Queen San Daka (Filipino/Tagalog)

πŸ‡΅πŸ‡­Sept_28
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 30.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1

Tinulungan ni Alena ang kanyang tiyahing reyna sa pagsuot nito ng pang-ibabaw na na kasuutan. Kulay dilaw ito na may burdang gintong sinulid.

"Sadyang hindi nga maitatanggi ang kagandahan ng pinakamamahal kong tiya." Papuri niya ng boong tuwa sapagkat siya ang may gawa sa kasuutang iyon iyon bilang handog sa kaarawan ng reyna.

"Nasasabi mo lang iyan dahil wala na naman ng ibang tiya liban sa akin." Wika naman ng reyna at nagkatawanan sila.

Naupo ang reyna kaharap ng malaking salamin at sinuklayan niya ang mahaba, malabot at makintab nitong buhok na katulad ng sa kanya.

"Tiya, wala na po ba talagang kamag-anak ang aking ina?" Pag-uusisa ni Alena na nagdulot ng pagkawala ng ngiti sa mukha ng reyna.

"Malaki ang kasalanan ko sa iyong ina kung kayat naiintindihan ko kung bakit hanggang ngayun ay hindi niya parin ako kinakausap."

"Hay! Hayaan niyo na siya, basta para sa akin, wala kayong kasalanan. Hindi pa naman kayo reyna ng panahong iyon kaya ano bang magagamo?"

"Hindi man ako ang reyna ng panahong iyon ngunit ako parin ang makapangyarihang adayan. Kung sana lang ay may ginawa ako upang pigilan ang pagpatay sa boong angkan ng iyong ina baka sakaling-"

"Baka sakaling pati ikaw ay namatay narin." Dugtong ni Alena. "Hindi naman po sa pagmamaliit sa inyong kamangyarihan bilang adayan ngunit ang kaharian po ang umisig sa kanila. Salamat na ngalang at naitago mo ang aking ina at nagkita sila ng aking ama at hito may dalawa ka ng pamangkin. Isang susunod na reyna at isang tulisan. Alam niyo po tiya, laging sinasabi ni lolo na malas siya sa apo dahil lahat daw ay nagmana sayo." Dinugtungan pa iyon ni Alena ng tawa kaya natawa nalang din ang reyna sa isiping hindi lamang siya ang kumakalaban sa kanyang ama kundi pati rin si Alena.

Sa kahariang ito ay nahahati sa tatlo ang kapangyarihan. Ito sa Hari na pinaniniwalaan ng mga mamamayaan bilang anak ng langit, ang reyna na hawak ang mga mambabatas at mga heneral, at ang pangatlo ay ang ama ng reyna na siyang pinakamayamang mamamayan na animoy may sariling kaharian.

"Kumusta naman ang iyong ama? Sa tingin mo, dadalo kaya siya sa piging ng aking kaarawan mamaya?" Nagbabakasakaling tanong ng reyna.

Nahinto naman si Alena sa pagsuklay at malungkot na naupo sa tabi nito.

"Mahal kung tiya," pauna ni Alena at niyakap ang tiyahin. "Hindi pa ba ako sapat sa inyo?"

Napabuntong hininga na lamang ang reyna. "Alam ko na ang ibig mong sabihin. Hindi ko makikita ni anino ng aking kapatid."

"Wag na po kayong magtampo sa aking ama, alam niyo naman po na pinagbabawalan siya ni lolo na makipagkita sa inyo." Sabi pa ni Alena at pinakawalan na ang reyna mula sa pagkakayakap nito.

Pariho silang nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng silid na kinaruroonan nila at nagkakagulo ang mga pumasok.

"Unang prinsipe huminahon po kayo." Awat ng isang tagapagsilbi ng reyna sa prinsiping pumasok na animoy may matinding galit sa reyna.

"Mahal na reyna paumanhin po at hindi namin napigilan ang prinsipe." Hinging paumanhin naman ng babaeng katuwala ng reyna na higit na mas matanda kaysa dito.

Hindi tulad nilang dalawa na purong puti ang buhok, ang mga pumasok ay itim ang buhok na may kaunting kalong puti.

Hindi nagsalita ang reyna kaya si Alena na lamang ang tumayo at hinarap ang prinsipe. "Hayaan niyo na siya." Agad namang sumunod ang mga tagapagsilbi at pinabayaan na lamang ang prinsipe.

