Chereads / Blue Moon: the Keeper and the Cursed / Chapter 3 - Aklat ng Tadhana

Chapter 3 - Aklat ng Tadhana

"Magandang umaga, Don Roque! Kumusta po ang iyong pakiramdam?" masuyong tanong ni aling Crisencia sa binata ng magdilat ito ng mata. Nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatagos sa siwang ng makapal na kurtina. Napansin naman ng matanda kaya dagli niyang inayos ito.

"Paumahin po!" saad nito ng bumalik ang ginang sa kanyang tabi.

Hinay- hinay na bumangon si Kieffer saka sumandal sa headboard ng kanyang kingsize na kama.

Nagtataka man ay napapahanga siya sa luwang at interior design ng kwartong tinulugan niya. Tumingala siya at inusisa ang blood red velvet canopy na nakapatong sa mataas na apat na posteng nakakabit sa apat na sulok ng kama. Binurdahan ito ng mga bulaklak at ibon gamit ang pilak at gintong sinulid kaya naman kumikislap at tila may buhay ang mga ito tuwing nasisinagan ng ilaw.

Ang kasangkapang naroon ay yari sa mahogany at pinewoods na nagbibigay contrast sa puting marble floor at sa kulay- abong dingding. Ang floor to ceiling na arched window ay tinatakpan ng blood red velvet din drapery na may disenyong gaya sa canopy.

"Saang hotel po tayo, aling Crisencia?" tanong ni Keiffer habang nagkukusot ng mata. Napangiti ang matanda.

"Nasa mansiyon po tayo, Don Roque!" sagot niya.

Nanlalaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng matanda. "Hindi nga!"

"Kailangan mo pong magpagaling bago kita ipapakilala sa mga nagsisilbi sa iyong mansiyon," masuyong saad niya habang itinutulak ang food cart na puno ng pagkain sa tabi ng kanyang kama.

Noon lamang napansin ang paa niyang may benda at pati na rin ang kanyang ulo at dibdib. Bigla siyang nabahala sa kanyang sitwasyon.

"Ano po nangyari sa akin?" nagtatakang saad ng binata.

"Bumaliktad po ang sasakyan mo kagabi ng pilit mong iniiwasan ang daan patungo dito sa mansion," paliwanag ng butihing matanda.

"I need to go to the hospital!" saad niya.

"Hindi na po kailangan. Kusang maghihilom ang iyong mga sugat. Magpahinga ka lang," ani ni aling Crisencia.

"Ha? Aling Crisencia naman... wala po tayo sa Hollywood. Kailangan ko pong macheck ng mga dalubhasa at hindi ang kung anong hocus- pocus at abracadabra," napipikong sagot ng binata.

"Kumain ka po muna bago tayo mag- usap," yun lang at lumabas na ang matanda. Naiinis man ay kumalam ang kanyang sikmura ng maamoy ang nakakatakam na pagkain. May sausages, bacon and eggs, white bread, cheese, at mga prutas. May hand- dripped coffee pa sa ilalim ng food cart na nagbibigay ng mabangong aroma.

Magana siyang kumain saka siya bumaba sa kanyang kama at paika- ikang tinungo ang bintana.

Hinawi niya ang makapal na kurtina at bumungad sa kanya ang isang maganda at malawak na hardin na tinataniman ng iba't ibang uri ng bulaklak. Marami ring paruparo, tutubi at ibong nagsisiliparan lalo na sa gilid ng batis na umaagos patungo sa malakristal na dagat.

"Where am I?" manghang tanong ni Kieffer saka marahang tinatapik ang kanyang pisngi. "I must be dreaming!"

"Hindi po, Don Roque!"

Napalundag siya sa gulat dahilan upang mawalan siya ng balanse. Napahiyaw siya ng mapaupo siya sa sahig.

"Bakit ka po ba laging sumusulpot na parang kabute?" inis na saad ng binata habang tinutulungan siyang tumayo ni aling Crisencia.

"Paumanhin, kamahalan. Hindi ka pa rin po nagbabago. Magugulatin ka pa rin kahit ilang taon na ang lumipas," nakangiting dagdag nito.

