"Airports have seen more sincere hugs and kisses than wedding halls"
********
Clyde's PoV
"Ano?! Ngayon ang dating ni Mr. Dreyfus?! How come I wasn't been informed?!" dumadagungdong ang boses ko sa buong opisina.
Nakatayo sa harap ko ang secretary ko na pansamantalang pumalit kay Anna.
Naiiyak na napayuko siya. "I-I'm so sorry Sir, nawala ko po kasi yung handbook ko at kanina lang po tayo finallow up patungkol sa pagdating ni M-Mr. Dreyfus"
Frustrated na napahilamos ako sa kamay ko.
"You know that Mr. Dreyfus is our biggest possible foreign investor sa taon na ito! How can you be so sloppy Briana?!"
"S-Sorry po sir" napapahikbing paumanhin niya.
God! Hindi ko inexpect na ganito pala kahirap pag wala sa tabi ko si Ana!
Ilang ulit na akong natempt na tawagan siya para pabalikin pero pilit ko itong pinipigilan.
Hindi rin ako sigurado kung kamusta na sila ni Willam sa Nueva Viscaya. Whether that friend of mine is still alive or not.
Also, Ana is not a robot, she needs some time for herself too pero masyado akong nahihirapan sa sekretarya ko ngayon.
Naiinis na tumayo ako mula sa swivel chair at kinuha ang file case ko.
"Anong oras ang dating niya sa Airport?"
"T-Ten Thirty po"
Napatingin ako sa relo ko. Its 9:45 in the morning. I hope na makakahabol ako o di kaya ay hindi maipit sa matinding traffic papuntang Pasay.
"I'll go and try to meet him" saad ko at iniwan siya sa opisina.
Hindi na ako makakahabol kung magapapahatid pa ako sa driver kong si Carlo kaya sumakay nalang ako sa aking ever trusting big bike at mabilis na pinaharurut ito.
Kailangang makarating ako sa Airport sa lalong madaling panahon or I can give a goodbye kiss to my ten-million-dollar contract!
Eiffel's PoV
Paglabas ko mula sa Boarding gate ng airport ay tinangal ko ang rayban shades ko, napatingin ako sa paligid. It feels so nostalgic. I'm back to the place where I was born.
To the place where I met him...
It's almost been nine years ng huli akong tumapak sa mismong lugar na ito. Noong araw na pinili kong talikuran at kalimutan ang lahat.
Napatingnin ako sa asul na kalangitan.
Now, there is nothing left but painful memories which I wish to end.
Sinuot ko muli ang aking shades at hinila ang maleta ko.
I am wearing a white semi formal dress with a red scarf around my neck. Black prada shoes were on my feet and my hair is fixed in a neat bun. Simple na nga ang get up ko but I still stand out effortlessly on the crowd. Lahat ay napapalingon at napapatitig sa akin.
Well, that is not new to me anymore. I am a confident woman now.
Naglalakad ako ng biglang may nakadumbo sa akin at nahulog ang mga papeles na dala nito. It was a man wearing a black suit with shades on. Mabilis na pinulot niya ang mga nahulog na papeles kaya hindi ko na nakita ang mukha niya.
"Shit!" naiinis na napamura pa ito gamit ang baritong at malalim ang boses "This is all your fault Briana! Pati ba naman exact terminal hindi mo pa alam e samantalang tatlo ang terminals dito sa NAIA!" sermon nito habang may kausap sa cellphone.
Agad akong umuklo para tulungan ito sa pagpulot.
Kukunin ko na sana ang huling papel ng biglang sabay na naglapat ang mga kamay namin. Tila may kuryenteng dumaloy sa kamay ko the moment his hand touched my skin.
Mabilis na inagaw ko ang kamay ko na tila napaso at saka tumayo.
"I-I'm sorry" paumanhin nong lalaki at nakayukong tumango nalang ako saka ito nilagpasan habang hatak hatak ang maleta ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Bakit bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang kamay ko? Why is that his touch was so familiar?
