Chapter 2 - 2

Natawa na lamang si Alena sa nakitang kalungkutan sa unang prinsipe.

"Ngayon sabihin mo, isa bang pagkakamali ang ginawa ng reyna at humihinga ka pa ngayon?"

Nanlumo ang unang prinsipe sa tanong na iyon ni Alena, siya pala ang dahilan kung bakit naulila ang babaeng iniibig niya.

"Unang prinsipe tinatanong kita." Pukaw niya dito ngunit tumingin lamang ito sa kanya. "Ay mali, hindi pala ikaw ang totoong panganay na anak ng Hari. Nais mo bang samahan kita sa kamahalan upang makamtan ng babaeng yun ang katarungan na hinahanap nito?"

"Kung yun ang paraan upang mapatawad niya ako." Malungkot na sagot ng unang prinsipe.

Isang malutong namang tunog ng sampal ang ikinagulat nilang lahat.

Mula iyon sa kamay ng reyna na sa isang kisap mata ay malapitan ng kaharap ang unang prinsipe na nakahawak nalang sa sariling pisngi na namamaga dahil sa sampal na inabot.

"Hindi kita pinalaking tanga!" Wika ng reyna sa unang prinsipe. "Isa akong reyna, ngunit para sayo ay ibinaba ko ang aking sarili upang pakiupan ng maayos ang manggagamot na iyon ngunit hindi niya ako dininig. Alam mo ba kung bakit? Dahil iniisip niya na gamitin ang totoong pagkatao mo upang makaangat sa katungkulan. Wala kang kasalanan sa ano mang pagkakasala ng iyong mga magulang ngunit ang batas natin ay walang kinikilingan at tulad ng mga sandata, wala itong mata upang mamili ng tatamaan."

"Maaari ko bang malaman kung sino ang totoo kong ama?" Hiling ng umiiyak ng unang prinsipe.

Hinawakan ng reyna ang mga kamay nito at hinalikan ang likod. "Ang Hari at reyna ang iyong mga magulang, yan lamang ang ilagay mo sa iyong isipan. Ikaw ang mahal naming unang prinsipe."

"Ngunit nais kong malaman kung sino ang totoo kong ama." Pagpipilit ng unang prinsipe.

"Lahat ng mga naririto ay alam ang katutuhan sa iyong pagkatao ngunit wala ni isa sa kanila ang maglalakas loob na magbanggit sa nakaraan mo dahil alam nila kung ano ang kahihinatnan nila at ng kanilang angkan. Ganoon din sayo, kung mababanggit mo pang muli ito ay ipinapangako ko sayong hindi mo na makikita pa ang babaeng iyon. Naiintindihan mo?"

Napatango na lamang ang unang prinsipe sa reyna.

"Anong nangyayari dito?" Biglang pumasok ang Hari kaya naman ay agad na nagluhuran ang mga tagapagsilbi na naroon at nagsiyuko naman sina Alena, unang prinsipe at ang reyna bilang pagbibigay galang dito. "Tama na yan, nais kong malaman kung bakit nagkakaiyak pa rito?" Natutuwang wika ng Hari.

"Mahal na Hari kakauwi pa lamang ng unang prinsipe, dalawang buwan siyang nawala dito." Ang reyna ang sumagot na mas lalong ikinatawa ng Hari.

"Mahal ko balita ko ay may napupusoan na yang ating panganay, kaya dapat lang ay masanay ka ng hindi siya madalas na makita." Balita ng Hari sa reyna.

"Totoo ba iyon prinsipe Sanu?" Kunwari ay hindi alam ng reyna.

"Ahh... Kasi...." Hindi naman alam ng prinsipe ang isasagot.

Napabung hininga na lamang ang Hari. "Naalala ko tuloy noong sanggol pa lamang ang unang prinsipe ay tanging ang reyna lamang ang nakakapagpatahan, samantalang ang iyong inang nagsilang sayo ay sumasabay nalang din sa iyong pag-iyak. Noong natoto ka namang maglakad na ay animoy anino ka ng reyna na laking katabi nito. Natigil ang Hari sa pagkwento dahil mas lalo lamang na naiyak ang reyna at ang prinsipe. "Tika lamang, Adanang Alena, ano ang nangyayari sa dalawang ito?"

"Ano po kasi...nais na pong pumukod ng unang prinsipe ng sariling tirahan sa labas po ng lungsod." Sagot ni Alena sa hari.

