Chereads / The Krystallos of Regan / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

AZEINA'S POV :

Andito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko at my ice pack sa ankle ko. 12 am na at hindi pa rin ako makatulog dahil sa sinabi ni Gab.

[Flash back]

"You're capable of it"

"H-Huh?"

"Azeina , just this once please?"

"Gab , I can't"

"Why?"

"I don't want to be part of a problem that is not mine" nakita kong napa hawak nalang siya ng mahigpit sa manibela..."And also I don't want to be in a fake relationship"

Lalabas na sana ako pero hinawakan niya yung kamay ko at hinila paloob. Nanlaki ang mga mata ko nung mapagtanto ko yung posisyon namin.

"W-What else do you want?" I asked him and went back straight to my seat.

"You don't want a fake relationship right?" napatingin ako sa kanya at nagulat ako nung makita kong ang lapit-lapit niya sakin..."What if I make it real?" saad niya at mas lumapit pa sakin.

Umiwas ako ng tingin at tinulak siya papalayo.

What if I make it real?

What if I make it real?

What if I make it real?

"Iuwi mo na ako" saad ko.

Hindi naman siya umangal at sinimulan nang mag drive. Tinuro ko yung daan at hindi siya kinibo hanggang nakababa na ako sa sasakyan niya. Napatigil ako sa paglalakad sa huling sinabi niya.

"Kung ayaw mo ng fake relationship I'll make you fall in love for a month then I'll start courting you" I just looked at him unbelievable.

[End of flash back]

I'll make you fall in love for a month.

I'll make you fall in love for a month.

I'll make you fall in love for a month.

Argh! Puchang*na!

Nagbasa lang ako ng mga libro at hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako.

[KINABUKASAN]

XHION'S POV :

Gising na kaming lahat at nagbre-breakfast na. Andito na rin si Zhi para sunduin si Vrix dahil may practice daw sila pero hindi pa rin bumababa si Vrix. May training din kami sa basketball dahil malapit na yung Uweeks.

"Xhion , ba't di mo puntahan at tignan?" tanong ni Jyro.

Tinanguan ko lang siya at umakyat na. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot. Pumasok na ako dahil na sakin na man yung sapre key at nakita si Vrix na mahimbng pang natutulog.

"Vrix" I tapped her cheeks pero gumalaw lang siya at natulog ulit.

"Vrix , wake up" mahina ko siyang niyugyog at minuklat naman niya yung isa niyang mata.

"Hmm? What time is it?" she asked.

"7 : 38" saad ko habang nakatingin sa relo ko.

Tumango siya at bumangon na.

"Bumaba ka nalang pag tapos ka na , may breakfast dun at naghihintay na rin si Zhi." saad ko at umalis na.

"Oh? Anong ginagawa niya?" tanong ni Chrys pagkababa ko.

"Natutulog kaya ginising ko na" saad ko.

*ding dong*

Napatingin kami sa pintuan nung may mag door bell. Binuksan iyon ni Ronn at nakita naming kasama niyang pumasok si Gab.

"Ginagawa mo dito Gab?" tanong ni Chrys sa kanya.

"Fetching someone" pagkasabing pagkasabi niya nun ay agad na tumabi at yumakap si Chrys sa kanya.

"Aww. Ang sweet mo naman , ako yun no?" nakangiting tanong ni Chrys kay Gab.

"No" deretsong saad ni Gab.

"Ouch" napahawak si Chrys sa dibdib niya at kunwaring nasasaktan daw.

Tinawanan lang namin siya. Tinignan lang namin si Gab na umakyat sa second floor at binalewala lang namin ito. May gusto yata yun kay Vrix.

"Where is he going?" tanong naman ni Zhi.

"Vrix" saad ko at nilagay na yung pinagkainan ko sa hugasan.

"Why are you trusting him that much?" takang tanong niya sakin.

"He's not what you think Zhi. Gab is much disciplined than us and he has respect for girls." saad ko. Nanahimik nalang si Zhi at nagpaalam ng mauuna nalang daw siyang umalis.

