Chereads / My Brother's Identity / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Nagkita sila ni Brix sa isang mall sa Pasay. Nauna itong dumating sa kanya kaya ito na ang humanap ng restaurant na pwede nilang kainan. At pinili nito ang isang Italian restaurant na kita ang magandang view ng Manila Bay sa labas.

"I'm glad you came." Pinaghila pa siya nito ng upuan.

"Pasensya ka na, medyo na late ako. Nag-usap pa kasi kami ni kuya." Alangan niyang sabi dito.

"It's okay. Ano naman ang pinag-usapan nyo?" He's eying on me habang inaayos nito ang napkin sa lap nito.

"He said sorry for what happened last night."

"And...?" mabilis nitong tanong muli sa kanya.

"Let's not talk about him, Brix." Medyo na concious siya sa maari niyang isagot, kuya pa rin naman niya ang pinag-uusapan nila in the first place.

He gave a deep sighed then asked her. "Okay. Umorder muna tayo. What do you want?"

"You decide." Simple niyang sagot kay Brix. Alam naman nito ang mga favorite food niya kaya hinayaan na niya na ito ang umorder sa kanilang dalawa.

Naging masaya ang lunch date nila.Bahagya niyang nakalimutan ang away nilang magkapatid. At ng saktong ibaba niya ang baso ng juice na hawak niya ay biglang tumunog ang cellphone niya. Rumihistro ang pangalan ng Kuya Paulo niya.

Uwe ka na, bati na tayo...please.

Napangiti siya ng manipis ng mabasa niya ang text nito sa kanya. Sinusuyo naman siya nito pagkatapos ng ginawa nito sa kanya kagabi. Palibhasa at uuwe na ang mga magulang nila mamaya kaya naisip nitong makipagbati na sa kanya.

"Who's that?" Hindi na napigilan ni Brix na tanungin siya. Napansin siguro nito ang pag-aliwalas ng mukha niya ng mabasa niya ang text sa kanya ng kanyang Kuya Paulo.

"Si kuya, nagsosorry naman. Pakibhasa ay pauwe na sila Daddy mamaya kaya nakikipagbati na sa akin." Nakangiti pa rin siya habang kausap si Brix.

"Okay...so bati na ulit kayo?" Paniniguro nito sa kanya.

"Ummmp, oo. Ganun lang naman si Kuya Paulo palagi, masyado lang siyang protective sa akin." Pagdadahilan niya. Kilala naman niya ang kanyang Kuya Paulo. Mabait ito sa lahat, at talagang nagkakaproblema lang sila pagdating sa mga manliligaw niya.

"Chloe...I have to tell you something." Untag nito sa kanya.

"Yeah, may sasabihin ka nga pala sa akin. What's that?" Nagpahid pa siya ng napkin sa labi bago muling tumingin ng diretso dito.

"I...w-ant you to be my...girlfriend, Chloe." Hindi agad siya naka imik sa sinabi nito. The mere fact na alam naman niyang nangliligaw ito sa kanya, iba pala ang feeling kapag personal na siyang tinanong nito.

"Ammmm..." Alangan siyang ngumiti sa harap nito. Para namang hindi humihingi ang itsura nito habang hinihintay ang pagbuka ng labi niya.

"Yes!"

"Y...yes? You mean pumapayag ka na maging girlfriend ko Chloe?" Lumuwang ang pagkakangiti nito sa kanya at tuluyan na itong napatayo sa kinauuuan nito. She's already anticipating kung ano ang susunod nitong gagawin.

She was halted when he suddenly hugged her for a second then looked her in the eyes.

"You don't know how much you made me happy Chloe. I love you." Todo ang ngiting sumilay sa mga labi nito ay talagang pareho silang masaya ng mga sandaling iyon. The feeling is mutual, eka nga.

"I know...at saka alam ko naman na seryoso ka sa nararamdaman mo sa akin di'ba? Kung hindi, sana ay sumuka ka na kagabi pa lang dahil sa ginawa sa atin ni kuya." Pabiro niyang turan dito. At muling sumilay ang mga biloy nito sa dalawang pisngi na nagpa guwapo dito sa kanyang paningin.

At napag desisyunan nilang dalawa ni Brix na sa bahay nila muli sila maghapunan para sabihin sa mga parents niya ang tungkol sa pagiging mag boyfriend at girlfriend nilang dalawa.

Magkahawak sila ng kamay ay sabay silang naglakad sa entrance ng kanilang bahay. Base sa mga kotseng nakaparada sa garahe ng malaki nilang bahay ng mga oras na iyon ay alam niyang nakauwe na ang kanyang mga magulang. At excited siyang ibalita sa mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Brix.

Pati ang mamahaling kotse ng kanyang Kuya Paulo ay nasa garage nila kaya alam niyang malalaman na rin nito ang tungkol sa pagkakaroon niya ng kauna-unahang boyfriend. After finishing her college course, ngayon pa lang siya magpapakilala sa kanyang mga pamilya ng isang boyfriend kaya bukod sa excitement ay talagang kinakabahan siya.

Agad silang nagtungo sa dining area ng bahay dahil alam niyang nandoon ang mga magulang ay kuya niya. Pagbungad pa lang nila sa entrada ng dining area nila ay agad na naglingunan ang mga ito sa kanila, partikular sa mga kamay nila ni Brix na magkahawak.

"Hija..." bungad agad sa kanya ng kanyang Daddy.

