Chapter 2 - Don Roque

Kasalukuyan.

Dahan-dahan na naglalakbay si Kieffer sa mabato at matarik na kalsada gamit ang kanyang paboritong BMW nang biglang pumutok ang gulong sa likuran.

"Shit!" malutong na mura niya saka pinatay ang makina ng sasakyan pagkatapos niyang iparada sa tabi ng kalsada.

Sinuri niya ang gulong bago kinuha ang mga kagamitan na kakailangnin sa pagpalit ng flat tire. Tagaktak ang kanyang pawis habang inaayos ito dahilan para magtanggal siya ng t-shirt.

Napapasipol at napapanganga ang sinumang napapadaan. Bukod sa maganda niyang katawan ay agaw pansin din ang tattoo niyang scorpion sa kaliwang pelvic bone na nakikita dulot ng low waist niyang pantalon.

"Do you need help?" tanong ng isang lalaking banyaga sa kanya.

Umiling siya saka tumugon, "Na. I'm good!" Tumango ang banyaga at patuloy na nagdrive habang nagpatuloy din siyang nagpalit ng gulong. Matapos ang ilang sandali ay natapos rin siya.

"Why do I have to come here anyway?" tanong niya sa sarili habang pinupunasan ang maduming kamay. Hindi na siya nagsuot ng shirt ng pumasok siya sa kanyang sasakyan at pinagpatuloy ang paglalakbay.

Inaliw lamang niya ang sarili sa magandang tanawin na kanyang nadaraanan. Ang makukulay na parang, ang malagintong beach kung saan maraming matatayog na puno ng niyog at iba't- ibang uri ng tropical fruit bearing trees at ang nag- aayang malinaw na tubig dagat.

"Damn! Paraiso sa balat ng lupa," bulong niya sa sarili habang masayang pinagmamasdan ang nagliliparang ibon. Pagkatapos ng ilang sandali ay narating niya ang kanyang pakay.

"What the fuck!" sambit niya ng pumarada siya sa harap ng nasisirang mansiyon. "You've gotta be kidding!" hindi makapaniwala niyang sabi habang bumababa siya ng sasakyan. Pinaglipat- lipat niya ang tingin sa litratong hawak niya at ang istrukturang nasa kanyang harapan.

"This is bullshit? What kind of person would want to stay in this god forsaken place? Fuck!" di niya mapigilang magmura bago pagpunit- punitin ang litratong hawak.

Ang mansiyon ay nasa tuktok ng burol at ikinukubli ng matataas na rock formations at mayayabong na puno ng acasia. Ito ay nagmistulang bangungot sa isang magandang panaginip.

Inilabas niya ang kanyang cellphone at akmang tatawagan ang kanyang secretary ng biglang may tumapik sa kanyang balikat. Napatalon at di maiwasang mapasigaw siya sa gulat habang hawak ang kanyang dibdib.

Lumingon siya at sumalubong ang mukha isang matandang babae na sa tantiya niya ay nasa early 60s. Nakangiti ito ng maluwang saka siya binati, "Magandang hapon, Don Roque!"

Lalong kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. Lumingon pa siya para siguraduhing siya ang tinutukoy nitong "Don Roque."

"D- don?!" tanong niya habang itinuturo ang kanyang sarili. Tumango ang matanda. Natawa ang binata saka nagsalita, "I'm sorry po pero hindi po ako si Don Roque. Keiffer po ang pangalan ko."

"Ako si aling Crisencia, ang mayordoma ng iyong mansiyon. Ikinagagalak kong sa wakas ay nagkita na tayo," pakilala nito na hindi man lang pinansin ang tinuran ng binata. "Sa tingin ko po ay pagod kayo sa biyahe. Ako na po ang magdadala ng iyong bag. Tara na po sa loob," sabi ng matanda saka itinuro ang butas- butas at kinakalawang na mansiyon.

"Diyan?! A- ayoko nga! Parang babagsak ang mga kisame at baka matetano pa ako," pag- ayaw ni Kieffer na binubuksan pa ang pintuan ng sasakyan na akmang aalis. Tumawa ng malakas ang matanda sa inasal niya.

