Chereads / Florenzia Mysteria / Chapter 2 - KABANATA 1

Chapter 2 - KABANATA 1

Ang sikat ng araw ay bumulag sa aking mga mata ng ito'y aking iminulat. Hindi ko inaasahang mataas na pala ang sikat ng araw bago ako magising.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago napagdesisyunang bumangon.

Pagkatayo ko ay agad na bumungad sa akin ang delikadong gubat ng Leria. Mula dito sa aking kama ay matatanaw sa bintana ang maganda at nagsasayawang mga puno. Nakakatawa bagamat iisipin mong para isa itong paraiso. Ngunit nakakubli dito ang panganib na dala ng kagubatan. Halos lahat ng delikado at malalakas na klase ng halimaw sa mundo ng Leria ay dito naninirahan. Mula sa Ogre na mababangis papunta sa walang kaluluwang higanteng cyclops.

Maswerte lamang at takot ang mga ito sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin sila kapag tumapak sila sa aking teritoryo.

Bumalik ako sa aking huwisyo ng may marinig na kumakatok sa pinto ng aking maliit na bahay.

Walang emosyon akong naglakad papunta sa direksyon ng pinto at binuksan ito kaagad.

"Ano pa ang ginagawa mo dito mahal na binibini? Diba't ngayon ang petsa na pupunta ka sa kaharian ng Leria? Huwag kanang mag-aksaya ng oras bagaman oras na para ika'y makipagsapalaran." naghihingahos niyang buntad.

Umikot na lamang ang aking dalawang mata sa kaniyang mahabang pahayag.

Ang babaeng nasa aking harapan ay walang iba kundi ang diyosa ng Forbidden Forest na si Loresia at siya ang nagsilbing tagapangalaga ko simula noong napaslang ang aking kilalalang mga magulang.

Ang diyosang sakit lang sa aking tenga. Hindi mo maipagkakaila na sa kadaldalan niya ay isa pala siyang diyosa.

"Hindi ko nakakalimutan Loresia. Mag-aayos na sana ako kong hindi kalang dumating." walang emosyon kong tugon.

"Pasensya na mahal na binibini akala ko'y iyong nalimutan. Kung sa ganoon ay mag-iingat ka sa mundo ng mahika, Florenzia binibini." malumanay nitong saad habang nakayuko.

Lumamlam naman ang aking mga mata sa kaniyang paalala. Si Loresia ang nagsilbi kong tagapangalaga sa loob ng sampung taon mula ng namatay ang aking mga magulang ng ako'y walong taong gulang pa lamang. Siya ang diyosang nagpabatid sa akin na hindi ako nag-iisa. Siya rin ang nagpakilala sa akin kong sino talaga ako sa mundo ng Leria.

"Huwag kang mag-alala Loresia, kaya ko ang sarili. Aanhin ko ang aking mga kapangyarihan kong hindi ko kayang protektahan ang aking sarili?" malumanay kong saad at hinawakan ang kaniyang balikat.

Tumango lamang ito at ako'y niyakap ng mahigpit. I smiled at her genuine action.

"Mag-iingat ka doon Florenzia. Palagi kitang dadalawin sa iyong panaginip." tumango lang ako bago siya tuluyang nawala na parang bula sa hangin.

'Kaya niya namang palang magteleport, kumatok pa sa pinto.' wari ko sa aking isip at napa buntong hininga na lamang.

Wala na akong inaksayang oras at winagayway ang aking mga kamay sa ere. Lahat ng kakailanganin kong mga gamit ay nagsilitawan sa ere at pumasok sa mahiwagang sisidlan na aking dadalhin. Ang sisidlan kung saan pwede mong paglagyan ng maraming mga gamit ngunit hindi bumibigat at hindi nawawalan ng espasyo.