AZEINA'S POV :

Pagkaalis na pagkaalis ni Xhion ay nahiga ulit ako para matulog. I'm still sleepy , I hugged my teddy bear and went back to my sleep.

Narinig kong bumukas yung pinto at baka si Xhion naman ulit ito kaya pinabayaan ko nalang ito. Maya-maya pa ay inayos niya yung buhok ko at tinapik ng mahina yung pisngi ko.

"Wake up , Lioness" napabalikwas ako ng bangon nung malaman ko kung kaninong boses 'to.

(Lioness : a cs for a brave and strong girl)

"H-How did you enter in my room?" I asked him while crawling backwards.

"Your door is not locked so I opened it" inosenteng saad niya at naglakad papuntang terrace.

"Get out of my room now" I commanded but he just sat to my swing chair.

"Maligo ka na hihintayin kita" saad niya at tumingin sa relo niya. He's wearing their jersey jacket and their pants as well.

"Mauna ka na hinihintay ako ni Zhi" saad ko pero hindi siya nakinig.

"He already left. All of them left already"

Hindi na ako nakapagsalita at tinignan nalang siya na may tinitignan sa cellphone niya. Sinirado ko muna yung mga kurtina sa glass door ng terrace.

-

-

-

Natapos na akong mag bihis at tinutuyo ng towel yung buhok ko pero hinablot ito ni Gab. kinuha niya yung blower at sinaksak ito. Pinaandar niya na ito at sinimulang tuyuhin yung buhok ko.

"What are you doing?" I asked him. He stopped for a while and gave me his phone.

I saw there 'Simple steps of how to take care of your girl'.

Binalewala ko nalang ito at inenjoy yung kiliti sa tuwing umaabot sa batok ko yung hangin mula sa blower.

Sunod niyang ginawa ay tinali yung buhok ko. Inaamin kong kinikilig ako nagyon sa ginagawa niya pero hindi ibig sabihin nun ay may gusto na ako sa kanya.

Nakita niya yung liptint ko at kinuha ito. Tinignan niya itong mabuti at binuksan. Nilagyan niya ng tatlong maninipis na linya yung maputla kong bibig at kinalat ito.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at maganda yung paglagay niya nung lip tint. Nilagay niya na rin yung wig ko. Mabuti nalang at nailagay ko na yung contact lenses ko sa loob ng cr at hindi niya nakita kanina yung kulay ng mga mata ko.

Sunod niyang ginawa ay kinuha yung sports bag ko at pumasok sa walk-in closet ko at pumili ng mga damit na pwede kong gamitin.

Pagkatapos niya yung gawin ay nilagay niya ito sa kama ko. Tinignan ko yung laman nito at puro ito hoodies at wala man lang pang practice.

"Bakit hoodies lang lahat?" tanong ko sa kanya.

"I wont let my girl reveal too much skin" napaawang nalang yung mga labi ko sa sinagot niya. Uminit naman yung pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya..."Oh wait , I forgot to get you some underwear and brassiere." nanlaki yung mata ko at agad siyang pinigilan sa pagpasok ulit.

"Why?" he asked me.

"U-Uh a-ako nalang ang kukuha" saad ko at patakbong kinuha yung sports bag ko at pumasok na sa loob ng walk-in closet ko.

Kumuha ako ng damit na pang practice at yung nakalimutan ni Gab na kunin.

Lumabas na ako at nakita siyang may hawak na lemon juice. Sa' n yun galing.

"Here drink this" he gave me the lemon juice and get my things.

Ininom ko yung lemon juice habang papunta kami ng school. Pagkarating namin ay inalalayan niya akong makababa at daladala niya yung sports bag naming dalawa.

I intended to get my sports bag pero pinipigilan niya lang ako. Pagkarating namin sa harap ng studio ay dun niya na binigay sakin yung sports bag ko at nagulat ako sa susunod niyang ginawa...