Napatigil ako sa paglalakad at at dahan dahang napalingon muli sa likod ko.
I saw the man earlier walking away.
"You are so weird Eiffel"
Saad ko nalang sa sarili ko at nagpatuloy muli sa paglalakad. Kailangan ko pang ipickup si Puffy. And my son is also waiting for me now.
Clyde's POV
"S-Sir sorry po talaga" paumanhin ni Briana sa kabilang linya.
"Never mind. Tatawagan ko nalang ang secretary ni Mr. Dreyfus para alamin kung anong terminal ang flight nila. Pagbalik ko ay iayos mo ang notes mo, I don't want to have an incompetent secretary like you" sermon ko sa kanya pinatay ko na ang phone ko.
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa babeng nakadumbuan ko kanina.
And just like me, she was already walking away towards the opposite direction. That was really odd, the moment I felt the sudden contact with her cold hand, I felt something.
Her touch was so nostalgic, na parang alam na alam ko ang kamay na iyon.
I took a deep breathe, I don't have the time to waste and thus, I continued towards my destination.
"Just forget it Clyde"
"""
"It was nice having a conversation with you Mr. Dreyfus" saad ko at nakipagkamay sa may katandaang negosyanteng italyano.
"It's a pleasure making business with you Mr. Fuentabella, you are indeed been well trained by your father"
Buti na lang at nakahabol ako sa pagdating ni Mr Dreyfus kanina. Agad ko naman siyang niyaya sa isang restaurant para makapaglunch and talk with him at the same time.
"Thank you Sir"
"I hope that my Roweina could find someone like you as her husband. A man like you can be a huge asset in my company" sabi niya at napatingin sa anak niyang babae.
"Dad, I think I already found him" makahulugang sagot nito at tumingin sa akin na may mga ngiti sa kanyang mga labi.
Kanina ko pa napapansin ang pagpapacute nito sa akin, but I only focused on transacting with her father. Para nga akong hinuhubadan sa mga titig niya. At tinatasan ako ng balahibo sa pagnanasa niya sa akin.
Ngumiti ako "My wife is my inspiration for all my hard work" mabilis nawala ang ngiti ni Rowena sa sinabi ko.
"So the rumors are true! The young business tycoon is already married! Your wife is lucky to have you" at tumawa siya.
"It is I who is lucky to have my wife sir"
"I'm excited to meet her Clyde" singit ni Roweina while eyeing the ring on my left hand.
"Roweina's right, I hope you can come with your wife in the party the Chans arranged" request ni Mr Dreyfus, katulad ko ay invited din ang iba pang mga mamayayamang business man pero hindi ko inakala na isa ang mga Dreyfus sa pamilyang inbitado.
"You're going to attend their Party?" Gulat na tanong ko.
"Yes, aside from the reason of meeting with you, my one and only daughter requested me to attend that party. I believe she's friends with the heiress of the Chan Family, right darling?" Explain ni Mr Dreyfus.
"Of course Daddy. You know how friendly I am. So, I hope we will see your wife with you in that party Clyde. I want to make friends with her" she stated with her charming face but that venomous meaning of her words didnt scape from my ears.
"My wife's out of the country at the moment, but I'll try to talk with her" maagap na sagot ko.
Tumaas ang kilay ni Roweina "If I am your wife, I'll never let you out of my sight, even a single minute"
Lihim na napamura pa ako! This is why I hate liberated women. They look at me as if I was some sort of meat that they are so excited to taste! Ipapahamak pa ata ng bratinelang babaeng ito ang transaksyon namin ng ama niya!
"Well, my beloved wife is different, she knows that she is the only woman I'll ever lay my eyes on and never will I consider any women out there" direct to the point na tugon ko and looked at Roweina who was very insulted and wasn't able to reply. Wala siyang pinagkaibahan kay Elizabeth.
Birds with the same feather's flocks together nga naman.
