Chereads / Zero O'clock / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

SELENE, 

ISANG BUWAN. Isang buwan naging mapayapa ang buhay namin ni Lorraine, balik vlog at ngayon, medyo madalang dahil kailangan namin maghanda para sa papalapit na exam. 

Naglalakad kami ngayon papuntang guidance office dahil may ipapasa kami kay Mrs. Brenda, EsP teacher namin. Sa guidance ang office nya dahil sya din ang guidance counselor. 

As usual, nag uusap kami ni Lorraine sa paglalakad ng biglang may tumatakbong lalaki sa harapan namin. Dahil sa shock, hindi kami kaagad nakapag-react, ang ending, bumagsak kaming tatlo dahil nabangga nya kami.

"Aw!" Daing ko. Nilingon ko muna si Lorraine bago ko sinubukan tumayo. Sumasakit ang kaliwang hita ko dahil yun ang napuruhan sa pagbagsak ko. Pinilit ko pa rin lapitan si Raine kahit paika-ika ako.

Ng makatayo sya ay pinagpag ko ang kamay ko. Walanghiya! Bumagsak lahat ng papers na dala namin dahil sa nangyari. Potem, ang sarap manapak, sa totoo lang!

Nilingon ko yung lalaki na ngayon ay nakatingin na sa pinanggalingan nya. Nilingon ko din tuloy yon at nakita ko yung mga kaibigan ni Aliyah Cortez,  kasama don syempre si Jake. Pero wala yung lalaking jowa ni Aliyah.

Muli kong tiningnan yung lalaking nakabangga sa'kin at medyo nagulat pa ko dahil nakalapit na sya sa'kin at deretsong nakatingin sa mga mata ko. Handa na sana kong sigawan sya ng bigla nya 'kong yakapin!

Mga bes! Niyakap ako ng kupal na bumunggo sa'min!

"Please, just a minute," rinig kong bulong nya ng dapat ay itutulak ko na sya. Gamit ang kanang kamay nya ay iniyakap nya yung kamay ko sa kanya! 

"What the hell is your problem, asshole?" Mariing bulong ko. Mahina syang humalakhak at ibinaon pa ang mukha sa leeg ko! Tangina!

Laking pasalamat ko ng kumalas sya pero hinawakan nya pa din ang mga balikat ko. Doon ko lang napansin na natulala na yung mga kaibigan ni Aliyah sa'min. Halatang pati sila ay nagulat din sa ginawa nitong kupal na biglang nangyayakap.

"Baby, I'm sorry, ikaw pala 'yan. Nasaktan ka ba? Sorry, baby," biglang sabi nya. Watdaeeefff????

Naiinis na talaga ako sa kanya pero dahil naiinis din ako kila Jake ay nakisakay na din ako. 

"I'm okay, babe, pa'no pala kung ibang babae yung nakabunggo mo? You're so careless," sabi ko at pinagpag pa kunwari yun balikat nya pero medyo nilakasan ko naman. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya, mukhang masakit yung pagpapagpag ko ah?

"Ah- haha, haha. Promise di na mauulit. Sorry na babe," sabi nya at ang mas ikinagulat ko pa don ay ang paghalik nya sa noo ko! Daheeelll!!! Hindi kasali yon!

Rinig na rinig ko ang pagsinghap ni Raine sa likod ko. Halatang pati sya ay naguguluhan sa ganap namin ng lalaking to, pakineng!

"Baby naman e!" Sabi ko at biglang tinulak yung lalaki. Napalakas pa nga ata dahil muntik na syang ma-out balance kaya ang ending tinulungan ko din sya. "Hanla, I'm sorry. Ikaw kasi bigla bigla kang nanghahalik!"

Nilingon ko sya ng tawanan nya ako saka hinawakan sa ulo. Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti. Saka nya binalingan ng tingin ang mga papel na nagkalat, ngayon ko lang ulit napansin yon. Na-occupy masyado ng lalaking to ang utak ko.

Dali dali kaming yumuko para damputin yung mga gamit, naalala kong ipapasa namin 'yon kay Mrs. Brenda, mabuti nalang walang nadumihan.

"Mrs. Brenda, samahan ko na kayo," sabi nya ng mabasa yung nakasulat sa itaas ng papel. Tumango nalang din ako dahil hindi ko 'to papakawalan hangga't di pa sya nagpapaliwanag sa'kin.

Nilagpasan lang namin sila Jake na nakanganga. Mabuti nalang naisipan nilang tumabi kaya dire-diretso kaming naglakad, although nakita ko pa ang pasimpleng pagtingin nitong kupal kila Jake. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. 

Nag makaliko na kami sa hallway papunta sa Guidance office ay binatukan ko ng malakas yung lalaki. Naiirita ako!

"Awwww! Ang sakit!" Sabi nya, hinimas-himas pa yung batok nya. Serves him right!

"Sino ka? Bago ka 'no? Bakit ka nila hinahabol? Bigla bigla ka nalang nangyayakap!" Sunod sunod na sabi ko. Naiinis ako talaga!

"Aw! Wait lang, hinay hinay lang!" Sabi nya pero di naman nya ko sinagot. Nagpatuloy sya sa paglalakad habang hawak pa din yung batok nya gamit ang kaliwang kamay nya, sa kanan naman ay yung mga papel namin ni Raine. Napabuntong hininga nalang ako saka nilingon si Raine at kinibit-balikatan.

