Austhine's POV
We didn't expect na ganito kadami ang taong manunuod nang sabihin namin sa forum na may surpresa kaming hinanda para lang sa Gang ni Thomas at sa laban ngayung gabi.
Hindi naman nagiging ganito ka dumog ang tao sa Star Mountain kapag may mga laban pero dahil sa pinost namin kagabi ay dinumog ito, pati ata mga hindi naman kasali sa gang ay naandito din para manuod.
Star Mountain was a abandoned zigzag na pinaayus ni Black Star upang maging race course ng GS1 o Gang System 1. Pinalagyan niya ng mga night vision camera at ordinary camera ang buong race course habang sa starting point ay may malaking white screen na nag sisilbing T.V kung saan ma momonitor ang laban.
Sinadya naman niyang hindi palagayan ng mga street light ang paligid para may thrill ang bawat laban at naging legal for car racing ang abandoned zigzag na ito gamit ang mga connection niya sa gobyerno.
"Naandito na ang gang nila Thomas!" Tinapik ni Shone ang balikat ko upang ipaalam na naandito na sila Thomas.
Ang mga sasakyan namin ay nasa gitna na ng kalsada upang mabilis i-ayus mamaya kapag mag sisimula na ang laban.
Dito lamang sa starting point may mga street light kaya naman kitang kita ko ang ngisi sa mukha ni Thomas ng bumaba ito sa kotse niya.
"I think, even Finix gang was here!" Sinundan namin ng tingin ang tinitignan ni Violet at nakita namin sa kabilang kalsada ang bagong sibol na gang.
Sumikat ang Finix ilang araw ng umalis si BlackStar. Ni hindi din nila alam kung gaano kagaling ang leader namin at kung paano ito makipag laban. But they are lucky dahil hindi lang nila makikita ang istilo ni BlackStar makikilala pa nila kung sino nga ba siya.
"People are excited to this match, shall we begin?" Lumapit na pala samin si Thomas at mayabang na iminowestra ang starting point.
"There's still time before 12. You still can wait... I guess?" Seryusong ika ni Justin. Inakbayan ko ang aking kaibigan at ngumiti sa kaharap naming lalaking feeling ata ay siya ang ipinunta ng mga tao.
"Sige na Thomas, bumalik kana sa kotse mo at mag-antay. Diba may surprise kami?" Tumaas ang kilay ng lalaki at syaka kami tinalikuran.
Kung alam kaya niyang makakalaban niya ang leader namin ngayun ay makakangiti pa kaya siya? Inalis naman ni Justin ang kamay ko at masama akong tinignan.
I put my hands in the air na parang na hold-up at ngumiti sa kanya. Sinilip naman ni Shone ang kanyang risk watch. "1 minute.." aniya at agad kaming nakarinig ng tunog ng isang magandang makina ng kotse. I guess, ang surprise namin ay dumating na.
Wala parin kaming alam sa mga plano ni Star pero susuportahan namin siya kahit ano pa ang gawin niya.
Nang huminto sa tapat namin ang isang black sportscar ay napatayo si Thomas mula sa pag kakaupo sa unahan ng kotse niya. He was so confuse kung sino ang dumating or maybe nakilala niya ang kotse at nanginig na siya sa takot ngayun.
"Our dear Thomas, dumating na ang surpresa namin. Maari na tayong mag simula!" Baling ko sa lalaking hindi na maitsyurahan.
Umingay ang mga nanunuod, nakilala nila marahil ang kotseng dumating at alam nilang hindi bababa ang laman nito para makumperma nila kung si BlackStar nga ba ito.
"Pwede namang ihinto na natin ito kung bigla kayong natakot sa pag dating ng Leader namin!" Natatawa kong paalala kila Thomas pero inawat na ako ni Shone at sya ang lumapit sa gitna upang makipag usap kila Thomas.
