Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"Uhmm...Hi?"

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa hiya. Sa dami ng mga salitang pwede kong sabihin, 'yon pa talaga ang lumabas sa bibig ko.

Hinarap ko ulit siya kahit na nahihiya.

"P-pinabibigay ni Tita. Hindi kana kasi bumaba kaya pinadalhan ka na lang niya ng makakain." nauutal na saad ko kaya palihim na napangiwi na lang ako.

Ghorl, umayos ka!

Sabi ko na lang sa aking sarili.

Maingat na inilapag ko sa kanyang study table ang tray ng pagkain na aking hawak. Lalabas na sana ako ng kwarto ngunit may nakaagaw sa aking atensyon. Dumako ang aking tingin sa libro na nakapataong sa lamesa kung saan ko inilagay ang kanyang pagkain.

"Nabasa mo na 'to?" tanong ko habang may malawak na ngiti sa labi dahil sa tuwa

Nag aalangang tumango siya bilang sagot.

Isa sa mga paborito kong libro ito. Talagang kahanga hanga ang istorya at ang manunulat ng libro. Simula sa mga characters, story setting, characters background story at conflict ng istorya ay talaga namang hahangaan mo. Maski ang plot ng kwento ay nakaka mindblown. Mystery, psychological, at action ang genre ng istorya.

"Pati yung book 4?" tukoy ko sa libro

"Yeah" sa unang pagkakataon ay sinagot niya ako

"Kalalabas lang ng book 4 pero nabasa mo na agad samantalang ako hindi na naalis sa kalahati ng book 3" kwento ko habang mangha na tinitignan yung book cover.

Sa ngayon kase ay wala pa akong pera kaya hindi muna ako bimibili ng book 4. Saka na makabili kapag nagcollab na yung wallet at pera ko.

Nagulat naman ako nang bigla siyang maglakad papunta sa kanyang bookshelf at tumingin tingin na parang may hinahanap doon. Tahimik na pinanood ko lang siya sa kanyang ginagawa. May kinuha siyang libro mula sa lalagyan sabay lakad papunta sakin. Nahihiyang inabot niya sakin yung librong kinuha niya.

Kahit na nagtataka ay inabot ko parin ito. Tinignan ko ang libro. Unti unting nagliwanag ang aking mga mata na para bang nakakita ko ng ginto nang masilayan ang kanyang binigay.

Yung book 3 ng librong pinag uusapan namin!

Nanlalaki ang matang panatingin ako sa kanya

"You said you only read half of the book 3 that's why I'll let you borrow it for now so you can read the book 4 next time" nakatingin sa babang sabi niya

Mukhang nahihiya pa siya hanggang ngayon. Halatang hindi pa niya alam kung paano ako kakausapin ng maayos pero kahit ganon ay natutuwa parin ako dahil sa ginawa niya, maliit o malaking bagay man.

"Thank you" I thanked and smile at him genuienly.

Mabilis na nag iwas siya ng tingin at inabot yung pagkain na dala. Umupo siya ulit sa kanyang swivel chair at tamahik na kumain

Lumakad ako palapit sa kama niya. "Do you mind if I sit here?" tanong ko dahil wala naman na akong makita ibang upuan sa loob ng kwarto niya bukod na swivel chair kung saan siya nakaupo.

"It's okay. Do whatever you want" sagot niya habang hindi ako tinatapunan ng tingin

Nakangiting umupo ako sa kama niya at nagsimula na sa pagbabasa habang siya naman ay kumakain.

Mabilis na nagsisi ako kung bakit hindi ko tinapos yung libro. Sobrang daming magagandang nangyari. Buti na lang at binasa ko ulit ito

Masyado akong nalibang sa pagbabasa kaya hindi ko na napansin ang oras. Pagkatapos namang kumain ni Brythnx ay bumalik na ulit siya sa paglalaro ng mga online games sa kanyang computer.

Masyadong nakatuon ang atensyon sa aking binabasa kaya hindi ko na alam kung anong nangyari sa aking paligid. Ang kaninang pagkakaupo ko ay nauwi sa pagkakahiga. Saka ko lang napagtanto 'yon nang matapos ako sa aking binabasa.

Napabalikwas naman ako ng bangon. Masyado naman yatang makapal ang mukha ko. Kung makahiga ako sa kama ng ibang tao ay akala mo naman talaga akin. Masyado akong naging feel at home.

Iniwan ko sa kama ang librong pinahiram sakin pagkatapos ay nilinga ko si Brynthx. Nakita kong nakasandal ito sa kanyang inuupuan.

"Brynthx...." sinubukan ko siyang tawagin ngunit hindi ako sinasagot nito

Hindi na ako nakatiis pa at lumapit na ako sa kanya. Maingat na sinilip ko siya sa kanyang pwesto.

He's sleeping already?!

Mabilis na tinignan ko kung anong oras na sa aking phone. It's already 8:32 pm!

Nataranta naman ako agad nang malaan kung anong oras na. Hindi man lang kami sinabihan ni Tita Kristine. Masyado akong natuwa sa aking binabasa at maski ang oras ay hindi ko na namalayan. Hindi ko naman makita sa labas kung maliwanag pa ba o hindi dahil nakasarado ang bintana ng kanyang kwarto.

Kinuha ko muna yung blanket niya sa kama at ikinumot 'yon kay Brynthx.

"Good Night" bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya maaalala dahil tulog siya.

Pagkatapos non ay nagmamadaling lumabas ako ng kwarto niya. Hinanap ko agad si Tita Kristine pagkababa ko.

Nadatnan ko siyang nanonood ng balita sa sala habang hinihiwa ang mansanas na kanyang hawak.

"Tita, uwi na po ako. Pasensiya na sa abala hindi ko na po kasi napansin kung anong oras na" hinihingal na sabi ko dahil sa aking ginawang mabilising pagbaba sa hagdan.

"It's okay, iha. Welcome ka dito anytime" tugon naman ni Tita Kristine

Pagkatapos kong magpaalam ay dumiretso na agad ako ng uwi. Naglinis ako ng katawan at wala sa sariling inihiga ang aking katawan sa kama.

Tumitig ako sa kisame ng aking kwarto at nag isip ng kung ano.

"Good Night"

Mabilis na nag init ang aking pisngi dahil sa aking naalala. Pakiramdam ko ay pulang pula ang aking mukha.

HIndi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong nasabi 'yon sa kanya. Paano na lang kung narinig niya pala talaga yung sinabi ko.

Myghad.