RIANNE'S POV
"So tutunganga lang tayo dito? Ano ba kasi ang sasabihin mo Rianne at para matapos na to at maka uwi na tayo...bwesit" reklamo ni ate Shireyl, sabay irap sakin.
Katabi niya ngayon si Zachery or Zach for short.Siya ang Boyfriend ko. Nakatinggin lang ito sakin na parang ewan para siyang nawalan ng dugo sa mukha.
Lihim akong napangisi, akala nila di ko alam,ang totoo ay matagal ko ng alam.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Kaya ako nakipagkita sa inyo dahil gusto ko lang magkwento ng isang story tungkol sa isang AHAS AT DAGA, nanakita ko sa Condo ng Boyfriend ko na gumagawa ng milagro" ngumiti ako ng peke sa kanila,kaya bigla silang namutla at nagkatinginan , yumuko naman si Zach.Tsk guilty ang Daga.
"A-ano ba ang i-ibig sabihin mo Rianne h-ha!?" galit na tanong ni ate
Nginitian ko lang siya, matagal ko nang alam na may relasyon sila ni Zach habang kami.
"Gusto ko lang kasing malaman kung bakit may mga taong pumapatol sa may may-ari na dba?" patay malisya kung tanong habang di pinuputol ang tinggin kay ate.
Medyo nagulat siya sa sinabi ko.Kita ko naman na umangat ng tingin si Zach.
"Oh ano hanggang tingin ka lang ba ha!!hindi magpapaliwanag sakin, Zach naman oh!!kapatid ko siya bakit ka pumatol sa kapatid ko ha!!" di ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw. Galit ako galit na galit , kagabi ko pa hinanda ang sarili ko. Wala akong paki kung pinag titinginan na kami ng mga tao rito sa isang fastfood. Wala akong paki kanya kanya tayo ng problema.
"Please Rianne let me explain...ok, nadala lang ako k-kasi..."
Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"Ano nadala ka sa pang lalandi niya sayo" napasambonot na lang ako sa buhok ko
Tinignan ako ng masama ni ate.
"Watch your mouth Rianne dahil kung hindi.."
"Anong kung hindi..anong gagawin mo sakin,gagawin mo rin ba sakin ang ginagawa mo sa mga girlfriend ng nilalandi mo ha!" sigaw ko sa kanya
Isang malakas na sampal lang ang natanggap ko, hindi galing kay ate kundi galing kay Zach..
Napangitin nalang ako ng mapait,nakita ko pa ang gulat sa mata ni ate pero napalitan ng matamis na ngisi. Pansin ko na rin ang bulungan ng mga tao pati na ang nagkukuha ng video.
"Tama na yan Rianne!" sigaw ni Zach
"Oh god Zach what's new, si ate naman lagi kinakampihan mo sa tuwing nagaaway kaming dalawa , di mo alam kung ano ang tiniis ko para lang maging proud ka na naging girlfriend mo ako, naka graduate ka na may magandang grades ng dahil sakin" mahaba kung lintaya
"Ako ang gumagawa ng projects, assignment or etc. mo para lang maging proud ka sakin at maipagmalaki ka ng parents mo"
Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Pero pano mo na gawa sakin to? ginawa ko naman lahat ah, dalawang buwan na lang gra-graduate na rin ako tapos...makikita na lang kita na gumagawa ka ng milagro kasama ang kapatid ko!sa mismong araw ng 2nd anniversary pa natin!!" sigaw ko
Nagiwas na lang ito ng tingin,pati rin si ate. Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Dapat hindi ako umiyak, his not worth it.
"May nagawa ba akong mali ha? Kulang ba ang mga ginawa ko ha?" mahinahon kung tanong
"No..Rianne all you've done for me si enough" sagot nito
"Eh kung ganon bakit mo to nagawa sakin?" diko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko
"Kasi .....k-kasi.."
"kasi ano..."tanong ko
"Kasi di ka na niya mahal Rianne tigilan mo na tung drama mo, at isa pa wag mong ipagmalaki na marami kang nagawa para sakanya. At wag na wag mo akong tawagin na ate kasi Ampon ka lang!" sigaw ni ate kaya ako nagulat.
Ampon lang ako?
"Ampon lang ako?" naguguluhan kung tanong
"God di ko kaya ang eksena" girl 1
"kawawa si ate gurl" girl 2
Yan lang ang mga bulung-bulungan na naririnig ko.
Ngimisi si ate sakin.
"Oo, ampon ka lang di ko alam kung saang lupalop ka nakita ni papa, at isa pa halata na man na ampon ka..base sa itsura mo"
Aba! Nahiya ang mga tigyawat niya.
"Sumusubra ka na!" sigaw ko sabay hablot ng buhok niya.
"Bitawan mo ako bitch" sabay hablot ng buhok ko
"Rianne , Shireyl stop that nakakahiya" awat ni Zach.
Akmang hahawakan niya ako ng malakas ko siyang sinuntok sa mukha.
Kaya ayon nakipag halikan sa sahig.
Dapat lang sayo yan pwe.
"Oh god Zach!" gulat na reaksyon ni Higad matapos niyang makita ang ginawa ko sa ex boyfriend ko na boyfriend niya ngayon.
Akmang kakawala siya sa pagkakahawak ko nang hawakan ko ang kamay niya at pinisil ng malakas. Kaya napa daing ito.
"Get off me bitch" sasampalun niya sana ako ng masalo ko ang isa niyang kamay.
Wrong move sister!
Kaya pinisil ko rin ng malakas ang isa pa niyang kamay.
"Tandaan mo Shireyl , MALING SAKTAN ANG MAS MAGANDA PA SAYO" sabi ko rito sabay bitaw, hindi pa ako nakontento at binigyan ko pa siya ng magasawang sampal.
Kaya ayon sabog ang labi niya. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid.
"Go ate kaya mo yan!!"
"Toroan mo ng leksyon yang mga kabit!"
"Ganyan nga ining!"
"Sus bakla ka bro!"
Napangiti na lanv ako sa cheer ng mga fans ko este ng mga tao haha.
Nakita ko pa kung paano alalayan ni Zach si ate para makatayo.Tsk walang forever ulol!
Aalis na sanq ako ng biglang sumigaw si ate.
"Saan ka pupunta hindi pa tayo tapos!"napa tawa na lang ako sa sinabi niya.
"Sa impyerno magkita-kita nalang tayo don!"
Sigaw ko pabalik at nag sipalakpakan ulit ang mga tao
Huh! mali sila ng kinalaban. Isang Rianne Fuego kaya ako kahit na diko alam ang totoo kung pangalan ay alam kong pinanganak akong matapang at hindi mahina.
"Hoy bata i-post mo yan ha, para maging sikat naman ako" hahahha sabi ko sa batang nagkuha ng video
Ngiting tagumpay ang dala ko habang palabas sa fastfood.
Ang proproblemahim ko nalang ngayon kung saan na ako pupulutin dahil sure ako na may walis ng nakaabang sakin sa bahay.
Hi just wanna thank you for reading!:) Please don't forget to vote my story.
This story is also available in facebook and wattpad