"Anyway... if this isn't a dream, care to explain what's happening?" saad ng binata sa matanda na nakatayo sa tabi niya.

Huminga ng malalim ang matanda bago magsalita, "Una sa lahat, hindi ikaw ang taong kinikilala mong ikaw. Mas nakahihigit ka pa kaysa diyan."

"H-huh?!" naguguluhang tanong ni Keiffer sa kanya. Ngumiti ang matada.

"Halika. May ipapakita ako sa yo," aya ng matanda sa kanya saka inakay si Keiffer palabas ng kanyang kwarto at bumungad ang isang kambal na grand staircase na gawa sa pinewoods at gintong railings. May blood red ding carpet na bumabalot sa kambal na staircase patungo sa isang maluwang na bulwagang napapalibutan ng naglalakihang paintings at naggagandahang iskulpturang gawa sa marmol.

Ngunit imbes na bumaba sila ay pumasok sila sa isang madilim at masikip na lagusang nagdudugtong sa mansiyon at sa isang mataas na tore. May ibinulong si aling Crisencia at biglang nagliyab ang isang sulong nasa gilid ng pader.

"Whoa! What the fuck was that? Holy shit!" tarantang tili ng binata sa nasaksihan at napayakap pa siya sa dingding habang pinaglipat- lipat ang tingin sa nagliliyab na apoy at sa mukha ng matanda.

"Lahat ng katanungan sa isipan mo ay mabibigyan ng kasagutan pagdating natin doon," tanging sagot ni aling Crisencia. Nagdududa man ay walang nagawa si Keiffer kundi sumunod. May kung anong mahikang bumabalot sa kanya at itinutulak siyang sundan ang matanda. Gamit ang sulo na nagbibigay ng liwanag sa kanila ay inakyat nila ang paikot- ikot na hagdan hanggang sa marating nila ang tuktok nito.

"Ano to?!" tanong ng binata kay aling Crisencia habang nakatitig sa isang nakabuklat na makapal at malaking libro sa gitna ng silid na nasisinagan ng isang siwang mula sa bubong ng tore.

"Ang tunay na ikaw ayon sa itinadhana ng mga makapangyarihang Babaylan noong unang panahon," saad niya habang pilit na binabasa ng binata ang mga letrang nakasulat sa mga pahina.

"Kailangan mo ng sapat na lakas at kakayahan upang mabasa ang Aklat ng Tadhana," saad ng matanda. "Ang dahilan kaya ka narito sa mansiyon ay upang simulan ang iyong pagsasanay hanggang sa susunod na kabilugan ng buwan."

"Wait! What?" kunot- noong tanong ni Keiffer sa kanya. "Are you saying that I'll be staying here for a month? Hindi po pwede! Paano ang aking negosyo? Ang pamilya ko? Ang girlfriend ko?!"

"Huwag kang mag- alala. Hangga't narito ka, ang oras sa mundong pinanggalingan mo ay hihinto hanggang sa makabalik ka. Yun ay... kung makakabalik ka," sabi ni aling Cresencia.

"Anong ibig mo pong sabihin?"

"Minsan sa isang siglo ay mag- iisang linya ang mga planeta at bituin dahilan upang pansamantalang mawawala ang balanse ng enerhiyang bumabalot sa sanlibutan. Sa isang gabing iyon, ang lagusan papunta sa mundo ng mga patay ay manghihina kaya malayang makakalabas pasok ang mga nilalang sa dalawang mundo," mahabang paliwanag nito.

"Parang exciting!" nakangising sabi ng binata.

"Yun ay kung mananatili kang buhay!"

Bigla siyang kinilabutan sa sinabi ng matanda. Napayakap siya sa kanyang sarili habang nakikinig sa sinasabi ng matanda.

"Don Roque, huwag kang mag- alala. Ang mga magsasanay sa yo ay magagaling at makapangyarihang Babaylan. Mag- uumpisa ang iyong training mamayang hapon... pagkatapos ng tanghalian," dagdag nito. Napatango lang siya at sa isang iglap ay naroon ulit sila sa kanyang kwarto at lahat ng kanyang sugat at sakit ng katawan ay biglang naglaho.