Linigpit ko ang aming pinagkainan ni Enzo. Mag isa na ako ngayon sa aking condo. Laging may mga emergency call si Enzo ngunit ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Saan maayos lang ang lagay ng parents ko dahil kahit papaano ay binihisan, pinakain at itinuring na parang totoong anak, ganoon din sana si Enzo, sana maayos lang din ang lagay niya.
Nakatapos ako ng isang movie sa Netflix dahil sa kakahintay ng update. Natatakot akong mag text baka busy siya. Ngunit hindi parin maalis sa akin ang kaba. Maghahapunan na at wala pa akong makakain. I don't know how to cook. Pero kaya ko naman sigurong gumawa at gumaya nalang sa internet.
Nanuod ako sa internet ng madaming putaheng pwedeng lutuin kaso para sa akin ay napaka kumplekado. Kumakalam na ang sikmura ko ng sa wakas ay nakita ko ang isang mensahe galing kay Enzo. Finally!
Enzo: Nagpadala ako ng pagkain sa condo mo, sorry hindi ko muna paiaabot sayo. Babae ang magdadala iyong secretary ko sa opisina. Huwag kang nagbubukas ng pintuan haggat hindi ako nag ti text. Kumain kang marami. Huwag ka munang lalabas. Good night I love you sav.
Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Parang may mali talagang nangyayari.
Savannah: okau, I love you too. Ano bang meron? Nag aalala ako.
Agad namang nag reply si Enzo
Enzo: Huwag kang mag alala, mahabang istorya tyaka ko na sasabihin.
Na guguilty ako bakit wala ako magawa? Nandito lamang ako sa condo nag hihintay ng makakain.
Savannah: okay, mag iingat ka. Ipakamusta mo ako kila mommy at daddy.
Nakaupo lamang ako dito sa dining table mag isa. Naguguluhan at kinakabahan ako.
Nagulat ako sa malakas na katok galing sa labas. Ginapangan ako ng mas malakas na kaba dahil doon. Muntik ko ng tawagan si Enzo ngunit muli siyang nag text.
Enzo: Naanjan na yung pagkain mo. Kanina pa daw siya kumakatok.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang kanyang secretary. Kilala ko ang secretary niya dahil lagi niyang dala tuwing may lakad kami ni Enzo.
Matangkad ang babae at naka office attire. Maganda ang hubog ng katawan at malaki ang hinaharap. I can't imagine Enzo with this woman in his office.
"Ahhh ito na pala ang pagkain na pinadala ni sir Lorenzo" sabi ni Maho
Ang baho ng pangalan. Natatawa na naman ako sa naiisip ko. Hayst.
"Ahhh sige, Salamat." Sabi ko.
"Ma'am pinapasabi pala ni sir na huwag ka na daw muna pagpapapasok ng kahit anong bisita." Sabi ni Majo
"Sige, salamat dito." Sabay pakita sa pagkain.
Agad kong isinarado ang pintuan ng aking condo. Tinitigan ko lamang ang pagkain, parang nawalan ako ng gana dahil sa kaba kong ito.
Hindi ko na ginalaw ang pagkain kahit pa kaaya aya ang itsura nito. Nag half bath nalang ako tutal ay lumalalim na ang gabi. I feel fresh when I take the bath. Nawawalan ako ng gana sa gabing ito, hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman. Pati ang aking pagtulog ay nahirapan din ako.
Nakatulog ako ngunit ilang oras lamang. Gumising akong maaga para makapag ayos at upang pumasok sa iskwelahan. Malapit nang matapos ang first sem ng aking course. I am taking geodetic engineering. Sa first sem ay hindi pa naman masyadong komplekado.
Malapit lang ang iskwelahan kayat hindi na ako nag aabalang bumiyahe.
Nakarating akong iskwelahan na madami ng tao. Madaming sasakyan ang nakaparada sa labas ng iskwelahan. Pumasok ako ng mag isa, I don't expect friend para abangan ako, merong isa kaso super late pa sa late kung pumasok.
Sa hallway ako lumabas, madaming mga tao ang nakatambay sa mga bleachers, halos magbabarkada ang lahat.
Sa araw araw kong pag punta sa iskwelahan ay lagi ako may mga nakakasalubong na nag bubulong bulongan. Ngunit tila kakaiba ang araw na ito, ang mga bulungan ay dumoble.
May mga naririnig akong pumatay, kill, nanloko, at madami pang mga negative words.
Tila ba kakaiba nga ang araw na ito. Nakita ko ang kaibigan kong maagang pumasok. Agad siyang tumakbo papalapit sa akin, ngunit sa pagtakbo niya ay kakaiba, kinakabahan ulit ako.
"Sav, ayos ka lang ba?" Sabi ni Lina, ang kaibigan ko.
"Huh? Oo naman, bakit mo natanong?" Ani nito sa nag aalalang boses.
"Sa kabila ng nagawa ng pamilya mo, kaibigan parin ang turing ko sa'yo kayat huwag kang mag alala." Sabi nito sa malumanay na boses.
Hindi ko maintindihan ang bawat tao ngayon. Ano nga ba ang meron?
"Hindi kita maintindihan Lina," sabi ko.
"Huh? Anong 'di mo maintindihan? Hindi ba sangkot ang pamilya mo sa pagpatay sa isang negosyate?" Sabi nito.
Lumakas ang kalabog ng puso ko ng marinig ang lahat ng katagang lumabas sa bibig ng kaibigan ko. Sinampal ko siya sa pangbibintang sa aking mga magulang. Nagagalit ako dahil wala siya sa posisyon para gawin iyon.
Nagulat siya sa asta ko. Kumunot ang noo niya at muli akong hinarap.
"Hindi mo ba alam ang nangyari Savannah? Nasa balita ang mga magulang mo, at kitang kita na sila ang may kagagawan nito." Sabi nito.
Kinuha ko ang aking cellphone para icheck kung totoo nga.
Binuksan ko ang isang pang news na website at nagulat ako sa headline nito. Tumulo kaagad ang luha sa aking mga mata. Nanginginig ako habang binabasa ang artikulo. Hindi ko matanggap na nagawa ng aking magulang ang bagay na ito.
Hindi ako nakapag isip at agad na tumakbo palabas ng iskwelahan upang pumunga kahit saan para mapag isa.
Madaming sasakyan sa labas, ngunit nagpatuloy parin ako sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Ang sakit sa dibdib na ang magulang mo ay isang mamamatay tao.