"AYIEEEE!!!!" napatingin kami sa pintuan ng studio na nakabukas na at nakasilip na silang lahat , yung iba ay nasa glass wall pa sumisilip.

"Sanaol may kiss sa noo!"

"Naiinggit mga single!"

"Edi kayo na may jewa!"

"Sweet!"

Yan yung ibang sinasabi nila. Napatingin nalang ako kay Gab at ngising ngisi naman yung gag*.

"See you later , Lioness" saad niya at kinawayan ako. Nakaalis na siya at halos dumugin ako nung mga babae sa dance troupe para lang sa chika.

"Ang bad mood mo kahapon tapos nalaman nalang namin na kayo na!" saad ni Al.

"Haba ng hair mo teh! Noon parang gusto pa niyang mamatay kesa sa may makasamang babae tapos ngayon may pakiss-kiss pa sa noo!"

"Taray nun teh!"

Nanahimik nalang ako at dahan dahanag tumakas nung mapansin kong parang sila lang naman yung nag-uusap.

Pumasok ako ng locker room at napansin kong sinundan pala ako ni Mindy.

"Kayo na?" nakangising tanong niya.

"No" deretsong tanong ko.

"Hindi kayo tapos may pahatid hatid pa at kiss sa noo" nang aasar na tanong niya.

"Walang meaning yun"

"Anong wala ha?" nang aasar parin siya.

"We're in a deal okay?" saad ko. Kinuha ko yung phone ko nung mag vibrate yun.

~Messaged received from +09*********~

Hey this is Gab , don't tell anyone about the favor.

"What deal?" she asked.

"Uh no. Nothing" he just nodded and went out.

. . .

We started practicing until lunch came. Katulad nga nung sinabi ni Gab , pumunta siya dito at sinundo ako para mag lunch kasama niya.

Pumunta kami sa isang Korean restaurant kung saan kami pumunta last time. He ordered some foods and desserts.

Maya-maya ay dumating na yung inorder niya. We started eating quitely.

. . .

Pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa mall. Pumasok kami sa isang perfume shop at nagulat ako nung hatakin niya ako sa isang shelf ng pangbabae.

Nagsimula siyang tumingin tingin sa mga perfume at inaamoy ito. Maya-maya pa ay tumigil siya at ipinakita sakin yung kulay pink na perfume. inamoy ko ito at mas mabango ito kesa sa perfume ko ngayon.

"Ba't tayo andito?" pagbasag ko ng katahimikan.

"I don't like your scent" napabusangot ako sa sinabi niya.

"Ang bango kaya nun" saad ko.

"Too sweet" kontra niya naman.

"It's not!" saad ko at nag pout. Nagulat ako nung pinisil niya yung ilong ko at tumawa ng mahina.

That laugh.

So familiar.

Binayaran niya na yung perfume at alam niyo ba kung magkano? The perfume is worth $300 and if you convert it in pesos it is worth 14,595.50. He just bought it like nothing.

"Hey , it's so expensive. I can't accept this" I said and stopped him from coming out of the shop.

"It is not. I know you can buy this with your own money too" he said.

"Yeah , I can buy this but I won't buy such a perfume worth $300" I said.

"Forget about that and use this perfume starting on Monday okay?" he said and messed my hair.

.

.

.

.

~4 weeks passed~

SUNDAY

AZEINA'S POV :

Araw-araw ay ganun nalang yung ginagawa ni Gab. He is really trying his best to make me fall in love with him and I think I am falling.

Gusto ko 'tong sabihin sakanya but I can't. I'm scared to say that I like him , I'm scared that he might say it was just a joke. I'm scared....

"Hey , you okay?" I came back to my senses when Gab called me.

Andito kami ngayon sa bahay at nagmomovie marathon. Kasama din namin sila Chrys pero si Xhion may pinuntahan daw. Hindi na ako nakapagfocus sa pinapanood namin dahil kanina pa ako nagiisip kung paano ako aamin sa kanya.

