Scarlett "Sky" Ravenna is one of the top agent of Knight Protection Agency. Yes, she has a bad temper pero pagdating sa labanan, hacking, racing, etc. She's always at the top.
Always.
Pero bakit siya pa ang napiling maging agent ng intsik na 'yon.
As a professional agent, you should respect and protect your client at all cost.
Pero sa sitwasyon ni Sky, parang gusto niyang siya na mismo ang papatay kay Kaitou.
Hindi kasi kasama ng binata ang personal assistant at manager nito kaya para na siyang nitong yaya. Utos dito, utos doon.
Kagaya ngayon, she hates shopping. Isang beses lang yata siyang nakapasok sa mall at supermarket pero dahil sa binata, here she is.
Kanina pa siyang tanghali dito pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tapos sa pamimili ng mga kailangan nito.
"Ano 'yang hawak mo? Patingin nga."
Inagaw ni Paula ang hawak niyang powder.
Paula is her childhood friend. Isa itong sikat na modelo at certified shopping addict, araw-araw yata bumibili ito ng iba't-ibang klase ng damit. Nagdududa tuloy siya kung may balak ba itong magtayo ng ukay-ukay store.
"Rat poison? Anong gagawin mo dito? May daga ba do'n sa tinitirhan ng bago mong kliyente? O baka may balak kang lasunin..." tiningnan siya nito nang may pagdududa.
Kinuha niya ito pabalik.
"Don't worry. Sa kapal at tigas ng pagmumukha ng lalaking 'yon
Hindi 'yon tatablan ng lason."aniya sa sarcastic na boses at nagpatuloy sa paglalakad.
Umiiling-iling na tinulak ni Paula ang cart at sumunod sa dalaga.
"Seriously Sky, are you really an agent? He's your client, you shouldn't speak like that. Isa pa, ang gwapo ni Kaitou. He's almost perfect. Hindi ka man lang ba nahuhumaling sa kanya?"anito.
Napatawa siya ng pagak.
"Ako? Ma-a-attract sa lalaking 'yon?Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako ma-a-attract sa gunggong na 'yon? That brainless jerk. He clearly knows na hindi niya pwedeng ipakita sa public ang mukha niya pero sa halip na umiwas, umupo at kumain pa talaga siya sa loob ng chowking kahapon. And the worst is, pinababa niya ako sa gitna ng highway dahil ayaw niya raw sa gamit kong perfume? Sabihin mo nga, why would I like him?"
Parang nagsilabasan na ang usok sa ilong ni Sky sa galit. Pakiramdam niya napunta lahat ng dugo niya sa ulo.
Si Paula naman hindi makapagsalita.
"And now, mukha pa ba akong agent sa lagay na 'to? Or isang katulong? He's clearly picking on me! That jerk!"
"Pero 3 months mo siyang makakasama diba? You should control yourself. After all he's your client and it's your job to secure his safety."
Mahinahong payo ni Paula.
Napabuntong-hininga si Sky. Mahirap ma'ng aminin but Paula is right. He's still her client, she should control herself.
Pero ewan, kahit anong gawin niya umiinit talaga ang ulo niya kapag nakikita niya ang pagmumukha ng lalaking 'yon.
"By the way, is he in danger? Why does he need your protection? I thought nandito lang siya para magbakasyon? 'Yon ang sabi niya sa media diba."
Puno ng kuryosidad ang mukha ni Paula.
Umiwas ng tingin si Sky. Nagflashback sa isip niya ang sinabi noon ni Mr. Lin.
She can't trust anyone. This assignment is too complicated and dangerous. Though she is her bestfriend, but rules is a rules. She can't just leak her client's information.
"It's confidential." Aniya na lang at ngumiti ng pilit.
"Ahh, let's go. It's already late."
NASA kalagitnaan ng kagubatan ang mala-palasyong bahay na tinitirhan ni Kaitou.
Napapaligiran ito ng mahabang pader na kulay puti at malalaking puno.
Mayroon itong malawak na garden sa harapan na napupuno ng iba't-ibang klase ng bulaklak at malaking swimming pool sa likod.
Para sa kaligtasan ng binata, 24 hours na nakabantay ang apat na miyembro ng REED. Ace team ng KNIGHT na pinamumunuan ni Sky.
Aaron, cold-type but the sharpshooter of the team. Greg, playboy but the most resourceful. Zach and Kirk, the naughty and playful twin. They are mostly specialized in hacking.
