Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Stranger X

🇵🇭Heart_Throb_Killa
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.9k
Views
Synopsis
+++++Kung sinomang nakapagbasa nito, wag kayong mag-alala, mag uupdate po ako naging busy lang dahil sa ibang work, salamat sa pag-babasa, sana mag-iwan din po kayo ng komento tungkol sa gawa ko.+++++ Si Maya ay isang mang-lalakbay sa iba't ibang dimension at panahon. Naniniwala siya na mahahanap niya sa ibang dimension ang isa pang pag-katao ng nasira niyang kasintahan. Nang makarating si Maya sa kasalukyang mundo natin, dito niya nakilala si Silver, ang katulad ng pag-katao ng kanyang dating kasintahan. Naging malapit na mag-kaibigan ang dalawa at nalalapit ng maging mag karelasyon. Subalit ang oras na pwedeng magtagal si Maya sa ating mundo ay limitado, inaya niya si Silver na sumama sa kanya. Subalit ng malaman ni Silver ang hiwaga sa pag-katao ni Maya ay hindi siya makapaniwala at nangamba ito. Bago tuluyang umalis si Maya, binigyan niya ng kapangyarihan si Silver na pag-mamayari ng dati niyang kasintahan. At sinabi niya kay Silver; "Silver, kung sakaling magbabago ang isip mo, gamitin mo ang kapangyarihang ito. Hanapin mo ako sa ibang dimension, wag kang mag alala na hindi mo ako mahahanap dahil kapag ginamit mo ang kapangyarihan ito, mag-kakaroong ng senyales ang agimat ko at kapag nangyari yun ay maghihintay ako para sayo.
VIEW MORE

Chapter 1 - Stranger in parallel

Di ako sigurado kung saang mundo nako napunta ngayon, pero isang bagay lang ang sigurado ako. Hindi ito ang mundong hinahanap ko, hindi ito ang mundong pinanggalingan ko, at higit sa lahat, hindi sa mundong ito ko mahahanap si Maya. Nag lakad lakad ako sa paligid, at napansin ko, mukha namang mapayapa ang lugar na ito. Pero, bigla na lang may narinig akong babaeng sumisigaw at umiiyak sa may bandang iskinita. Napalakad ako papunta malapit sa iskinita upang mag usyoso, at pag lapit ko dito, may nakita akong tatlong lalakeng lumabas sa eskinita at mukha silang mga goons. Nang makalayo na ng tuluyan ang mga goons mula sa eskinita ay nag punta na ako sa loob ng eskinita para makita kung ano ang nangyari dito. Nakita ko ang isang lalaking may edad na nakahandusay sa sahig habang umiiyak ang isang dalaga na nakayakap dito. Sa tingin ko ay mag ama sila. Duguan ang lalaki, Lumapit ako sa lalaking nakahandusay at yumuko ako para tignan ang dibdib niyang duguan. Umiiyak na tumingin sa akin ang dalaga. Maganda siya, pero di ko muna inisip yun, tinanong ko agad kung ano ang nangyari. Sumagot ang dalaga.

"Binaril po nila papa ko kuya." Umiiyak na sagot ng dalaga.

Tinignan ko ang dibdib ng lalaki, nilapit ko ang kanang kamay ko sa kanyang dibdib at nagumpisang umilaw ang aking palad. May roon akong iilang espesyal na abilidad, at isa lang sa mga kaya kong gawin ay ang mag pagaling.

Lumabas ang limang bala sa dibdib ng lalaki at gumulong ito sa dibdib niya papunta sa sahig. Naramdaman kong nagugulat na ang dalaga sa nakikita niyang ginagawa ko. Napaubo naman ang lalaki at unti unti nang dumilat ito. Nang laki ang mga mata ng dalaga na basa ng luha habang nakatingin sa akin.

"Mukang okey na ang papa mo." Sabi ko sa dalaga.

Muling ibinaling ng dalaga ang kanyang pansin sa kanyang ama at tinanong ito.

"Papa, okey ka na ba?"

Sumagot ang kanyang papa ng mahina at tila may nararamdaman pang kirot.

"Oo, ang sakit ng tama ko sa dibdib."

Dahan dahang bumangon ang lalaki.

Inalalayan namin ng dalaga na tumayo ang kanyang papa.

"Papa! pinagaling ka ng lalakeng to, mukhang isa siyang Guardian!"

Sabi ng dalaga.