I smiled towards Mr. Dreyfus "Sir, thank you for your time and I hope you will enjoy your stay in the country" pagpapaalam ko at nakipagkamay
"No problem Mr. Fuentabella, just what like Roweina said, I hope to see you again in the party of the Chans, and kindly give my regards to your father"
Anak ng! Mapipilitan ba talaga akong dumalo sa walang kakwenta kwentang party na iyon?!
"Sure Sir. If that is what you like, then let's just see other again" napipilitang sagot ko. And with that I already left the restaurant.
Saka ko na nga lang proproblemahin ang party na iyon! I'll just have Briana act as my wife to render that Roweina.
Pagkalabas ko ay napatingin ako sa papalubog na araw,
Another day that would end.
I rode my big bike at pinili ng umuwi, bukas ko na lang aasikasuhin ang mga naiwan kong paperworks sa office. It was a pretty tiring day for me after all.
After I parked my vehicle ay sumakay ako sa elevator patungo sa floor condo unit ko dito sa Makati.
My mom wanted me to stay in our mansion but since I'm already adult, I told her that I want to try being independent at wala naman siyang nagawa.
Napatigil ako sa harap ng pintuan ng unit ko.
Memories from nine years ago flashed inside my mind.
Naalala ko na sa tuwing papasok ako sa loob ng simple naming bahay ay andoon siya, naghihintay sa pagbalik ko at ngingiti sa akin habang sasabihan ako ng "Welcome Home"
Nakaayos na ang lamesang puno ng pagkain at sasabayan niya akong kumain saka kwekwentuhan tungkol araw niya.
Everytime na bubuksan ko ang pintuan ko, lagi akong nagdadasal na magkaroon ng isang milagro...
Na sa pagbukas ko ng pintuan ko ay may naghihintay muli sa paguwi ko, na may babati ulit sa akin...
Na sana... Kahit minsan lang, sa pagbukas ko ng pintuan ko ay daratnan ko ang batang iyon...
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.
Pero...
Kahit ilang beses akong magdasal sa lahat ng santo ay hindi mangyayari iyon.
Sa tuwing pagpihit ko ng doorknob ay ang madilim at malamig na lugar ang bubungad sa akin.
A painful reality.
I smiled bitterly and switched the light on.
Kumalat ang liwanag sa loob ng condo unit. Pagod na umupo ako sa couch at inabot ang remote saka inon ang TV.
Nilibot ko and paningin ko sa malawak na espasyong inuukupahan ko. It was too big for a single person like me and that makes it lonelier.
Living alone somehow feels like my own kind repentance for hurting her.
Tumayo ako at binuksan ang sliding door papunta sa veranda ko.
The cold breeze kissed my skin as I took a deep breath. The view from below is so majestic. Kumukutitap sa dami ng mga ilaw ang lugar.
Malungkot na napatingala ako sa kalangitan. According to the news ay may meteor shower daw ngayon.
Every now and then ay inaalalam ko ang schedules ng meteor showers. Memorized ko na nga ata ang pattern ng mga astrologist eh, after all, it been nine years that I'm doing this. Nakakatawang isipin na tinalo ko pa ang mga bata kakaabang sa kalangitan.
Wala akong masyadong makitang mga bituwin sa taas which I already expected because the city lights always outshines them.
Pero kahit ganoon ay lagi parin akong nakatingala sa itim na kalangitaan.
"Sabi nila pagnagwish ka sa falling stars ay matutupad iyon diba? So right now I'm wishing"
"Naniniwala ka doon?"
"Wala namang mawawala diba?"
Napangiti ako with the memory flashed inside my mind.
That is the reason kung bakit lagi akong nagaabang ng meteor shower. Kahit na wala naman akong nakikita.
"Anong hiniling mo?"
"That we will always be together"
I closed my eyes and silently wish.
It doesn't matter kung hindi man ito matupad o kung gaano ito kaimposible.
All I just want is to wish. Because who knows?
Maybe this time,
Matupad na ang kahilingang siyam na taon ko ng paulit ulit na hinihingi kay bathala.
"I wish to be with her once again..."