And lastly, the fifth one, Neon or Hunter, her right hand. He's her closest member. Maybe because he's the only one who can stand her temper.
He's good in everything. Masasabi mo'ng Neon is her male-version. Seryoso pagdating sa trabaho.
Minsan lang ito nakakasama sa kanila dahil kadalasan may sarili itong assignment.
May tatlong CCTV na naka-install sa harap ng gate. Dalawa sa may pintuan, sa likod, sa may swimming pool, lahat ng parte ng mansion. Naglagay 'rin sila ng alarm detector. Sinadya ito ni Sky para masiguradong ligtas at walang kalaban ang makapasok sa loob.
Sina Aaron ang naatasan niyang magbantay at magmonitor sa camera. Wala na kasi siyang masyadong oras para doon dahil lage siyang inuutusan ng binata.
Pasado ala-syeti na ng gabi ng matapos sa pagluluto si Sky. Hindi pa bumababa si Kaitou kaya naisipan niya itong puntahan sa kwarto. Nakailang katok na siya pero walang sumasagot.
"Mr. Chen?"
Katatapos lang mag-shower ni Kaitou, basang-basa pa ang buhok niya na tumutulo pa sa sahig nang bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang mukha ni Sky na 'agad nanlaki ang mga mata nang makita ang topless na katawan ng binata.
"Shit! What the hell are you doing here?"
Mabilis na tinakpan ni Sky ang mga mata atsaka tumalikod.
Ang lakas tibok ng puso niya, para itong nakipagkarera sa bilis.
"I--I.."
She wanted to say something pero parang na-blangko bigla ang utak niya.
"Get out!"
Parang kamatis sa pula ang mukha ni Sky. Dali-Dali siyang uminom ng tubig para kalmahin ang sarili.
("Anong nangyayari? Araw-araw palaging lalaki ang mga kasama ko pero ngayon bakit ako kinakabahan?")
Nilagay niya sa dibdib ang kamay niya sabay iling.
"I must be sick."
ISANG black na short at grey na t-shirt ang suot ni Kaitou na may nakasulat na I DON'T KNOW HER sa harapan. Simple lang ang suot niya pero hindi pa rin maitatago ang kakaiba niyang charisma. Napaka-gwapo niya pa 'ring tingnan. Isama mo pa ang malaki niyang Adam's apple na lalong nakakapagpa-attract sa kanya.
Pagkababa niya ng hagdan ay naabutan niya si Sky na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV.
Dinaanan niya lang ito at dumiritso sa dining room. Nakahain na sa mesa ang fried rice, sweet and sour pork at omelette.
Sumilay ang ngiti sa labi niya.
("So she can cook,")
Nagsimula na siyang kumain. Nakailang subo pa lang siya nang bigla siyang mapahinto. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa lababo at doon sumuka nang sumuka.
Lihim naman na napatawa si Sky habang pinagmasdan ang binata.
"Serves you right. "
Ilang beses na lumaguklok ng tubig si Kaitou hanggang sa mawala ang maanghang at maalat-alat na lasa sa bibig niya.
"Agent Ravenna!"
Namumula sa galit ang mukha ni Kaitou habang nakatingin sa dalaga. Salubong ang kilay nito at nag-aapoy ang mga mata.
"You---are you that desperate to get my attention?"
"What?"
Hindi makapaniwalang humarap si Sky sa binata.
"Ako? Get your attention? Are you serious?"
Malakas siyang napatawa. Lalo namang sumeryoso ang mukha ng binata.
"Is it fun?"
"No. 'Cause I'm just starting."
"Ahh,"
He let out a sarcastic laugh. Dahan-dahan siyang lumapit sa dalaga na siya namang atras nang atras hanggang sa mapasandal ito sa pader.
"W--what? Are you going to beat me?"
Yumuko ang binata at inilapit ang mukha sa dalaga. Nanlaki ang mata ni Sky. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng binata. Isang galaw niya lang maglalapit na ang mga labi nila. Lihim siyang napalunok at umiwas ng tingin.
"Is this your way of seducing me? You really like me that much, huh?" Nakangisi nitong bulong sa tainga niya.
Para naman siyang nabuhusan ng tubig.
Mabilis niya itong tinuhod ng malakas sa private part nito.
"Oh fuck!" Tumatalon-talon na napahawak ang binata sa ibaba.
"What the heck is your problem?" Galit nitong sigaw.
"Fuck!"
Pakiramdam ni Kaitou ay nabasag ang matagal na niyang pinaka-ingat-ingatan.