"U-Uh , yeah I'm okay" saad ko.

*ding dong*

Napatingin kaming lahat sa pintuan nung may mag doorbell.

"Uy Chrys buksan mo baka si Xhion yan" saad ni Jyro. Taka akong napatingin sa kanila.

"I thought Xhion will come back at dinner" I said.

"May inimbita ba kayo?" tanong naman ni Huvann sa kanila. Agad silang umiling , nagtaka kami at ipinabukas kay Gab yung pinto.

Nagulat kaming lahat sa sunod naming nakita pagkabukas ng pinto. Gianna's here and she kissed Huvann right in front of us. Agad siyang tinulak ni Gab papalayo sa kanya , nakaramdam ako ng galit pero pinigilan ko iyon dahil wala naman akong karapatan na magalit.

Una sa lahat wala kaming label ni Gab. Ikalawa , fiancee niya si Gianna. Ikatlo , wala akong laban kay Gianna. Mabuti nalang talaga at nakadisguise ulit ako. Nagusap muna sila ni Gianna sa labas at tuloy yung panonood namin.

Pagkapasok nila ay nakita naming naka sabit yung kamay ni Gianna sa braso ni Gab. Napatawa ako ng sarkastiko at umalis sa pwesto ko nung dun tumabi sina Gab. Tumabi ako sa couch na inuupuan nina Ronn at Hlyx.

"Any problem?" pabulong na tanong ni Ronn sakin. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti ng peke.

"No , there's nothing" saad ko at nanood nalang ulit.

.

.

.

The day ended and Gab is still here while Gianna planned to go early.

"Do we have a problem" paghahabol sakin ni Gab.

"There's nothing. And another one , walang tayo okay?" saad ko at nagpatuloy sa paglakad papuntang pool.

"Ba't ka ba ganyan ngayon? Kanina ang sweet mo tapos ngayon nagagalit ka" saad niya na nagpatigil sakin.

"Ano sa tingin mo yung dahilan?" saad ko at nakita ko namang naguluhan siya.

"W-What do you mean?" he asked.

"Find the answer yourself" saad ko at binuksan yung root beer in can na dala ko.

Iinumin ko na sana ito ng hinablot ito ni Gab mula sakin.

"You're not allowed to drink" he said seriously but I just laughed in a sarcastic tone.

"I am allowed to do whatever I want without your permission" I said and left to get another root beer. I was about to enter the back door when he pulled me in a hug.

I was struggling to free myself in his hug.

"Tell me what's wrong , please?" napaluha ako nung maalala ko ulit yung kaharutan nilang dalawa ni Gianna.

"I already told you. There's nothing" saad ko at patuloy sa pagpupumiglas sa yakap niya.

"Then why are you crying?" dun ko lang napansin na hindi pala tumitigil yung luha ko sa pag agos.

"It's because I..." should I tell him? But I'm not ready yet , "I hate you!" saad ko at tinulak siya. Nakawala naman ako at agad na kinuha yung susi ng kotse ko sa lamesa at tumakbo na palabas.

Sakto namang kakapasok lang ni Xhion kaya pinaharurot ko kaagad yung kotse ko at pumunta sa HQ ng gang ko.

Pagkarating ko sa HQ namin ay dumeretso agad ako sa underground range. Hindi ko na mapigilan ang galit ko at naubos lahat ng bala sa pistol. Pagkatingin ko sa target ay wasak na wasak yung noo nito.

ALJUN'S POV :

Nagulat kaming lima nung biglang pumasok si Lady at galit na dumeretso sa underground range namin.

"May problema ngayon si Lady?" tanong ni Mikael.

"Baka nabadtrip" saad ni Justin at pinagpatuloy yung panunuod.

"Alas onse na kaya. Ba't mababadtrip yun?" takang tanong ni Drake.

"Uyy icheck niyo nga baka sira naman lahat ng gamit natin dun" saad ni Rick habang nakatingin sa tv.

