Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan nang maipasok ko sa loob ng aking kwarto ang huling kahon na naglalaman ng aking mga gamit. Pagod na nagpunas ako ng pawis at napahagod sa aking balakang pagkatapos ay sumilip sa bintana ng aking silid.

Binuksan ko ang bintana at malamig na simoy ng hangin agad ang bumungad sa akin. Wala sa sariling napangiti ako. Hindi maipagkakaila na mas gusto ko sa lugar na ito kumpara sa dati naming tinutuluyan. Abot langit ang aking tuwa nang ibalita sa akin ni Mama na lilipat na daw kami ng bahay sapagkat matagal ko nang ninanais na magkaroon kami ng sariling tirahan. Pinababantayan lang kasi sa amin ng kapatid ni Papa ang apartment na aming tinutuluyan noon. Ilang taong pinaghirapan at pinag ipunan ng aking magulang ang bahay na ito kaya naman laking pasasalamat ko sa diyos na nakabili na kami ng sarili naming bahay at lupa.

Hindi ito kalakihan tulad ng ibang bahay dahil tatlo lamang kami sa pamilya ngunit may dalawang palapag naman ang aming bagong bahay.

Matapos kong makapagpahinga saglit ay naisipan ko munang bumaba. Pababa pa lamang ako ng hagdanan ngunit naaamoy ko na agad ang niluluto ni Mama.

"Ma, ano niluluto mo?" tanong ko sabay silip sa ginagawa ni Mama. "Hala Sinigang!"

"Alam ko namang paborito mo 'yan kaya iyan na lang ang niluto ko para sa tanghalian" sabi ni Mama habang may ngiti sa labing nakatingin sa akin

"Kiligin na po ba dapat ako" pilyong sagot ko naman

Mahinang hinampas ako ng sandok ni Mama sa ulo at napailing na lang pagkatapos.

Tatawa tawa na umalis ako sa kusina. Nadatnan ko naman ni Papa na nag aayos ng mga gamit namin sa sala. Tumingin tingin ako sa paligid at naisipan ko bigla lumabas.

"Pa, labas muna ako saglit" paalam ko saka nagsuot ng sapin sa paa

"Malapit na tayong mag tanghalian kaya bumalik ka agad" bilin ni Papa bago ako tuluyang lumabas ng pinto.

Grabe ibang iba ang pakiramdam kapag sa village ka nakatira. Ang tahimik tapos wala masyadong dumadaang sasakyan. May iilan naman akong nakasalubong tao.

Hind nagtagal ay napagpasyahan ko ng bumalik dahil kakain na kami ng tanghalian saka isa pa ay hindi ko naman kabisado ang mga pasikot sikot dito dahil kalilipat lang namin ng bahay.

Malapit na sana ako sa bahay namin ngunit may biglang sumulpot na aso sa aking daraanan. Nakita kong lumabas ito sa katapat naming bahay. Hindi ko alam kung nakawala ba ito o ano. Basta bigla na lamang itong nagtatakbo palabas.

Hindi na agad maganda ang aking naramdaman nang huminto ito sa aking harapan. Napaatras agad ako ng bigla akong tinahulan nito.

Nagpalinga linga ako, umaasa na baka lumabas sana ang amo nito at kunin ang kanyang alaga.

Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Aatras pa sana ulit ako ngunit hindi na nagawang gumalaw ng aking mga paa ng tumahol ulit ito.

Kulay kayumanggi at lumalabas ang ngipin tuwing tatahol ito. Ilang segundong akong napako sa aking kinatatayuan, takot na baka bigla na lamang akong dambahin nito.

"Max!" may biglang sumigaw kaya naman napatigil sa pagtakbo ang aso palapit sakin.

May isang lalaki ang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko. Hinimas niya ang aso at kinabit ang tali nito na mukhang natanggal.

Napatingin na lamang ako sa lalaki. Ilang pulgado lang ang lamang nito at magkasing tangkad na kami. Nakasuot ito ng gray na hoodie. Hindi ko na nasilayan ang mukha nito sapagkat abala siya sa paghimas sa kanyang aso

Bakit ngayon ka lang dumating....muntik nakong dambahin ng aso mo myghad!

Hindi man lang ako naisipang lingunin nung lalaki sabay lakad palayo kasama ang kanyang aso na parang walang nangyari. Napatitig na lang ako sa kanyang likuran.

Loading...

Ilang segundo din akong napako sa ganong posisyon at nabalik lang ulit sa reyalidad nang maalala na malapit na kaming magtanghalian. Bilin pa naman ni Papa na bumalik ako kaagad huhu.

Nagmamadaling bumalik ako bahay. Hinihingal na nagtanggal ako ng tsinelas bago tuluyang pumasok sa loob. Buti na lang at nagsisimula pa lang sila maghain pagdating ko. Nagsimula na akong kumain na parang walang nangyari.

Ako na ang nag urong ng pinagkainan at umakyat na sa taas pagkatapos. May tatlong kwarto sa second floor. Ang una ay ang kwarto nila Mama at Papa, yung panghulng kwarto naman ang ang sakin at ang pangalawa ay walang gumagamit kaya pinaglagyan muna nila ito ng mga kung ano.

Nagsimula na akong mag ayos ng aking kwarto pagkapasok ko. Lumipas ang ilang oras at natapos nadin ako sa pag aayos. Buti na lang at hindi na ito hanggang bukas dahil tinatamad na ako.

Saglit akong nagpahinga at naglinis na ng katawan pagkatapos. Pagod na ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama. Hindi nako nag abalang patiyuin ang aking buhok bago mahiga. Hindi ko na namalayan ang aking sarili at nakatulog na ako agad.