Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

A Soul Raised By Love

πŸ‡΅πŸ‡­Mae_Herrera
--
chs / week
--
NOT RATINGS
27.5k
Views
Synopsis
This story is about a woman named Sofia who accidentally sinned against a woman who had died. When due to an accident Sofia's soul was separated from her own body. It was for the sake of the woman he had sinned against. There was a necklace of life that Sofia was destined to have. But it was captured by an evil soul with a desire to live again to take revenge. But there will come a man who can help Sofia and she will love him as much as she can bet even her own life.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Lola,Lola . Ayoko pa po kayo umalis. Diba po sabi nyo gusto nyo pa ako makitang ikasal. E bata pa po ako kaya matagal pa yun. Kaya po wag muna kayo aalis "Iyak ko habang nanghihina na si Lola ko habang nakahiga sa hospital bed.

"Apo. Hindi na kaya ng Lola. Chaka makikita namn kitang ikasal e. Hindi namn ako mawawala sa tabi mo"sabi naman sa akin ng lola ko.

"Ha? Paano po yun lola?"Inosenteng tanong ko namn sa kanya.

"Apo. Hindi naman porket mamamatay na si Lola ay aalis na ako. Yung kaluluwa ko. Babantayan ko kayo. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Hindi mo nga lang ako makikita, pero mararamdaman mo ako." sagot naman ni Lola.

"Talaga po ?" tanong ko nanamn sa kanya.

"Abay oo naman, basta palagi mo lang isipin na nanjan ako palagi sa tabi mo" sabi naman nya.

"Opo lola, mahal na mahal po kita"sabi ko naman habang umiiyak na ng maiisip na hindi ko na sya makikita uli pag namatay na sya.

"Anak. Sofie?" tawag namn ni Lola sa Mommy ko.

"Yes ma?"sagot namn ni Mommy.

"Kapag tumungtong na si Sofia sa 18 years old kunin mo yung box sa ilalim ng higaan ko. At ibigay mo yun sa kanya ha?" sabi namn ni lola kay Mommy.

"Yes mama, ako na pong bahala doon"sagot naman ni Mommy na pinipigilang umiyak ng.malakas habang hinang hinang sinasabi ng Lola ko iyon.

"Mahal na mahal kita apo. Yung ibibigay sayo ng Mommy mo pag 18 kana. Isuot mo yun ah ?"sabi naman ni lola sa akin.

"Opo lola " yun lang ang naisagot ko sa kanya at lumipas ang ilang sigundo at bigala nalang pumikit si Lola at hindi na sya nagsalita at gumalaw pa. At dahil duon ay umiyak na ng tuluyan sila Mommy ko.

...

Makalipas ang ilang araw at inilibing na ang Lola ko. Naging matamlay si Mommy pero lumipas ang ialang araw at bumalik sa dati ang lahat.

Kapag naiisip ko naman si Lola ay nalulungkot ako pero iniisip ko lang yung sinabi nya na lagi syang nasa tabi ko kaya hindi nako nalulungkot, kasi ayaw niya akong nakikitang malungkot.

At lumipas ang ilang taon . 4 na buwan nalang mag e eight teen nako.

...

So abangan nyo nalang ang chapter 1 kung saan magsisimula na ang kwento ^_^

Sana maenjoy nyo ang kwentong ito.

μ‚¬λž‘ν•΄ μ–Έλ‹ˆπŸ˜

❀️ 자맀 고유 ❀_