"Gustuhin mo mang umalis ay hindi maari," bulong ng isang boses na animo'y galing sa ilalim ng lupa. Kinilabutan ang binata sa tono ng pananalita nito. Marahas siyang lumingon at nakangiting mukha ng matanda ang kanyang nakita. Ikiniling niya ang kanyang ulo at napaisip kung totoong may narinig siya o imahinasyon lamang niya ito.

"Anong sabi po ninyo?" takang tanong ni Keiffer sa matanda na biglang nagkunot ng noo.

"Ah nevermind!" biglang saad ng binata ng mapagtantong wala itong ideya sa kanyang sinasabi.

"Mas delikado po pag inabot kayo ng dilim sa labas ng mansiyon," nag- aalalang tugon ng matanda sa kanya.

Ngumiti siya dito saka sinabing, "Okay lang po ako. Sanay naman po akong maglakbay kahit gabi."

"Pero~"

"I'm fine, aling Crisencia. Balik na lang po ako bukas para masuri ang mansiyon," sabi ni Roque sa nag- aalalang matanda.

Ngumiti ito saka tinulungan pa siyang sumakay ng kanyang sasakyan. "Pag kailangan po ninyo ng matutuluyan, bukas po ang pintuan," mabait na saad ni Crisencia.

Napatingin si Keiffer sa kanyang paligid. Nag- uumpisang magtakip- silim. Sa di malamang dahilan ay may kung anong kaba ang bumalot sa kanyang dibdib na pilit niyang binabalewala. Kumaway siya sa matanda bago niya paharurutin ang sasakyan pababa.

"Thirty minutes. Just thirty minutes..." sabi niya sa kanyang isip habang binabaybay ang matarik na kalsada patungo sa pinakamalapit na hotel na nadaanan niya kanina.

Sinasabayan pa niya ang kanyang stereo sa pagkanta. "Noise" by Nightwish.

"Noise from a sunless world... Fuck!" mura niya ng biglang pumutok ang gulong sa likuran sa eksaktong lugar kung saan siya naflat tire kanina.

"Kung minamalas ka nga naman!" saad niya bago kinuha ang mga kagamitan at tinungo ang likuran ng kanyang sasakyan.

Tagaktak ang pawis niya habang nagpapalit ng gulong dahilan para siya ay magtanggal ng kanyang t-shirt. May mga dumadaang sasakyan at napapatili at napapasipol ang sinumang makakita sa matipuno niyang katawan.

"Need any help?" tanong ng isang lalaking banyaga.

"Na. I'm good," tugon niya. Tumango ang banyaga saka siya nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakbay. Napatigil siya sa kanyang ginagawa ng mapansing tila may mali sa nakaraang pangyayari.

Tumayo ang kanyang balahibo ng mapagtantong parang umulit ang mga pangyayari habang paakyat siya sa burol. Ang kaibahan lang ay pababa lahat ng mga sasakyan.

Dagli siyang sumakay sa kanyang kotse at nagpatuloy na nagdrive palayo sa lugar na iyon. Nakakabingi ang katahimikan ng paligid. Ultimo kulisap ay walang gumawa ng ingay at ang hangin ay tumigil sa pag- ihip. Ang tanging naririnig niya ay ang kabog ng kanyang dibdib at ang boses nila Marco at Floor mula sa stereo ng kanyang sasakyan.

"Where is that hotel?!" naiinis at kinakabahang tanong niya habang patuloy sa pagmamaneho at pamasid-masid sa nadaraanang kalye.

Mag- iisang oras na siyang nasa kalsada at pagod na rin siya dulot sa kawalan ng pahinga. Kaya naman sobra ang kanyang kasiyahan ng may masilayang kumikislap na ilaw mula sa malayo. Binilisan niya ang pagmamaneho upang makarating kaagad. Nag- iimagine pa siyang maghohot shower at kakain ng masarap na hapunan.

"Oh god! At last..." bulong niya habang palapit siya sa isang pamilyar na lugar. Palaki ng palaki ang kanyang mga mata habang palapit siya ng palapit sa mansiyon.

"Holy fucking cow!" ang tangi niyang nasambit ng makita si aling Crisencia na nakatayo kung saan niya iniwan ito.