Naalimpungatan ako ng maramdaman ang tawag ng kalikasan. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nag aayos ng aking mga gamit.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo. Nang matapos ako ay binigyan ko ng pansin ang loob ng aking silid. Kombinasyon ng dilaw at berde ang kulay ng buong kwarto. The bed is also big and spacious. May maliit ding kusina at kumpleto din sa pagkain ang mini ref. I smiled. The room looks lively and i like it.
Pinapaalala nito sa akin ang aking tirahan sa Forbidden Forest.
Napailing-iling ako sa aking naisip.
Napatuon ang aking mata sa yunipormeng naka hanger sa naka bukas na closet. Hindi ko pala ito nasara kanina.
Hindi ko maipagkakaila na maganda ito. Red Blazer na may pares na white inner sleeveless with red necktie. Pinaresan din ito ng Black na palda, black knee lenght sacks and black school shoes.
At kada yuniporme ay may guhit na stripes sa bawat dulo ng Collar para malaman kong anong year level kana. One stripes represents for first year. May iba't ibang kulay ng logo ding nakatatak sa may bahaging dibdib basi sa kong anong seksyon ka napapabilang.
Basi sa school book nilang binasa ko kanina bago ako matulog ay every logo color corresponds your level of magic and section.
First and the lowest one ay ang color Green. The Inferior Section. At ang seksyon kong nasaan ako napapabilang bagaman ako'y bago pa lamang. Dito makikita sa seksyong ito ang mga estudyanteng may mga abilidad katulad na lamang ng Invisibility, Super Speed, Mind Reader, Teleportation, Healing at iba pa. Ngunit huwag maliitin bagaman kahit mahina ang sakop ng kanilang kapangyarihan ay malalakas at matatalino ang estudyanteng napapabilang dito, sabi sa libro.
The second one is the color Blue. The Master Section. Ang seksyon namang ito ay napapabilang sa mga estudyanteng may kalakasan ang mga kapangyarihan, katulad na lamang ng pagmamanipula sa Yelo, Electricity, Weather, Magma, Sound, Telekinesis, Illusionist, at iba pang unique powers at sangay ng apat na elemento.
And the last but not the least ay ang Color Red or i should say the Superior Section. This section is the most feard section says the book. Ang mga estudyante daw dito ay masyadong gifted. Napapabilang din dito ang mga Royal Bloods or Elites. Sila ang mga estudyanteng kayang manipulahin ang isa o dalawalang elemento katulad ng hangin, tubig, lupa, at apoy. They also have their own unique abilities given by the Gods and Goddesses.
I smiled. Mukhang hindi naman pala boring ang pag-aaral ko dito. Superior huh? Let's see what you've got.
Napahinto ako sa pag-aanalisa ng mga impormasyon ng may makita akong nakamasid mula sa bintana ng aking kwarto. Isang lalaking naka hood at naka upo sa sanga ng kahoy habang nakatingin sa akin. Humalakhak ako ng bigla na lamang itong nawala ng maramdamang nakatingin din ako sa kaniya.
Nagkibit balikat lamang ako at napagdesisyunang magluto ng panghapunan dahil hindi ko namalayang gabi na pala.
Lumipas ang isang oras ay natapos din kaagad ako sa pagluluto. Kumain na lamang ako ng deritso ng maramdaman ang pagkagutom. Nakalimutan kong hindi pala ako nakapag pananghalian sa lawak ng aking pagkakatulog.
Hinugasan ko naman ang aking ginamit na pinggan pagkatapos kong kumain.
Its already 9 in the evening but my eyes is not yet sleepy. I sighed.
Kinuha ko ang aking leather jacket na naka hanger at napagdesisyunang lumabas ng kwarto. Hindi naman ako naligaw bagaman napag aralan kuna ang mapang ibinigay sa akin. I use my power to hide my presence or aura and muted my movements. I'm good at this.
Naunawaan ko kanina na instriktong ipinagbabawal ang lumabas sa ganitong oras. Ngumisi lamang ako. This is my first time here but i already broke a rule. So me.
Lumipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating din ako sa tinatawag nilang Mystique Garden sa likod na parte ng paaralan.
Halos mapanganga ako sa ganda ng hardin. Lahat ng mga halaman at puno ay umiilaw dulot ng Glimmer Dust na sinasaboy ng mga Enchanted Fairies. The view is quite breath taking.
Nang makalapit ako ay nagsibalingan ang mga Enchanted Fairies sa aking gawi. Nakita kong namilog ang kanilang maliliit na mata ng makilala kong sino ako. With the use of my adjustable eyesight and super hearings ay makikita at maririnig ko ang kanilang pagpapanic. I laughed from their funny reactions.
I motion them to be silent and they immediately followed.
Agad naman nila akong pinalibutang lahat na para bang tuwang tuwa ng makita ako.
'Ang ganda-ganda mo mahal na Binibini.'
'Opo. You're the most beautiful woman i have ever see.'
'Gorgeous!'
I giggled. "Flaterrers."
Lumaki ng husto ang pamimilog ng kanilang mga mata sa aking sinabi at kalaunay humagikhik silang lahat na para bang naintindihan ang pangyayari.
'Ikinalulugod po namin na makita kayo rito sa paaralan magandang Binibini. Kung kailangan mo po ang aming serbisyo, karangalan po naming pagsilbihan ka Mahal na Binibini.' One of the enchanted fairy with a crown smoothly said. Ngumiti lamang ako sa kaniya ng malapad bago tumango.
"What are you doing here?" napaiktad ako ng may magsalitang baritonong tinig sa aking likuran.
I was pre-occupied that i didn't notice his movements and presence. Napatampal ako sa aking nuo bago siya harapin.
A gorgeous man welcome me with a frown.
"Paumanhin Ginoo, gusto ko lamang magliwaliw at magpahangin." i explained. "Ngunit ano din ang ginawaga ng lalaking katulad mo rito?" balik na tanong ko.
Natigilan naman ito ng sandali bago ako sagutin. "Huwag mong ibalik sa akin ang tanong. Hindi mo ba ako kilala?"
"Hindi ako magtatanong kong kilala kita ginoo. Nais ko lamang mabatid kong ano ang iyong paliwanag." malumanay kong sagot.
"Never mind. Basta't huwag kang maglalabas sa ganitong oras. Its dangerous for a girl like you. Mukhang mahina kapa naman."
Ngumiti lamang ako ng matamis sa kaniya at hindi inalintana ang kaniyang pang iinsulto.
"Huwag kang mag alala ginoo. Hindi na mauulit." i smirked. You wish.
Tinalikuran lamang ako nito na nagpalawak ng aking ngisi.
'Ang bastos mo ginoo. Sana'y ika'y lapain ng sampong demonyo.' I smoothly whispered. Narinig ko naman ang tawanan ng mga enchanted fairies sa aking sinabi, na batid kong kanilang narinig.
Mga chismosa't chismoso. I laughed secrectly and decided to go back in my room and settle myself in bed.
'Sana'y magkita pa tayo ginoo. Nang sa ganoon ay makita mong hindi ako ang inaasahan mong mahinang babae.' I murmured before darkness annihilate my conciousness.