"Kuya Paulo!" sigaw ni Chloe ng makakita siya ng ipis habang nasa garden siya. Mabilis naman siyang pinuntahan ni Paulo upang tingnan.
"What? Parang nakakita ka naman ng ahas dyan kung makasigaw ka Maria Chloe." Asar nito sa kanya.
"K-kasi...may ipis akong nakita dun sa gilid ng paso kuya." Nakangiwi niyang sagot dito. Napakapit din siya agad sa matipuno nitong braso. Halos itago pa nya ang mukha sa malapad nitong likod sa takot.
"Wala na ang ipis, and what are you doing here in the first place?" Paninita nito sa kanya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa matipuno nitong braso.
"Wala kasing signal sa loob, so I chose to came here." Sagot niya. Nakatitig pa rin ito sa kanya na parang sinisigurado kung tama ang sagot niya.
"Next time, h'wag ka nang lumabas para lang sumagap ng signal. Pwede mo namang restart ang wifi modem, right?"
Hindi talaga siya mananalo kahit kailan sa kanyang kuya Paulo. Palagi na lang itong may dahilan at sagot sa lahat ng kapilyahan niya. He's been a good brother to her since bata siya. And now that she's finally twenty, para pa ring baby ang turing nito sa kanya. Lahat halos ng nangliligaw sa kanya ay ito muna ang humaharap, kaya ang ending...wala pa siyang naging boyfriend since birth. Napaka istrikto nito pagdating sa kanyang mga suitors, daig pa ang kanyang Daddy na pinapayagan naman siyang magboyfriend ng tumuntong siya sa tamang edad. In all those care and being the best kuya na pagtrato nito sa kanya, masasabi niyang she's so lucky to have him as her brother.
"Hmmmp, para dito lang sa labas...bawal pa rin?" Irap niya dito.
"Ang sa akin lang, paano kung wala ako sa bahay? Si Dad and Mom naman ay di ka agad mapupuntahan, sino ang sasaklolo sayo kapag nagtitili ka dyan dahil sa ipis? Sige nga?" Alam niyang nagsisimula naman siyang asarin nito, at sa huli ay wala siyang pwedeng gawin kung hindi ang sumunod dito.
"Okay po. Para kang matanda kung magsermon kuya. Haizt." Reklamo niya.
"By the way, I'll be out for dinner. Medyo late na ako makakauwe and sila Dad naman tomorrow pa darating from Hongkong." Balita nito sa kanya.
"Okay. Kuya, remember Brix? Pupunta siya dito for dinner, magpapaluto ako kay Manang Ising. Since na wala ka naman mamaya sa dinner, kami na lang ang kakain na dalawa sa dinner okay?" Pagpapaalam niya dito. At katulad ng dati ay bigla namang kumunot ang mga kilay nito kapag narinig na nagpapaalam siya sa mga pagbisita ng mga suitors niya.
"No. Hindi mo siya papupuntahin dito sa bahay lalo na at wala ako. Sila Daddy ang unang magagalit kapag nagpumilit kang pumunta dito ang lalakeng iyon." Matigas nitong pahayag sa kanya.
"Well, alam ko namang sasabihin mo yan kaya nauna na akong magpaalam kila Dad. And guess what, pumayag sila na bumisita dito si Brix, basta at hindi siya masyadong gagabihin." Nakangiti niyang sagot sa kanyang Kuya Paulo.
"Ma. Chloe! Huwag matigas ang ulo, okay. Hindi mo papupuntahin dito ang lalakeng iyon dito." Pinal nitong sabi sa kanya. Pero sa halip na sumang-ayon siya sa sinabi nito ay tuluyan na siyang bumitaw sa braso nito at saka lumakad papasok ng main door ng bahay nila.
"Not this time, kuya." Nakangiti niyang sagot dito na lalong nagpagalit sa awra nito. Nakita pa niyang inilagay nito ang dalawang kamay sa waist nito ng isara niya ang pinto ng kanilang bahay. Finally, siya naman ang masusunod kung sino ang mga gusto niyang makasama.
Pumunta nga si Brix sa bahay nila katulad ng usapan nilang dalawa. Nakita naman niyang umalis ang kanyang Kuya Paulo kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman niya hahayaang gabihin masyado si Brix sa bahay nila kahit na nagpaalam siya sa kanyang mga magulang. At makakauwe naman ito ng maayos dahil may dala itong sariling kotse.
