Third person's pov
"Ma! Papasok ako ng school!" Usal ni Samorina.
Samorina Magwriolus.
Fast Learner.
15 years old.
Grade 10 Na sya ngayon. Ngunit di sya sa eskwelahan nag aaral. Ayaw ng nanay nya na paaralin sya sa eskwelahan dahil marami daw itong makakasalamuhang taong di nya kilala. Kaya sa bahay na lang nya ito pinag-aral.
Sa tagong gubat sila nakatira at iilan lamang ang nakakaalam ng bahay ni Sam.
Ang tatay na si Mario Magwriolus--isang FIL-AM. Ay matagal nang patay. Mula ng ipinanganak sya ay nalaman na lang nyang patay na ito.
Binaril ito ng 5 beses.
Hanggang ngayon ay di nila alam kung sino ang may pakana nito.
Si Korina Magwriolus. Ang nanay nya. Di alam ni Sam kung bakit tago ang bahay nila.
Malaki.
Maganda.
Maaliwalas.
Dahil ito sa pangangalaga ng kanilang katulong na si Manang Eya.
Limang taong gulang sya ng maging katulong nila ito.
Itinuturing nila itong pamilya.
"Hindi pwede! Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na hindi pwede?!" Sigaw ni Korina mula sa kusina. Nagluluto ito ng kanilang umagahan, habang si Sam naman ay nasa sala.
"Oo nga po ma.. Pero ni minsan ay di nyo sinabi sa akin ang dahilan.."
sandaling katahimikan ang namutawi..
"Sam, maligo ka na at mamaya nandyan na ang tutor mo." pagbabasag ni Manang Eya sa katahimikan.
Sam's POV
Mabilis akong kumilos.
Over-sized t-shirt at leggings ang sinuot ko.
Kaunting pulbo at hinayaan ko na ang buhok kong mahaba na nakalugay dahil basa pa.
Diko talaga maintindihan si Mama.
Ang hirap nyang intindihin!
Bumaba na ako sa sala para puntahan ang tutor ko.
"Iha.. Andito na ang tutor mo.."Â Sabi ni Manang Eya.
Nakita ko ang isang Babae. I think mga nasa 30's ang isang 'to.
'ang ganda nya'
"A-ah.. H-hello po.." sabi ko. Ngumiti naman ito na ikinailang ko lalo.
"Hello iha.. I'm Ms. Lavitica Marciano .. Your teacher in Science.." pakilala nito sa akin.
Umupo sya sa single sofa. Ako naman ay sa mahabang sofa. Pinagigitnaan kami ng medyo maliit na mesa at inilapag niya doon ang laptop at science book nya.
"Hm.. Ms. Magwriolus, bakit nga pala mas pinili mo ang homeschooling?" Tanong ni Ms. Lavitica sakin.
napatingin ako kay Mama na kumakain.
"Ah.. "Â tumikhim muna si Manang Eya at nagsalitang muli. "Halina muna kayo sa kusina.. Nakahain na ang pagkain.."
Ngumiti muna ng matamis sakin si Ms. Lavitica at ngumiti rin ako dito.
Ginabayan naman sya ni Manang Eya patungo sa kusina. Kumain kami nang walang sali-salita. Na tanging mga kubyertos lang ang maririnig..
Matapos namin kumain ay tumungo na kami ni Miss sa sala. Nagturo ito sa akin na agad ko namang naintindihan.
Maya-maya..
"Salamat ho ulit.. ingat po sa byahe.." Rinig kong Paalam ni Mama kay Miss.
"Ma.." Tawag ko kay Mama na dahan dahang nilingon ako.
"Oh baket? de-dede ka?"
'psh.. porke tinawag?'
"Ah wala po.." sabi ko nang makalimutan ko ang sasabihin ko.
"Anak.."
"Baket po Ma? 'De-dede' ka po ba?" panggagaya ko sa sinabi nya kanina
"Pfft--hindi. May sasabihin lang ako."
"Ano po yun?"
"Anak..H'wag na h'wag mong hahawakan ang kamay ng kung sino.." seryosong sabi ni Mama sa akin.
'Eh? Di naman ako nanghahawak ng kamay.. psh! Bakit kaya? baka virus? another way ng panghahawa ng HIV?? WHUUTT???'
"Bakit po Ma?" takang tanong ko na napapatabingi pa ang ulo.
"Basta H'wag na H'wag.. naiintindihan mo?" sabi ni mama at tumingin sa mga mata ko. Ipinatong nya ang dalawang kamay nya sa balikat ko..
kasabay nun ang pagbuntong hininga nya..
"O-opo.. Kahit ang weird.."