Napatingin naman sa kanya ang prinsipe na hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Una sa lahat ay wala sa usapan nila ang pag-alis niya sa kabahayaan ng hari lalo na ang manirahan sa labas ng lungsod. Umiiyak siya dahil sa mga sinabi ng Hari, utang niya ang kanyang buhay sa reyna na walang ninais kundi ang kabutihan lamang para sa kanya ngunit nagawa niyang hamunin ito.

Bumaling narin ang tingin ng prinsipe sa reyna na tumayong ina dito. Nagpapahid lamang ito ng luha na patuloy sa pag-agos at walang salitang lumalabas dito kundi ang paghikbi. Naiisip na lamang ang prinsipe na higit nga sigurong masmakabubuti na lumayo na lamang siya at baka ano pa ang magawa niya na ikapahamak ng reyna at sa huli ay hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.

"Unang prinsipe," tawag pansin naman ng Hari dito.

"Amang Hari."

"Kung hindi mo naitatanong ay natutuwa ako sa iyong pasya at ipinagmamalaki kita dahil boong inaakala ko na mananatili ka lamang sa lilim ng reyna at iyon ay labis kong ikinakalungkot. Hindi naman kasi natin maitatanggi na hindi habang panahon ay nandito kami ng reyna para sa inyo na mga bata, isang araw ay lilisanin namin ang mundong ito at magiging payapa lamang kami kung makikita naming maginhawa ang buhay niyo kahit walang gabay mula sa amin."

Napaluhod naman ang prinsipe. "Kahit nasa malayo man po ako ay mananatili sa aking sarili ang mga pangangaral ninyo ng reyna. Makakaasa kayong hindi ko ipapahiya ang pangalang ipinagkaloob niyo po sa akin."

"Anak ka ng Hari, ang Hari ang may pagkukulang kung ikaw man ay magkakasala sa hinaharap. Saan mo balak magtungo."

"Ang nais ko lamang po sa ngayon ay ang maglakbay. Yung nakaraan ko pong paglalagbay ay nakita kong marami pa po akong dapat na matutunan. Nais ko rin pong gamitin ang aking natutunan sa panggagamot upang matulungan ang maraming nangangailangan." Magalang na sagot ng unang prinsipe.

"Ngunit isa kang prinsipe, higit sa panggagamot ang nakaatang sa iyong balikat." Dagdag ng Hari.

"Patawad po ngunit sa tingin ko po kasi ay higit akong makakatulong sa inyong nasasakupan manggagamot po ako."

"Mahal na Hari," singit naman ni Alena. "Sa tingin ko po ay dapat na ikatuwa natin ang nais ng unang prinsipe. Sa katunayan po ay nasaksihan ko po mismo ang husay ng aking pinsan sa larangan ng panggagamot."

Wala ng nagawa ang Hari kundi ang pumayag na lamang habang ang reyna naman ay walang salitang lumabas sa bibig nito.

Inihatid ni Alena ang unang prinsipe palabas ng kaburan ng tahanan ng kapayapaan na siyang tirahan ng reyna.

Lumingon-lingon muna si Alena at ng mapagtantong wala namang sinuman ang makakarig sa sasabihin niya ay saka lamang siya nagsalita

"Marahil ay napagtanto mo narin kung bakit ang pangalawang prinsipe ang tinutukod ng reyna na maging tagapagmana ng hari."

"Dahil hindi pala ako totoong dugong bughaw. Wala akong karapatan." May mapait na ngiting sumilay sa labi ng unang prinsipe.

"At dahil doon, sa lahat ng mga prinsipe ay ikaw ang kinalulugdan ng Agila."

Napangiti ng totoo ang prinsipe. "Nagpapasalamat ako sa inyo ng kapatid mo na kahit na hindi ako totoong anak ng inyong tiyahing reyna ay itinuturing niyo akong kaanak. Humihingi ako ng paumanhin sa kapahangasan ko kanina."

"Masyado kang patawa. Isang lang ang hiling ko, ngayong alam mo na ang katutuhanan sa pagkatao mo, huwag mo sanang ibunyag ito. Manatili kang ang unang prinsipe." May dinukot si Alena sa bulsa ng kanyang saya. Isa itong batong-luntian na may nakaukit na agila na animoy binabantayan ang tulutot ng Sampagitang kaharap.

Iniabot ni ito sa prinsipe.

"Ang sagisag ng Agela. Salamat ngunit hindi ko matatanggap iyan."

Inabot ni Alena ang kamay ng prinsipe upang ilagay doon ang nasabing batong-luntian.

"Saan ka man magpunta ay dalhin mo ito. Hanggang  sa muli nating pagkikita."