"Dad." Lumakad sila ni Brix papalapit sa mesa na hindi tinatangal ang mga kamay nila na nagkahawak.

"Mukhang may ibabalita ata ang prinsesa natin, Arturo," makahulugang saad ng kanyang Mommy na hindi mawala ang ngiti ang sa mga labi habang nakatitig sa kanila ni Brix. Ang Kuya Paulo naman niya ay pirmis lang na nakatuon ang pansin sa plato na nakaharap dito. Pero nang titigan niya ito ay nakita niyang mahigpit ang mga hawak nito sa mga kurbiyertos at mayamaya ay dinampot naman nito ang baso ng tubig saka uminom. At doon nagtama ang kanilang mga mata. Something strange hit her. Parang puno ng galit ang mga mata nito at hindi niya maipaliwanag ang dahilan kung bakit siya nito tinitigan sa ganoong paraan. Hindi ba dapat ay masaya ito sa pagkakaroon niya ng boyfriend? Kapatid niya ito in the first place, at kung may tao man na dapat na unang-una na babati sa kanila ni Brix ay ito ang kanyang Kuya Paulo. Pero hindi naman iyon ang nangyari. Katulad ng dati ay galit naman ito kapag may nakita itong umaaligid na lalake sa kanya.

"Both of you, sit down. Gusto namin na magkuwento kayo sa amin tungkol sa status ng relasyon ninyo." Ang Mommy niya ang nagtanong. Nagulat pa siya ng galawin ni Brix ang kamay niya at titigan siya.

"Love, upo na tayo." Bulong sa kanya nito. At napatango na lang siya kahit na ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa kanyang Kuya Paulo.

"So, what does it mean?" sunod na tanong ng kanyang Mommy sa kanila ni Brix. Pareho silang napangiti dahil sa uri ng mga tingin ng mga magulang niya sa kanilang dalawa. Hindi na nila kailangan pang magkuwento sa mga ito, and she knew the fact na boto ang mga ito kay Brix bilang boyfriend niya dahil matagal na magkasama sa negosyo ang mga pamilya nila. At maging ang mga magulang ni Brix ay gusto na silang dalawa ang magkatuluyan.

"Kayo na bang dalawa?" Untag muli ng kanyang Mommy sa kanilang dalawa. At muli ay pinisil ni Brix ang isa niyang kamay na hawak nito. At ito na ang sumagot sa tanong ng mga magulang niya.

"Yes po tito. Kami na ni Chloe, at masaya po kami na ibalita sa inyo ang tungkol doon." Masayang sabi ni Brix. Sumilay naman sa mga labi ng kanyang mga magulang ang ngiti dahil sa binalita ni Brix.

"I'm so glad na hindi na namin kayo kailangang pilitin na dalawa na magkagustuhan, at mismong kayo na ang umamin sa relasyon ninyong dalawa."

"Oo nga hon. At saka nasa tamang edad naman na si Chloe to have a boyfriend, di'ba?" Magiliw na pagsang-ayon ng kanyang ina.

"Oo naman. At itong si Paulo, sooner or later ay alam namin na may ipapakilala na rin itong mapapangasawa sa atin, tama ba anak?" Lahat sila ay napalingon sa gawi ni Kuya Paulo na tahimik pa rin hanggang ng mga oras na iyon. Sadya niyang hinintay ang magiging sagot nito. Alam niyang maraming mga babae ang nagpapahaging dito dahil na rin guwapo, matalino at bachelor's characteristic nito. She got curious who ever that woman na sinasabi ng kanyang Daddy na ipapakilala nito sa kanila bilang magiging asawa ng kanyang Kuya Paulo.

"Arturo, alam mo namang dedicated sa trabaho ang anak natin na si Paulo. H'wag mo siyang apurahin at lalake naman iyan, okay lang kung mag focus muna siya sa mga businesses natin kung wala pa siyang napipisil na mapapakasalan, ano ka ba." Saway ng kanyang ina sa kanyang Daddy. Pero muli itong nagsalita.

"Alicia, were not getting any younger. At gusto ko namang maranasang mag-alaga ng mga apo bago pa ako tuluyang hindi makalakad dahil sa gouts.

Narinig niyang malakas na tumawa ang kanyang Mommy at maging si Brix sa sinabi ng kanyang Daddy, at nagkunwari na siyng napangiti na lang din kahit na ang totoo ay may part ng puso niya ang bahagyang nasaktan sa isiping magkakaroon na ng sariling pamilya ang kanyang Kuya Paulo, at hindi na siya ang magiging center of the eye nito. And her heart suddenly felt jealous because of that.

Nagtaas ng lingon si Kuya Paulo at diretsong tumingin sa akin na nagpakaba ng aking dibdib. His eyes are full of emotion that she can't explain where coming from. Parang malalim na dagat ang mga mata nito na nakatunghay sa kanya ng mga oras na iyon. Isang dagat na hindi niya kayang languyin dahil sa lalim na taglay nito.

"Yes Dad...ipapakilala ko na si Patricia sa inyo one of these days." His eyes were still on her while saying those words. Muli ay nagulat siya sa binalita nito.

Mayroon na pala itong nagugustuhang babae para pakasalan. And again, it makes her feel sad for she don't know the reason. Dapat nga ay maging masaya siya dahil sa wakas ay magkakaroon na ito ng sariling pamilya at hindi na siya nito makukuha pang paghigpitan.

At siya na ang nagbawi ng tingin dito ng nanatili itong nakatitig sa kanya, not considering the presence of other people around them that time.