"Hayaan niyo na , siya naman yung bumibili ng gamit natin dito diba?" saad ko at tumayo na. Bumaba ako dun at nakita si Lady na pinagsusuntok ng malakas yung punching bag.

"Lady" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin..."May problema ba , Lady?" hindi niya pa din ako pinapasin.

Maya-maya ay umupo siya at pinaghahampas yung ulo niya. Agad akong lumapit at pinigilan siya.

"Lady , tigilan mo yan"saad ko pero nagpupumiglas pa rin siya..."Lady , kung may problema ka sabihin mo lang samin. Wag mo namang sinasakit yung sarili mo" saad ko.

Nanlaki yung mga mata ko nung makita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Ni minsan ay hindi namin siyang nakitang umiyak at ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"L-Lady is that a big problem?" I asked her but she just continued to cry. I hugged her because I know she wants someone to comfort her now.

Lady is so kind towards us. She's like a sister to us. Noon maliit na tulong lang yung binigay namin sa kanya pero alam niyo ba kung gaano kalaki yung ibinalik niyang tulog samin?

2 years ago our parents died in a bombing and we have nothing with us. Me , Drake , Mikael , Justin and Rick wanted to give up in our lives because we can't stand seeing our parents die but she showed up. She wanted us to stand back up again.

She treated us like brothers and gave us this huge house what we called HQ. Siya din yung nagbigay ng lahat ng mga pangangailangan namin at hindi niya kami pinabayaan na maging malungkot o maalala ulit yung nakaraan. Ginawa niya lahat para samin at ngayon kailangan namin siyang tulungan kagaya ng pagtulong niya samin.

"L-Lady" tawag ni Drake mula sa likuran ko.

"Ba't po kayo umiiyak?" tanong ni Mikael.

"Ate okay ka lang ba?" tanong ni Justin.

Tumigil sa pag iyak si Lady at tumingin samin.

"Thanks for your concern. I'm okay" halatang pinipilit niya lang na ngumiti sa harap namin. She's making herself look strong but inside , I know she's hurt.

"Tell us and don't cry for that stupid guy" saad ni Rick.

"H-How did you know?" she asked.

"Well , it's just that....I know you wont cry in front of us for any problems with your private life but you will cry in front of us because of a guy (pertaining to Haides) . Am I right?" napatango nalang si Lady sa sinabi ni Rick.

"You love him?" Rick asked.

"I-I don't know" she answered.

"Azz , you once said this to me.....'Pag mahal mo gawin mo ang lahat makuha lang siya. Wag mong sukuan agad'. And that last sentence you said would be the best sentence for you right now" Rick said and tapped Lady's head.."Cheer up and do your best to get his attention" he hugged Lady.

"Thank you" Lady said.

JYRO'S POV :

Nagulat kami nung makita namin si Azeina na tumakbo palabas.

"Nag away sila?" tanong ni Chrys.

"Baka" saad ni Hlyx at kumibit balikat.

"Ba't nagmamadali yun?" takang tanong ng kararating lang.

"Nag away---" naputol yung sinasabi ni Chrys dahil patakbo ding kinuha ni Gab yung susi niya at agad na lumabas.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay na napakibit-balikat.

HUVANN'S POV :

I tried to call her so many times but she's not answering. I also tried to track her but she already turned her phone off.

"Aishh. What is the problem , Azeina?" I' tweaking my hair because of irritation.

Did she misunderstood something?

-

-

-

I tried find her in the places I know and to the places we used to go but I can't find her.

Hinanap ko siya ng ilang oras pero hindi ko talaga siya makita. What did I do to make her upset like this? I decided to go home and think about all the things I've done.

Nakarating na ako sa bahay at dumeretso na sa kwarto ko. I looked at my watch it's already 2 am. Naligo na ako at natulog.

AZEINA'S POV :

Alas tres na at napagdesisyunan ko na umuwi na.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si Xhion na naka upo sa bar counter at umiinom ng kape habang may ginagawa sa laptop niya.