"Who told you to teased me? Tsk." Sky habang nakapameywang.
"You're too weak."
Tumalikod na si Sky nang may bigla siyang maalala.
"Oh, just a friendly reminder. Don't assumed that everyone likes you just because of your appearance and popularity. You're not my type and I will never ever like you."may diin sa huli niyang saad saka tuluyan ng umalis.
Inis na sinipa ni Kaitou ang upuan.
"I'm not her type? Is she blin-----arghh."
Hindi maiwasang mapapikit ni Kaitou dahil sa hapdi. Maingat na paika-ika siyang naglakad papunta sa sofa.
"Is she really a woman? Tss."
PADABOG na pumasok si Sky sa control room. Gulat na nagsitayuan sina Greg at Kirk.
"S-sky,"
Pinalibot niya ang tingin sa paligid. Kumunot ang noo niya nang hindi niya makita si Aaron.
"Where's Aaron?"
"Nandoon sa may veranda. Kausap niya yata si Mr. Lin."mahinang sagot ni Greg
Umupo siya sa may swivel chair at tumingin sa monitor.
"Sky, ayos ka lang? Bakit ang pula ng mukha mo?." Basag ni Kirk.
"I'm fine. By the way may balita na ba kay Neon? What about his location?"
"I tried several times pero wala pa 'rin. Ang tracker na nilagay ko sa cellphone niya noon, hindi ko na ma-trace." Paliwanag ni Kirk.
Kirk and Zach is a fraternal twin pero mas may tiwala siya dito. Maasahan din naman si Zach pero lagi kasi itong tulog, kagaya ngayon.
Nakabukas pa ang bibig habang ang paa ay nakapatong sa mini-table. Parang gusto niya tuloy magsisi na isinama niya ito sa grupo.
"Wake him up."
Kinuha niya ang puting folder at muling binasa ang personal data ni Kaitou.
Wala sa sariling napatitig siya sa litrato nito.
("Kung kasing-gwapo lang sana niya ang ugali niya, that would be better. What a waste.")
"Zach? Zach?" Sinipa ni Greg ang paa ng binata pero hindi pa 'rin ito nagising. Sa halip ay lalo pa'ng lumakas ang hilik nito.
"Zach?"
Isang bottled water ang nahagip ng tingin ni Sky. Binaba niya ang hawak niyang folder at lumapit dito.
"Let me do it."
"Huh? Anong-"
Binuksan niya ang bote at walang sabi-sabing binuhos niya ito sa mukha ni Zach.
Gulat na nanlaki ang mata nina Greg sa nakita.
"Holy shit!"
Napabalikwas ng bangon si Zach at dali-daling pinunasan ang basa'ng mukha.
"Sinong nagbuhos ng putang tubig sa napakagwapo kong mukha? Huh?"
Galit nitong sigaw.
Tahimik lang na nakatayo si Sky sa likod nito.
Si Greg at Kirk naman ay lihim na napalunok.
"Z--Zach, si--"
"Hoy Greg! Ikaw ba?"
Bulyaw nito sa kaibigan.
Tinapik ni Sky si Zach pero winakli nito ang kamay niya nang hindi man lang nag-abalang lumingon.
Umiiling-iling na dahan-dahang umatras sina Greg.
"Tangina, alam niyo bang ngayon lang ako nakatulog ng mahimbing? Sinira niyo pa! Paano kung dadating mamaya si Sky? Alam niyo namang ubod ng sungit 'yon. Iniwan pa ng nobyo niya, tiyak pahihirapan na naman tayo noon. Al---"
"Z--Zach.." sinubukang awatin ni Greg si Zach pero pinutol ito ng binata.
"Ano? Tama naman ako ah. Mas lalaki pa nga 'yon kung kumilos kaysa sa natin eh. Tapos 'yong.."
Bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Aaron na kaagad kumunot ang noo nang makita ang itsura ni Zach. Tumingin ito sa gawi niya.
May pagtatanong ang mata nito.
"This is.."
"You're here. "
Natigilan si Zach nang marinig ang napakapamilyar na boses. Dahan-dahan siyang lumingon sa likod. Muntik na siyang matumba nang makita ang seryosong mukha ng dalaga.
"S--sky?"
Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo ni Greg.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"What? Nakakatakot ba ang mukha ko?"
Napakamot ito sa ulo at sumulyap kina Kirk na nagsi-iwasan ng tingin.
