Shone
At exactly 7 in the evening we arrive in Black Bar and as expected it was already crowded, enjoying their selves, drinking and dancing. Nakamatiyag naman ang mga bouncer kung sakaling may magkakapikunang mga tao.
Dahil ako ang nasaunahan upang maprotektahan si Violet sa mga tao ay natanaw ko agad si Leo, isa sa mga waiter na pinagkakatiwalaan ni Black Star. He know's na kapag naandito kami ay sa private room namin kami pupunta.
"Good evening Sir Shone. Naihanda ko na po ang private room." Aniya. Siya at ang manager ng bar na ito lamang ang nakakaalam ng katauhan ni Black Star na siyang owner ng bar.
"This way sir," Kahit alam na namin ang pasikut-sikot ng bar ay palagi parin kami nitong ina-assist to protect us from the hype crowd. Tinungo namin ang spiral metal na hagdaan paakyat sa second floor. Pinauna ko si Violet at inalalayan ko siya habang sina Justin at Austhine naman ay nasahulian namin.
"I will bring your regular drink on the room," Hindi na tumuloy umakyat si Leo at agad kaming iniwan upang makuha ang mga inumin na madalas naming order-en.
May tatlong private room lamang ang second floor at hindi din buo ang pag kaka flooring nito dahil may beranda ito kung saan tanaw namin ang nangyayari sa ibaba.
"May tumanggap ng hamon natin sa Forum." ani Violet at huminto ito sa pag lalakad. Isa lang naman ang private room ng bar at nasa dulo ito. Huminto kami sa tapat ng Comfort Room upang makita ang tinutukoy ni Violet.
"It's Thomas' gang. Do you wanna agree to this?" nag-aalangang tanung ni Violet.
"Let's talk about it inside the room." Nag patuloy na muli si Justin sa paglalakad habang nasa magkabilang bulsa ng pantalon ang mga kamay nito. Sumunod kami sa kanya at nag patuloy sa pag lalakad habang si Violet ay busy sa kanyang cellphone.
"He said, he was willing to bet his golden gun." Muling sabi ni Violet. Huminto kaming muli sa tapat ng saradong private room namin.
"Hindi ba't yan yung matagal nang gusto ni Black Star?" Austhine was right. Matutuwa si Black Star kung makukuha namin ang gusto niyang baril kahit wala siya. Sa oras na bumalik siya ay matutuwa iyong malaman na nakuha namin ang gusto niya.
"Pero wag din ninyong kalimutan na madaya ang gang ni Thomas." Paalala samin ni Justin.
"Kaya nga hindi sila maka akyat sa ranking dahil hindi tinatanggap ng Rank 10 ang hamon nila kasi madaya sila eh." dagdag pa ni Austhine.
"Kapag natalo tayo ng Gang ni Thomas dahil sa pandadaya nila, wala namang mawawala satin dahil malaking-malaki pa ang kulang ng win rate nila kumpara sa mga nasa rank lalo na satin." I was right, gusto din tanggapin ni Violet ang labang ito para makuha namin ang matagal ng gusto ni Black Star. Hindi pa namin nakakalaban ang Gang ni Thomas pero alam naming madaya ito. Hindi din naman gusto ni Star na hamonin ang mga ito ng personal at ang nais ni Black Star ay ito ang kumagat sa random challenge namin sa forum. Ngayun naandito na ang matagal niyang inaantay ay wala naman siya upang sabihin samin ang plano at gusto niya.
"Pero sa oras na matalo tayo nila ay malaking win score ang madadagdag sa kanila at mapipilitan na ang rank 10 na tanggapin ang hamon nila." Austhine really hate the fact na makaapak ng ranking ang gang nila Thomas.
"Sa oras na makapasok sila sa Ranking maraming un-rank gang ang mapapahamak dahil hindi na nila pwede'ng tanggihan ang hamon ng Gang nila." I understand Justin. Nag-aalala lang sila na baka maraming mapahamak na Gang sa oras na makaapak ng ranking ang gang ni Thomas.
"Wala naman tayong planong mag patalo diba?" Violet insisted.
"Can we all get inside first? Then syaka tayo mag-usap ng maayos about this." I suggested. Hindi na umimik si Justin at binuksan na nito ang pinto. Violet was still busy on her phone at nag taka ako ng matigilan si Justin at Austhine. Para silang nakakita ng multo o ano mang nakakatakot.
"Ano bang..." natigilan ako at pakiramdam ko naputulan ako ng dila.
"Bakit ba ayaw ninyong pumasok?" Usisa ni Violet at syaka ako tinulak upang makapasok na siya.
"Star?" she murmur when she saw the lady sitting on the small center couch.