Pagkatapos kong gawin iyon ay dumiritso na ako sa banyo para magpaligo. Hindi nagtagal ay natapos din ako at nagbihis ng damit na naayon sa lugar na aking pupuntahan. Isang simpleng puting tee-shirt at maong na pantalon na pinarisan ng itim na sapatos. Nagsuot din ako ng sumbrerong itim para matago ko ang aking pulang mga buhok. Nagmukha akong isang lalaki sa aking isinuot ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

Pinalibutan ko ng tingin ang aking tahanan sa loob ng labing walong taon. Ngumiti ako ng mapait bago napagdesisyunang lumabas ng bahay.

Bago ko lisanin ang bahay pinalibutan ko muna ito ng isang malakas na protective barriers para hindi mapasukan ng kahit anong halimaw o kahit tao.

Pagkatapos kong gawin iyon ay tinahak ko ang makitid na daan papunta sa lagusan na magdadala sa akin sa kaharian ng Leria kong saan nakatayo ang Akademya.

Sa bawat makakasalubong kong mga halimaw ay nagsisipaunahang makatakas. Animo'y para bang may gagawin akong masama sa kanila. Tumaas ang dalawa kong kilay sa kanilang inakto. Ipanagsawalang bahala ko na lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad papuntang lagusan.

Kahit may teleportation magic ako ay mas pinili ko na lamang maglakad ng ilang minuto. Hindi ko gustong umasa na lamang palagi sa aking kapangyarihan.

Lumipas ang higit sa kalahating oras na paglalakad ay nakarating din ako sa lugar.

Ang lagusan ay napapagitnaan ng dalawang malalaking puno ng Preya.

'Guisaloz leviscavata' sambit ko bago lumitaw ang kulay berdeng lagusan.

Wala na akong sinayang na oras at agad na pumasok.

Hinigop ako ng malakas na pwersa mula sa lagusan. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata ng maramdaman ang pagkahilo. Hindi ako sanay sa lagusang ito. Para bang hinihigop nito ang kaluluwa mo papuntang empyerno. Napatawa ako sa aking naiisiip.

Napamulat ang aking mga mata ng may maramdaman akong liwanag sa paligid. Nasilaw pa ako ng umpisa ngunit nasanay din hindi nagtagal.

Napa nga-nga ng kaunti ang aking bibig ng bumungad sa akin ang napakatayog na Gate ng Eskwelahan. Hindi ko inaasahang ganito pala kaganda ang aking pupuntahan. Malayong malayo sa anyo ng kagubatan.

'Welcome to Lerium Academy' ayon sa sulat na nakaukit sa malaking tarangkahan ng eskwelahan.

Mula dito sa aking kinatatayuan ay makikita mo ang matatayog na inpastrakturang makaluma ngunit nakakaaya. The school is sorrounded by the colorful nature and culture. Ang gintong kulay ay naaayon sa kagandahan ng kapaligiran. Hindi maipagkakailang ito ang pinakasikat na eskwelahan sa mundo ng Leria. Balita ko dito din nag-aaral ang lahat ng mga anak ng may mga dugong bughaw at mayayamang pamilya sa Leria.

Napangisi ako ng makabawi sa aking pagkabigla.

Ilang sandali ay naglakad na ako patungo sa kinaroro-unan ng malaking tarangkahan.

Pagkarating ko ay may sumalubong sa aking magandang nakangising babae. Banta ko ay nasa kwarenta anyos ito pataas. 

"Anong maipaglilingkod ko magandang binibini?" bungad nitong saad.

Ipinakita ko naman kaagad ang hinanda ni Loresia na dokumento para sa akin. Tumango tango lamang ito ng makita nito ang laman.

"So you're a transfer student from Airendel Academy. I'm Mrs. Larra Francisco." inilahad niya ang kaniyang mga kamay sa akin para mangamusta na agad ko namang tinanggap. "Maligayang pagdating sa Lerium Academy Iha. Hiling kong maging mabuti ang pag-aaral mo dito." ngumiti ito ng nakakaloko. Weird. "Sundan mo ako at kailangan kapang pumunta sa Head Master's office." dagdag nito bago bitawan ang aking mga kamay at sinenyasan akong sundan siya.

