Sobrang sikip ng aking dibdib habang binabaybay ang gilid ng kalsada. Paminsan ay naglalakad at madalas ay tumaktakbo. Nakayuko ako at ayaw kong mahalata ako ng mgaa tao na umiiyak at mahalata nila na ako ang anak ng mamamatay tao.
Dahil sa pagyuyuko ay hindi ko nakikita ang bawat tao sa paligid. I don't know what to do. Gusto kong tumakas sa nararamdaman ko. Ang sakit sa puso.
Sa aking pagtatakbo ay nabunggo ko ang isang matigas na dibdib. Masakit ang aking mukha sa pagkaka untog.
Sa kahihiyan ay hindi ko na lamang siya tinignan.
"Ahh sorry." Saad ko at umayos para ulit sa pagtakbo.
Sa pangalawang hakbang ko patakbo ay hinigit niya ang palapulsuhan ko. Sa lakas ng pagkahila ay napahara ako. Laking gulat ko sa aking nakita.
Lagi siyang mukhang galit ngunit sa pagkakataong ito ay totoong galit na siya. Ang kilay niyang makapal ay halos magkasalubong. Nananaksak ang kanyang mga mata.
Yumuko ako at muling humikbi.
"What the hell are you doing!" Mariing niyang saad.
"I told you, huwag kang lumabas!" Dagdag pa nito.
"I was searching you in the whole city! Pati sa loob ng campus niyo'y ni anino ay wala ka!" Sa galit niyang boses.
"I-I'm so so-sorry." Sabay punas ko sa mga luhang hindi matapos sa pag agos.
"I'm sorry too dahil nasigawan kita, I'm just worried, please don't do this again Sav." Sabay haplos niya sa aking pisngi.
Hindi na lamang ako sumagot dahil parang naubusan ako ng sasabihin.
"Umuwi na tayo." Sabi niya sa akin sabay hila.
Nagpatianod ako sa paghila niya ng nakarating kami sa saksakyan niyang Volvo V90.
Tahimik kaming dalawa nang pumasok sa loob ng sasakyan at pati sa buong byahe. Galit ang kanyang expresyon halata sa halos magkasalubong niyang kilay. Katamtaman lang ang bilis ng sasakyan. I feel safe when I'm with him.
Dinila niya ako sa kanyang condominium. Nakapunta na ako dito kayat sanay na ako sa pasikot sikot. Ang lawak ng kanyang condo ay parang apat sa condo ko kung pagsasama-samahin. The house is so manly. The palette of the house is black, white, and brown. Parang isang palapag ng gusali ng condong ito ang kanyang condo.
Sa pagkalat ng mata ko sa kanyang condo ay may napansin akong isang painting na nakasabit sa sala. Agaw atensyon ito dahil sa mga bawat detalye ng painting. Sa pagtitig ko ay narinig ko ang yapak na palapit sa akin.
Umubo siya para mapansin ko.
"Do you like it?" Sabi nito.
Nasa likod ko siya kaya hindi ko makita ang kanyang expresiyon.
"Uhh, yeah, I love the details, ang galing ng artist." Sabi ko.
"Thank you." Saan nito.
Naguluhan ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya.
"Thank you? Para saan?" Pagtataka kong sinabi.
"Sa pagpuri ng painting ko." He said proudly.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang akala ko ay kilala ko na siya pero hindi pa pala. He know how to paint?
"You know how to paint?"
"Yeah." Sagot niya lamang.
Sinuyod ko ang painting at nakita ko nga ang kanyang initial at pirma niya. LLD. Lorenzo Luiz Davis.
"It's already two pm. Alam kong hindi kapa nananghalian. At may problema pa tayong pag uusapan." Sabi niya sa umalis papuntang kusina.
Anong problema? Ahh I got it. I break his command.
Nasa dining table na kami. Magkatabi kaming kumain. Tahimik kaming kumakain nang bigla kong naisip kung ano ang ginawa ng magulang ko.
"Bakit pumatay sila mommy at daddy?" Sabi ko sa kanya.
Nagulat siya sa tanong kong biglaaan.
"Mahabang istorya, huwag mo ng alamin." Sabi nito.
Bakit hindi ko aalamin? Magulang ko ang sangkot sa trahedya. I should know about this. Nakakairita.
"Bakit hindi? Magulang ko sila!" Tumaas ang boses ko dahil doon.
"Sasabihin ko mamaya pagkatapos natin kumain. May ginawa ka pang hindi maganda kayat aayusin natin to ngayon." Sabi nito na parang hindi disidido.
"Pumasok ako dahil akala ko pwede ng lumabas! At kung hindi pa ako lumabas hindi ko malalaman ang totoo!" Sigaw ko sa kanya.
"I said huwag kang lumabas kahit anong mangyari diba? What did you do? Pinag alala mo ako!" Mariin niya sinabi.
Sa pagkairita ko ay umalis ako at pumuntang sala. Tapos narin naman ako kumain.
Alam kong sumunod siya sa akin. Naririnig ko ang bawat hakbang niyang mabibigat.
I crossed my arms and I rolled my eyes dahil sa pagkairita.
Lumapit siya sa akin.
"I'm sorry. Okay it's my fault." He said in soft voice.
Hindi ko siya pinansin. I rolled my eyes again.
Umubo ulit siya at muling nag salita.
"Let's cuddle." Sabi nito.
What the fuck? cuddle? Bakit?
Naglakas loob ko siyang tinitigan at tinaas ang aking kilay.
"Please." Sa pagmamaka awa niyang boses.
What the hell? Huwag mong sabihing papayag ka Savannah. Huwag kang marupok!
"Fine!" Sabi ko na lamang kahit may iritasyon pa.
"Follow me." Sabi nito at hinila ako.
Dinala niya ako sa kanyang kwarto. His room is warn in the eyes.
Naupo ako sa malabot niyang kama at muli siyang sinuri.
Namutla ako sa bigla niyang kilos. Naghubad siya ng pants at t-shirt. Ang akala ko ba cuddle? What the fuck!
Kinabahan ako sa kanyang asta. Damn his moves! Scam ka Enzo!