"Ba't ngayon kalang?" tanong niya sakin.

"May pinuntahan lang" saad ko at umupo sa sofa. Hinilot-hilot ko yung sentido ko.

"Alas tres na at saan ka naman pupunta ng ganitong oras?" saad niya at lumingon sakin.

"Pumunta ako sa bahay ni Yzay" saad ko. Tumango-tango lang siya pero alam ko na alam niya na nagsisinungaling lang ako.

"Umakyat ka na at matulog" saad niya at humarap ulit sa laptop niya.

"I don't need sleep , I need coffee" he nodded and went to the kitchen.

After he made me a coffee he toasted a bread and gave it to me.

"Do you have a problem?" he asked and in front of me.

"Nothing"

"Really? You look exhausted" he said. I just shook my head and drink my coffee.

*

*

*

6 : 00 am , Monday. July 2

Nakabihis na kaming lahat at handa na para pumasok. We all entered our car and drove it. Pinagtitinginan kami ng ibang mga drivers and riders dahil sino ba naman ang hindi mapapatingin sa mga sasakyan namin.

Eto yung mga sasakyan namin.

Mine : Urus Lamborghini.

Xhion : Veneno Lamborghini.

Ronn : Mercedes Benz S-class.

Jyro : Sesto Elemento Lamborghini.

Hlyx : Aventador J.

Chrys : Gallardo LP550-2 Balboni.

Sabay kaming dumating sa university at agad namanng pinagtitiliian yung mga kasama ko.

"Uy , diba si Jani yun?" - G1

"Oo nga , ba't parang di niya yata kasama si Huvann?" - G2

"Ano ba kayo? Shini-ship niyo ba sila?" - G3

"Oo! Bagay kaya sila!" - G1 & G2

"Mas bagay si Queen at Huvann!" - G4

"Agree ako sayo gurl!" - G5

Hindi ko na sila pinakinggan at pinagpatuloy yung paglalakad. Humiwalay na ako sa kanila nung maabot namin yung hallway na papuntang studio at Kybos building.

Kamalas-malasan nga naman at makakasundo ko pa si Gab. Tumigil siya nung makita niya ako pero nilagpasan ko lang siya na parang hangin. Napalingon ako sa kanya nung hinawakan niya yung pulsuhan ko.

"Jani , talk to me please?" he said and looked at my eyes. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"May pag uusapan ba tayo?" I coldly asked at looked at him.

"Oo. Bakit ka ba nagkakaganyan?" takang tanong niya at alam kong may halo itong pag kaasar.

"Ba't nga ba ako nagkakaganito?" pabalik kong tanong sa kanya.

"Jani naman" saad niya at napahawak sa sentido niya.

"Fine. Nagseselos ako" saad ko.

"Nagseselos saan?" tanong niya.

"Diba sabi mo I'll act like your girlfriend. Then here I am , acting like a jealous girlfriend"

"At saan ka naman nagseselos?"

"Maybe yesterday" I sarcastically said.

"Nagseselos ka kay Gia?" natatawang tanong niya.."Ba't ka naman magseselos---" I cut his words.

"Yeah I forgot , wala palang 'tayo'." saad ko at akmang tatalikod na pero may sinabi siyang nakapagpatigil sakin.

"Wala nga. Nalimutan ko rin , fake ka lang pala" that hit me. Alam kong anytime ay hindi ko na mapipigilan yung mga luha ko kaya tumakbo na ako at agad pumasok sa studio.

Nagulat silang lahat nung makita ako pero binalewala ko nalang ito at dumeretso na sa locker room. Pagkapasok ko dun ay agad na tumulo yung mga luha ko.

Nalimutan ko rin , fake ka lang pala.

Nalimutan ko rin , fake ka lang pala.

Nalimutan ko rin , fake ka lang pala.

"Why does it hurts so much?" I said to myself and tweaked my hair. I felt like someone went inside.