Hindi ako nagdalawang isip at sinundan na lamang ito. We entered the tall and magnificent gate. Kung ano kaganda sa labas ay ganun din kaganda sa loob. Kumikislap lahat ng makikita mong mga bagay. Ang mga enchanted fairies ay makikita mo lang kong saan-saan. The students are well clothed with their respected uniforms. Nahiya naman ako sa aking suot na damit.

Kumuyom lamang ang aking dalawang kamao nung makita ang nandidiring tingin ng mga estudyante sa paligid. Kung ano kaganda ng eskwelahan ay ganon din kasama ang mga estudyante. Their eyes are full of disgust, worry and judgement. I smiled sarcastically in my head.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa pag sunod kay Mrs. Francisco na pumasok sa loob ng malaki at magandang gusali.

Dali-dali akong naglakad sa kinaroroonan ni Mrs. Francisco ng huminto ito sa tapat ng malaking pinto.

She smiled at me and motion her hand to follow her inside.

Wala na akong inaksayang oras at sinundan ito papasok.

Nang makapasok ako ay naramdaman ko ang malakas na aura na nakapalibot sa loob ng kwarto. Ngumisi ako dahil sa excitement na naramdaman.

"Head Master we have a new  transferee." Mrs. Francisco murmured in the air.

Umihip ang malakas na hangin bago lumitaw ang bulto ng matandang lalaki sa aming harapan. The air teleportation magic. I smiled secretly.

"Who do we have here?" he welcomed and grin happily in my direction. Ngumiti ako ng pabalik sa kaniya.

"Good Morning." i bowed. "I'm Florenzia Crisostomo from Airendel Academy. Nice to meet you po." magalang kong pakilala habang nakangiti parin.

Be polite Florenzia.

"What a beautiful girl. Welcome to Lerium Academy Florenzia. I'm Head Master Apollo." ngumiti ito ng matamis. Naramdaman ko naman ang paggalugad nito sa aking isipan. Trying to read my mind huh?

I'm sorry Head Master. I'm not weak for you to be played with.

Biglang kumidlat sa labas at narinig ko ang sigawan ng mga estudyante. Even Mrs. Francisco fliched in my side.

"Thank you po Head Master!" i grinned mysteriously. Nakita ko naman ang pagkabigla sa kaniyang itsura. Epic.

"T-this will be your new school kaya't hiling namin na maging mabuti ang pananatili mo d-dito." he stummerly said. "Ito ang susi ng iyong kwarto." sabay abot nito sa akin ng gintong susi na tinanggap ko kaagad. "Ang iba mo pang mga gamit ay ipapahatid nalang namin sa iyong magiging kwarto. You have your own room in the girls dormitory. You're classes will start tommorow Iha. Magpahinga kanalang muna ngayong araw." he smiled halatang nakabawi na sa pagkakabigla.

"Sige po Head Master. Salamat po ulit." sensiro kong pasasalamat. Ngumisi lamang ito pabalik na may halong pagkamangha sa mukha.

"Walang anuman Iha. Ikinagagalak namin ang pag lipat mo sa aming paaralan. Sundan mo lang si Mrs. Francisco. She will assist you in your Room."

Tumango ako bago binalingan ng tingin si Mrs. Francisco na yumuko muna kay Head Master Apollo at nagtinginan ng makahulugan bago lumisan.

Kagaya ng sinabi ni Head Master Apollo ay hinatid ako nito sa aking sariling kwarto.

Hindi ko inalintana ang maiinit na tingin ng mga estudyante sa aming madadaanan. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad ng walang emosyon.

Hindi nagtagal ay nakarating din kami sa tapat ng kulay kayumangging pinto. Pinasalamatan ko naman kaagad si Mrs. Francisco sa mabuting pag asikaso sa akin. Ngumiti lamang ito ng pagkatamis-tamis bago lumisan.

Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pinto at pumasok.

'What a beautiful day, indeed.'