Nagulat ako ng marinig ko ang sinabi ng dalaga, "Guardian" Hindi ko alam kung ano yun pero sigurado ako na tumutukoy ito sa mga nilalang na may espesyal ba abilidad tulad ko. Hindi pala ligtas ang lugar na ito, dahil may mga ibang nilalang na nabubuhay dito na mayroong kapangyarihan. Kailangan kong mag ingat.

Napatingin sakin ang papa ng dalaga.

"Salamat ho, ginoong Guardian."

Sabi niya.

Hindi ako sumagot, nag umpisa na kasi akong kabahan. Kadalasan kasi sa mga ganitong klase ng mundo, kapag napag-alamang na isa kang nilalang na may kakaibang kakayahan, may mga ibang nilalang din na pupuntahan ka upang hamunin, ayoko munang mapalaban uli, ayoko munang maranasan ang pakiramdam ng malapit ka sa iyong katapusan. Hindi pa naman ako bihasa sa aking kakayahan, kasalukang natututo pa lang ako. Ewan ko nga ba eh, bakit ko pa sila nilapitan, sana lumayo na lang ako.

Bigla ko na lang silang iniwan at nag lakad ako ng mabilis palayo.

--------- Scene 2 ----------

Nakalayo na ko ng husto sa eskinita, at hindi ko na talaga gusto pang mag-stay pa dito. Pakiramdam ko same thing lang mangyayari dito, May lalapit nanamang malakas at wirdong nilalang sakin, mapapalaban nanaman ako. Hahanap na lang uli ako ng ibang mundo, yung tahimik at walang mga kakaibang nilalang. Kung makakahanap lang sana ako agad ng vortex, aalis agad ako dito.

Naramdaman ko na parang umaambon habang nag-lalakad ako. Napatingin ako sa langit, maulap, at naramdaman ng mukha ko ang mga pagpatak ng ambon.

Sumilong muna ako sa labas ng isang convenience store, nang tuluyan ng bumuhos ang ulan. Habang nag hihintay sa pag tigil ng ulan, nilabas ko ang Cellphone ko at binuksan ang app na kayang mag search ng pinakamalapit na vortex. Nakakita agad ako ng isa na malapit lang sa lugar ko ngayon. Mga isa't kalahating metro lang ang layo, napaka swerte ko, kadalasan inaabot ako ng ilang linggo o minsan buwan pa nga para makakita lang ng vortex. Siguro tadhana talaga ang may gusto na hindi ako magtagal sa lugar na to dahil tama ang pakiramdam ko na delikado ako dito. Pupuntahan ko agad ito pag humina na ang ulan. Pero kakain muna ako, hindi pa kasi ako kumakain simula ng dumating ako sa mundong to. Kakailanganin ko ng extrang lakas sa pag bukas ng Vortex.

Pumasok ako sa convenience store, nakita ko ang isang lalakeng nag babayad sa cashier, napansin ko ang papel na pera na inabot niya. Hindi ito tulad ng perang papel sa mundo na pinang-galingan ko. Kararating ko lang dito at wala akong pera sa tulad sa mundong to, kakailanganin kong gumamit ng kapangyarihan upang makakuha ng makakain. Pumunta ako kung saan nakalagay ang mga softdrinks, binuksan ko ang salaming pintuan ng ref at kinuha ang rootbeer na nasa can. Sinarado ko ang ref, at gamit ang aking kapangyarihan na tinatawag na magical chest, ay pinaliit ko na kasing laki ng alikabok ang rootbeer habang hinihigop ito ng enerhiya sa aking palad. Marami akong chichirya na nakita, kaso ang kailangan ko yung mabigat sa tiyan. Tamang tama, may mga siopao sila at hotdog sa house steamer. Kumuha agad ako ng dalawang asadong siopao sa house steamer at isang hotdong na may kasamang tinapay. Isa isa silang lumiit at hinigop ng kapangyarihan ko sa aking palad. Buti hind matao sa loob ng conveniece store, walang nakakita sa ginagawa ko, kaya nag madali na agad akong lumabas. Nang makalayo na ako, saka ako pumunta sa isang tabi at nilabas gamit uli ang kapangyarihan ko sa isa kong palad ang siopao, at sa kabilang palad ko naman ay yung rootbeer, kinagat ko agad yung siopao, at masarap siya kahit walang sauce.

-------- Scene 3 ---------