"Chloe." Sinalubong niya sa entrance door nila si Brix na sakto namang kabababa lang ng kotse nito. Napansin niya agad ang mga white roses na dala nito at pagdaka ay inabot sa kanya.
"Brix...ang akala ko ay mga past seven ka pa makarating?" Nakangiti niyang bati dito.
"Yeah, but I chose to came here early para makapagkwentuhan pa tayo ng matagal.And by the way, this is for you." Agad niyang tinanggap ang bouque of roses na dala nito at inamoy.
"Brix, thank you for these flowers." Nakangiti pa rin niyang sabi dito. At niyaya na niya itong pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Habang kumakaen sila ng hapunan ay manaka-naka ang tawanan nila. Gusto niya ang palaging pagbibiro ni Brix sa mga simpleng bagay na nagpagkukuwentuhan nila. Hindi ito boring kasama.
"And I know na magugustuhan mo ang resort namin sa Pangasin. Its a private resort na nabili nila Papa kaya walang masyadong nagpupunta dun. Tahimik at relaxing." Mayamaya ay kuwento nito sa kanya. Napag-usapan kasi nila kung saang mga lugar masarap magbakasyon. At bigla nitong naisip na ikuwento ang private resort ng pamilya nito.
How I wish na payagan siyang sumama ng kanyang mga magulang sa private resort na iyon nila Brix. Lalo naman ang Kuya Paulo niya, baka marining pa lang nito ang pangalang Brix ay umiiling na ito at paniguradong its a big NO ang sagot nito sa kanya. Napabuntonghininga na lang siya pagkatapos.
"Buti ka pa ang dami mo nang napuntahang lugar for enjoyment nuh? And with your friends pa. Samantalang ako, nakakagala nga kaya lang palagi namang kasama ang mga parents ko at si Kuya Paulo."
"Huwag kang mag-alala Chloe. One of this days ay ipagpapaalam kita kila Tito at Tita para makapagbakasyon ka sa Pangasinan kasama ko." Pangako nito sa kanya. Uminom siya saglit sa baso ng juice niya at nginitian ito.
"How I wish na pumayag sila Brix, lalo na si Kuya Paulo." Nangingiti niyang turan dito.
"Speaking of your Kuya Paulo, sobra naman ata ang pagkaprotective nya pagdating sayo nuh? Imagine lahat ng manliligaw mo sa college ay natakot nya, ako lang ata ang matapang tapang na hindi sumusuko sayo," pabirong saad nito sa kanya. Totoo naman ang sinabi nito sa kanya, kaya nga hindi man lang niya nakikilala pa ang mga suitors niya ay sumusuko na ang mga ito lalo na at kapag nakilala na ng mga ito ang kanyang Kuya Paulo.
Bukod sa ________ looks nito, plus ang malaki at matikas nitong katawan na kinahuhumalingan ng maraming babae...sino ba naman ang hindi mai-intimidate once na makausap na ito? Kaya ang ending ay susuko na lang ang mga manliligaw niya ng dahil na rin sa pagiging protective nito sa kanya.
Nagpatuloy ang masaya nilang kwentuhan habang kumakain at pagkatapos ay niyaya niya si Brix sa entertainment room nila para manuod ng movie. Talagang nagdownload pa siya ng mga romantic movies para maanuod nilang dalawa. Nagpaluto din siya ng popcorn at drinks nila sa kanilang maid. Kasalukuyan silang nanunod ng movie ni Alden Richards at Katrin Bernardo ng may marinig silang busina ng sasakyan mula sa labas ng kanilang bahay. Agad siyang napatayo para silipin sa glass window ng silid kung sino ang sakay ng dumating na kotse sa baba. At ganun na lang ang panlalaki ng mata niya ng mabungaran niya ang Ford na kotse ng kanyang Kuya Paulo!
Shit! Bat ang agang umuwe ni Kuya? Dati rati at halos abutin na ito ng madaling araw sa mga business meetings at party na pinupuntahan nito. Bakit ngayon ay pasado alas nuwebe pa lang ay umuwe na ito? Bumalik ang tingin niya kay Brix na tahimik lang na nanunuod ng movie. Nagdasal na lang siya na sana ay dumeretso na ito sa sarili nitong silid at h'wag na silang sitahin ni Brix tungkol sa pagbisita nito sa kanya.