"STAAAAAAAAR!" ikinagulat namin nang takbuhin ni Violet ang distansya namin patungo sa babae at talunin ito. She hug Star like it was her mother na matagal na niyang hindi nakita. Mabuti at nasalo siya ni Star ngunit kita namin ang pag-atras ng couch dahil sa impact ni Violet.
I saw a small curve that form in her lips habang hagkan si Violet. Her long blonde and red on the tip hair was now black. Nag bago ng kaunti ang itsura niya at mas lalong naging mukhang matapang dahil sa itim na bagsak na buhok nito.
Gumalaw si Justin at nag lakad patungo sa isang maliit na couch na kaharap ng inuupuan ni Star. Tahimik ito at seryusong tinitignan si Star habang si Star naman ay diretsyu din ang tingin sa kanya. Magka-ugaling magka-ugali talaga silang dalawa.
"When did you arrive?" Justin ask nonchalantly.
Hindi sumagot si Star dahil humagulhol na si Violet ng iyak habang nakasubsub parin kay Star. Hinagod ni Star ang maiksi nitong buhok na parang anak niya na pinapatahan. Noon pa man ay kapatid na talaga ang turing ni Star kay Violet. She will protect Violet at all cost.
"Bakit di mo kami sinabihan na babalik kana pala?" Inangat ni Violet ang ulo at patuloy na umiiyak.
"Hindi mo din kami sinabihan noong umaalis ka! Maiintindihan naman namin ang rason pero sana nag paramdam ka samin kahit isang beses lang! Nag-alala kami sayo!" Now Violet look like a mother that keep on nagging her child. Hindi nawawala ang ngisi sa mukha ni Star pero hinayaan lang niya na ilabas ni Violet ang lahat ng sama ng loob nito.
Hindi sila mapag hiwalay noong mga bata pa kami kaya naman sobra ang sakit na naramdaman ni Violet ng umalis ng walang paalam si Star. Star was her protector and older sister.
"That was so dramatic, Violet!" Sawata ni Austhine na nakabawi na din sa gulat ng pagsulpot ni Star. Lumapit na ito at umupo sa katabi ni Justin.
"SHUT UP!" baling sa kanya ni Violet. Aso't pusa talaga ang dalawang iyan. Kada mag kikita sila imposibleng hindi sila mag babag.
"Can't you still see the other reason why Star leave us without any notice?" Denedma ni Aust ang agsik sa kanya ni Violet at nag patuloy. Lumapit na din ako sa kanila ng maisara ko ang pinto. Umupo ako sa sofa na nasa gilid ng inuupuan ni Star, Violet sa inuupuan nina Just at Aust.
"What do you mean?" Nag tatakang tanung ni Violet.
"How slow of you.. she just teaching us to be strong and independent person. Hindi yung palagi tayong umaasa na mananalo tayo sa bawat laban natin because she was around!" This is what I like about Austhine. He was good at reading other people's mind and thoughts.
"Is that real?" Bumaling naman si Violet kay Star at tanging tango ang sinagot nito.
"We heard about tito Stell. Where very sorry!" Justin's voice was low and full of despair. My dad, Justin's dad and Star's Dad was childhood friends.
Sobrang nalungkot si Dad and Justin's dad nung mabalitaan namin nung namatay ito pero hindi namin alam kung saan sila nag tago para lang makaiwas sa mga taong balak patayin ang buong Del Ore Clan.
Kung hindi nag kasakit si Tito Stell ay baka hindi nila kinailangang umalis dahil sa lakas ni Star at ng daddy niya ay kayang kaya nila ang lahat ng mga iyon. But sadly Tito Stell got sick and he knows na hindi sasapat ang myembro ng mafia nila para protektahan ang pamilya Del Ore gayung mahina siya.
"It's okay... We moved on!" Seryusong sagot ni Star.
"Tanggapin na ninyo ang laban sa pagitan natin at ng Gang ni Thomas." She change the topic. Mukhang narinig niya ang usapan namin kanina sa labas. The room was soundproof pero may audio top kami sa labas at makikinig yun sa loob ng kwarto if we want to, may mga camera din doon na kita sa flat screen na nakadikit sa pader.
"Great!" Agad kinuha ni Violet ang kanyang tablet at kinalikot ito. In just a second tinabi na nya ulit ito.
"It's settled then, may match tayo tomorrow at 12 midnight!" Excited na anunsyo nito samin. Wala na kaming dapat ikatakot dahil nakabalik na si BlackStar.
"Ayus, sigurado na ang panalo natin bukas at makukuha na ni Star ang baril na gusto niya." Napapalakpak pa si Austhine.
"And tomorrow, the world will know about my real identity!" Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Star.
Natigilan kami at hindi makapaniwala, that wasn't on the plan and that was dangerous! Hindi namin alam kung anong plano niya!
To be continued....