CHAPTER 1:
SELENE's POV,
"WOI! SELENA! Baka gusto mo na umalis?"
Natauhan ako ng bigla akong kalabitin ng bestfriend kong si Lorraine. Oo nga pala, nandito pa kami sa McDo. Bakit ba naman kasi natulala ako?
"Hehe, tara na. Natulala lang, pasensya ka na ha, godbless" pabirong sabi ko sa kanya na tinugunan nya ng malakas na tawa. Lahat tuloy halos sa loob ng fast food ay tumingin sa'min, kasama na yung lalaking tinititigan ko kanina. Mygash! Nakakahiya!
"Raine! Tara na nga! Nakakahiya ka!" Pabulong kong sigaw sabay hampas sa braso nya. Parang natauhan si gaga, umayos ng tayo at ngumiti ng pilit. Dali dali ko syang hinatak palabas, mabuti nalang tapos na kami kumain.
"Nakakahiya ka! Tatawa ka nalang ng malakas don pa sa maraming tao!" Muli kong hinampas ang braso nya.
"Aray ko naman! Sorry na kasi, makapagsalita ka d'yan e mas malakas ka nga tumawa kesa sa'ken" sabi nya habang hinihimas ang braso nya. Nakihimas himas na din ako saka ko sinukbit ang braso ko sa braso nya. Napangiti ako ng maalala ang istura ng lalaking tinititigan ko kanina. Ang gwapo!
"Kilala mo ba 'yon, Raine?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa building ng grade 9. Nilingon nya naman ako habang nakakapit pa din ako sa braso nya.
"Sino?" Tanong nya. Muli akong napangiti ng maalala ang mukha nung lalaki kanina. "Mukha kang tanga, ngiti pa more."
"Yung kanina, sa McDo. Hindi mo napansin?" Tanong ko. Nangunot naman ang noo nya.
"Sino don? Yung nasa kabilang table?" Agad akong napatango. Ngumiti naman ng malawak si gaga, akala ko alam nya na kaya napangiti din ako. "Hindi ko kilala yon e, sino ba yon?"
Pinigilan ko ang sarili kong batukan sya. Ayun na eh! Umasa na ako na alam nya eh!
"Alam mo Raine, minsan punyeta ka," sabi ko pa bago pekeng ngumiti ng malawak sa kanya bago ako dumiretso sa upuan ko. Sya kasi ay sa unahan, ako naman ay sa likuran.
Kinailangan ko pang makipag-appear sa mga boys sa katabi kong upuan bago ako nakaupo ng maayos. Hay.
Maya maya lang ay dumating na din naman ang teacher namin kaya hindi na rin ako nakapagtanong sa iba kong kaklase kung kilala nila yun si pogi. Bahala na nga.
UWIAN. Naghihintay kami ni Lorraine ng dadaan na jeep pauwi kaya nasa labas kami, sa waiting shed. Habang naghihintay, as usual, busy kami ni Raine sa pangja-judge ng mga dumadaan.
"Tignan mo naman yung isang 'yon, mukhang pupunta ng simbahan sa haba ng suot!" Sabay kaming tumawa sa sinabi nya. "Iyon naman— hala bhe ang gwapo!" Bigla nyang sigaw kaya napalingon ako sa tinuro nya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Pogi sa McDo kanina!
"Sya yun bhie!!!" Sabi ko at hinampas hampas pa sa braso si Raine.
"Ang alin? Aray!!" Reklamo nya. Napatigil ako sa paghampas sa kanya saka hinimas himas ang braso nya.
"Ay sorry, sya yung tinutukoy ko kanina, yung nasa McDo!" Sabi ko. Nanliit naman ang mata nya don sa lalaki na parang may hinihintay sa may gate.
"Sya? O, jowain mo na! Mukha naman single— o hindi." Sabi nya kaya natahimik din ako. My jowa sya! Kainis naman, ang pogi talaga eh!
Napatitig ako don sa babaeng kasabay na nyang maglakad ngayon. Inaninag ko ng mabuti, mabuti nalang din na dito sila dadaan sa'min banda. Ng ma-realize ko kung sinong babae, agad akong nanlumo. Si Aliyah Cortez, ang school beauty. Mukha namang bagay sila kaya naman nanlumo ako talaga.
"Bhe, and'yan na yung jeep, tara na." Untag ni Lorraine sa'ken. Saka lang ako natauhan, buti nalang hindi nila ako nahuli na nakatitig sa kanila.
Sumunod na lang din ako kay Lorraine pasakay ng jeep habang nakatingin pa din kila Aliyah at don sa lalaki. Teka,bakit ba kasi ako nalulungkot?
Ewan ko sa sarili ko. Baliw na ko.