"Hehehe. S--Sky, ka--kanina ka pa ba diyan? Bakit--"
Sumilay ang ngisi sa labi niya nang makita niya ang panginginig ng kamay nito.
"Go on. Keep talking. I'm listening."putol niya.
Napatitig sa kanya ang binata. Mahigpit na nakahawak ang kamay nito sa suot nitong black pants.
"S-sky--"
"Bakit? Gusto mo pa bang matulog ulit?"
Yumuko ito.
"I'm just curious. How did you know that I broke up with Eric? Is my love life that entertaining?---"
"Wahhhh! Sky!"
Bigla itong sumigaw.
"F*ck!"
Agad na napatakip si Sky sa tainga niya.
Lumuhod ito sabay yakap sa paa niya.
"Sky, patawarin mo ako. Alam ko namang maganda ka eh, mabait, magaling makipaglaban. Mas malakas ka pa nga kay Aaron at Neon eh."
"Stop it."
"Pwede bang kalimutan mo na ang mga sinabi ko kanina. Hehehe. Sky, kilala mo naman ako diba? Kung ano-ano 'yong sinasabi kapag bagong gising. Isa pa, alam ko nama'ng kaya kayo nag-break ng gunggong na 'yon dahil pinagpalit ka niya sa iba."
"What?"
"Ang ibig kong sabihin, mabuti na 'rin na nagbreak kayong dalawa. He don't deserved you. Sa ganda mong 'yan siguradong makakahanap ka 'rin ng bago."
Di niya mapigilang mapairap.
Kahit kailan talaga, ang galing nitong magpalusot.
"Sky,"
Winaksi niya ang pagkakayakap nito sa paa niya at umayos ng tayo.
"That's enough. Stop making nonsense excuses. "Aniya na lamang at bumaling kay Aaron.
"Let's talk."
Tahimik lang si Aaron habang nakatayo sa harap ng swimming pool. Nakalagay ang dalawang kamay nito sa bulsa. Sumulyap siya sa dalaga. Pansin niya ang di-mapakaling itsura nito habang ang mata ay nakatingin sa malayo.
"What is it? May problema ba?"tanong niya dito.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Sky.
"Nothing. It's just....a little nervous. I don't know. Pakiramdam ko may mali sa assignment na 'to."aniya
"It may be sounds paranoid but don't you think this case is a bit too complicated? And this,"
Isang litrato ang inabot niya kay Aaron. Logo ng isa sa pinakamalaking organisasyon sa China. Shi's Organization. They are known for dealing black products like drugs, weapons, etc. Nagsasanay 'rin sila ng mga hitman/assassin.
"Where did you get this?"seryosong tanong ni Aaron.
"Binigay ba 'to ni Mr. Lin? Impossible. I don't remember him mentioned about this."
"Kaitou, I saw it dropped from his pants's pocket."
Nu'ng sinundo niya ang binata sa airport noon. Nakita niya ito'ng nalaglag sa bulsa ng binata.
She originally wanted to ask him about this kaya lang dahil sa ugali na ipinapakita nito sa kanya ay nakalimutan na niyang magtanong.
"You mean--"
"He knows everything. Alam niya kung sino ang gustong pumatay sa kanya. That's why he agreed to come here kahit labag sa kalooban niya. Pero ang tanong, sino? Who's this ruthless creature who hired a hitman just to kill him?"
Sigurado si Sky na alam ni Kaitou kung sino ang gustong pumatay dito. 'Cause if not then why else did he keep that picture?
"Ano'ng plano mo? Sinabi mo na ba ito kay Mr. Lin?"may pag-alalang tanong ni Aaron
Umiling si Sky.
"We'll keep this as a secret for now. Since ayaw magsalita ni Kaitou tungkol dito then let's observe him first. Maybe he has a plan."
"What if--"
"I know him. Though he always acted tough, but I can see in his eyes that he's scared."
She's a top agent. It's easy for her to know if that person is hiding something or not just by looking in their eyes.
"How about this, you and Zach, try your best to trace everyone who has a contact with Shi Organization. Pick someone who seems close to Kaitou. That way malalaman natin kung sino talaga ang gustong pumatay sa kanya. If it is really related to business or just a personal affair."
Galit siya sa binata pero kahit anong gawin niya siya pa 'rin ang protektor nito. Alam niya kung kailan at saan dapat pairalin ang galit. Kagaya nga ng sinabi ni Paula noon, his safety is still her priority.
She'll protect him at all cost.
She won't let anyone try to hurt him.