Alam kong pati sya, nagtataka.  Sinong hindi? Kanina lang, nag-uusap kami tapos biglang may mangyayaring bungguan, tapos biglang nangyayakap? Aba! Kailangan nyang magbayad!

Ng makarating kami sa Guidance Office ay nakalapag na ang mga gamit namin. Buti nalang at wala pa si Ma'am Brenda, at dahil wala pa sya, umalis na kami doon.

Paglabas namin ay agad kong hinatak si Raine at yung lalaki papunta sa secret haven namin ni Raine, sa likod ng garden.

Ganito kasi 'yon, sa likod ng school nandoon yung pinaka-garden namin. Kaso may hangganan yung garden. Sa pinakagilid non may parang wall na puro mga baging ng mga puno. Kaya bawal pumunta don ay dahil baka daw may mga hayop. E matigas ulo namin ni Raine, and out of curiosity, pinasok namin.

And guess what? Super ganda dito!

May maliit na lake don at puro paro paro. Swear, super ganda.

"Bakit dito?" Bulong ni Raine. Alam kong ayaw nya na dalhin ko dito yung lalaki pero wala na kong ibang maisip.

Binitawan ko sila ng makarating kami sa may bato na tinatambayan namin ni Raine. Inilibot nung lalaki yung paningin nya at ngumiti. Alam ko, nagandahan din sya.

"Psst!" Tawag ko. Nilingon nya ako saka nagkamot ng batok. Maya maya ay umupo sya sa harap namin. 

"Pasensya na. Hindi ko sinasadya." Sabi nya.

"Sagutin mo muna yung tanong ko. Bago ka ba dito? Bakit hinahabol ka nila Jake?" Tanong ko. Ngumiti sya at saka bumuntong-hininga

"Oo, bago ako. Nag-transfer lang ako last 3 weeks. Saka, hinahabol ako nung Jake kasi akala nila kami ni Aliyah," pahina ng pahina yung sinasabi nya kaya hindi ko maintindihan. Sa inis ko, binato ko sya ng maliit na bato.

"Umayos ka," pagbabanta ko. 

"Akala nila kami ni Aliyah. Kilala mo 'yon? Sabi nila sikat na daw sya ngayon." Bumuntong-hininga ulit sya. "Aliyah was my ex. Magkababata kami noon, hanggang sa lumipat sila dito—"

"At kaya ka andito ay dahil sinusundan mo sya?" Pamumutol ko. Si Raine ay tahimik lang sa tabi ko.

"Hindi ah! Naging kami ni Aliyah dahil nagkagusto sya sa'ken," ngumisi sya, "kaya pinatulan ko nalang." Mayabang ang pagkakasabi nya habang nagkibit-balikat pa.

"Yabang" bulong ni Raine pero narinig ko dahil katabi ko sya. Buti nalang hindi narinig nitong kaharap namin.

"E bakit ka andito?" Pang-uusisa ko. Hindi kasi ako naniniwala na hindi si Aliyah ang dahilan.

"Lumipat na din kami sa village d'yan malapit dito sa school. And since malapit dito, dito na ko nag-aral."

Ah, yun pala. E teka—

"E bakit ka nangyayakap?" Inis na tanong ko bigla, dahilan para mapaatras sya dahil siguro sa gulat. Si Raine din ay napahawak sa dibdib nya at huminga ng malalim, kaya natawa ako. "Sorry, sagutin mo nalang."

"Kasi nga hinahabol ako ng Jake na 'yon! Ayaw nilang maniwala na wala na 'kong pake kay Aliyah. Kaya sabi ko, may girlfriend ako. E ayaw maniwala, hinabol ako tapos huli ko na kayong nakita. Nung nagsalita ka, nagpanggap nalang ako. Sorry ulit," paliwanag nya. 

"Naiinis pa din ako! Dapat kasi nagsasabi ka! Di ko nga alam pangalan mo tapos kung maka-yakap ka d'yan kala mo kung sino ka!" Sigaw ko ulit pero tinawanan nya lang ako.

"Pasensya na po, Miss. Unexpected po e," sabi nya habang nilingon ang paligid.  "Ang ganda dito. Tambayan nyo? May iba din bang pumupunta dito?" 

"Wala, kami lang." Sagot ni Raine, buti nagsalita na sya.

Nilingon kami nung lalaki habang nanlalaki ang mga mata nya. 

"Ibig sabihin, trespassing 'to?" Tanong nya. Hindi ko napigilan ang tawa ko.

"HAHAHAHAHHAHA WHAT'S WITH YOUR FACE? HHAHAHAHAH!" Sabi ko habang nakaturo sa mukha nya. Si Raine naman ay tahimik din na tumatawa.

"Ha~ hindi 'to trespassing.  May consent kami sa Principal. Saka kita mo 'yon?" Tinuro ko yung parang cottage sa tabi ng lake. "Pinagawa yan ng principal para sa'men, of course, may bayad." Kumibit-balikat ako.

"Whoah, retsked. Teka, ano nga ulit pangalan n'yo?" Tanong nya. Oo nga pala, di pa pala kami nagpapakilala.

Inabot ni Raine ang kamay nya, "Lorraine Sanchez." Saka sila nag-shake hands. Inabot ko din yung kamay ko saka nagpakilala.

"Selena Rigel Marquez. Ikaw?" Sagot ko saka inabot yung kamay nya.

"I'm Josh. Joshien Louis Dela Cruz. "

———

A/N: Joshien pronounced as josh-yen.

Rigel pronounced as ray-jel.