Dinapuan lang ng saglit na tingin ng unang prinsipe si Alena at dumako na ang tingin nito sa nakatalikod parin sa kanyang reyna. Walang salita itong naglabas ng sandata na nakatago sa loob ng katawan at itinutok iyon sa reyna.

Isa iyong uri ng ispada na may pula sa gitna na animoy ispadang uyaw sa dugo.

"Lapastangan!" Wika naman ni Alena na nagpalabas narin ng sandata. Walang hanggang haba iyon ng kadena na may matulis sa dulo. Mula sa kanang kamay ni Alena ay pumamaikot ito sa kanya na handang lumaban anumang sandali.

"Adayan Alena, hindi ikaw ang ipinunta ko dito kundi ang reyna." Wika sa kanya ng unang prinsipe.

Nilinga ni Alena ang reyna na nasa kanyang likuran ngunit nananatili parin itong nakaupo at nakatingin sa malaking salamin.

"Bakit? Sino ka ba upang lumikha ng gulo dito mismo sa loob ng silid ng reyna?" Si Alena. "Anong karapatan mong pagtangkaan ang buhay ng reyna na siyang kumalinga sayo at nag-aruga simula noong sanggol ka pa lamang?"

"Nais kong malaman...ikaw ba ang nagpapatay sa pamilya ng manggagamot na nagngangalang Salo Rayan?"

"Salo Rayan?" Pag-uulit ni Alena sa pangalang nabanggit at saglit na napaisip. Nang maalala niya kung sino iyon ay muli siyang napalingon sa reyna ngunit nananatili parin ito at walang kibo.

Naglaho ang sandata na pinalabas ni Alena at nakangising hinarap ang unang prinsipe.

"Kung hindi magsasalita ang reyna ay iyayag ko ang katutuhanan." Wika ni Alena at naghintay ng ilang saglit ngunit walang maririnig na salita mula sa reyna.

"Anong katutuhanan?" Pag-uusisa ng unang prinsipe at naglaho narin ang sandata hawak nito.

"Kahit ampon ka lang ng reyna ay itinuring parin kitang pamapit na kaanak. Kaya hindi ko lubos akalain na dahil sa babaeng yun ay makakaya mong patayin ang reyna. Tama ka, ang reyna nga ang nagpapatay sa pamilya ng babae mo. Ngunit hindi ka man lamang ba magtatanong kung bakit iyon nagawa ng reyna?"

"Ano man ang dahilan ng reyna ay hindi parin mababago ang katutuhanan naβ€”"

"Katutuhanan na ikaw ang pinili ng reyna kaysa sa pamilyang yun?" Natigilan ang unang prinsipe sa sinabing ito ng reyna. "Mula noong unang araw na pumasok yang babae mo dito sa kabahayan ng Hari ay alam na namin ang katutuhanan sa pagkatao niya at ang dahilan niya kung bakit siya naparito. Sinabihan kita na iwasan mo siya ngunit hindi ka nakinig kaya hito ka ngayon at nagpapagamit sa babaeng yun."

"Anong kinalaman ko sa pagpatay sa pamilya niya?" Muling tanong pa ng unang prinsipe.

"Nalaman lang naman ng manggagamot na iyon na hindi ka anak ng Hari." Lubos na ikinagulat iyon ng unang prinsipe. "Mabuti na lamang at nang-araw na iyon ay nasa paglalakbay ang Hari kaya sa reyna lamang nakapagsumbong ang manggagamot. Hindi pa kami ng kapatid isinisilang sa panahong iyon kaya ikaw lamang ang lubos na kinagigiliwan ng reyna. Nakiusap ang reyna sa manggagamot na iyon na ilihim ang katutuhanan sa pagkatao mo ngunit hindi niya pinakinggan ang reyna. Kinausap din ng reyna ang iyong ina na tumakas kayo ngunit ayaw ng ina mo dahil mas nanaisin pa daw nitong mamatay nalang kayong dalawa kaysa mag-hirap at magtago nalang habambuhay. Inamin ng iyong ina ang katutuhan iyon pati narin ang kung sino ang totoo mong ama. Kamatayan lamang ang naghihintay sa sino mang manglilinlang sa Hari, kaya upang mailigtas ka ay nilason ng iyong ina ang sarili at pinatahimik ang ayaw manahimik."

"Hindi ko giniling na may mamatay dahil sa akin." Iyak ng unang prinsipe.