"We know this is so sudden kaya may karapatan kayong mag back out." Magalang na pag kakasabi ni Shone. Nasobrahan talaga sa kabaitan ang kaibigan kong yan.
"Yes, as you all can see bumalik na si BlackStar at handa na siyang makipag karera muli. But you will only see and know if this is our real leader kung tatanggapin ni Thomas ang laban." Nag palingon-lingon si Shone upang kausapin ang mga manunuod. Well marunong din naman palang lumaro ng madumi si Shone. He was provoking the audience para mapilitang tanggapin ni Thomas ang laban.
"SIGE NA LABAN NA!" Sigaw ng mga tao.
"THOMAS WAG KANA UMATRAS!"
"SHUT UP!" hiyaw ni Thomas na halatang naiirita na sa sigawan ng mga tao. Hindi na din ma itsurahan ang members niya.
"We don't have plan on backing out! Simulan na natin to!" Agad sumakay ang gang ni Thomas sa mga kotse nito at hinanda ang mga sasakyan.
After Shone look at me with a grin on his face ay inayus na din namin ang mga sasakyan namin. At dahil ako ang unang makikipagkarera ay nilagay ko na sa starting point ang kotse ko.
I actually don't know all the members of Thomas' gang at tanging siya lang ang kilala ko. But sadly dahil si Thomas ang leader hindi siya ang makakalaban ko.
I don't even know kung sino na nga ba ang kalaban ko basta ang alam ko isang dilaw na sportscar ang katapat ng kotse ko at kagaya kong pinapa-ingay ang makina.
A girl that holding a two black flags was in the middle at winawagayway ito na parang nag lalaru lang.
I don't have plan on losing this game lalo na at naandito na si BlackStar. Nang ibaba ng babae ng sabay ang dalawang flags ay pinaharurot na namin ang aming kotse. It was my advantage dahil straight line ang simula. Kaya naman kailangan kong ibuhos ang lahat ngayun para makagawa ako ng malaking agwat at masigurado ang panalo.
As expected nauna ako sa straight line, pero nawalan ako ng kontrol ng may bumangga sa likuran ng kotse ko at hindi ako agad nakapasok sa unang curve. Agad na nilampasan ng dilaw na kotse ang nakahinto kong kotse. 'Shit! They really are dirty!'
Pinaandar ko muli ang kotse ko at pinilit dikitan ang dilaw na sasakyan. Mabuti nalang at hindi ito ganoong kabilis kaya naman nabuntutan ko pa ito. But the thing is hindi ako nito binibigyan nang pag kakataong lagpasan siya at palaging hinaharangan ang lulusutan ko.
Eh kung banggain ko nalang din kaya ang kotse nito? But that was lame! Hindi ako gagaya sa kadayaan nila! Not here, not in front of Black Star.
The driver of the yellow car have a good style on drifting ang kaso sinisigurado niyang wala akong lulusutan. If ever na makahanap ako ng lulusutan ay alam kong mauunahan ko ito dahil hindi naman ito ganoon kabilis mag patakbo.
Blocking my way isn't cheating, minsan ay ginagawa ko din ang taktikang iyan pero yung pang bubunggo niya sakin kanina ay mali. I'm pretty sure nagasgasan ang hulihan ng kotse ko dahil sa ginawa niya. Kapag nanalo kami dito sila ang sisingilin ko sa pag papaayus ng sasakyan ko!
Kahit madilim ang kalsada ay natatanaw ko na marami parin ang tao na sa mga curve line piniling manuod kahit pa may naka monitor naman sa starting point. Mukhang mas gusto nilang manuod ng live.
Dahil sa taktika ng kalaban ko ay panay lang ang buntot ko sa kanya. Ang kaso kapag nasa straight line na ulit kami mamaya ay wala na siyang magagawa. Sa huling part ng course na ito ay straight line na gaya ng sa starting point at doon ko nalang uunahan ang isang ito!
To be continued...