LUMIPAS ang mga araw at palagi ko ng nakikita sa campus si Aliyah kasama yung lalaking pogi. Dalawang buwan na ang nakalipas at sa loob ng dalawang b'wan ay lagi ko silang nakikita, sa break time, sa lunch break at uwian. Bakit ganon, no? Kapag hindi pa natin kilala yung tao, halos hindi kayo magkasalubong. Pero pag napansin mo na sila, napapadalas na yung paglalandas ng mga daan nyo?
Ngayon ay nandito ulit kami ni Lorraine sa McDo at sa kasamaang palad, nandito din yung lalaki at si Aliyah, may kasama pa silang dalawang lalaki at isang babae. Hindi ko na sila kilala, si Aliyah lang talaga dahil sya ang madalas kong makita sa bulletin ng campus.
"Uy Selene, alam mo ba, pinag-iisipan ko kung sasali ako sa singing contest. Di ba ngayong b'wan na yon?" Si Raine. Napaisip din ako sa sinabi nya.
"Pwede ka naman sumali don, maganda ang boses mo. Sure akong mananalo ka, o kung hindi man nasa top 3 pa din," ngumiti ako. Totoong maganda ang boses nya, sa'ming dalawa ay sya ang maganda ang boses. Ako naman ay marunong lang kumanta, yung nasa tono pa rin pero hindi katulad nung boses nya na pang-contest. Mas magaling akong sumayaw habang sya naman ay hindi marunong.
"Sure ka? Baka mapahiya—"
"Hi!" Naputol ang sinasabi ni Raine ng may lumapit sa table namin. Teka, kasama nila Aliyah 'to ah? Napalingon din tuloy ako don sa table nila at lahat sila ay nakatingin sa'min, mukhang kinakantyawan ng tingin yung lalaking lumapit sa'min.
"Yes po? May kailangan po ba kayo?" Inosenteng tanong ko. Nalilito ako kung bakit sya nandito sa harap namin ni Lorraine habang bitbit ang tray ng pagkain.
"Uh— Hi. I'm Jake. You're Selene, right?" Sabi nya na nakaharap sa'ken. Nagtakha pa ko bakit nya ko kilala pero tinanggap ko nalang ang kamay nya na nakalahad sa'kin. "And Lorraine. From Grade 9 Diamond, right?"
"Uh— yes po. Pa'no nyo po nalaman?" Nagtatakang tanong ko. Gusto ko syang murahin kaso senior ko sya eh.
"Uh— can I share a table?" Parang nahihiya pa sya dahil kumamot pa sya sa batok nya. Nagtaka ako lalo dahil nakaupo naman sya kanina don kila Aliyah.
"Pero—" bago ko pa masabi ay ngumiti na si Lorraine.
"Oo naman, upo ka." Diretsong sabi nya don sa Jake. Napabuntong-hininga nalang ako at sumubo ng fries. Maaga naman ang uwian namin ngayon dahil Friday, kaya nakatambay kami sa McDo.
"So.. ano nga sinasabi mo kanina, Raine?" Pagbabalik ko ng topic. Ang ayoko sa lahat ay yung awkward moment maya nagpapaka-casual nalang ako.
"Ayun, tinatanong ko kung sigurado ka. Nakakakaba kasi, baka mapahiya lang ako eh. Ikaw ba, ano sa tingin mo, Jake? Pwede bang Jake itawag sa'yo? Senior ka kasi namin eh," pagsasali ni Lorraine kay Jake sa usapan.
"Oo, okay lang. Awkward naman kapag kinuya nyoko." Sabi nya. "Ano bang pinag uusapan nyo?"
"Ah, yung tungkol sa singing contest this month. Tingin mo ba mananalo ako?" Si Lorraine. "Ito pakinggan mo," sabi nya at inabot ang cellphone nya at pinlay ang recording nya na kumakanta.
Maiging pinakinggan yung ni Jake. Napatingin tuloy ako sa kabilang table, kila Aliyah ng makarinig ako ng tawanan. Pinagtitripan ba nila kami?
Sumama ang loob ko. Buong stay namin ay nanahimik nalang ako, sumasagot pag kinakausap pero hindi katulad dati na ako mismo ang nag-iingay.
Binilisan ko nalang din ang pagkain ko saka inaya na si Lorraine pauwi. Mabuti nalang at tapos na din si Jake. Nagpaalam lang kami sandali at umuwi na. Hanggang sa pag-uwi ay nanahimik ako at hindi kinibo si Raine.
Bakit ganon? Ganon ba talaga ugali pag sikat?
MULING LUMIPAS ang mga araw at lagi ng sumasabay sa'min si Jake. Sa loob ng mga araw na 'yon ay nanatili akong tahimik dahil pakiramdam ko talaga ay may mali. Parang lalong nalalapit ang mundo namin kila Aliyah. Ayaw ko sa lahat ay yung nadidikit sa mga katulad nyang sikat.
