni Samantha Armory..."Oh , it's Pelthorax Academy. Come in."

Pumasok na kami at tatlo lang sila sa room. Pinaupo nila kami at ngayon magkaharap kami at talagang tahimik lang sila.

"I'm sorry that I don't know you , I'm there new coach , Mr. Suarez." pagpapakilala ni coach.

"It's nice to meet you sir , I'm Samantha Armory."

"I'm Aerra Brie."

"I'm Zoe Vilcae."

"And uhm...our fourth member is still not here." saad nung captain nila at palipat lipat ng tingin samin at sa phone niya.

"Is there something wrong Samantha?" tanong ni coach sakanya.

"Uh , no. There's nothing." awkward na saad niya.

"Oh , so...What's the name of your fourth member?" tanong ni Kade sa kanila.

"I'm sorry but she didn't allowed us to tell her name to anyone without her permission or presence." saad ni Samantha.

"Is she that strong that she couldn't even let her teammates tell her name?" Kade asked.

"I'm sorry but you're in our territory today , please mind your behaviours." Aerra said.

"I am asking your forgiveness in Kade's stood." saad ni coach at nag-bow sa harap nila.

"It's okay , just don't underestimate our fourth member. She doesn't like that and if I didn't tell you this , she can hear you." saad ni Zoe at tumayo. Pumunta siya sa harap ng pintuan at binuksan ito.

"You're now free to leave." she sarcastically said and fake smiled at us.

Nagsitayuan na kami at lumabas , si coach naman ay nagpaiwan at alam ko na manghihingi iyon ng tawad sa kanila.

"You're new in our team , so please....Mind your words and behaviour toward the other teams. Sinisira mo yung reputasyon ng team and school natin." saad ni Rose at nauna na.

Umalis na din ako para mag handa sa game.

[End of the flash back]

Pumunta na kami sa mga bench namin at talagang tarntang taranta ang kabilang team , sigurado akong dahil iyon sa fourth member nila.

AZEINA'S POV :

Nakarating ako sa labas ng field at talagang iniwan ko muna kay Mindy si Eun dahil may game pa ako. Nagsisigawan na yung mga tao sa field at alam kong magsisimula na yung game. Pumasok na ako dala-dala ang pana at mga palaso ko.

"Pasensya , nalate ako." saad ko at nag peace sign kay Sam. Pumito ang referee para sa member change.

Pagkarating ni Sam sa harap ko ay agad niya akong binatukan..."Aray ko naman Sam. Para saan yun?" tanong ko sa kanya.

"Sabi mo darating ka bago at game laban sa Pelthorax , ni hindi ka man lang nagpakita samin." saad ni Sam.

"Eh? Mamaya na yung sermon mo palaruin mo na muna ako." saad ko at inirapan niya lang talaga ako.

Nagsimula ang game at nananalo yung kabilang team. Dikit na dikit yung score namin at nagpapalitan lang kami ng mga salita ni Cliffton. At ngayon magsisimula na yung third round.

"Tatlong tira na lang ito at alam kong mananalo na kami." saad niya.

"At talagang akala mong hahayaan kita?" sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Bakit hindi ko simulan sa ten?" saad niya at tumira habang nakatingin sakin. Tumama ito sa ten at talagang namangha ako na hindi man lang niya kinuha yung tingin niya sakin.

"Edi sisimulan ko rin sa ten." saad ko at tumira na.

Nagyayabangan lang kami at ngayon last shot niya na. Pag tumama ito sa ten , tapos na kami. Matatalo na kami. Naghanda na siyang tumira pero natigilan ang lahat sa sumunod na nangyari.

Pinigilang ko sa pagtira si Cliffton at pinalit yung posisyon namin. At ngayon , duguan na yung braso ko.

All the audience in this field is gasping because of what happened. Hindi ko na sila pinansin at binunot ang palaso sa braso ko. Napaluhod ako sa sakit at lumuhod din si Cliffton sa harap ko para alalayan ako.

"Are you okay? Why did you do that?!" saad niya at binuhat ako.

"Avrail!!" nakita ko si Miyu na palapit samin at gulat na gulat sa nakita niya. Kaharap niya ngayon yung dati niyang kaibigan..."Cliff , we met again. Give her to me , I'll send her to the hospital." seryosong saad niya.

"No way. Why would I? I'll be the one to send her there." saad ni Cliff at tumalikod na pero pinigilan siya ni Miyu.

"I said give her to me! Why are you so worried about her in fact that you just met?!" inis na saad ni Miyu.

"Oh , you didn't know about this. Total andito naman ako sasabihin ko na sa lahat. LOOK HERE EVERYONE!! I'M HERE TO ANNOUNCE THAT THIS GIRL! IS MY FIANCE!!" pati ako nagulat sa sinabi niya at talagang hindi ako makagalaw sa gulat at hiya ngayon...."So? Aagawin mo nanaman sakin yung babaeng dapat na sakin? I'm sorry pero hindi na kita hahayaan pa." saad ni Cliffton at umalis na kasama ako.

Nakasunod sa kanya yung mga teammates niya at yung coach niya. Yung teammates ko nakasunod din samin.

"So it's you?" 

"Yes , it's me my lovely fiance."

A/N : Para sa inyo , sino kaya yung makakatuluyan ni Azeina? Si Huvann? Si Cliff? Si Miyu? Or si Andreizon? Who's you choice _____? Opxx...Comment down kung sino yung mas gusto niyo para sa kanya.