Pag-katapos kong kumain, nag madali na akong puntahan ang vortex na nalocate ko gamit ang mapa na app sa cp ko. Gumamit muli ako ng kapangyarihan, ito naman ang tinatawag kong Firefly. Nag-transform ako bilang isang maliit na ilaw na kasing laki din ng isang alitaptap, saka lumipad na kasing bilis ng bala.
Saktong sakto sa border ng siyudad at outskirts ang vortex. Although ang vortex ay hindi visible kapag hindi pa naaactivate, gamit ang kapangyarihan sa aking palad na tinatawag kong "Gate opener," kinapa kapa ko ang hanging na para bang pader habang nakatayo ako sa damuhan ng border ng outskirts at siyudad. Napalakad lakad ako at ipinikit ang aking mga mata habang kinakapa ang vortex, kasabay nito ay dumadampi ang hangin sa aking mukha at buhok at talaga namang napakasarap sa pakiramdam. Maya maya, Biglang naramdaman kong umilaw ang aking palad. Nakaramdam din ako ng pisikal na bagay sa aking nakapa. Napabukas ang aking mga mata dahil malamang ito na ang vortex na hinahanap ko. Tinapat ko lang ang palad ko kung saan ko naramdaman ang vortex at ginamit ang kapangyarihan sa aking palad upang palitawin ang vortex na ito. Maya maya lang ay lumitaw na ang vortex sa aking harapan. Pero, laking gulat ko, bakit may mga kadenang nakaharang sa vortex. Tila ba nakakandado ito. Natigilan ako sandali, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Di kaya, kaya may mga kadenang nakaharang dito ay dahil ang vortex na ito ay lagusan papunta sa isang lugar na delikado? Hindi ko talaga alam, tinignan ko uli sa cellphone ko ang app na nag lolocate ng vortex, naisip ko na baka naman hindi ito ang vortex na hinahanap ko at baka may iba pa. Pag tingin ko sa app, iisa lang talaga ang vortex na nalolocate nito at wala ng iba.
Bwiset! Wala na akong pake! Kung mapunta man ako sa delikadong lugar, hahanap na lang uli ako ng vortex para makapunta sa ibang mundo! Nabad trip talaga ako, kaya nilabas ko mula sa aking palad ang balisong sword ko, pinaikot ikot ko ang balisong sword saka ko hiniwa ang mga kadenang nakaharang sa vortex. Pag bagsak ng mga-naputol na mga kadena sa lupa, biglang may lumabas na malaking signage na kulay pula na tila gawa sa mahikang enerhiya at nag-sasabing "!!!ALERT!!!" Sa harap ng vortex.Bigla ding may tumunog na alarma sa paligid pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang tunog sabay may mga window screen ang biglang nag sulputan sa paligid ko. Isang lalaki ang nasa mga window screen ang nag salita at mukha siyang alagad ng batas.
"HOY!!! SINO KANG GA*O KANG NAG BUBUKAS NG VORTEX HA?" ARESTADO KA GA*O!!!"
Nagulat ako bigla, tatalon na sana ako papunta sa Vortex pero biglang nag balik sa dati ang mga kadena na pinutol ko.
Sinubukan kong hiwain muli ang mga kadena gamit ang balisong sword.
SHANK!!!!
pero hindi na tumalab ang balisong sword ko.
Nag-salita ang lalaking pulis sa windows screen.
"TANGA!!! HINDI MO MAPUPUTOL YAN! GAWA ANG KADENANG YAN SA PINAKAMALAKAS NA MAHIKA! MABUTI PA SUMUKO KA NA LANG DAHIL ILANG SEGUNDO NA LANG AT DARATING NA MGA KASAMA KO PARA HULIIN KA, DI KA NA MAKAKATAKAS!"
Sinenyasan ko ng middle finger ang lalaking pulis sa window screen.
Tatakbo na sana ako palayo pero pag lingon ko ay may mga sangkatutak na pulis na ang paparating at nag-liliparan sila. Mga pulis na may pakpak ng mulawin.
Hindi na ako nag dalawang isip, ginamit kong muli ang firefly at tumakas ng mabilis at walang kahirap hirap.
+++++++++++Ang mga Pulis ++++++++++++
Pag-katapos ng kalahating oras, nakarating sa hepe ng pulisya ang recorded video na kuha ng satellite camera ang nangyaring pag tatangkang pag-bukas ni Silver ng Vortex.
Sa kasulukang pinanonood ito ng Hepe sa loob ng meeting room kasama ang dalawa pang pulis, nakaupo sila at pinag aaralan ang video.
Isang babae ang hepe, may mahabang pink na buhok at maganda. Ang pangalan niya ay Chief Cindy.
"Nakita niyo ba yun? Teleportation, tila teleportation ang ginamit ng suspect sa pag-takas." Sabi ng Hepe.
Ang dalawang pulis na kasama ni Chief Cindy ay ang mga pinakamatinik at malupit na investigador sa departemento nila. Sila si Detective sergeant Lito at Detective constable Marlon.
Si Detective Marlon, may taas ng 5"11, mas matangkad at malaki ang katawan kay Detective Lito.
"Kung mahuhuli natin ang salarin, maaari ba nating gamitin ang dna niya para kupyahin ang kakayan niya? Parang gusto ko ding mag karoon ng kakayahang mag teleport, hehe."
Sabi ni Detective Marlon.
"Hindi pa natin alam ang lahat ng impormasyon tungkol sa salarin, maaaring may iba pa siyang kakayahan. Mabuting alamin niyo na muna bago niyo tangkahing huliin."
Sabi ni Chief Cindy.
"Hindi nga natin alam, baka mas malakas pa yan sa ating inaakala."
Sabi ni Detective Lito, may taas na 5"7 subalit mas makisig at experyensiyado kay Detective Marlon.
Sumagot si Detective Marlon.
"Maaari, pero nakahanda naman ako kung saka sakali na katulad din siya ni Bangkay.
Gamit ang Chiri voice command program sa computer, sinubukang hanapin ni Chief Cindy ang kinalalagyan ni Silver.
"Chiri, mag-hanap ka ng taong may antas ng enerhiyang lagpas ng 200 na hindi rehistrado sa lugar ng Rodriguez City.
Sabi ni Chief Cindy.
Lahat kasi ng nilalang sa Rodriguez na may enerhiya na lagpas 200 ay nakarehistro sa computer. At karamihan sa kanila ay mga Guardian police.
Dali dali namang pinakita ng computer ang natagpuan nito. At ayon sa datus ng mapa ng computer, isang nilalang na may lagpas 200 ang enerhiya ang matatagpuan sa isang tinatawag na Hayatt hotel sa Rodriguez.
Tumayo si Detective Lito.
"Tara Detective Marlon, puntahan na natin ang suspek."