"Bes, isang linggo ka ng tahimik. Not so you," si Raine. Nandito kami sa cafeteria, hinihintay na dumating si Jake na nasa counter. Nasanay na kami sa loob ng isang linggo na kasaby namin sya kumain. Tho, hindi parin yon pabor sa'ken, ayoko lang ma-offend sya.
"Hindi ko 'to gusto." Mahinang sabi ko. Nagtatakang nakatingin sa'kin si Raine dahil sa sinabi ko pero wala na syang nasbi ng umupo si Jake sa katapat naming upuan.
"Sorry, medyo natagalan. Kain na tayo," sabi ni Jake pagkaupo nya, ngumiti pa si gago. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko talaga sa presensya nya ngayon.
"Uhm, wag ka sana ma-offend ah, pero hindi kasi ako plastik na tao. Bakit ka ba lumalapit samen?" Diretso kong sabi na kinahinto nya. Unti-unti syang nag-angat ng tingin sa'ken, sunod kay Lorraine na para bang naghahanap ng kakampi. Nanatiling nakayuko si Raine kaya napatuwid ng tayo si Jake.
"Uhm, Hah, I didn't expect that. Uhm...." napahimas pa sya sa batok nya. "I actually want to be friends with you because I'll leave the student council this year—"
Naiinis akong tumawa dahil sa sinasabi nya, dahilan para mapahinto sya. Alam kong meron pang mas higit don.
"I know there's more than that." Sabi ko at ibinaba ang fork and spoon na hawak ko. Pinunasan ko ng table napkin ang bibig ko, umunom ng tubig saka nagpunas ulit ng bibig. Saka ako nagpandekwatro, crossed arms at diretsong tumitig sa kanya.
Sa ginawa ko ay nag-angat ng tingin si Lorraine at napatitig kay Jake na ngayon ay di na mapakali.
"They dared you? You made a bet with them? Tell us, what," sabi ko. Unti-unti, nilinis nya ang bibig at dahan-dahang uminom ng tubig sa mineral bottle. Kotang kita ko ang simpleng pagtingin nya sa kabilang table, kila Aliyah.
"I actually noticed that, too. Kung gusto mo lang makipagkaibigan o pumili ng papalit sa'yo this year, dapat ay nagtatampo na sila Aliyah sa'yo, or dapat lumalayo sila but lalo silang lumalapit. Ayaw ko lang magsalita, " si Lorraine.
Alam kong hindi 'to dapat pinag-uusapan ngayon sa harap ng pagkain, pero ayoko na kasi hindi ako komportable. Straightforward akong tao, ayoko ng pasikot sikot.
"Gusto ni Al—"
"That's enough."
Sabay sabay kaming napatingala sa nagsalita, dahilan para di matapos ni Jake ang sinasabi nya. Ito yung guy na jowa ni Aliyah, yung nakita ko sa McDo nung unang first time. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan nya.
"Let's go, Jakob" kalmadong sabi nya. Nainis ako dahil feeling ko ay nababastos kami, pero di ako nagsalita.
"Go," si Lorraine ang nagsalita, kay Jake nakaharap. "And please don't bother us anymore. If you want more fame, hindi namin maibibigay 'yon sa inyo. Selene and I do vlogs and have thousands of followers but you can't use us. Not even the School Beauty. Maghanap kayo ng mauuto." Dire-diretsong sabi nya. Mukhang nagulat pa ang dalawang lalaki, pero umalis din sila. Nakita ko pa kung paanong tumalim ang tingin ni Aliyah sa'min, malamang ay narinig nya dahil hindi naman ganon kalayo ang tables namin sa isa't isa.
Yun talaga ang hula ko kahit dati pa. Kaya sila lumalapit sa'min ay para mas maka-gain ng popularity si Aliyah. Kaya ayokong madikit sa mga sikat na tulad nya dahil alam ko na ang iniisip nila.
"That was intense," sabi ni Lorraine saka tumawa ng malakas. Sinabayan ko ang tawa nya kaya naglingunan nanaman ang mga tao sa'min. Pinagpatuloy namin ang pagkain, ngayon ay katulad na ng dati na ang carefree namin. Sa loob ng isang linggo ay hindi din kami gumawa ng vlogs kasi for sure, kakailanganin namin silang isama. Not that we are that selfish, ayaw lang namin magpagamit sa kanila. We were a victim of that in the past.
Masaya na kaming nagtuloy-tuloy sa pang-araw araw na buhay namin, vlogs here, vlogs there. Hindi na din namin sila naka-encounter hanggang sa matapos angschool year.
Maybe that's just what they really want. Hindi man lang sila nag-apologize.
~•~
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:(