Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Lumipas ang ilang araw na lagi akong pumupunta kila Tita Kristine dahil lagi na lamang akong inaaya nito na pumunta sa kanila. Tuwing uumaga ay madalas akong nagigising dahil sa tawag niya sa telepono. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong naaalala na binigay o sinabi ko sa kaniya yung cellphone number ko kaya naman tinanong ko si Tita at napag alaman kong si Mama pala ang nagbigay ng numero ko.

Pero ngayon hindi ko alam kung bakit pinapunta parin ako ni Tita sa kanila kahit na kailangan niyang umalis dahil may gagawin daw itong importanteng bagay.

"Kayo muna ang bahala sa bahay habang wala ako" paalam ni Tita Kristine habang nagsusuot ito ng sapatos malapit sa pinto.

Palihim na napangiwi na lamang ako dahil kaming dalawa lang ni Brynthx ang maiiwan sa bahay nila.

"Inggat po kayo" saad ko at inihatid si Tita sa labas

Pinanood ko lamang siyang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Bumaba ang bintana nito at dumungaw ni Tita doon.

"Tawagan niyo na lang ako kapag may problema o kailangan kayo ni Brythx" bilin nito habang may malawak na ngiti sa labi.

"Noted po" sagot ko naman at ginantihan siya ng ngiti saka kumaway sa kanya

Pagkatapos non ay isinara niya na ulit ang bintana ng sasakyan at saka umalis. Pinanood ko lamang ang papalayong sasakyan nito haggang sa hindi ko na ito natanaw. Pumasok na ako sa loob pagkatapos.

Pinuntahan ko naman sa kwarto ni Brynthx pagkapasok ko. Kumatok muna ako ng ilang beses sa pinto bago dahan dahang pumasok don.

Sinilip ko ang loob ng kwarto nito pero hindi ko siya nakita kaya tumuloy na ako sa loob. Luminga linga ako pero hindi ko parin siya makita.

Binuksan ako ang bintana at ilaw ng kanyang kwarto dahil sobrang dilim sa loob kahit na tanghali tapat pa lang.

At dahil hindi ko siya makita, naghanap na lang ako ng papel at panulat. Isinulat ko don ang gustong kong sabihan at ang aking numero

"Aalis muna ako saglit. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka o kapag nagkaproblema sa bahay."

-Helia

Iniwan ko sa study table niya yung note saka lumabas ng kwarto. Pinatay ko ang ilaw sa kusina at sala dahil si Brynthx lang naman ang tao at saka isa pa ay tanghali naman kaya may kaunting liwanag na galing sa labas kaya hindi masyadong madilim.

Bumalik muna ako sa bahay namin saka nagbihis. Naisip kong mag gala muna at sulitin ang bakasyon dahil alam kong magiging abala na ako kapag natapos na ang Summer vacation.

Naglakad lang ako palabas ng Village saka nagcommute papunta sa pinakamalapit na mall. Ilang store ang aking pinasok saka tumingin tingin ng mga tinda doon. Hindi naman problema sakin kung may kasama man ako o wala dahil alam mas gusto ko ang mag isa lang ako kasi maiinip lang sila pag ako ang kasama sa tagal kong mag isip ng bibilhin lalo na kapag hindi ako makapili kung ano ang magandang bilhin. Umaabot ng oras sa pagpili pa lang ng item na nais ko paano pa kaya sa paglilibot sa mall kaya hindi magandang ideya ang pagsama sakin kapag ganitong lugar ang aking pupuntahan.

Bumili ako ng damit, pabango, libro at iba pang bagay na magpaglilibangan. Pagkatapos non ay kumain ako sa isang fast food chain bago umuwi. Nawala na sa aking loob ang oras. Masyado akong nadala sa aking paglilibot.

Nagtaxi na lang ako pauwi para makarating agad ako sa bahay. Katulad parin ng dati ay wala pa sa bahay si Mama at Papa. Pagod na pumasok agad ako sa aking kwarto. Inilapag ko sa kama ang aking mga nabili at nanlalatang ibinagsak ang sarili sa kama.

Nagcellphone muna ako at nagscroll sa Instagram. Nagulat ako nang biglang may tumawag sakin. Tinignan ko ang aking phone. Unknown number ang nakalagay sa screen.

Nagtatakang sinagot ko ang tawag.

"Hello?" bungad ko

Walang sumagot sa kabilang linya kaya naman napakunot ang aking noo dahil sa taka. Sino naman ang tatawag sakin sa ganitong oras?

"Hello?" saad ko ulit. "Sino po sila?" dugtong ko pa

"Uhm....Hi?" sagot nito

Napabalikwas ako ng bangon. Boses pa lang ay kilala ko na.

"Brynthx?"

"Can you come can here?"

"Bakit?"

Tumayo ako saka lumabas ng kwarto

"Help me..."nanginginig ang boses na sabi niya.

Natigilan naman ako. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang bimilis ang tibok ng aking puso. Nagmamadaling bumaba ako ng hagdag.

"Did Something happe---*toot* *toot*" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang biglang maputol ang tawag.

Mas lalo kong binilisan ang aking lakas. Halos malalag pa ako sa aking pagbaba sa hagdan dahil ilang beses akong napatid dahil sa pagbabadali.

Hinihingil na binuksan ko ang pinto ng kanilang bahay. Hindi na ako kumatok pa at dire diretso na akong pumasok.. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin ni Tita Kristine kapag may nangyaring masama kay Brynthx. Ako ang huling kasama nito at isa pa ay ako ang nakakatanda samin kaya dapat lang na ako ang nagbabantay sa kanya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Tita na iniwan ko ang anak niya na mag isa para lang gumala at baka kung ano ang magawa ni Tita sakin kapag 'yon ang dinahilan ko.

"Brynthx?!" sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay nila

Wala akong makita dahil pinatay ko nga pala ang ilaw bago ako umalis kaya madilim. Mabilis na hinanap ko ng switch ng ilaw at binuksan ito pagkatapos ay muli kong hinanp si Brynthx.

Agad ko siyang pinuntahan sa kanyang kwarto ngunit wala siya don kaya bumalik ako sa baba saka dumiretso sa kusina.

Napatigil ako at tila ba tumigil ang aking paghinga sa aking nakita.

Naaabutan ko siyang na nasa lapag ng kusina na hindi gumagalaw...

"Brynthx!"