Chapter 1: Abandoned Child
Sa kadiliman ng isang maulan na gabi, sa bayan ng Lispinas, isang babaeng nakabelo at may hawak na bayong ang palapit sa isang munting kubo. Dama ang lungkot sa bawat paghikbi nito habang binabagtas ang harap ng tahanan ng mag-asawang Layda at Emeros.
Dahan-dahan nitong inilapag ang bayong at nagwika,
"Nawa ay mamuhay ka ng normal, masaya at malayo sa daang tinatahak naming ng iyong ama. Ang kuwintas na ito ang magsisilbing proteksyon sa lahat ng sakuna na mararanasan mo."
Di pa man sumisilip ang araw, biglang ginising ni Layda ang asawang si Emeros at sinabing,
"Eros, parang may naririnig akong iyak ng bata sa labas."
Dali-daling lumabas si Layda at bumungad sa kanya ang isang malaanghel na sanggol. Mapungay ang mata nitong may luha, mapupula ang katamtamang nipis na labi at may payat na pangagatawan.
"Eros, halika at tignan mo, may nag-iwan ng sanggol sa pinto natin."
Lumapit si Eros, "Kaawa-awang bata, bakit naman nila iyan iiwanan?"
May galak sa mata ni Emeros at Layda habang tinitignan ang sanggol. Matagal na silang mag-asawa ngunit wala pa rin silang anak. Pagdakay ipinasok nila ang sanggol sa loob ng bahay.
"Tignan mo, may kuwintas ang bata, may nakaukit na pangalan, Sawsee." puna ni Layda.
Sabi ni Emeros, "Hindi yan inabandona, mukhang sadyang iniwan siya sa harap natin Layda."