"Crying all by yourself?" she asked. I looked at her and saw it was Alyona..."It will hurt 2 times than you are hurting right now if you'll cry alone. You know why?" she asked and sat in front of me.

"W-Why?" I asked her.

"Because you'll think about negative thoughts and no one will tell you about those positive ones" she said and looked at me with concerned eyes.

"I-I thought you hate me"

"I do not hate you , I'm just testing you. And you know what? Despite to all those my insults at you , you are still kind to me. And I think this is the time that I'll tell you that I'd like to be your friend." she said and smiled at me.

"Thank you"

"Did Gab hurt you?" I just looked away because of her question.

"Well , not physically but emotionally" I said.

"It's obvious that Gab likes you" she said and that made me look at her.

"How?" I asked her.

"Haven't you notice his actions? He's gentle and soft when you're with him but did you notice that he's being cold towards other girls?" she asked.

"I know that but that's because....It's a part of our deal" and as I expected she was shocked.

"That all was just an act?" I know she couldn't believe it but she have to.

"Yes" I said while nodding.

"Act for what?" she asked me.

"To help him..." I stopped and looked at her. "Help him get out of a problem."

"So it's a one-sided love?" natatawang tanong niya.

"Looks like the answer is given" saad ko at ngumiti ng mapait sa kanya.

"Maghanap ka nalang ng iba , masasaktan ka lang pag siya yung pinili mo" saad naman niya at tinapik yung balikat ko..."Marami pa diyan , naghihintay lang"

Umalis na siya at sunod namang pumasok si Mindy.

"Girl , I overheard your talk" saad niya.

"Overheard or eavesdrop?" tanong ko sa kanya.

"Nu ka ba naman pati yun nahulaan mo pa" saad niya at umupo sa harap ko.."Base sa narinig ko , Alyona is right. Ikaw lang din yung masasaktan sa huli" saad niya at hinawakan yung mga kamay ko.

"Ba't niyo ba sinasabi yan?" takang tanong ko.

"Hindi siya yung lalaking parang madali mo lang makakarelasyon. Sa clan nila merong mga rules na masyadong strict pag dating sa marriage or sa mga relationship."

"What do you mean by that?" I asked her.

"Wanna know?" she asked. I just nodded and waited , "They're the top clan in the whole world , parang kagaya niyo lang din sila. Diba top 2 kayong mga Del Luca?" I just nodded again. "In their clan there is no true love , arrange marriage silang lahat but not everyone of them..Yung iba nakakapasa sa mga pagsubok gaya nung parents ni Gab. At yung huli naming balita ay si Gab yung next na ipapa-arrange marriage. Hanggang dun nalang" saad niya.

"Thank you for the info" I said and smiled at her.

"Bumangon ka na sa katotohanan" she's right. I need to wake up.

*

*

*

Days passed by at hindi kami pa rin kami nagpapansinan ni Gab. Malapit na rin yung Uweeks namin.

Time and day check : 3 pm , July 28.

August 1 na yung simula ng Uweeks namin.

"Guys , dumating na yung club uniform natin then yung costume naman natin bukas na dadating , let's practice" saad ni Mindy. Bumalik na kami sa pwesto namin. Kasali na din si Zhi sa pag sayaw sa opening at sa competition dahil nakatransfer na siya dito last last week.

Natapos yung practice at nag desisyon na rin kaming umuwi at magpahinga. Nakarating kami sa bahay at dito daw magsle-sleep over si Mindy , Alynia , Alyona at Al. andito sila sa bahay at n andun naman sa bahay ni Zhi sina Xhion.

"Why don't we call the boys to watch movies?" tanong ni Mindy habang kumakain ng ic ecream na binili namin.

"Oo nga ang boring dito" saad ng baklang si Al. Sabi namin dun siya matulog sa kabilang bahay pero girl daw siya.

"Bili kayo ng drinks" saad naman ni Alyona na kagagaling lang sa kusina.

"Ate Azeina , bili tayo?" tanong ni Alynia sakin. Tumango lang ako sa kanya at kinuha yung wallet at susi ng sasakyan ko.

