Chereads / Don't. Touch. Me. / Chapter 2 - C H A P T E R 02

Chapter 2 - C H A P T E R 02

Sam's POV

Hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isip ko ang iniastang iyon ni Mama.

Naka-upo ako ngayon sa sala. Hawak hawak ko ang libro ko. Naka tapat ito sa mukha ko pero di ko binabasa.

'Eh bakit naman kaya? Hay pa suspense masyado.. Teleserye ganorn? Abangan ang susunod na kabanata letche'

Yung babae kanina--yung tutor ko.. Kakaiba yung mga tingin nya samin e..

'Aish basta! Nakakabuang naman aish!'

Umakyat na muna ako sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto at tumungo ng veranda.

'gabi na pala.. Wala pa rin si Ley'

Si Ley ay lalaking kaibigan ko. Kakaibang kaibigan ko.

Matangkad sya.. maputi.. cute.. at matalino..

10 years na kaming magkaibigan. Kilala siya ni Mama at Manang.

Dumadating sya dito tuwing mga ala sais y medya.

Pa-gala gala lang sya sa gubat. Wala syang magulang o kamag anak man. Ang weird lang..

Hindi ko sya nakikitang umaakyat sa puno para maka-punta sa veranda ng kwarto ko.--bigla bigla na lang syang lumilitaw sa harap ko. --pero di ako natatakot. Ang weird. Sobra.

♫︎"I'm gonna marry your daughter,

make her mah wife~"♫︎

'ang ganda talaga ng boses nya.. x__x'

"W-wag ka na nga kanta ng kanta! N-nasisira ang araw.. baka umulan, Ley." Kunwaring naiinis na sabi ko.

"HAHAHA! Really?" Panunukso nito sa akin.

"O-oo! Tingnan mo! Ang itim nang langit!" Pang-aasar ko pa sa kanya.

Nginitian nya lang ako at saka pumunta sa harap ko mula sa likod ko. Tumitig sya sa mga mata ko. Animo'y binabasa nya ang mga ito.

Aaminin ko.. nagustuhan ko ang boses nya.

'A-ayaw ko lang na isipin mong may gusto ako sayo kahit meron naman talaga HAHA!'

"Why are you blushing?" Nanunuksong sabi niya.

'Hanla?! Ako?! Nagbablush?! Whuuut?'

"Oo.." sabi nya--eh?!

"Super duper w-weirdo ka talaga!"

"Ano bang bago dun? HAHAHA!"

Parati ko syang sinasabihan na weirdo tuwing may kakaiba syang ginagawa.

Inismiran ko na lang sya. Inilagay ko ang dalawang siko ko sa railings at nangalumbaba gamit ang dalawa kong kamay.

Tumingala ako sa langit.

'Stars..'

Sa baba nitong veranda, ay ang garden ni Dada at Mama.

Napasinghap ako ng biglang umakbay sakin si Ley.

'I really hate this feeling!'

"Gulat na gulat, Sam?" Nagpipigil ng tawang usal nya.

"..." Wala akong masabi..

'kung pwede lang na hilingin ko sayong.. yakapin mo ako.. hiniling ko na.. eh kaso nahihiya ak--'

Naitigil ko ang pag iisip kong yun nang bigla nya akong hilain at yakapin ng mahigpit!

"Ayos ba?" Di naman ako nakasagot dahil inaabsorb pa ng brain ko yung nangyayare ngayon!

"B-bakit mo ko n-niyakap?" Ilang na tanong ko kay Ley.

"Eh diba't gusto kong yakapin kita??"

"W-wait! Wait! Wait! N-nababasa mo ba iniisip ko??" Takang tanong ko pero di nya ako sinagot. Niyakap na lang nya ako..

Nanginginig ang kamay na niyakap ko rin sya.

"Ang bango mo, Sam.." bulong ni ley sa tenga ko. Inamoy amoy nya naman ako habang sinasabi iyon..

"D-di ka pa n-naiilang?" Tanong ko sa kanya.

"Hahahahahahaha! Ako pa talaga tinanong mo?"

Sabi nya na tumingin pa sa mga mata ko habang nakayakap sa akin.

Ngumuso lang ako. Tumingin ako sa relo ko.

'9:41pm'

"Oh? May lakad ka?" Tanong ni Ley.

"A-ah.. wala.. tiningnan ko lang."

"May pasok ka pa bukas, Sam-sam.." Malambing na sabi nya at talagang nagulat ako dahil..

HE KISSED ME ON MY CHEEKS!

Ramdam ko ang paginit ng mga pisngi ko..

"Tulog na.. Wag mo ko masyadong mamiss dahil pupuntaha naman kita dito.." pumunta sya sa likod ko. Lumingon naman ako don at naglaho na sya!

'Ang wi-weirdo nyo letcheee!'