An: First of all I want to thank you for reading my story. Please don't forget to vote my story haha.This is my first time to publish a story kaya expect typos and wrong grammar.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa restaurant ni jackie para magtrabaho. Dahil sa mabait akong tao papasok ako kahit di maganda ang pakiramdam ko. Nakasout ako ngayon ng white t-shirt at maroon na hoodie. At pinaresan ko ng fitted jeans at rubber shoes. Medyo giniginaw rin kasi ako, di ko rin maintindihan ang nararamdaman ko para akong masusuka na ewan!.
Habang naglalakad ay kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sakin na puting van. Hala! baka kidnappin nila ako tapos pagi-ikspermentohan nila ako, huhuhu ayaw ko pang mamatay. Pasimple ako lumingon para tignan kung nakasunod parin ba ito sakin. Napangiwi nalang ako ng makitang nandyan parin ang van. Kaya pasimple akong sumiksik sa mga tao.
Ng makasiksik ako ay tumakbo ako ng mabilis, ramdam ko rin na may humahabol sakin mga apat na tao ata. Naol hinahabol hahaha.Takbo lang ako ng takbo may nababangga narin akong mga tao pero wala akong paki. Marami naman tao rito ah!, pwede namang sila nalang ang kunin diba.Ganoon na ba ako ka ganda? Charoott
Napailing nalang ako dahil sa naisip ko, kahit nasa ganitong sitwasyon ako ay nagawa ko pang magisip ng ganon.
--BOGSHH--
Bigla na lang akong nabangga sa poste,tumingin ako sa poste na nabangga ko, nagulat ako na hindi pala poste ang nabangga ko lalaki pala at naka formal attire pa ito. Nakaramdam ako ng hilo at medyo nasusuka rin ako, pinigilan kung masuka at nilunok ko na lang ito pabalik sayang naman ang kinain ko kaninang umaga kung isusuka ko lang. Humingi ako ng tulong sa lalaki, medyo pamilyar rin sya pero di ko matandaan kung saan ko sya nakita.
"Kuya tulong naman oh..may humahabol sakin" takot kung sumbong sakanya.
Hindi naman siya sumagot ang lalaki kaya tumakbo na ulit ako. Pshh kung di lang siya gwapo sinungaban ko na siya ng halik- ay este suntok!.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may malaking kamay na humawak sa kamay ko.
Tinignan ko kung kaninong kamay yun. Nagulat ako ng makita na ang lalaki na gwapo pero snob ang may hawak sakin.
"Bitawan mo ako!!" pagpupumiglas ko rito.
Pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Help!! Tulong!! Tabang!! Saklolo!!" Sigaw ko ng panghingi ng tulong pero wala namang lumalapit.
Hinila niya ako ng malakas kaya nasobsob ang maganda kung mukha sa malapad niyang dibdib. Kaya nakaramdam ulit ako ng pagkahilo.
Marahas niyang hinawakan ang magkabila kung kamay kaya napadaing na lang ako sa sakit.
"Your coming with me woman because, YOU ARE MY PROPERTY"
Ano raw? property? Ano ako lupa na may titolo. I'M HIS PROPERTY raw?
Nasusuka na talaga ako, di ko na rin kayang lunokin ang suka na nagbabadya ng lumabas sa lalamonan ko. Hinatak niya ako papasok sa van. Biglang umangat papunta sa lalamonan lahat ng nakain ko kanina dahil sa nasusuka ako sa amoy ng van. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya, nasusuka na talaga ako. Pero bago paman niya ako maipasok sa van ay nasukahan ko na siya at worst sa mismong mukha pa niya.
Magsosorry sana ako ng mahilo ako.
"Shit! Oh Fuck!!" Siya na bahalang maglinis sa sinukahan ko, inaantok na ako.
And everything went black...