Pumunta kami ng 7/eleven at bumili ng mga soda in can at root beer in can. Pagkauwi namin ay nakita namin silang lahat na nakaupo sa sofa at may dalawang giant pizzas sa lamesa.

"Andito na sila" saad ni Mindy na may dalang popcorn at naglalakad patungo sa sala.

Nagulat ako nung makita ko si Gab at talagang kasama niya yung fiance niya. Lumapit sakin si Ronn at tinulungan ako sa mga pinamili namin ni Alynia.

Wala akong mauupuan at sa tabi lang talaga nina Gab at Gianna yung may tirang space. Napairap nalang ako at pinilit na tumabi kay Ronn sa single-person na upuan. Hindi na ako kasya kaya sa sahig nalang ako umupo.

Nakadalawang movies na kami at puro tawa lang kami dahil comedy nga yung pinapanood namin. Napasandal ako sa lap ni Ronn dahil mukhang tinamaan na ako. Ramdam kong nanigas si Ronn kaya tumingin ako sa kanya.

"Okay lang ba? Umiikot na kasi yung paningin ko" saad ko at tinignan yung reaksyon ni Gab sa peripheral vision ko.

"U-Uh s-s-sige" nauutal na sagot niya.

Kunwaring hinihilot hilot ko yung sentido ko.

"Ronn , pakihilot nga" saad ko at tinignan siya. Nakita kong napatingin siya kay Gab at kinakabahang hinilot yung sentido ko.

Nakita ko na napakuyom ng kamao at hinawakan yung bewang ni Gianna. Hindi pa siya nakuntento at hinilig pa yung ulo niya sa balikat ni Gianna. Tumayo ako at nagpanggap na natumba sa hita ni Ronn.

"Oh , I'm sorry" saad ko at tumayo. Pero ramdam ko talagang nahihilo na ako.

"You okay?" tanong ni Ronn at inalalayan ako.

"Yah , Azz neo chwii haess-eo!" sabi ni Zhi na lasing na daw ako. Siya rin naman , halatang lasing na.

"Help me go upstairs , Ronn" I said. I forgot , I have low tolerance in alcohol.

RONN'S POV :

Natatakot ako sa mga titig ni Gab habang naka hawak ako sa bewang ni Azeina. Hinatid ko na siya sa kwarto niya. Nung ihiga ko na siya sa kama niya at aalis na sana ako , bigla niya akong hinila kaya napapatungan ko na siya ngayon.

Nanlaki yung mga mata ko nung bigla niya akong hinalikan. Aalis na sana ako sa ganung posisyon nung hinawakan niya yung batok ko at pinulupot yung binti niya sa bewang ko.

Sinubukan kong kumawala pero ang lakas niya. She pulled me again for a kiss but this time I didn't resist , I need to know why is she being like this. I smelled her lips and there , she's been drugged.

Pinilit ko ng makawala at yun nga nakawala ako.

"So hot!" saad niya at akmang huhubarin na yung damit na suot niya pero pinigilan ko siya.

"I'll turn on the aircon" I said and turned it on.

"The heat is still there!" she complained.

"Azeina , calm down" saad ko at tumakbo sa baba para kunan siya ng tubig. Tumingin silang lahat sakin at umiling lang ako.

Pakapasok ko sa kwarto niya nakita ko siyang nakabra nalang kaya agad akong napaiwas ng tingin. Ibinigay ko sa kanya yung tubig at mukhang nabawasan naman yung epekto ng droga sa kanya.

"Isuot mo na yung damit mo" tumango lang siya ng parang tuta at sinuot na yung damit niya.

"What happened?" she asked.

"You were drugged"

"I'm not!" she said and pouted at me.

" *sighs* Go to sleep now" saad ko at inihiga siya at kinumutan.

"Goodnight , Roro" nagulat ako sa tinawag niya sakin.

"Goodnight , Zy" saad ko at lumabas na.